"Wait *gasp*... wait lang Alissa!" Hingal na hingal na sigaw ni Lina.
Napatigil ako sa pagtakbo bago napalingon kay Lina na kasalukuyang nakayuko at nakahawak sa mga tuhod habang hingal na hingal. "Pahinga muna 'ko, 30 minutes na tayong tumatakbo" sabi niya bago tumayo ng diretso at pilit na kinontrol ang paghinga. "Akala ko ba 45 minutes tayong—" hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang biglang tumakbo papunta sa akin si Lina at sisipain sana ako mabuti nalang ay nakareact ako agad at naka iwas. Hindi na ako nagulat sa biglang pag-atake ni Lina dahil madalas niya iyong gawin. Tinanong ko siya isang beses kung bakit niya ginagawa iyon pero ang sagot niya lang ay 'Hindi kasi kita matalo-talo kaya sinusubukan kong gulatin ka sa pagatake, baka sakaling manalo ako laban sayo' Ipinagkrus ko ang mga braso ko sa sa karapan ko at nag conjure ng isang water barrier. Bahagyang tumalsik si Lina nang tumama ang sipa niya sa water barrier at napadaus dos sa sahig pero bago pa siya makatayo ng maayos ay bigla akong magteleport sa tabi niya bago itinutok ang isang matalin at patusok na yelo sa leeg niya. "Alright! Alright! Talo ulit ako" sabi ni Lina habang nakataas ang mga kamay. Inalis ko sa pagkakatutok sa leeg niya yung hawak kong yelo bago ito unti unting pinaglaho. Iniunat ko ang kamay ko kay Lina para tulungan siyang tumayo pero bago pa maabot ni Lina yung mga kamay ko ay bigla akong nakaramdam ng panganib kaya napalingon ako sa may likuran ko at tumambad sa akin ang isang lumilipad na itim na bagay na papunta sa direksyon ko. Dali-dali akong umiwas pakanan pero kahit na ganon ay tinamaan parin ang braso ko at napunit ang suot suot kong itim na combat clothes. Napalingon ako sa kung saan nagmula yung itim na bagay at doon nakita ko si Trevas. Nababalot ng itim na mahika ang mga kamay ni Trevas na siyang kamukang kamuka noong itim na bagay na umatake sa akin kanina. Tatanungin ko sana kung ano ang problema ni Trevas pero bago ko pa mabuka ang bibig ko ay biglang nagka anino sa may paanan ni Trevas at bigla siyang naglaho. Nanlaki ang mga mata ko at bigla akong napalingon sa likuran. Nagtama ang paningin namin ni Trevas na ilang pulgada nalang ang layo sa akin. Balak ko sanang mag teleport palayo sa kaniya pero huli na dahil tumulak sa likod ko ang mga palad ni Trevas at tumalsik ako ng halos isang metro pero kahit na ganon ay alam kong walang-wala ang lakas na ginamit ni Trevas sa paghampas sa akin kumpara sa totoo niyang lakas. Tumayo ako ng tuwid. May umilaw sa likod ko at unti-unting lumitaw ang transparent na pakpak dito. Inipon ko ang mahika ko sa kanang kamay ko dahilan para mabalot ito ng kulay asul na ilaw bago ako mabilis na lumipad sa direksyon ni Trevas. Kalmado lang akong tinignan ni Trevas bago iniunat ang dalawa niyang kamay sa direksyon ko at doon, mula sa mga kamay niya ay umagos ang itim na parang usok pero bago pa dumikit sa akin ang bagay na iyon ay nagteleport ako sa bandang itaas ni Trevas na siyang ikinanlaki ng mga mata niya. Agad akong lumipad pababa at sinuntok sa muka niya ang kanang kamay ko na nababalot ng asul na liwanag. Natumba siya sa lakas ng suntok ko at nakaladkad sa sahig dahilan para mahukay ang lupa. Dahan dahan akong lumapag sa sahig at pinaglaho yung mga pakpak sa likuran ko bago naglakad papalapit kay Trevas. Nakahiga lang siya doon sa sahig habang nakatingin sa akin. May pasa siya sa kaliwang pisngi na sa malamang ay dahil sa suntok ko sa kaniya pero imbes na magalit ay nakangiti siya sa akin ngayon. Bigla siyang napasinghal at napahawak sa labi na ngayon ay dumudugo bago muling tumingin sa akin. "You're strong. Pano mo nagagawa yun?" Tanong ni Trevas bago dahan-dahang umupo. "Nagagawa ang alin?" Tanong ko. "Lumipad" Ilang sandali ako napatahimik dahil hindi ko alam kung anong isasagot ko. Kung sasabihin ko sa kaniya ang tungkol kay Anna ay kakailanganin ko ding sabihin ang tungkol sa bracelet at ang pagkamatay ni papa kaya naman nagdadalawang-isip ako kung ano ang sasabihin. "You don't want to tell me?" Tanong ni Trevas. Tumango ako. Napabuntong hininga siya bago iniunat ang kanang kamay sa akin at sinenyasan ako na tulungan siyang tumayo. Inabot