Natapos ang Infragilis Vow ceremony nang hindi ko namamalayan at sa wakas ay mag mamartsa na ang buong kampo pabalik sa palasyo pero hanggang ngayon ay umi-echo parin sa utak ko ang sinabi ni Luke kanina.
Napa-iling iling ako at pinilit na kalimutan ang lahat ng iyon at nag focus sa kasalukuyan. So what kung naalala niya ang infragilis vow na ginawa namin nuong bata pa kami? Hindi noon mababago ang katotohanang isa siya sa mga naging dahilan ng pagkasira ng buhay ko. Naging mapayapa naman ang naging paglalakbay namin sa palasyo kahit na kasama namin yung mga barbarians at mga tauhan ni Luke dahil hindi naman sila gumawa ng gulo dahil bukod sa mas madami na ang bilang ng mga tauhan ni Trevas ay hawak din namin ang mga pinuno nilang sila Luke at Alaric na payapang nakikisama sa amin. Nasa pinaka front lines kami nila Trevas, ang tatlo pang generals, si Lina at sa likod naming anim ay sila Luke at Alaric at pare pareho kaming nakasakay sa kabayo. “May tanong ako” sabi ko kay Trevas bago pinalakad yung puting kabayong sinasakyan ko papalapit sa kaniya. “Hmm?” “Kaya mong magbago ng anyo?”tanong ko dahil kahapon pa ako curious nuong naglaban sila ni Luke. Napalingon bigla sa akin si Trevas at tinignan ako na para bang ang tanga-tanga ng tanong ko. “Hindi mo alam?” “Magtatanong ba ako kung alam ko?” pag-iirap ko sa kaniya na siya namang ikinatawa niya. “tulad nang nakita mo kahapon sa laban namin ni Luke, ang ultimate skill ng isang light at dark user ay ang magbago ng anyo” “Really?” “Hindi ba ganon din ang Ice user?” tanong ni Trevas na siyang ikinalaki ng mga mata ko. “Ang ice, Dark, at light element ang pinaka rarest element sa lahat dahil hindi mo makukuha ang element na iyon kung ni isa sa mga magulang mo ay wala non. Kinikilala ding pinaka malakas na element ang tatlong iyon dahil ang mga may ice, dark, at light element lang ang kayang makapagbago ng anyo. Ang light user ay kayang magtransform bilang isang anghel, ang dark user ay kayang magtransform bilang isang demonyo at ang ice user naman-“ “Ay kayang magtransform bilang paro-paro” pagpapatuloy ko sa sinasabi niya. Napatango si Trevas. “Hindi lang basta paro paro, kaya mong magtransform bilang isang Goddess of butterflies” Bigla akong napatigil at kunot nuong napatingin sa kawalan pero lalo akong naguluhan sa sunod na sinabi ni Trevas. “Wala ako masyadong alam sa mga ice user dahil ikaw ang unang-unang naging ice user mula noong biglang naglaho si Psyche” “Psyche?” sino yun? “Wala akong masyadong alam tungkol sa kaniya dahil 3 years old palang ata ako nuong napabalita ang paglalaho niya. Psyche is also known as the goddess of butterflies” Goddess of butterflies? ‘Anna?’ Hindi sumagot si anna dahilan para mapakunot ang nuo ko. ‘Anna?’ tawag ko ulit. ‘Don’t ask me, hindi ko sasagutin ang mga tanong mo’ ‘Hindi ba ikaw ang Goddess of Butterflies?’ tanong ko pa r in sa kabila ng babala niya. Narinig ko siyang napabuntong hininga pero hindi niya sinagot ang tanong ko. ‘Sino si Psyche?’ tanong ko ulit pero tulad ng nauna kong tanong ay hindi siya sumagot. Magtatanong nang magtatanong pa sana ako sa kaniya at kukulitin siya hanggang sa aminin na niya ang totoo pero biglang nabalik ang atensyon ko sa kasalukuyan nang maaninag ko na ang nagtataasang pader ng capital ng Beifang kung saan matatagpuan sa pinaka gitna ang palasyo. Nawala na sa isip ko ang tinatanong ko kanina kay Anna nang bumukas ang gate ng capital at tumambad sa amin ang mga tao na sa malamang ay hinhintay ang pagbabalik ng kung sino man ang makakahuli sa leader ng mga barbarians pero mukang hindi ata sila natuwa nang makita kung sino ang nagwagi at hihirangin na tagapagmana ng trono. Tahimik ang lahat habang naglalakad