"Alright—"
"No way" pagputol ni Vivian sa sinasabi ni Trevas. Tinignan niya ng masama si Trevas bago ibinaling ang tingin sa hari. "My king, masyadong delikado para kay Alastor ang sumugod—" "Vivian" Seryosong saad ng hari na siyang ikinatahimik ni Vivian. "Kung hindi kaya ni Alastor na makipagdigma sa mga barbarians, hindi siya karapatdapat na maging tagapagmana ng kahariang ito" "Pero—" "Wala nang pero pero. My decision is final. Kung mamatay silang dalawa dahil sa katangahan nila, then maghahanap ako ng ibang mas karapat-dapat na magmana ng tronong ito" Hindi na nagsalita pa si Vivian at kagatlabi nalang na napatango bago muling nagsalita ang hari. "It's settled then, dalawang hukbo ng mga sundalo ang ipapadala natin sa kampo ng mga barbarians at ang mangunguna sa kanila ay ang dalawang prinsipe at kung sino man ang makakahuli sa leader ng mga barbarians, buhay man o patay, ang siyang hihirangin kong crown prince" Sandaling tumigil sa pagsasalita ang hari at tinignan isa-isa ang bawat heneral at minister na nasa kwarto bago muling nagsalita. "Kung sino man ang may angal, magsalita na" Seryoso ang ekspresyon sa muka ng hari at matatalim ang mga titig niya kaya naman wala nang naglakas ng loob pang umangal. "Trevas, Alastor, may sasabihin kayo?" Nakita kong umiling si Alastor pero nagulat ako nang biglang hawakan ni Trevas ang braso ko bago ako pina-abante para mas makita ako ng lahat. Kung kanina na nasa may bandang likuran ako ni Trevas ay pasimple na akong tinitignan ng mga tao sa silid ay mas lalo pa akong pinagtinginan ngayon na magkatabi na kami ni Trevas. Narinig kong nagbubulong bulungan yung mga tao sa silid pero hindi ko maintindihan ang pinagsasabi nila ang tanging narinig ko lang ay ang mga salitang; "Taga ibang kaharian, hindi kaya isa siyang espiya?" Gusto kong sagutin yung sinabi nung isang minister na malapit sa akin pero inunahan akong magsalita ni Trevas kaya initikom ko nalang ang bibig ko. "I want to bring Alissa with me" sabi nito na siyang ikinalaki ng mga mata ko. Ano daw? Isasama niya ako? Sa kampo ng mga barbarians? Napailing-iling ako at napahawak sa kamay ni Trevas na nakahawak sa braso ko at pilit itong inalis. Hinarap ako ni Trevas at kunot-nuo akong tinignan. "What?" Bulong niya sa akin. "Bakit mo ‘ko isasama sa gulo mo? Anong kinalaman ko sa pagiging crown prince mo?" "I'll explain it to you later" sabi ni Trevas sa akin bago muling humarap sa hari. "Who? Alissa?" Tanong nung hari kay Trevas bago inilipat ang tingin sa direksyon ko. "This is Alissa Knoxx, siya ang nagligtas sa akin nang may magtangkang pumatay sa akin habang hinahanap ang gamot sa pagkakalason ko" sabi ni Trevas. "May nagtangka sa buhay mo?" Biglang kumunot ng nuo ng hari pero imbes na sumagot ay inilipat lang ni Trevas ang tingin niya kay Alastor. Sinundan ng hari kung saan nakatingin si Trevas bago siya napatingin kay Alastor na hanggang ngayon ay walang imik na nakayuko. "Understood" napatango-tango ang hari bago muling humarap kay Trevas. "May I ask, bakit mo gustong isama itong si... Alissa" "Kailangan ko bang sagutin yan?" Biglang napakunot ang nuo ko sa sagot ni Trevas. Bakit nga ba gusto niya akong isama? Bahagyang napatawa yung hari bago sumandal sa kinau-upuan niya. "No, I dont really care kung sino ang gusto niyong isama. Sa susunod na linggo ang pag-alis ninyo kaya mas mabuti kung magsisimula na kayong maghanda" Tumayo sa kinatatayuan yung hari dahilan para sabay-sabay ding tumayo ang lahat at bahagyang yumuko bilang respeto. "Tapos na ang pulong" Unang naglakad paalis ang hari at nanatiling nakayuko ang mga tao maliban sa amin ni Trevas na parehong makapal ang mukha. Naglakad papalapit sa amin ang hari dahil hanggang ngayon ay nakatayo padin kami sa may pinto pero bago pa makalagpas sa amin ang hari ay bigla siyang tumigil sa paglakad at tinignan ako mula ulo hanggang paa bago nagpatuloy sa paglakad. Nang tuluyan nang makalabas ang hari ay tyaka lang tumayo ng tuwid ang mga tao sa kuwarto at nagsimulang magusap tungkol sa