ko ang kamay niya para sana hilahin siya pero laking gulat ko nang siya ang humila sa akin dahilan para matumba ako sa direksyon niya at madapa sa sahig. "What the f—" hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang biglang agawin ni Trevas ang mga kamay ko at ipiniid ako sa sahig bago niya ako kinubabawan. "Anong ginagawa mo?" Hindi niya ako inimik at tinitigan lang dahilan para mapaiwas ako ng tingin. Tinawanan niya lang ako bago bumangon mula sa pagkaka kubabaw sa akin pero kahit na ganon ay hindi pa rin ako makagalaw sa puwesto ko. Napatingin ako sa mga kamay ko at nakitang nababalot ito ng kulay itim na usok na siyang pumipigil sa akin na makagalaw. "Panalo ako" sabi ni Trevas na ngayon ay naka upo na sa gilid ko. "What?" "Panalo ako sa laban natin" sabi niya bago ako nginitian ng malawak. "Ako ang nanalo napaka kapal ng muka mo" "Then bakit hindi ka makagalaw?" Tanon niya sa akin. "Nandaya ka kasing hayop ka" sigaw ko sa kaniya bago nagpumiglas pero kahit anong gawin ko ay hindi ako nakagalaw. "Alissa" nagulat ako nang bigla siyang lumapit sa akin bago ako nginitian. "Sa totoong laban, mandadaya at mandadaya ang kalaban mo para lang manalo" Nakagat ko ang labi ko bago inis na inis na tinitigan siya pero hindi na ako umimik dahil tama siya, sa totoong laban, hinding hindi lalaban ng patas ang kaaway. "Pakawalan mo na ko dito" Seryosong sabi ko sa kaniya pero nginitian niya lang ako bago natatawang nagsalita. "Kiss muna" "Pfft!" Sabay kaming napalingon ni Trevas nang makarinig kami ng pagpipigil ng tawa at biglang nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Lina at ang iba pang mga katulong na nakatingin sa amin. "Oh, wag niyo kaming pansinin. Ipagpatuloy niyo lang yang ginagawa niyo" seryosong sabi ni Lina pero bakas sa muka niya na kanina pa siya nagpipigil ng ngiti. Naramdaman ko ang unti unting pagkawala ng kulay itim na mahika na bumabalot sa kamay at paa ko kaya naman agad din akong bumangon at tumayo bago pinagpagan ang suot kong damit. Napansin kong tumayo na din si Trevas na nasa tabi ko pero pinilit kong iiwas sa kaniya ang tingin bago naglakad papunta kay Lina pero agad din akong napatigil nang bigla akong hawakan ni Trevas sa braso. Inis ko siyang tinignan pero agad ding napaiwas ang tingin ko nang magtama ang mga paningin namin. "Bakit?" Tanong ko nang hindi tumitingin sa kaniya. "Magpalit ka ng damit" sabi niya na siyang ikinakunot ng nuo ko. Napayuko ako para tignan ang suot ko at doon ko lang napagtanto na sira na ang sleeves ng damit na suot suot ko. Bigla kong naalala na nasira nga pala ang sleeves ng damit ko nang maglaban kami ni Trevas kanina. Although wala namang maselang parte ang nakita dahil sa pagkakasira ng sleeves ko, kita na ang itaas na bahagi ng dibdib ko at maging ako mismo ay hindi kumportable dahil dito. Pero ang hindi ko napansin dahil sa busy ako sa damit ko ay ang pagtingin ni Trevas ng masama sa dalawang lalaking katulong na siyang napaiwas ng tingin at naglakad papalayo dahil sa mga masasamang titig niya. "Sige, Magpapalit muna ako" sabi ko habang hawak hawak yung sirang sleeves para matakpan yung itaas na bahagi ng dibdib ko. Tumango lang si Trevas nang hindi tumitingin sa akin kaya kinawayan ko nalang si Lina bago ako naglakad papunta sa main building. Paakyat na sana ako ng second floor papunta sa kwarto ko nang makarinig ako ng dalawang katulong na nagu-usap. "Payag ka din ba kung sakali mang si His highness Prince Trevas ang magiging susunod na hari?" Tanong ng isang katulong na may mahabang buhok sa isa pang katulong na may shoulder length na buhok. "Syempre hindi" biglang nag-init ang dugo ko sa narinig ko. Gusto kong sugurin yung dalawang katulong pero pinili kong pakalmahin ang sarili ko dahil curious din ako kung bakit ganon nalang ang pagkamuhi nila kay Trevas. Nitong mga nakalipas na araw na nanatili kami dito sa courtyard kasama si Trevas ay naging mabait naman siya sa amin kaya hindi ko lubos na maintindihan kung bakit galit na galit ang mga tao ng Beifang sa kaniya. "Wala naman atang nasa katinuan ang papayag na maging hari si His highness Prince Trevas na hindi tunay na anak ng hari" "Akala ko ba chismis lang