kami sa gitna ng malawak na daan papunta sa malaking gate ng palasyo. Ibang iba ang reaksyon ng mga tao sa pagsalubong nila kay Trevas sa nakasanayan kong reaksyon ng mga tao tuwing bumabalik si papa galing gera nuong nabubuhay pa siya. Malakas ang sigawan ng mga tao at malawak ang mga ngiti nila habang sinasalubong ang heneral na tagapagtanggol nila, kabaliktaran ng reaksyon ng mga tao nang makitang si Trevas ang nasa pinaka front line. Nilingon ko si Trevas at tinignan kung anong reaksyon niya pero walang nagbago sa kaniya at tahimik din na pinaandar yung sinasakyan niyang kabayo sa gitna ng nakakabinging katahimikan ng paligid. Napahinga ako ng malalim habang pinagmamasdan ang likod ni Trevas dahil mas nauuna siya sa akin at hindi ko maiwasang mainis at malungkot dahil sa trato ng mga tao sa kaniya at hindi ko namalayan na mas lumalaki na pala ang determinasyon kong tulungan si Trevas na makuha ang trono. Hindi ko namalayan na ang kagustuhan kong manalo si Trevas ay hindi na dahil sa kailangan ko ng kapangyarihan kundi dahil gusto ko na dumating ang araw na respeto at paghanga na ang tingin ng lahat sa kaniya at wala nang magtatangka pang maliitin siya. Nang makarating kami sa tapat ng palasyo ay agad na bumukas ang malaking gate at kasabay nuon ay ang pagtunog ng mga trumpeta at mga tambol. Dumiretso ako, si Lina, si Trevas, ang tatlo pang heneral papunta sa palace hall para ibalita sa hari ang mga naganap habang ang mga tauhan naman ni Trevas, kasama ang mga natitirang tauhan ni Luke at ng mga barbarians sa training camp katabi ng palasyo pero ang mga leader nilang sila Luke at Alaric ay isinama din namin sa palace hall. Nang makapasok na kami sa Palace hall ay naabutan namin yung hari na nakaupo sa trono habang may kinakausap na isa sa mga minister at mukang kakatapos lang ng pagpupulong. Agad na napatigil sa pag-uusap yung dalawa nang makitang pumasok kami sa loob ng hall kaya sinenyasan nung hari yung isang minister na umalis na siya namang sinunod nito pero yumuko muna siya sa direksyon ni Trevas bago naglakad palabas ng hall. “You won” kalmadong saad nung hari na para bang alam na niyang si Trevas ang mananalo. Bago pa makapagsalita si Trevas ay biglang bumukas yung malaking pinto ng silid at pumasok doon si Vivian na halatang nagmamadali dahil hingal na hingal ito at magulo ang buhok. Napatingin siya sa Hari bago inilipat ang tingin kay Trevas at nagpalingon-lingon pa na parang may hinahanap. “Where’s Alastor?” tanong niya kaya naman napatingin din ako kay Trevas dahil maging ako ay hindi alam kung nasaan si Alastor. Hindi agad sumagot si Trevas at tinitigan lang ang ina niyang reyna na bakas sa muka ang labis na pag-aalala. “Hindi mo man lang ba tatanungin kung anong kalagayan ko?”kalmadong tanong ni Trevas pero napansin ko ang pagkakuyom ng kamao niya. “Answer my question! Anong ginawa mo sa kaniya” lumapit sa kaniya si Vivian at hinawakan siya sa damit sa may dibdib. “What did you do to him you demon!” “Vivian” tawag nung hari pero hindi nagpatinag si Vivan at inalog-alog pa si Trevas habang pilit na tinatanong kung nasaan yung pinaka ma-mahal niyang anak. “Pinahanap ko na siya sa mga tauhan ko dahil nahuli siya ng mga barbarian-“ “LIAR! Alam kong sinamantala mo ang pagkakataong busy siya sa pakikipaglaban para mapatay siya para sigurado nang mapapasayo ang trono, You killed him! You killed my son!” Inalis ni Trevas yung kamay ng mama niya sa mahigpit na pagkaka-kapit sa damit niya at napalakas ata ang tulak niya dito kaya natumba ito sa sahig. “Mother, are you ok?” tanong ni Trevas at aalalayan pa sana siyang tumayo pero laking gulat ko nang biglang mag-apoy ang mga kamay niya at tumayo bago humarap kay Trevas pero mas