UNEDITED
“Where have you been?” bungad na tanong ni Zeus nang biglang sumulpot si Psyche matapos mawala ng ilang araw. Imbes na sumagot at tinignan lang ni Psyche si Zeus bago napabaling kay Anna na mukang kausap ni Zeus bago siya dumating. “Saan mo dinala si Freya?” matiim na tanong ni Zeus nang makita niyang hindi kasama ni Psyche si Freya. “I’ve been thinking” saad ni Psyche, hindi pinapansin ang mga tanong ni Zeus. “Kung ang Darkness at Light ay pangontra sa isa’t isa habang ang ice ay pangontra sa dalawang elementong iyon, paano kung meron ka ng kapangyarihan ng Light, darkness at ice?” “Psyche, where is Freya?” tanong ulit ni Zeus pero hindi parin siya sinagot ni Psyche. “Alam niyo ba kung ano ang pinagkaabalahan ko nitong mga nakaraang araw?” Nilipat lipat ni Psyche ang tingin mula kay Zeus at kay anna na seryoso naring nakatingin sa kaniya. “Inaral ko yung spell na magbibigay sa akin ng kakayahan na nakawin ang kapangyarihan ni Freya… And guess what, I’ve succeed” nakangising sabi ni Psyche bago siya unti unting nagbagong anyo. Nanlaki ang mga mata ni Anna sa nakita niya. Unti unting naging puti ang kulay ng buhok ni Psyche at ganon din ang mga mata niya bago siya pinalibutan ng itim na mahika. “What have you done...” Hindi umimik si Psyche pero nagpatuloy lang sa pagtatanong si Anna. Hindi siya makapaniwala na ang Psyche, na parang kapatid na niya ay ang babaeng nasa harapan niya ngayon. “Why are you doing this” “Some say… Giving too much love without receiving anything in return can turn one’s love into hatred” Sabi ni Psyche pero biglang nag iba ang boses niya. Naging mas nakakatakot ito at parang may kung anong demonyo ang sumasabay sa pagsasalita niya. “Goddess of tears, Laramie-” “What did you do to her?” Matiim na sabi ni Zeus bago pa matapos ni Psyche ang sinasabi niya. Nakakuyom ang mga kamao niya at walang emosyon sa mga mata niya. Sabay na napatingin si Anna at Psyche kay Zeus pero tanging si Psyche lang ang biglang natawa. “So It’s true… Totoong may namamagitan sa inyo ng goddess of tears na si Laramie?” “What did you do to her? Ikaw ba ang dahilan kung bakit bigla siyang nawala?” bakas na bakas na sa muka ni Zeus ang galit at may namumuong kidlat na sa mga kamao niya kaya biglang napaatras si anna mula sa kaniya. Ngayon niya lang nakitang ganito kagalit si Zeus. “I didin’t do much… Tinesting ko lang sa kaniya kung hanggang saan ang kapangyarihan ng isang winter demon” nakangising saad ni Psyche kaya mas lalo siyang nag mukang nakakatakot. “It’s funny. It’s me who’s always by your side and yet you chose to like someone so weak like her” “Stop this nonsense Psyche, tell me where Lara is then I will forget all of this happened” “What if I don’t?” lalong lumawak ang ngisi ni Psyche. “Do you really want to fight me?” tanong ni Zeus pero inihanda na niya ang mahika sa kamay niya na napapalibutan na ng liwanag at mga kumikisap kisap na kuryente. Hindi nawala ang ngiti sa mga labi ni Psyche pero biglang lumungkot ang mga mata niya. “you’re willing to fight me for the sake of the goddess of tears?” “You’ve ask for it” “Even though you’re still weak?” Biglang naestatwa si Zeus sa sinabi niya at napakunot naman ang nuo ni anna. “What do you mean he’s weak?” tanong ni anna “Malaking kapangyarihan ang ginamit niya nang nilikha niya tayo Anna. Although he can still recover, matatagalan pa. Do you still want to fight Zeus?” Imbes na sumagot ay nag ibang anyo si Zeus sa kaniya ultimate skill kaya naman halos mabulag sa liwanag si Anna sa liwanag na nagmumula sa kaniya. Napatango tango si Psyche. “Fine, Mas mabuti nang isa sa atin ang mamatay. If You won, I will tell you where