UNEDITED
“So, what’s your plan?” tanong ko kay mama habang nakikipaglaban kami kay Psyche. “Frozen heart” matipid na sagot ni mama bago muling nagteleport papunta sa tabi ni Psyche at mabilis itong inatake. Ang Frozen heart ay ang isa sa mga skill ng isang ice user, ito ang skill na ginagamit sa mga dark or light user na binalot ng negatibong emosyon ang puso at hindi na nakokontrol ang sarili tulad nang nangyari kay Psyche. Nakaiwas si Psyche sa atake ni mama pero ako naman ang nagteleport sa may likod niya na siyang ikinabigla niya kaya hindi agad siya nakapagreact. Tumama sa likod ni Psyche yung ice element kong hindi ko parin masyadong gamay pero laking gulat ko nang makitang unti unting nagyeyelo yung parte ng likod niya na tinamaan ng palad ko at bago ko pa man maintindihan ang mga nangyayari ay biglang nagpakawala ng itim na mahika si Psyche mula sa katawan niya na siyang nagpatalsik sa amin pareho ni mama. Nakaladkad kami pareho ni mama sa lupa at hindi ko napigilang mapadaing sa hapdi na naramdaman ko pero agag akong gumulong patagilid nang biglang may lumipad na kulay itim na patusok sa kinaroroonan ko. Nakaiwas ako sa kulay itim na patusok na iyon na malamang ay galing kay Psyche pero hindi na ako nagkaroon ng oras para makahinga ng maluwag nang sumulpot sa harapan ko si Psyche at hinawakan ako sa may leeg at hinila papalapit sa kaniya. Napaubo ako at pilit na kumawala sa mga kapit niya sinubukan kong gumamit ng mahika pero bigla akong napatigil. Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong nakaramdam ng kung ano sa may leeg ko kung saan kasalukuyang nakakapit ng mahigpit ang mga kamay ni Psyche. Parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko mula doon bago ito mabilis na dumaloy sa buong katawan ko. Napatingala ako kay Psyche na nakakunot ang noo na nakatingin sa akin. Matalim ang mga tingin niya at puno ng pagtataka. “Why- Who are you?” tanong niya bago ibinaba ang tingin sa kamay niyang nakakapit parin ng mahigpit sa leeg ko. Hindi ko maintindihan ang tanong niya pero base sa reaksyon niya, mukang naramdaman niya din yung kakaibang kuryente na naramdaman ko at tulad ko, hindi niya rin alam ang dahilan noon. Hindi ko nasagot ang tanong niya dahil bukod sa napaka higpit ng kapit niya sa leeg ko ay hindi na rin ako nagkakaroon ng pagkakataong sagutin siya nang may lumipad na kulay light blue na liwanag sa pagitan namin. Naagaw ng liwanag na iyon na muntik nang tumama kay Psyche ang atensyon niya at sa pagkaktaong iyon ay bigla na naman ako nakaramdam ng kung ano na hindi ko maintindihan. Pakiramdam ko ay may dapat akong gawin sa pagkakataong ito at parang may gustong kumawala sa loob ko at kumontrol sa akin. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko pero bago ko pa ito maintindihan ay mas hinigpitan ni Psyche ang kapit sa leeg ko bago niya ako hinampas ng malakas sa sahig. Naramdaman ko sa buong katawan ko ang sakit at hapdi, halos mapasigaw ako sa sakit lalo na nang maramdaman ko na parang may mga buto ata akong nabali dahil sa sobrang lakas ng pagkakatama ko sa sahig. Napapikit nalang ako at hinantay ang katapusan ko pero laking gulat ko nang biglang bumitaw si Psyche sa pagkakakapit sa leeg ko at naglaho kung saan. Napamulat ako at napalingon lingon sa paligid at nakita kong nakatalikod na si PSyche sa akin at kasalukuyang sinasangga ang bawat atake ni mama. Napapaatras siya sa tuwing umaatake si mama at hindi hindi makasabay sa bilis ng mga sipa at suntok nito. “Ugh! Enough!” rinig