lalo akong nagulat nang maing kulay blue yung apoy sa kamay niya na tanging fire user level 8 lang ang nakakagawa. “Oh shit” narinig kong bulong ni Lina bago nagtago sa likuran ni Lieutenant Jared. “Vivian Firlame, Enough” sigaw nung hari at napatayo pa ito sa trono niya pero hindi siya pinansin ni Vivian at mas pinalaki pa ang apoy sa kamay niya at umaabot na iyon hanggang sa braso niya. Napalingon si vivian sa hari bago napangisi. “You’ve always been over protective to this son of yours” tinuro niya si Trevas. “And I bet na deep inside you, tuwang-tuwa ka na iyang anak mong yan ang nanalo at wala na si Alastor” “Hindi pa patay si Alasto-“ biglang naputol ang sinasabi ni Trevas nang iunat ni Vivan yung kamay niya sa direksyon ni Trevas pero bago pa man makalapit yung apoy sa direksyon namin ay biglang humarang si Sergeant Min at mula sa nakaunat niyang kamay ay umagos ang nagraragasang tubig at sinalubong ay bughaw na apoy pero dahil sa tindi ng init ng apoy ay nag evaporate lang yung tubig na ginawa ni Sergeant Min pero buti nalang ay biglang naglaho yung apoy na nagmumula kay Vivian nang mag-crack yung inaapakan niyang semento at kasabay nuon ay bigla itong bumukas dahilan para mahulog doon si Vivian. Dali daling sumara yung lupa dahilan para matabunan si Vivian pero bago pa ito tuluyang magsara ay bigla na naman itong nag crack nang nag crack dahil sa malamang ay nagpupumilit na makalabas si Vivian. “Guards! Dalhin sa royal chamber ang mga preso” napangiwi si Luke at Alaric nang marinig nilang tinawag silang preso nung hari pero hindi na sila umimik nang hawakan sila sa magkabilang braso ng apat na royal guard na nagmula sa labas at dinala sila kung saan pero hindi ko na sila pinansin nang makita kong mas lumaki pa ang crack sa sahig kung saan nabaon si Vivian at mula doon sa mga crack ay lumalabas na ang kulay asul na apoy. Humarang sa harapan ko si Luke at sa kamay niya ay sumulpot na naman ang itim na mahika na bumabalot hanggang sa may siko niya. “Bakit ba galit na galit siya?” tanong ko sa sarili ko. “Baka mag me-menopose” sagot ni Lina na nasa may kanan ko pero hindi ko na siya pinansin pa nang tuluyan nang bumuka yung lupa at mula doon ay dahan dahang bumangon si Vivian. Bumaba mula doon sa trono yung hari bago maingat na lumapit kay vivian pero hindi siya lumapit dito at umikot papunta sa puwesto namin ni Trevas. “Tumigil ka na Vivian, kung ayaw mong maging magkaaway ang mga pamilya natin” seryosong sabi nung hari kay Vivian. Napatawa si Vivian pero alam kong hindi siya natutuwa dahil hindi umabot sa mga mata niya ang kurba ng mga ngiti niya. “Sa tingin mo titigil pa ako? Ngayong yang demonyo mong anak ang magmamana ng lahat habang yung anak ko, yung anak naten nawawala at walang nakaka alam kung makakabalik pa ba ng buhay” “Walang may gusto na mangyari ito” “HA! Walang may gusto? Hindi ako tanga Henrick” sabi ni Vivian sa hari na ngayon ko lang nalamang Henrick ang pangalan. “Alam kong sa simula pa lang pinagdasal mo na sa lahat ng santo na yang anak mong yan ang magmana ng lahat ng meron ka at sawang sawa na ako doon. Sawang sawa na akong ipagsiksikan yung sarili ko at si Alastor sayo na walang ibang inisip kundi yang anak mong demonyo at ang nanay niyang mas demonyo pa sa kaniya” Bigalng napakunot ang nuo ko at alam kong nagulat din si Trevas sa sinabi niya. Ibig sabihin ba nito ay hindi siya yung nanay ni Trevas? “What? Nagulat ka?” tanong ni Vivian nang makita niya ang gulat na muka ni Trevas. “Akala mo ba talaga ako ang nanay mo-“ Bigalang naputol ang sinasabi ni Vivian nang bakuran siya nung hari ng pader ng lupa dahilan para hindi siya makagalaw sa puwesto niya. “What was that?” tanong ni Trevas pero hindi siya