Mabilis na lumipas ang isang linggo at sa wakas ay dumating na din ang araw ng pag-alis namin papuntang kanluran. Maaga palang ay gising na kami nila Lina at Trevas para maghanda pero hapon na nang dumating kami sa kampo sa kanluran kung saan naka pamalagi ang nasa 3,000 na mandirigmang pangungunahan ni Trevas.
Dapat talaga ay 5,000 na mga mandirigma ang pangungunahan ni Trevas pero ang lahat ng iyon ay tauhan ng palasyo at walang wala ito sa 3,000 na mandirigma na si Trevas mismo ang nagtrain at nagpalakas. Ang napagusapan nung una ay tag 5,000 sila Trevas at Alastor na mandirigmang gagamitin pero nagpumilit si Trevas na ang pangungunahan niya ay ang mga sarili niyang tauhan kaya naman in the end, pumayag ang hari kahit na 3,000 lang ang tauhan ni Trevas habang 7,000 naman ang kay Alastor. "Bakit ka pumayag na mas kaunti ang tauhan mo?" Tanong ko sa kaniya habang naglalakad kami papunta sa loob ng kampo. Napakaraming kulay green na tent ang nakatayo sa loob ng kampo pero sa pinaka gitna ay ang isang malaking tent kung saan kami kasalukuyang patungo. Napansin kong pinagtitinginan kami ng mga tao dahil bukod sa lutang na lutang ang suot suot naming damit ay kaming dalawa lang ni Lina ang babae na naririto. Nang makapasok na kami sa malaking tent ay tyaka lang ako hinarap ni Trevas at sinagot ang tanong ko. "Mas pipiliin kong pangunahan ang 300 na mga tauhan na pinagkakatiwalaan ko kesa sa 500 na mga tauhan na anumang oras ay maaring magtraydor sa akin" Magsasalita pa sana ako pero biglang naagaw ang pansin ko ng tatlong lalaki sa loob ng tent na kasalukuyang nag-uusap habang nakapalibot sa isang malaking lamesa na may mapa at may pin kung saan-saan. Kung isang normal na element user lang ako ay malamang hindi ko maiintindihan ang mapa na ito pero ako si Alissa Knoxx, anak ng isang makapangyarihang heneral kaya naman naiintindihan ko ang ibig sabihin ng nasa mapa. "Bakit may mga babae dito?" Tanong nung lalaki na may itim na mahabang buhok na naka pusod at isang manipis na balbas. "Care to introduce us general?" Tanong ng isang lalaki kay Trevas na siyang ikina tigil ko. Trevas is a general? Napalingon ako kay Trevas bago napatingin sa balikat niya kung saan ngayon ko lang napansin ang apat na bituin na nakatahi sa suot suot niyang combat clothes na nagsisimbolo na isa nga siyang heneral. "Alissa, Lina, this is lieutenant general Jared" tinuro ni Trevas yung lalaki na seryoso ang mukha at may itim na mahabang buhok. Napatingin ako sa balikat niya at doon nakita ko ang tatlong butuin na nakatahi sa combat clothes niya. "This is sergeant major general Min" tinuro ni Trevas yung lalaking blonde ang buhok at nginitian naman niya kami. Tulad ng ginawa ko kay lieutenant Jared, tinignan ko din ang balikat ni Sergeant Min at doon nakita ko ang dalawang bituin. "And this is Colonel Jay" kulay black din ang buhok ni colonel Jay tulad ng kay Lieutenant Jared pero higit na mas maaliwalas ang mukha niya kumpara kay Lieutenant Jared na parang laging galit sa mundo. "Everyone, this is Lina" tinuro ni Trevas si Lina "And this is Alissa" "And why are they here?" Tanong naman ni Sergeant Min. "They are powerful Mage at kailangan natin sila sa laban" sagot ni Trevas bago naglakad papalapit sa lamesa at pinagmasdan ang mapa na nakalatag doon. "May alam ba sila sa pakikipaglaban?" Kunot nuong tanong ni lieutenant Jared na siyang ikinataas ng kilay ko. "Are you mocking us?" Tanong ko sa kaniya dahilan para mapalingon siya sa direksyon ko. "No, gusto ko lang makasiguro na hindi kayo tatanga-tanga sa oras mismo ng laban" sagot nito. Magsasalita pa sana ako pero inunahan na ako no Trevas. "That's enough Lieutenant, hindi sila ang kalaban natin dito" Napatango tango si Lieutenant Jared bago ibinalik ang tingin sa mapa sa lamesa. "Sabay na lulusob ang kampo natin at ang kampo nila Prince Alastor bukas ng hapon. Susugod ang kampo ni Prince Alastor sa kanan ng kampo ng kaaway habang tayo ay sa kaliwa bago natin ito sabay sabay na papaligiran para makasiguro na matatalo nga ang mga barbarians. Mahigpit ding ipinagbilin ng hari na