yun?" Tanong nung katulong na mahaba ang buhok. "Anong chismis? Nakita mo na ba ang kapangyarihan ni His highness prince Trevas?" "Dark magic?" "Oo, at tulad ng light at ice element na mga rarest element sa mundo. Hindi mo makukuha ang dark element kung hindi dark user ang mga magulang mo" "Pero hindi naman dark user ang hari at reyna" "Kaya nga, ibig sabihin lang non, hindi tunay na anak ng hari si His highness Prince Trevas kaya ganon nalang ang galit sa kaniya ng reyna" "Alissa?" Biglang napatigil sa pauusap yung dalawang katulong at tulad ko, napalingon din sila sa pinto kung saan nagmula ang boses na tumawag sa akin. Nagtama ang mga paningin namin ni Trevas bago bumaba ang tingin niya sa damit ko. "Bakit hindi ka pa nagpapalit?" Napalingon ako doon sa dalawang katulong at nakitang gulat silang nakatingin sa akin. Nakita ko ang takot na bakas sa mga muka nila, malamang ay takot sila na baka narinig ko ang usapan nila kanina. "Alissa?" Binalik ko ang tingin ko kay Trevas. "Huh?" "Bakit hindi ka pa nagbibihis?" Tanong niya ulit. "Galing lang ako sa CR, eto na magbibihis na" sabi ko bago magsimulang humakbang paakyat ng hagdan pero bigla din akong napatigil nang magsalita na naman si Trevas. "I-try mo munang isuot to" napalingon ako uit kay Trevas na ngayon ay nakatayo na malapit sa akin at may inaabot na kahon na halos mabitawan ko sa sobrang bigat. "Alissa! Ang ganda ng susuotin nating combat clothes!" Rinig kong sigaw ni Lina bago pa man makapasok sa loob ng main building. Nang makapasok na siya ay nanlaki ang mga mata ko sa mangha dahil sa suot suot niyang combat clothes. Kulay puti ang suot niyang combat clothes pero kulay itim ang kaliwang sleeves at leggings nito. Nilipat ko ang tingin ko sa hawak-hawak kong kahon. "Nandyan sa loob yung para sayo" sabi ni Trevas bago ako nginitian. Tumango lang ako bago naglakad paakyat ng kwarto ko para magbihis habang dala-dala yung mabigat na box. Pinatong ko sa kama yung malaking kahon bago ko ito binuksan at nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Kalahating puti at kalahating dark blue ang damit, bagay na bagay sa kapangyarihan kong tubig at yelo. Mahaba ang palda ng damit pero maiksi naman sa harap kaya tamang tama lang sa pakikipaglaban. Sinuot ko yung damit bago isa-isang kinabit yung mahiwagang kwintas na siyang nagbibigay karagdagang proteksyon sa akin. Nang maikabit ko na ang lahat ng kailangang ikabit ay namangha ako sa kagandahan nung damit. Hindi siya ganon ka bigat tulad ng inaasahan ko at parang may kung anong mahika ang dumadaloy mula sa damit. Naglakad ako palabas ng kwarto at dali-daling bumaba para ipakita sa kanila ang damit pero napatigil ako nang makita ko ang suot na damit ni Trevas. Isa itong kulay violet na combat clothes na may puting pants sa loob at tulad ng saamin ni Lina ay nababalot din ito ng mahihiwagang bato. Bigla akong napatakip ng tenga nang marinig kong napatili si Lina habang nakaturo sa akin. Napatingin sa akin si Trevas at nakita ko ring nagulat at namangha siya sa suot ko. Nginitian ko sila pareho bago naglakad palapit sa kanila. "How is it?" Tanong ni Trevas sa amin. "The best" sabi ni Lina bago nag thumbs up sa kaniya. Humarap sa akin si Trevas at tinaasan ako ng kilay at hinintay akong sumagot. "Anong gayuma ang nilagay mo dito?" Tanong ko dahil hanggang ngayon ay ramdam na ramdam ko ang kapangyarihang dumadaloy mula doon sa damit. Bahagyang napatawa si Trevas. "Hindi yan gayuma, gawa sa mahiwagang tela itong mga damit na ito kaya kung mapapansin nyo, may kapangyarihang dumadaloy mula sa damit na iyan na siyang magpapalakas sa kapangyarihan niyo" Napatango ako bago ko iniunat ang kamay ko at naglabas ng yelo sa palad ko pero laking gulat ko nang sandaling umilaw yung damit ko bago biglang lumaki yung yelo sa palad ko dahilan para mabitawan ko ito at mabasag sa sahig. Napatingin sa akin sila Lina at Trevas bago kami sabay-sabay na napangiti. "I think handa na akong lumusob sa mga barbarians" sabi ni Lina. Napatango tango ako. "Me too" Author's note:
1. Powers of Trevas
2. Combat clothes of
Trevas | Alissa | Lina
0 Comments
Leave a Reply. |
AuthorBaubbleGum Archives
December 2020
Categories
All
|