UNEDITED
“What are you doing here?” nagtatakang tanong ni Trevas sa kapatid niyang ilang buwan narin mula nang huli niyang nakita. “It’s nice to see you again too” sabi ni Alastor bago naglakad papalapit sa amin at sinundan naman siya ng dalawa niyang alalay. “Ikaw ang pinadalang representative ng Firlame para sa threekingdom alliance?” tanong ko habang taas baba ko siyang tinitignan. Unang tingin palang ay alam ko nang mamahalin ang suot niya lalo na ang apat na sinsing na nakasuot sa mga daliri niya. “ah miss Alissa, mas lalo ka atang gumanda” nakangising bati sakin ni Alastor na siyang ikinangiwi ko. Pasimple akong humakbang papalapit kay Trevas at hinawakan siya sa braso pero imbes na ma offend ay lalong lumawak ang ngiti ni Alastor. “Why are you here?” tanong ni Trevas sa kaniya bago hinawakan yung kamay ko na naka kapit sa kanang braso niya. Dahan dahang sumeryoso ang muka ni Alastor bago nagsalita. “Pinadala ako ng Firlame bilang representative para sa threekingdom alliance, hindi ko inexpect na matatagalan ang biyahe namin kaya ngayon lang kami nakarating pero nang makarating na kami sa may borders ng Beifang at ilang metro nalang ay mararating na namin ang Bauxacel ay narinig ko ang nangyari sa Plaza De Rinos noong nakaraang araw” “Paano ka naging representative ng Firlame?” tanong ni Trevas. “noong umalis ako sa Beifang ay sinubukan kong bumalik sa Firlame at magbakasakaling makilala ang pamilya ni mama. Fortunately, kilala ako ng kapatid ni mama na isa sa mga ministers ng Firlame kaya mabilis na napatunayan na miyembro ako ng royal family at natanggap sa palasyo. Then pinadala nila ako sa Bauxacel para irepresent ang Firlame pero sino ang magaakala na bako pa ako makarating ay biglang susulpot si Psyche at manggugulo?” sabi ni Alastor bago nagsimulang maglakad at nilagpasan lang kami. “Now tell me about Psyche” sabi niya na siyang ikina estatwa namin pero nagpatuloy lang sa pagsasalita si Alastor. “Kalat na kalat na ang tungkol kay Psyche, na ilang taong nawala at noong muling nagpakita ay nagsimula ng gulo at pinatay ang hari ng Bauxacel” Nagpatuloy lang sa paglalakad si Alastor papasok sa kampo nang hindi kami nililingon kaya wala kaming ibang nagawa kundi sumunod sa kaniya. “You already know about it so why bother asking?” sabi ko kaya naman napatigil siya sa paglalakad at napalingon sa amin. Binuka niya ang bibig niya at magsasalita na sana pero bigla siyang napatigil nang mapatingin siya sa direksyon ni mama. Napatayo ng tuwid si Alastor bago tinagilig ang ulo, hindi parin inaalis ang tingin kay mama. “Namamalik-mata ba ako o nandito talaga si Psyche?” “I’m not Psyche, kamuka ko lang siya” matipid na sabi ni mama bago pinanliitan ng tingin si Alastor. “Oh, my bad” “Why are you here Alastor? Hindi na tuloy ang Threekingdom alliance dahil sa nangyari noong nakaraang araw kaya mas mabuti kung babalik kana sa Firlame” sabi ni Trevas kaya naman napabaling sa kaniya ang atensyon ni alastor. “I was just curious, bakit nandito ang mga tauhan mo? At bakit sila nakahilera sa labas na para bang naghahanda sa paglusob? Are you starting a war?” sunod sunod na tanong ni alastor habang matiim na nakatingin kay Trevas pero ni isa sa amin ay walang sumagot sa tanong niya. “You know you will be in trouble kapag nalaman ng lahat ang tungkol dito right? Isinagawa ang Threekingdom alliance para magkaroon ng pagkakaisa sa pagitan ng Beifang, Bauxacel at Firlame pero bakit parang nagbabalak kang magsimula ng gera laban sa Bauxacel?” “We are not starting a war against Bauxacel, ang kalaban namin dito ay si Psyche-” “Hindi ba’t si Luke, na anak ng hari ng Bauxacel na siyang pinatay ni Psyche ang dapat humuli kay Psyche? Bakit kailangan niyong-” tanong ni Alastor bago ipinag krus ang braso sa may dibdib niya. “Kakampi ni Psyche si Luke” pagpuputol ko sa sinasabi ni Alastor. “How could that be? Nabalitaan ko na nagluluksa ang buong Bauxacel-” naputol na naman ang sinasabi ni Alastor pero this time, hindi na ako ang may gawa kundi ang mga malalakas na yabag ng paa ni Captain Jared na nagmamadaling naglalakad papunta sa amin pero agad siyang napatigil nang makita si Alastor. “You’re the representative from Firlame?” nanginginig ang boses ni Captain Jared at napansin kong nanginginig din ang kamay niya, ibang iba sa Captain Jared na kilala ko na masungit at laging kalmado. “Yes, bakit parang takot ka sakin?” Natatawang tanong ni alastor pero hindi siya pinansin ni Captain Jared at ibinaling lang ang tingin sa akin at natatarantang nagtanong. “Where’s Lina?” “Huh?” tanong ko hindi sigurado kung tama ba ang narinig ko. “Where’s Lina!?” tanong niya ulit, napalakas ang boses niya na siya namang ikinagulat ko. “Iniwan namin siya sa tent namin kaninang tanghali” sagot ko at doon ko lang naalala na iniwan nga pala namin si Lina ng mag isa kahit na may sakit siya. “Who’s Lina again?” tanong ni Alastor pero