Nakaset-up na ang kampo nang makarating kami sa Jeufeng. Nakatayo na ang mga naglalakihang tent at nagsasanay na yung iba sa isang gilid. Nagsimulang maglakad si Trevas kaya sumunod kami sa kaniya papunta roon sa pinakamalaking tent. Napapalingon sa amin yung ibang mga tauhan ni Trevas at yung iba ay napapatango pa sa amin ni Lina dahil karamihan sa kanila ay kilala na kami bago babalik sa kani-kaniyang pinagkakaabalahan. Pagkarating namin sa tent ay bumungad sa amin sina Captain Jared at Lieutenant Min na nag-uusap habang may tinuturo doon sa lamesa sa pagitan nila, mukhang nag-uusap sila tungkol sa laban na maaaring maganap. Lumapit kami nila Trevas sa kanila at napatigil naman sila sa pag-uusap pero napansin kong ilang segundong nagkatinginan sina Lina at Captain Jared bago mabilis na umiwas ng tingin. Napabuntong hininga ako sa sarili ko at napailing-iling pero hindi na ako nagsalita. Hindi ko alam kung ano ang meron sa pagitan ni Lina at Captain Jared kaya wala akong karapatang makialam kahit na gustong-gusto ko na silang magkaayos. “Long time no see” Bati ni Lieutenant Min bago kumaway-kaway pa sa amin. “Isang linggo pa lang ang nakakalipas mula noong umalis kami ng Beifang” Sagot ko sa kaniya. “Matagal na ang isang linggo lalo na’t ang kasama ko lagi ay si Captain Jared na hindi man lang ako nginingitian” Pagrereklamo ni Lieutenant Min bago inakbayan si Captain Jared pero agad din siya nitong tinulak palayo at tinignan ng masama. “This is not the time to joke around” seryosong saad ni Captain Jared bago tinuro yung messenger na nakalatag sa lamesa kasama ng mga kung anu-ano pang papeles na hindi ko maintindihan. “Nakatanggap ako ng mensahe mula sa spy na pinadala ko sa Bauxacel at hindi iyon isang magandang balita Biglang sumeryoso ang silid nang marinig namin ang sinabi ni Captain Jared. “I’m sure na lahat ng nandito sa silid na ito ay alam ang tungkol kay Zeus, Psyche at kay miss Anna” Panimula ni Captain Jared bago tumango sa direksyon ni mama. Mukhang napag-usapan na talaga nila ang tungkol sa mga bagay-bagay bago pa namin isagawa ang meeting na ito. “Sa timog ng Bauxacel matatagpuan ang kampo ng mga rebelde na pagmamay ari ng pamilyang Laxxon at Haviour ng Bauxacel at malaki ang posibilidad na ang mga rebeldeng iyon ang gagamitin ni Psyche sa paglusob kaya napag-usapan namin ni Lieutenant Min na lusubin na ang kampong iyon ng mas maaga para walang magamit si Psyche kung sakali mang balakin niya na magsimula ng gera laban sa Beifang” “Wait a minute” Pagpipigil ko sa sinasabi ni Captain Jared kaya naman sabay-sabay silang napatingin sa akin. Medyo nakaramdam ako ng pagka-intimidate sa mga tingin nila lalo na’t ang nasa harapan ko ngayon ay mga heneral na nakaranas na ng madudugong labanan pero agad din akong naka recover at nagsimulang nagsalita. “Hindi ba’t ang gusto lang naman ni Psyche ay ang mapatay si mama at si Laramie so bakit naman niya gugustuhing magsimula ng gera laban sa Beifang?” “It’s not just me and Laramie she wants to kill, Alissa” Sabi ni mama kaya napalingon ako sa kaniya. “Lahat ng nilikha ni Zeus ay gusto niyang sirain at isa sa nilikha ni Zeus ay ang sangkatauhan. Inuuna niya lang si Laramie dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin niya tanggap na siya ang pinili ni Zeus imbes na siya at inuuna naman niya ako dahil isa akong Ice user” “Anong kinalaman ng pagiging Ice user?” Tanong ko sa kaniya. “Ice user ang pangontra sa light at darkness. Nilikha ni Zeus ang ice para magkaroon ng balanse sa pagitan ng light at darkness at ng iba pang elemento. Gamit ang kakayahan ng isang Ice user na ‘frozen heart’ ay pwede kong matalo si Psyche kaya gusto niya akong unahin at hindi na ako magtataka kung pati ikaw ay uunahin niyang patayin dahil isa ka ring ice user pero hindi pa tuluyang naalis ang seal sayo kaya hindi mo pa nagagamit ang kapangyarihan mo” Bigla akong kinilabutan sa sinabi ni mama. Ngayon ko lang narealize kung gaano kabigat ang sitwasyon namin ngayon. Kung sakali mang magtagumpay si Psyche na mapatay ako at si mama, wala nang makakapigil sa kaniya sa pagwasak sa mundong nilikha ni Zeus. Siya na ang magiging pinakamakapangyarihan sa lahat at wala nang makakatalo pa sa kaniya. “I will unseal your magic later. For now, kailangan nating mapag-usapan ang plano