kong daing ni Psyche bago biglang naglabasan ang mga itim na nilalang sa kinatatayuan nila ni mama. Nagliparan sa paligid ang mga itim na nilalang na iyon habang sa paanan naman ni mama ay biglang may mga kamay na kumapit ng mahigpit binti niya. Agad na nagteleport papalayo si mama mula kay Psyche pero agad din siyang sinundan ng mga alagad ni Psyche na halos hindi na makita sa madilim na gabing bumabalot sa amin. Nang makita ni mama ang mga itim na nilalang na mabilis na lumilipad papunta sa direksyon niya ay agad siyang nagtransform sa ultimate skill niya. Nagliwanag ang likuran niya bago unti unting sumulpot ang nagliliwanag na mga pakpak at binalot siya ng blue at violet na mahikang nagliliwanag sa gitna ng madilim na gabi. Gayunpaman, hindi tumigil yung mga alagad ni Psyche at nagpatuloy sa pag atake sa kaniya. Iniunat ni mama ang mga palad niya sa direksyon ng mga itim na nilalang na iyon at mula sa palad niya ay lumabas ang kulay light blue na liwanag na siyang pumuksa sa lahat ng alagad ng kadiliman na matamaan nito pero masyadong madami yung mga alagad ni Psyche at patuloy parin sa paglabas ang mga itim na nilalang sa lupang kinatatayuan niya. Umaalingaw ngaw parin sa buong paligid ang mga sigaw ng mga tao, mapakalaban man o kakampi dahil hinihigop ng mga alagad ni Psyche ang kaluluwa ng bawat madaanan nito. Ilang beses na akong nakakita ng mga labanan habang nasa Beifang kami nila Trevas sa loob ng halos isang taon pero ito na ata ang pinaka nakakakilabot na labanang nasilayan ko pero naagaw ang atensyon ko nang makita ko na biglang lumipad si mama dalawampung talampakan pataas bago iniunat ang mga braso sa direksyon ni Psyche. Umilaw ang buong katawan ni mama pero dumaloy ang liwanag na iyon papunta sa kamay niya. Naipon ang liwanag sa mga palad niya bago ito kumawala at lumipad papunta sa direksyon ni Psyche. Sa gitna ng madilim na gabi. Sa gitna ng madugong labanan, kitang kita ang liwanag na nagmumula sa mahika na pinakawalan ni mama. Sapul na sapul si Psyche ng mahika ni mama at nabalot ng makapal niyebe ang paligid niya. Tumigil din sa paglabas ang mga itim na nilalang sa may paanan ni Psyche at napaatras siya ng ilang hakbang at nagpagewang gewang. Nawala sa pokus si Psyche kaya sinamantala ko ang pagkakataong iyon para magteleport sa harap niya at sinipa siya ng malakas sa kabila ng namimilit sa sakit kong katawan. Tumalsik si Psyce ng ilang metro at nakaladkad sa sahig at bago pa siya makatayo ay sumulpot si mama sa tabi niya at malakas siyang hinampas sa may dibdib dahilan para mabaon siya sa sahig at magcrack ang lupa sa paligid niya. “Go to hell” rinig kong sabi ni mama bago nagliwanag ang kamay niyang nasa may dibdib ni Psyche at kasabay noon ay unti unting pumikit ang mga nakaktakot na mata ni Psyche at nawalan siya ng malay. Napahinga ako ng maluwag nang makita kong hindi na gumalaw ulit si Psyche. Dahan dahan akong naglakad papalapit kay mama at sa nakahandusay na si Psyche. Sobrang sakit parin ng katawan ko at bawat hakbang ko ay parang tinutusokng milyong milyong karayom ang buong katawan ko pero hindi ko iyon ininda hanggang sa makarating na ako sa tabi ni mama. Napaluhod si mama sa sahig, malamang ay dahil sa pagod kaya lumuhod din ako sa tabi niya. “Patay na ba siya?” tanong ko, nakatingin kay Psyche. Umiling si mama. “Hindi isang killing spell ang frozen heart, hindi siya patay pero hindi siya magigising hangga’t hindi natatanggal ang yelo sa puso niya” Tumango ako pero hindi pa ako