pinansin ng tatay niya. Hindi rin nagtagal ay nakawala din si Vivian doon sa pader ng lupa na nakapalibot sa kanya pero bago pa siya maka atake muli ay inunahan ko na siya at kinulong ko siya sa malaking bola ng tubig. Nakulong si Vivian doon sa bola ng tubig kaya hindi niya magamit ang kapangyarihan niyang apoy. Sinubukan niyang lumangoy palabas nuong bola ng tubig pero pinagyelo ko ang paligid nuon kaya hindi siya nakalabas. “Stop” sabi noong hari nang mapansin niyang hindi na makahinga si Vivian dahil sa pagkakatrap sa loob nung tubig kaya tinanggal ko din ito dahilan para mapaluhod sa sahig si Vivian at hingal na hingal. “Ito ba talaga ang gusto mo? Ang kalabanin ako imbes na tanggapin ang lahat ng ‘to?” Imbes na sumagot ay napatawa lang si Vivian bago tumingala sa kaniya. “Pinagsisisihan kong pumayag akong maikasal sayo” “Ganon din ako” sagot nung hari na siyang nagpatawa kay Vivian pero kitang kita ko sa mga mata niya na nasaktan siya sa sinabi nito. “Bring her to the palace chamber too at huwag niyo siyang hahayaang makatakas at gumawa ng gulo” pagpapatuloy nung hari bago lumapit sila Sergeant Min at Colonel Jay kay Vivian at pinosasan si Vivian gamit yung mahiwagang posas na magpapawala ng bisa ng kapangyarihan niya. “Hindi pa tayo tapos Henrick, hindi pa tayo tapos” sabi ni Vivian bago nagpahatak kila Sergeant Min at Colonel Jay palabas at sumunod naman sa kanila si Lieutenant Jared pagkatapos yumuko sa hari at sumaludo kay Trevas kaya kaming tatlo nila Trevas at Lina nalang ang natira sa silid kasama ang hari. “Kayo din, You can go. Si Lieutenant Jared nalang ang tatanungin ko tungkol sa mga nangyari sa kanluran” sabi nung hari bago sumenyas sa amin na umalis na pero hindi gumalaw si Trevas sa kinatatayuan niya kaya hindi din ako gumalaw dahil alam kong maliligaw lang ako dito sa loob ng palasyo kung hindi ko siya kasama at isa pa, gusto ko ding malaman ang tungkol doon sa pinagsasabi ng nanay niya kanina. Or should I say, step mom? “She’s not my mother?” tanong ni Trevas at sabay sabay naming hinintay ang sagot nung hari. Napahawak sa sintido yung hari bago bumalik sa trono niya at sumandal. “You’re not supposed to know” sabi nito bago tumingin sa amin. “Tell me” Napabuntong hininga yung hari bago napatingin sa akin at kay Lina.”Later, I will tell you when we’re alone. For now bumalik ka muna sa courtyard mo at asikasuhin yung dapat mong asikasuhin” “I want to know now-“ “I said later Trevas, Ipapatawag kita kapag naasikaso ko na ang tungkol kay Vivian, panigurado gagawa ng gulo ang pamilya niya” pagbuntong hininga ulit nung hari bago sumenyas na umalis na kami kaya wala kaming ibang nagawa kundi umalis nalang. Napansin kong nakatulala si Trevas habang naglalakad kami kaya hinawakan ko siya sa braso nang pababa na kami ng hagdan sa tapat ng Palace hall dahil baka bigla siyang mahulog sa sobrang lalim ng pag-iisip. Napalingon sa akin si Trevas bago napatingin sa hagdan pababa. “Huwag kang mahuhulog sa hagdan, dapat kay Alissa lang” natatawang sabi ni Lina habang bumababa nung hagdan. Gusto ko sanang sabunutan si Lina dahil sa sinabi niya pero napatigil ako nang makitang napangiti si Trevas. “I’m sorry, madami lang akong iniisip” sabi ni Trevas bago bumaba nung hagdan at sumunod naman ako. Napabuntong hininga si Trevas bago napatingala. “Bakit parang malungkot ka? Hindi ba dapat masaya ka kasi wala kang demonyitang nanay?” tanong ni Lina na ikinatawa ni Trevas. Napalingon ako kay Trevas at napatitig sa mga ngiti niya na alam kong pinipeke niya lang. Alam ko deep inside him napaka dami niyang tanong at halo halo ang emosyong nararamdaman niya.
0 Comments
Leave a Reply. |
AuthorBaubbleGum Archives
December 2020
Categories
All
|