the goddess of tears and Freya is but if I won, I will destroy everything you love” Pagkasabing pagkasabi non ni Psyche ay lumabas mula sa paanan niya ang mga demonyong siya at si Anna mismo pati ang iba pang mga naunang god and goddesses na nilikha ni Zeus ang nagkulong sa ilalim ng lupa. “I will kill You, all of the gods including your ‘dear Lara’ then I will bring every living things that you’ve created down to hell” Unang umatake si Psyche gamit ang mga demonyong sumusunod sa bawat utos niya. Pinalipad niya yung mga demonyong hindi na mabilang dahil sa sobrang dami sa direksyon ni Zeus kaya naman natakpan ang liwanag na nagmumula sa kaniya. “Zeus?” sigaw ni anna na ngayon ay kinakalaban na yung ilan sa mga demonyong napunta sa direksyon niya. Wala naman siyang problema sa pakikipaglaban sa mga demonyong ito dahil panglaban talaga sa mga dark user ang kapangyarihan niyang tinatawag na ‘frozen heart’. Iniunat ni Anna ang kamay niya sa paparating na demonyo at agad naman na nagyelo ang bandang dibdib nito bago biglang naglaho. Napakunot ang nuo ni Anna nang hindi na niya makita si Zeus dahil sa sobrang dami ng demonyong pumapalibot sa kaniya at bigla siyang kinabahan. Masyado pa bang mahina si Zeus para makipaglaban? Ganon kalaking kapangyarihan ba talaga ang kinailangan niya para likhain si Anna at si Psyche? Nataranta na si Anna at susubukan na sanang gamitin ang ultimate skill ng isang ice user na kagaya niya pero bago pa niya magawa iyon ay may malaking liwanag na nagmumula sa langit ang biglang tumama sa kinaroroonan ni Zeus at kasabay noon ay biglang naglaho ang lahat ng demonyong pumapalibot sa kaniya. Nang mawala na ang liwanag ay tyaka lang nakita ni Anna na nakatayo pa si Zeus at parang hindi na apektohan ng mga demonyong pinang atake ni Psyche. “Is that all?” tanong ni Zeus kay Psyche pero biglang ngumiti siPsyche na siyang kinakaba bigla ni Zeus. “Just in time” sabi ni Psyche at kasabay noon ay biglang may lumabas na magic circle sa inaapakan ni anna. “What-” bago pa matapos ni anna ang sinasabi niya ay nakaramdam siya bigla ng matinding sakit na para bang unti unting kinakain ng kung ano ang loob ng katawan niya. Napadapa siya sa sahig at napasigaw sa sobrang sakit pero hindi parin nawawaka yung magic circle sa kinaroroonan niya. “Anna!” sigaw ni Zeus bago naglakad papalapit kay Anna pero pagkaapak niya doon sa magic circle ay bigla din siyang napaatras dahil sa matinding sakit na naramdaman niya. “How could you do this? Anna is your sister” Matiim na sabi ni Zeus pero nginitian lang siya ni Psyche. Nabalot na ng inggit at galit ang puso ni Psyche tulad ng nangyari kay Freya kaya nakokontrol na siya ng negatibong emosyong nararamdaman niya. Napabaling kay anna ang atensyon ni Zeus nang marinig na naman niya itong sumigaw dahil sa matinding sakit kaya naman sinamantala ni Psyche ang pagkakataong iyon para umatake. Hindi agad napansin ni Zeus ang ginawa ni Psyche kaya naman huli na nang mapagtanto niyang nasa likuran na niya si Psyche. Itinapat ni Psyche ang palad niya sa likuran ni Zeus at sinimulan ang spell na ginamit niya din para makuha ang kapangyarihan ni Freya. Napaluhod sa sahig si Zeus at napahawak sa dibdib nang maramdaman niya ang unti unting paglabas ng kapangyarihan niya mula sa katawan niya papunta sa nakaunat na kamay ni Psyche na nasa likuran niya. Biglang lumawak ang ngiti ni Psyche nang maramdaman niya ang matinding kapangyarihang dumadaloy sa katawan niya pero bago niya pa tuluyang mahigop ang buong kapangyarihan ni Zeus ay bigla na namang sumulpot ang liwanag na nagmumula sa langit at tumama sa kinatatayuan nila ni Zeus. Napaatras si Psyche nang bigla