walang pumansin sa kaniya. “Ano bang nangyayari Captain Jared? Bakit parang natataranta ka? At bakit mo inutusan ang lahat na maghanda para sa pagsugod?” kunot nuong tanong ni Trevas. Napabuntong hininga si Captain Jared, malamang pinapakalma ang sarili bago nagsalita. “Kinausap ako kanina ni Lina at may sinabi siya sa akin na hanggang ngayon ay hindi ko parin mapaniwalaan. Sinabi niya sa akin kaninang umaga na may dadating na representative galing firlame sa oras na lumubog ang araw at isang oras mula doon ay susugod ang mga tauhan ni Psyche dito sa kampo natin” Bigla akong kinilabutan sa sinabi ni Captain Jared at naramdaman kong nagtindigan ang balahibo sa katawan ko at alam ko na hindi lang ako ang nakaramdam ng ganon. Paano nalaman ni Lina na mangyayari iyon? “Are you serious?” tanong ko. Ayokong maniwala sa sinabi ni captain Jared pero alam ko sa sarili ko na hindi siya yung tipo na mahilig magbiro lalo na sa mga ganitong bagay ay idagdag mo pa ang magkahalong panik at pangamba sa mga mata niya na ngayon ko lang nakita. “Hindi din ako agad naniwala pero para makasigurado ay inutusan ko ang lahat na maghanda para sa pag atake pero ang totoo ay ginawa ko iyon para kung sakali mang magkatotoo ang sinabi ni Lina ay handa tayo sa pakikipaglaban.” tuloy tuloy na sabi ni Captain Jared at sa tingin ko ay ito na ang pinakamatino naming pag uusap mula nang magkakilala kami pero unfortunately, hindi ito ang oras para sa pakikipag usap. “Nagkatotoo ang sinabi ni Lina na may dadating na representative galing ng Firlame so malaki ang posibilidad na magkatotoo din ang sinabi niyang pag atake ng mga tauhan ni Psyche kaya mas maganda siguro kung maghahanda na tayo hangga’t may oras pa.” Seryosong sabi ko at agad namang sumangayon ang lahat. “Magpapadala ako ng mga tauhan sa direksyon ng kaharian ng Bauxacel para balaan tayo once na makita nila na may paparating na kalaban” Sabi ni Captain Jared. “Alright, I’ll stay here para suguraduhing handa ang lahat sa anumang pwedeng mangyari” Tumango si Captain Jared kay Trevas bago mabilis na naglakad paalis. Humarap sa akin si Trevas. “Try to look for Lina and make sure she’s safe then come back here para samahan kami bago magsimula ang labanan” Tumango ako pero bago pa ako makapaglakad papalayo ay hinawakan ako ni mama sa braso. “I’ll go with you” Hindi na ako nakipagtalo pa at hinayaan si mama na sumama sa akin. Na tanggal na ang magic seal sa akin at maari ko nang magamit ang kapangyarihan kong ice element at maari narin akong makapagteleport kaya hindi ko na hinintay pa si mama at nauna nang magteleport papunta sa tent na pinagiwanan namin kay Lina pero bigla akong naestatwa nang marating na namin ang aming destinasyon. Sa gitna ng madilim na loob na tent ay kitang kita ko ang tatlong kama na para sana sa aming tatlo nila mama pero ni isa sa mga kamang iyon ay walang Lina na nakahiga. “Lina?” nagpalingon lingon ako sa paligid at nagbakasakaling makikita ko si Lina pero kahit saan ako tumingin ay walang ibang tao dito sa loob ng tent kundi kami ni mama. Lumabas ako ng tent at sumalubong sa akin ang tahimik na kampo. Walang ilaw na nakabuhay at ang tanging nagbibigay liwanag lang ay ang liwanag na nagmumula sa buwan. May mga pangilan ngilan na mga tauhan pa ang naiwan dito sa kampo para magbantay pero hindi doon naka tuon ang atensyon ko kundi sa paghahanap kay Lina. “Lina!” tawag ko pa habang nagmamadaling naglalakad kung saan para subukang hanapin si Lina. Naalala ko bigla yung kalagayan ni Lina bago kami umalis. Masama ang pakiramdam niya at bakas sa muka niya ang pag-aalala. At that time, malamang ay alam na ni Lina na may paparating na labanan kaya ganon na lang ang pag-aalala sa muka niya. Then it hit me. Bigla akong napatigil sa paglalakad at napakuyom ang kamao ko. Kaya ba pinilit ni Lina na tanggalin na ni mama ang magic seal ko kasi alam niya na mangyayari ang lahat ng ito? Naramdaman ko na naman na nagtaasan ang mga balahibo sa katawan ko bago ako muling nagpatuloy sa paglalakad pero bago pa ako makahakbang ay bigla akong nakarinig ng pagsabog. Napalingon ako sa pinanggalingan ng pagsabog na iyon at nakita ko sa langit ay kulay pulang paputok na siyang nagdala ng takot sa akin. Sa karanasan ko sa pakiikpaglaban kasama si Trevas noong nasa Beifang pa kami ay nalaman ko ang ibig sabihin ng mga paputok na pinapadala sa kalangitan. Kung sa mga pagdiriwang ay kasiyahan ang dala ng mga paputok, takot naman ang dinadala nito sa isang gera. Ang ibig sabihin kasi ng pulang paputok na iyon ay senyales na may paparating na kalaban at binabalaan kami na maghanda para sa pakikipaglaban. Napakuyom ang kamao ko. Nagkatotoo nga ang sinabi ni Lina at hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko tungkol doon. “Lina… what else do you know?” Author's note:
1. Flare signal
0 Comments
Leave a Reply. |
AuthorBaubbleGum Archives
December 2020
Categories
All
|