Disclaimer:
This is a work of fiction, lahat ng mababasa niyo sa istoryang ito ay nagmula lang sa imahinasyon ko. Anumang pangalan, lugar, pangyayari na may katulad sa ibang libro o sa totoong buhay ay nagkataon lamang. Enjoy reading. *****
Ramdam na ramdam ko ang bawat pag patak ng ulan sa akin. Basang basa na ako at ramdam na ramdam ko ang lamig lalo na nang umihip ang malakas na hangin. Gayunpaman, hindi ako nagpatinag at nanatiling nakaluhod sa harap ng malaking gate ng palasyo.
I need to meet the king... I have to meet the crown prince... Naakusahan ang tatay kong si Heneral Knoxx sa isang krimen na hindi naman niya ginawa at kasalukuyan siyang nakakulong ngayon habang inaantay ang araw ng pagbitay sa kaniya and yet, I can't do anything. Wala akong ibang magawa kundi ang lumuhod at mag makaawa sa kanila. Bigla akong napatingala nang may kidlat na tumama sa harapan ko kasunod ay isang malakas na kulog. And there i saw, kung saan tumama ang kidlat ay nakatayo ang isang pamilyar na lalaki. "L-luke" tawag ko sa kaniya, masakit na ang lalamunan ko dahil dalawang araw na akong walang ini-inom na tubig at nanatiling nakaluhod sa harap ng palasyo. "Stop it already, wala ka nang magagawa" walang emosyong saad ni Luke. Sanay na ako sa walang emosyon niyang muka pero somehow, it hurts me so damn much na makitang wala siyang paki habang dinadanas ko ang lahat ng ito. He didn't even tried to help me. "Please, save my father" pagmamakaawa ko sa kaniya pero hindi siya nagsalita at tinitigan lang ako. Ito ba talaga ang luke na nakilala ko? Ang Luke na kaibigan ko simula pag kabata. Is he always this heartless? "Umalis kana" matipid na sagot ni Luke. Dahan dahang pumatak ang mga luha sa mata ko at humalo iyon sa malakas na ulan. "Please?" Pagpupumilit ko parin sa walang emosyong si Luke. "As your fiancé-" "You're not my fiancé anymore Alissa" pagpuputol ni Luke sa sinasabi ko. Hindi na ako nagulat, i saw it coming. Luke and I have been enggaged since the day we were born because of our noble identity. I was the daughter of the great general Alen Knoxx, while Luke is the eldest son of the king and the crown prince of this nation. We were a pair made for each other. Pero ngayon na naakusahan ang tatay ko at nadungisan na ang apilyedo kong Knoxx, hindi na ako karapatdapat para maikasal kay Luke kaya hindi na kataka-taka na puputulin na ni Luke ang enggagement naming dalawa. Pero kahit ganon, umasa ako, umasa ako na kahit papaano ay may puwang ako sa puso ni Luke. Na kahit na pinagkasundo lang ang enggagement namin ay may nararamdaman din siya para sa akin tulad ng nararamdaman ko para sa kaniya. I guess i was wrong. Para sa kaniya, I was just a tool for him to use. At ngayon na wala na akong gamit, he will just throw me away. "Is this the end of us?" Nanginginig na ang mga labi ko pero hindi ko alam kung dahil pa iyon sa lamig na nararamdaman ko o dahil sa matinding sakit na namumuo sa puso ko. "There is no 'us', Alissa" I almost heard my heart shattered. Isang ilusyon lang pala ang lahat. "Go back, Sinasayang mo lang ang lakas mo kakaluhod diyan" hindi ako umimik at tinitigan lang siya. Ilang minuto rin siguro kaming nagtitigan hanggang sa meron na namang kidlat na tumama sa kinatatayuan ni Luke at kasabay ng malakas na kulog ay bigla din siyang naglaho. I used to be amazed everytime na ginagawa niya ang lightning teleportation na iyon. Pero ngayon, hindi na ako natutuwa. I hate it. I hate him... Dahan dahang sumara ang mga mata ko nang maramdaman kong pabigat ito ng pabigat. Nababalot na ng lamig ang buong katawan ko at pakiramdam ko ay malapit na akong bumigay. Nanlabo ang mga paningin ko at parang umiikot ang paligid. Then everything went black.
0 Comments
Leave a Reply. |
AuthorBaubbleGum Archives
December 2020
Categories
All
|