talunin muna ang mga barbarians bago hulihin ang pinaka leader" pagpapaliwanag ni Sergeant Min habang ginagalaw-galaw yung mga flag sa may mapa para mas lalong maintindihan yung sinasabi niya. Tumango si Trevas bago nagsalita at iyon na nga ang simula ng pagpaplano namin para sa laban bukas na tumagal ng halos limang oras. Sa wakas ay natapos din ang pagpaplano kahit madilim na. Tumayo ako sa pagkakaupo at lalapit na sana kay Trevas na kasalukuyang kinakausap si Sergeant Min pero bago pa ako makalapit ay biglang humarang si Lieutenant Jared sa harapan ko. "What?" Inis kong tanong sa kaniya. Kanina kasi habang nagupulong ay lagi niyang kinokontra ang sinasabi ko kaya napapaghalataan ko nang malaki ang galit sa akin ng taong ito. "I still don't trust you" sabi nito na siyang ikinasama ng muka ko. "When?" "Anong when?" Tanong niya. "When did I ask?" Tanong ko bago siya nilagpasan at nagpatuloy sa paglalakad papunta kay Trevas na kakatapos lang kausapin si Sergeant Min. "Pfft" narinig ko ang pagpipigil ni Lina sa tawa niya na ngayon ay nakasunod na sa akin kaya tumigil ako at hinarap ko siya. "What?" "Wala ang cute lang ni Lieutenant Jared" sabi ni Lina na siyang nagpalaki ng mga mata ko. "Cute?" Napatango tango si Lina habang natatawa bago pasimpleng napalingon kay Lieutenant Jared na ngayon ay naglalakad na palabas ng tent kasama si colonel Jay. Napakunot ang nuo ko at napangiwi bago napatingin kay Lina na ngayon ay titig na titig sa naglalakad papalayo na si Lieutenant Jared. Napa iling-iling nalang ako bago nagpatuloy sa paglalakad papunta kay Trevas na kasalukuyang nakatitig doon sa mapa sa lamesa. "Bakit tulala ka?" Napatingin sa akin si Trevas bago napa iling-iling. "May iniisip lang" sabi niya bago nagsimulang maglakad. "Let's go, handa na siguro ang hapunan" Sabay kaming naglakad papunta sa pinaka gitna ng kampo kung saan merong bonfire na pinalilibutan ng mga miyembro ng kampo. Maingay silang nag kukwentuhan habang kumakain pero lalo silang nag ingay nang makita nila kaming tatlo nila lina at Trevas na naglalakad papalapit. May lumapit sa amin na dalawang payat na lalaki at inabutan kami ng pinggan na naglalaman ng masustansyang salad na siyang hapunan ng lahat. Hinila nila kami nila Trevas palapit sa may bonfire at pumayag naman akong magpahila. "Usog don tol" "Usog, usog" Sabi ng mga ito para bigyan kami ng puwesto para makaupo sa harap ng bonfire. Nakita kong tumabi si Lina kay lieutenant Jared kaya naman tumabi din ako sa kanan niya ngunit nagulat ako nang tumabi si Trevas sa kanan ko. "Are you married?" Tanong ni Lina kay lieutenant Jared pero hindi ko na narinig ang sunod na pinagusapan nila nang maagaw ang atensyon ko nang may tumugtog na gitara bago ko narinig na sabay sabay silang kumanta. 'A hero of war Yeah that's what I'll be And when I come home They'll be damn proud of me I'll carry this flag To the grave if I must Cause it's a flag that I love And a flag that I trust' (A.N. this song is not mine ) Biglang bumilis ang tibok ng puso ko habang pinapakinggan silang kumanta. I know this song. Father used to sing it everytime noong nabubuhay pa siya. "Hero of war... Ang title ng kantang yan, tama?" Tanong ko doon sa lalaking nag gigitara. Napatingin siya sa akin at napansin ko ding napatingin sa akin ang iba. "Alam mo ang kantang ‘to miss Alissa?" Ngumiti ako bago napatango. "Lagi kong naririnig noong bata pa ako, ginawan ko din ng ibang version noong bata pa ako" sabi ko habang inaalala si mama na kasa-kasama ko sa paggawa noong ibang version ng kanta. "Ibang version? Pwede mo bang kantahin para samin miss Alissa?" Alok nung lalaking naggigitara bago nagsimulang tugtugin yung intro nung kanta kaya wala na akong ibang nagawa kundi pumayag sa gusto niya. A hero of war Yeah that's what you'll be And when you come home Please hug me tightly I'll stay here and pray For you to came back Cause your the man that i love I'll wait till I die. Biglang napatahimik ang lahat nang matapos ko na ang kanta at tulad nila, hindi ko napigilang malungkot habang inaalala yung mga panahong kailangang umalis ng