mga pinagpulungan kanina. Napansin ko na pasimple kaming pinagtitinginan nung mga tao lalo na ako na pagkapasok na pagkapasok ko palang ay pinagtitinginan na pero hindi ko sila pinansin at hinila lang palabas ng kwarto si Trevas. Hinila ko siya sa kung saan walang tao bago ko siya hinarap. "Bakit moko dinadamay sa gulo mo? Sinong nagsabing pwede mo akong isama dyan sa paglusob na yan?" "I need you" "W-what?" Biglang nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya. Nakita kong biglang napatigil si Trevas nang marealize niya kung ano ang sinabi niya at agad na nagpaliwanag. "That's not what i meant. I need you to help me" "Bakit ko naman gagawin yun? Hindi ba't may utang na loob kapa sakin dahil ginamot ko ang pagkakalason mo?" "Ginamot mo ang pagkakalason niya?" Bigla akong napalingon sa likod ko nang biglang may magsalita at doon tumambad sa akin ang ina ni Trevas na si Vivian at sa likod niya ay nakasunod si Alastor. "Mother" tawag ni Trevas bago yumuko bilang respeto. Napakunot ang nuo ko sa nakita ko, hindi dapat nirerespeto ang tulad ng babaeng nito. "You're cured?" Tumango si Trevas. "Psh, kahit gumaling ka pa sa pagkakalason mo at kahit ikaw pa ang makahuli sa leader ng mga barbarians, hinding hindi kita tatanggapin bilang anak o kahit isang hari" "Excuse me? Nanay ka ba talaga?" Tanong ko na siyang ikipinanliit ng mga mata ni Vivian. "Sino ka para kausapin ako ng ganyan? Ni hindi ka manlang yumuko bilang respeto sa reyna" Sasagot pa sana ako at tatarayan siya pero bigla akong pinigilan ni Trevas. "Forgive her mother, hindi niya pa alam ang etiquettes at rules ng kaharian" "If I were you, itatali ko yang alaga mo para hindi magpakalat-kalat. Ayaw mo namang ako mismo ang mag-disiplina d’yan hindi ba?" Bigla itong ngumisi na siyang lalo kong ikinainis. Gusto ko siyang sagutin at pagsasapakin sa muka pero hinigpitan ni Trevas yung kapit niya sa braso ko at tinignan ako na para bang sinasabi na wag na akong magsalita kaya hindi nalang ako umimik at inirapan siya. "No, don't touch her" seryosong sagot ni Trevas sa nanay niya. Hindi agad ito nagsalita at tinitigan lang si Trevas bago inilipat ang tingin sa akin at sa kamay ni Trevas na nakahawak pa din sa braso ko. "Oh, I see. You finally have a weakness" napatawa siya ng bahagya pero bakas sa mga mata niya na hindi siya natutuwa. "Wag kang mag alala Trevas. Hindi ko siya gagalawin. Sa ngayon" Napatawa na naman siya bago nagsimulang maglakad paalis at sinundan naman siya ni Alastor na kanina pa walang imik. Inipon ko ang mahika ko papunta sa kamay ko at doon ay unti-unting sumulpot ang isang patusok ng yelo. Ibabato ko na sana ito sa direksyon ni Vivian para mawala na siya sa mundo pero pinigilan na naman ako ni Trevas. "Bakit mo ba pinagtatanggol yung demonyong 'yon?" "Mag-ingat ka sa pananalita, baka may makarinig sayo at ipakulong ka dahil sa pagsasalita laban sa royal family" pagbabala ni Trevas sa akin pero inirapan ko lang siya. "So what? For f*ck's sake Trevas, nilason ka ng babaeng iyo—" biglang naputol ang sinasabi ko nang biglang takpan ni Trevas ang bibig ko. "Tayong dalawa lang ang nakaka-alam tungkol sa bagay na ‘yan" sabi ni Trevas na siyang ikinainis ko lalo. Hinampas ko yung kamay niya na nakatakip sa bibig ko bago pabulong pero inis na nagsalita. "Bakit tayong dalawa lang ang nakaka-alam? Ipag-sigawan mo sa lahat na masama ang budhi ng babaeng 'yon" Napakamot si Trevas sa batok niya bago nagsalita "Well, I don't have a proof na siya nga ang naglason sakin at alam ko na hindi ako paniniwalaan ng mga tao. At isa pa, She's still my mother" Napabuga ako ng hangin dahil sa inis bago napailing-iling. "you know what? Payag na ‘ko na tulungan ka" "Really?" "Oo, pero kapalit non, ikaw mismo ang magpapakulong dyan sa nanay mo" sabi ko na siyang ikinatahimik ni Trevas. Sandali siyang napaisip bago napatango. "Alright" "At isa pa, soon... Kakailanganin ko ang kapangyarihan mo kung magiging hari ka man in the future" "Para saan?" Biglang pumasok sa utak ko ang muka nila