siyang makaramdam ng matinding sakit nang tamaan siya ng liwanag kaya naman naputol ang ginagawa niyang spell para higupin ang kapangyarihan ni Zeus. Humarap sa kaniya si Zeus, hindi parin nawawala ang liwanag na nagmumula sa langit. Iniunat ni Zeus ang kamay niya sa direksyon ni Psyche at gamit ang natitira niyang kapangyarihan ay ginamit niya ang spell na hindi niya inakalang gagamitin niya balang araw. Ang ‘sentence spell’. Ito yung spell na ginagamit niya para hatulan ang isang god or goddess na hindi na karapadapat sa kapangyarihang pinagkaloob niya. Naglabas ng magic circle si Psyche sa harapan niya para sana sanggain ang ‘sentence spell’ na ginawa ni Zeus pero tumagos ito sa magic circlesa harapan ni Psyche kaya naman tumama sa kaniya diretso ang magic spell na iyon. Naramdaman ni Psyche ang unti unting paglaho ng kapangyarihan niya mula sa katawan niya at para bang unti unti siyang naglalaho. Biglang nataranta si Psyche pilit na nilabanan yung liwanag na unti unting lumalamon sa kaniya at laking pasasalamat niya nang biglang mapatigil si Zeus at napaluhod sa sahig. Bumagsak din si Psyche sa sahig at halos hindi niya maigalaw ang buong katawan. “Zeus!” sigaw ni anna, wala na ang nakapalibot na magic circle sa kaniya pero sobrang sakit parin ng katawan niya kaya paika ika siyang lumapit kay Zeus na nakahandusay sa sahig. Bumangon ng bahagya si Psyche bago biglang napangisi nang makita ang kalagayan ni Zeus. Nang makasiguradong siya ang panalo, Napagdisisyonan ni Psyche na umalis at magteleport papunta sa kung saan. “Zeus!” Lumuhod si anna sa tabi ni zeus at chineck kung ano ang kalagayan nito pero bigla siyang nanigas sa pwesto nang maramdaman niya ang unti unting paglabas ng kapangyarihan mula sa katawan ni Zeus na para bang isa siyang butas na plastic ng tubig at unti unting umaagos palabas ang tubig. “W-what- why” Napabuntong hininga si Zeus bago hinawakan si Anna sa braso. “Stop Psyche for me” “You can do it yourself” Napangiti si Zeus. “You know I can’t do that anymore” “Sa tingin mo kaya ko? If you can’t, how can I?” pagrereklamo ni anna. Napangisi lang si Zeus bago hinigpitan ang kapit sa braso ni anna. MAgrereklamo na naman ulit sana si anna nang bigla siyang mapatigil nang maramdaman niya ang mahikang dumadaloy sa katawan niya mulasa kamay ni Zeus na nakahawak sa braso niya. “What are you doing?” natatarantang tanong ni Anna, unti unti nang nauubos ang kapangyarihan ni Zeus sa katawan niya pero mas lalo bumilis ang pagkaubos nito dahil sa ginagawa niyang pag lipat ng kapangyarihan papunta sa kaniya. “I’m giving you Psyche’s powers… Hindi ko naalis ang lahat ng kapangyarihang meron siya pero I managed to get her Ice powers” “Stop, You’ll die if you do this” sabi ni anna bago pilit na tinanggal ang kamay ni Zeus na naka kapit sa braso niya pero kahit anong gawin niya ay hindi ito bumibitaw. “I’m sure nanghihina din si Psyche ngayon at matatagalan bago siya maka recover” “Then you have to recover too para makalaban mo siya ulit” napailing iling si Zeus. “I can’t recover” sabi ni Zeus. “I’ve lost too much power and no matter what I’ll do I will die” Napatigil si Anna at napatitig kay Zeus. Napatawa si Zeus bago napatingin sa kalangitan. “Funny isn’t it? A god can die.” Dahan dahang bumitaw si Zeus sa pagkakakapit sa braso ni Anna at hindi mapigilan ni anna na mapaluha lalo na nang maramdaman niyang napaka onti nalang ng natitirang kapangyarihan sa katawan ni Zeus. “Can you… find lara for me” halos pabulong na sabi ni Zeus at agad namang tumango si Anna. “Alright” “Tell her… to bring… him”
0 Comments
Leave a Reply. |
AuthorBaubbleGum Archives
December 2020
Categories
All
|