mahal ko sa buhay para sumabak sa gera. Hindi ko maiwasang malungkot habang inaalala yung mga panahon na wala akong nagawa kundi maghintay na matapos ang lahat dahil mahina ako at kung kailan naman ngayon na malakas na ako at kaya ko nang lumaban, wala na ang taong hinihintay ko. "That's very lovely miss Alissa" komento nuong naggigitara at sumang-ayon naman ang iba pero nginitian ko nalang sila. Nagpatuloy ang pagkukwentuhan at bumalik na ang dating ingay at dahil gabing gabi na ay napagpasyahan na namin ni Lina na pumunta sa tent namin at mag pahinga. Pero kahit anong gawin kong pagpikit ay hindi ako makatulog at nagpaikot-ikot lang sa higaan. "Lina" tawag ko kay lina na nasa kabilang kama pero hindi na siya sumagot. Napatitig ako sa bubong ng tent. 'Anna?' 'Na-aalala mo pa pala ako?' Tanong ng isang boses na ilang araw ko na ring hindi naririnig. 'Tama ba 'tong ginagawa ko?' 'What do you mean?' 'Tama ba na tulungan ko si Trevas na makuha ang trono?' 'hindi ba kailangan mo ang kapangyarihan niya para makapaghiganti ka sa hari ng bauxacel?' Iniunat ko ang kamay ko sa harapan ko bago pinagmasdan yung markings na bulaklak sa pulsuhan ko. 'Paano kung magtraydor sa akin si Trevas? Pano kung hindi na niya ako tulungan pagka naging hari na siya?' Sandaling natahimik si Anna. 'Sa tingin mo ba magagawa ni Trevas yon?' Ako naman ang biglang natahimik habang nagiisip ng malalim. Magagawa kaya ni Trevas na magtraydor sa akin? Naging mabait naman siya nitong mga nakaraang araw at wala pa naman siyang ginawang ikasisira ng tiwala ko sa kaniya. Then bigla kong naalala si Luke. Kaibigan ko si Luke mula pagkabata at naging totoo ang nararamdaman ko sa kaniya at akala ko ay ganon din siya. I trusted him more than I have ever trusted anyone pero in the end, nagawa niyang magtraydor sa akin. Bumangon ako at nagdesisyon na maglakad-lakad muna para makapagisip-isip dahil hindi rin naman ako makakatulog. Kumuha ako ng isang makapal na coat sa mga damit ko at isinuot iyon bago lumabas ng tent. Niyakap ko ang sarili ko dahil sa lamig ng simoy ng hangin. Meron pa ring mga gising sa oras na ito kaya may mga nakakasalubong pa ako na sila namang ngumingiti sa akin bago nagpapatuloy sa paglalakad. Napadaan ako sa may campfire at nakitang may mga nakapalibot parin doon pero iilan nalang at wala na rin si Trevas, malamang ay natutulog na iyon. Naglakad-lakad pa ako hanggang sa makarating ako sa may labas ng kampo pero laking gulat ko nang may makita ako doong nakaupo sa may damuhan. Napatingala ito sa akin at doon ko lang napansin na si Trevas pala iyon. Nginitian niya ako bago sumenyas sa akin na lumapit at umupo sa tabi niya. "Bakit gising kapa?" Tanong niya habang nakatingin sa malayo. Napatingin din ako sa kung saan siya nakatingin at doon nakita ko nasa ilang metro ang layo samin ay ang kabilang kampo kung saan nakapamalagi ang mga tauhan ni Alastor. Maliwanag pa ang kampong iyon at rinig na rinig ko pa ang mga tawanan kahit na malayo kami na para bang walang mangyayaring gera bukas. "Hindi ako makatulog" sagot ko kay Trevas pero napatango lang siya at hindi na sumagot. Napalingon ako sa kaniya at pinagmasdan ang muka niya na nakatingin padin sa kampo nila Alastor. "Bakit gusto mong maging hari?" Tanong ko sa kaniya dahilan para mapalingon siya sa gawi ko at magtama ang mga paningin namin. "Once na si Alastor na sunodsunuran lang kay Queen Mother ang maging hari, nakakasiguro ako na unti unting guguho ang kaharian at maghihirap ang mga tao. And I can't let that happen" sandali siyang napatigil bago muling nagsalita. "Gusto ko ding mawala na ang discrimination laban sa mga dark user na katulad ko. All my life naranasan kong kutyain dahil lang sa isa akong dark user" Iniunat ni Trevas ang kamay niyang nakapatong sa mga tuhod niya at doon lumabas ang isang itim na parang usok at nagpaikot ikot sa hangin. "Gusto kong mabago ang paniniwala ng mga tao na basta dark user ay demonyo para wala nang iba pang makaranas ng mga naranasan ko." pagpapatuloy niya dahilan para mapatango-tango ako. Parang may kung anong tinik ang nabunot sa dibdib