mama at papa. Biglang bumalik sa akin ang lungkot at galit na naramdaman ko sa pagta-traydor ni Luke at ng ama niyang hari na nagpapatay sa buong pamilya ko dahil sa kanilang kasakiman. "Soon, I will tell you" sagot ko kay Trevas dahil hindi pa ako handang mag open-up sa kaniya. Hindi ko pa ganon ka-kilala si Trevas para pagkatiwalaan siya at sabihin ang mga sikreto ko at alam kong ganon din si Trevas sa akin kaya hindi niya sinasabi ang buong detalye kung bakit galit na galit sa kaniya ang nanay niya at kung sino ba talaga siya. "Did I miss anything?" Sabay kaming napalingon ni Trevas sa likuran. Tinignan lang namin si Lina bago kami sabay na napatawa. "What's funny?" "Let's go, I'll bring you to my Courtyard" sabi ni Trevas bago naunang maglakad. Tinignan ko muna si Lina na nagtataka pa ring nakatingin sa amin bago ako naglakad para sundan si Trevas. Inabot kami ng halos kalahating oras sa paglalakad papunta sa courtyard ni Trevas na nasa pinaka dulo ng malawak na lupain ng palasyo. Marami kaming mga nadaanang iba pang naglalakihan at naggagandahang courtyard kaya naman na disappoint ako ng marating na namin ang courtyard ni Trevas. Kumpara kasi sa mga nadaanan naming courtyard ay higit na mas maliit at mas simple ang courtyard na ito ni Trevas. Although malinis at maayos naman ito, masyado itong simple para maging courtyard ng isang prinsipe ng kaharian ng beifang at higit na mas maganda at mas malaki din ang courtyard ko sa Knoxx manor noong doon pa ako nakatira. "Let me guess, ang nanay mo ang naglagay sayo dito sa courtyard na ito" tanong ko habang pinagmamasdan yung loob ng courtyard. Kadalasan kasi sa mga palasyo ay ang reyna ang bahala sa pag a-assign ng courtyard na titirhan ng bawat prinsipe at prinsesa. "Yes" sagot niya bago kami dinala sa pinakamalaking bahay sa loob ng courtyard. Sa kabuuan ay nasa lima ang bilang ng mga bahay sa loob ng courtyard. Ang pinaka malaking dalawang palapag na bahay ang siyang main building kung saan naroon ang mga bedrooms na nasa second floor at living room naman sa first floor, habang ang natitirang apat na bahay sa loob ng courtyard ang siyang nagsisilbing kusina, dining room at bahay ng limang katulong at dalawang taga luto. Pumasok kami sa main building at sinalubong naman kami ng dalawang babae na naka-panamit katulong. Dire-diretsong umupo si Trevas sa mahabang sofa at kami naman ni Lina na makapal ang mukha ay sumalampak din sa sofa at dumampot ng tinapay na nasa lamesa. "So, what's your plan?" Tanong ko habang ngumunguya nung tinapay. Napatingala ako sa babaeng katulong nang bigla niyang salinan ng tsaa yung tasa sa harapan ko pero ibinalik ko din ang tingin kay Trevas at nagpatuloy sa pag nguya. "Tulad ng sinabi ng hari, kakalabanin natin ang mga barbarians sa kanluran at makakasama natin si Alastor" sabi ni Trevas bago humigop ng tsaa doon sa tasa sa harapan niya. "Pwede bang si Alastor nalang ang sugurin natin?" Tanong ko na siyang ikinatigil ni Trevas. Pinanliitan niya ako ng mga mata bago bumaling sa dalawang katulong na nakatayo lang sa may gilid. "Leave us" sabi ni Trevas sa dalawa. Yumuko naman ang mga ito bago naglakad palabas ng kuwarto. "Be careful on what you said, hindi mo alam kung sino ang kakampi mo at hindi" sabi ni Trevas. Tumango nalang ako, alam ko higit kanino man ang panganib na bumabalot sa loob ng palasyo. Alam ko higit kanino man na ang mga tao ng palasyo ay may masasamang budhi na tinatago dahil ako mismo at ang pamilya ko ang nakaranas ng kasakiman nila. Napatingala ako mula sa kinakain kong tinapay at napatingin kay Trevas. Katulad ka rin kaya ni Luke? Katulad ka rin kaya ng royal family ng Bauxacel na sakim sa kapangyarihan? Napailing-iling ako bago humigop ng tsaa sa tasa ko. Sakim man o hinde, kailangan kong tulungan si Trevas na makuha ang trono para nang sa ganon ay magamit ko ang kapagyarihan niya sa pagbabalik ko sa Bauxacel. Author's note:
1. Picture of a courtyard
0 Comments
Leave a Reply. |
AuthorBaubbleGum Archives
December 2020
Categories
All
|