nakakasagot ay biglang napahawak si mama sa may dibdib niya at napadaing sa sakit. “Are you ok?” tanong ko sa kaniya pero umiling lang siya bago nagsimulang tumayo. Inalalayan ko siyang tumayo at hinawakan siya sa braso pero bigla akong napabitaw sa kaniya nang makita kong unti unting naging transparent yung kamay niya. “Ah” pagbuntong hininga ni mama bago pinagmasdan yung kamay niyang nagiging transparent. Bigla ko tuloy naalala yung unang araw na nalaman kong buhay siya. Nasa Plaza De Rinos kami at nakikipaglaban siya kay Psyche. Akala ko nung una ay namimilikmata lang ako nang mapansin kong parang nag ta-transparent yung kamay niya pero it turns out na totoo pala ang nakita ko. “Anong nangyayari sayo ma?” tanong ko, hindi inaalis yung tingin sa kamay niya. “You see…” Iniunat ni mama ang kamay niya sa tapat ko ar kasabay noon ay unti unting lumabas ang isang pamilyar na bracelet. Iyon yung bracelet na binigay sa akin ni papa bago siya mamatay. “Nagkaroon lang ako ng pagkakataon na mabuhay dahil inilagay ko sa bracelet na ito ang kalahati ng kaluluwa at kapangyarihan ko. Habang nakikipaglaban kay Psyche, ilang ulit na sinubukan ng mga alagad niya na higupin ang kaluluwang natitira sa akin at masyado rin akong maraming nagamit na kapangyarihan kaya unti unting nauubos ang natitirang kaluluwa at kapangyarihan ko” “Are you dying?” nag aalangan kong tanong pero medyo naguluhan ako nang bigla siyang ngumiti. “Hindi pa ako mawawala hanggat may natitira pa akong kapangyarihan.” sabi ni mama bago niya ibinaling ang tingin sa labanan na hindi parin tumitigil. “For now, Let’s end this war first” Itinaas ni mama ang mga kamay niya at mula doon ay may lumabas na liwanag na kitang kita sa gitna ng madilim na gabi at agaw atensyon sa gitna ng madugong labanan. “Natalo na namin ang pinuno niyo, Let’s end this war” Sigaw ni mama, rinig na rinig hanggang sa malayo ang boses niya kahit na halata na sa muka niya na nanghihina na siya. Napatigil sa pakikipaglaban ang lahat nang marinig ang sigaw at napatingin sa direksyon namin. Nakita kong ibinuka ni mama ang bibig niya at magsasalita pa sana nang marinig namin ang sigaw ni Captain Jared na ilang metro ang layo sa amin. “Behind you!” Sabay kaming napalingon ni mama sa likod namin at halos bumigay ang tuhod ko nang magtama ang paningin namin ni Psyche. Nakatayo na siya at nakangisi sa amin. Nakaunat ang kamay niyang nababalot ng itim na mahika sa direksyon namin ni mama bago ito mabilis na lumipad papunta sa amin. Masyadong mabilis yung paglipad ng itim na mahikang iyon papunta sa amin at siguradong sigurado akong iyon na ang katapusan namin ni mama pero nagkamali ako. Masyadong nakatuon ang atensyon ko sa papalapit na papalapit kong kamatayan kaya hindi ko napansin ang nagyayari sa paligid ko at hindi ko napansin ang isang pamilyar na babae na mabilis na tumakbo papunta sa direksyon namin at namalayan ko nalang ay nasa harapan ko na si Lina. Nanlaki ang mga mata ko at hindi ko agad naintindihan ang nangyayari hanggang sa nakita ko nalang na may nakatusok na itim na bagay sa may dibdib ni Lina at unti unting umagos ang dugo mula doon. Nabalot ng takot ang mga mata ko at nanghina ang mga tuhod ko habang ang mga mata ko ay nakatitig sa mga mata ni Lina na nakatingin din sa akin. Dahan dahan siyang ngumiti sa akin bago siya unti unting natumba sa sahig. At namalayan ko nalang na umaagos na ang mga luha sa mga mata ko.
0 Comments
Leave a Reply. |
AuthorBaubbleGum Archives
December 2020
Categories
All
|