sa paglusob sa kampo ng mga rebelde sa timog ng Bauxacel” sabi ni mama bago ibinalik ang tingin kay Captain Jared na magpatuloy sa pagsasalita. Inabot ng limang oras ang meeting na isinagawa namin para mapag-usapan ang mga gagawin sa paglusob sa kampo ng mga rebelde. Nagkaroon ng mga pagtatalo at di pagkakaintindihan pero sa huli ay napagdesisyonan na susugod kami pagkatapos ng dalawang araw para mas makapaghanda ang mga mandirigmang pinangungunahan nila Trevas Napaunat ako ng mga kamay at minasahe ang leeg ko nang matapos na ang meeting. Tumayo ako at tumabi kay Trevas na kasalukyang tinitignan yung mga papeles kung saan nakasummarize ang lahat ng napag-usapan namin kanina. “Let’s eat, nagugutom na ‘ko” Bulong ko sa kaniya kaya naman napalingon siya sa akin. Nginitian niya ako bago ibinigay yung mga papeles kay Lieutenant Min. “Let’s go” sabi niya bago tumayo at hinawakan ako sa braso. “Lina, tara na” tawag ko kay Lina na nakaupo pa rin sa upuan niya at nakatulala doon sa lamesa. Napalingon siya sa akin bago ako marahang nginitian. Napatigil ako sa paglalakad kaya napatigil din si Trevas. Napakunot ang nuo ko nang makita ko ang ngiti ni Lina na para bang kinakabahan siya at napipilitan lang na ngumiti pero bago pa ako makapagsalita tungkol doon ay nauna na siyang magsalita. “Mauna na kayo, I want to talk to Jare- Captain Jared about something” sabi niya bago napatingin kay Captain Jared. Sakto naman na pagkarinig ni Captain Jared sa pangalan niya ay napatingin din siya kay Lina. “What is it?” Walang emosyon niyang tanong. Wala na sa mga mata niya ang dating emosyon na nakikita ko sa tuwing kausap niya si Lina kaya hindi ko mapigilang malungkot para sa kanilang dalawa. “Can we talk… In private?” tanong ni Lina sa kaniya. Hindi agad nagsalita si Captain Jared at tinignan lang siya pero nang makita niyang determinado talaga si Lina na makausap siya ay humarap siya sa amin. “Mauna na kayo” With that, nauna na kaming lumabas kasama si mama at si Lieutenant Min na abala pa rin sa binabasa niya. “Ano sa tingin mo yung pag-uusapan nila?” Tanong ko kay Trevas habang naglalakad kami papunta sa isa sa mga tent na naka-assign sa amin. Tulad ng dati ay may kanya-kanyang tent sina Trevas, Captain Jared at Lieutenant Min dahil sila ang mga heneral at pinakapinuno ng kampo habang kami nila Lina ay maghahati sa isang tent pero ngayon ay kasama na rin namin si mama. “Malamang pag-uusapan nila kung ano ba talaga sila” nakangising saad ni mama bago siya napabuntong hininga at napatingin sa langit. “Mga bata nga naman, naalala ko tuloy noong una kaming nagkita ng papa mo” Hindi ko mapigilang mapangiti habang kinukwento ni mama ang lovestory nila ni papa na ilang beses ko nang narinig pero hindi ko namang siya magawang pigilan sa pagkekwento lalo na’t mukhang interesadong interesado si Trevas sa mala fairy tale na kwento ng pag-iibigan nila mama’t papa. Unang nakita ni papa si mama noong iniligtas niya ang probinsya nila papa mula sa mga barbarians pero hindi niya masyadong nakita ng malinaw ang mukha ni mama pero na love at first sight daw siya rito kaya naglakbay siya at umalis sa probinsyang kinalakihan niya para hanapin si mama. Nang magkita sila ulit sa kaharian ng Beifang ay hindi na nagpatumpik-tumpik pa si papa at hinabol si mama saan man siya pumunta. Noong una ay ayaw ni mama na magkagusto sa isang mortal dahil sandali lang ang buhay nito kumpara sa kaniya pero nang mas nakilala niya si papa ay hindi na niya pinroblema ang mangyayari sa hinaharap at hinayaan nalang ang sarili na mahulog sa isang mortal. Napabuntong hininga ulit si mama bago tinapik-tapik ang balikat ni trevas. “Nakakalungkot lang na mas maiksi pa pala ang buhay ni Alen kumpara sa inaasahan ko” Napansin kong may lungkot na dumaan sa mga mata ni mama bago siya muling ngumiti at mas nilakasan pa ang pag hampas sa balikat ni Trevas dahilan para matulak siya papunta sa direksyon ko. “Kaya kayong dalawa, Samantalahin niyo ang bawat oras. You’ll never know what will happen at kung iyon na ba ang huling beses na magkikita kayo” Napatahimik ako dahil sa sinabi ni mama at napansin kong ganon din si Trevas na napatigil pa sa paglalakad. ‘You’ll never know what will happen’
0 Comments
Leave a Reply. |
AuthorBaubbleGum Archives
December 2020
Categories
All
|