ko dahil sa sinabi niya. Gusto niyang maging hari hindi para sa sarili niya kundi para sa kabutihan ng iba. It means malaki ang chance na hindi niya ako tatraydurin. Right? "Bakit mo natanong?" Nabalik ang atensyon ko sa kaniya nang magtanong siya. "Gusto ko lang malaman kung karapatdapat kang pagkatiwalaan" bahagya siyang napatawa. "Hindi ko sasabihing karapatdapat ako. After all, naniniwala ako sa kasabihang ' Actions speak louder than words '" Inirapan ko lang siya. "Eh ikaw, sinabi mo sakin isang beses na kakailanganin mo ang kapangyarihan ko... Why?" Napabuntong hininga ako. Should I tell him? Sandali akong napaisip bago nagdesisyon na sabihin sakanya ang ibang detalye tutal kailangan niya ding malaman ito in the future. "There's this someone, I liked him since i was young" napansin kong biglang napalingon sa akin si Trevas at nakatuon na sa akin ang atensyon niya na kanina ay nasa kabilang kampo. "Who?" Napangiti ako pero hindi iyon totoong ngiti. "Luke, Magkakilala na kami simula pagkabata at akala ko ay kilalang-kilala ko na siya. Pero akala ko lang pala yun" Hindi umimik ai Trevas kaya nagpatuloy lang ako. "I trusted him and his family, pero siya at ang pamilya niya ang naging dahilan ng pagkamatay ng mga magulang ko. Nagmakaawa ako sa kanila na iligtas ang mga magulang ko alang alang sa pagkakaibigan ng mga pamilya namin pero wala silang ginawa at nalaman ko nalang na sila pala ang may kagagawan ng lahat" "I was so weak at that time kaya wala akong nagawa, at gusto ko sa pagbabalik ko ay ako mismo ang magbubura ng apelyido nila sa kasaysayan ng mundo at kailangan ko ang kapangyarihan mo para magawa iyon" Napalingon ako kay Trevas nang bigla niyang hawakan ang kamay ko na nakapatong sa ibabaw ng tuhod ko bago niya ako nginitian. "I’m also doing this for you" biglang nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "What?" "Ayoko talaga nung una na makipaglaban para lang makuha ang trono, pero noong sinabi mo sa akin na kailangan mo ang kapangyarihan ko noong nasa gubat pa tayo ay napagdesisyonan kong lumaban." "Anong connect?" Tanong ko dahilan para mapatawa siya. "Noong sinabi mo na kailangan mo ko, it actually inspired me. Dahil for the first time in my life, merong nangailangan sa akin" Biglang napahigpit ang kapit ko sa kamay ni Trevas. Ano kayang naging buhay ni Trevas nitong mga nakalipas na taon? Ano kayang pakiradam na mamuhay na galit sayo ang sarili mong ina at kinukutya ka ng lahat dahil lang sa pagiging dark user. "Let's win this war" sabi ko sa kaniya na siyang ikinalawak ng ngiti niya. "Yes, let's win" **** Sa loob ng isang silid sa palasyo ng Bauxacel ay makikita ang isang lalaki. Nagtataasan ang mga pader at bintana at nag-gagandahan ang mga chandelier na nasa itaas nila malawak at malaki ang silid pero ang tanging nandoon lang ay ang isang malaking trono na kinauupuan ng isang hari na meron nang mapuputing buhok sa mahaba niyang buhok at balbas. Magisa lang siya sa kuwarto at tulalang sa kawalan habang hinihimas-himas ang balbas niya hanggang sa biglang bumukas ang malaking pinto at doon ay pumasok ang isang nakaputing lalaki. "Luke" naglakad si luke papalapit sa ama niyang hari bago inilagay ang braso sa may dibdib at yumuko bilang pagbibigay respeto. "Wala pa ring balita tungkol sa kaniya?" Tanong ng hari. Napailing-iling si Luke. "Naikot na ng mga tauhan ko ang buong Bauxacel pero ni anino niya ay wala kaming nakita" Napatango-tango ang hari at napahawak sa sentido. "Hindi pa siya patay" pagmamatigas ni Luke. "Maaring nagtatago lang siya ibang sa kaharian kaya hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya nahahanap" Napabuntong hininga ang hari bago tumingin muli kay Luke. "Plano kong sakupin ang kaharian ng Beifang" Nanlaki ang mga mata ni Luke bago napakunot ang nuo niya. "Why?" "Lumalakas na ang kapangyarihan ng kaharian ng Beifang at anumang oras ay maari nila tayong kalabanin kaya mas maganda kung maaga palang ay sasakupin na natin sila para hindi na maging panganib sa atin" sagot ng hari bago sumandal sa kinauupuan niyang trono. Napatango lang si Luke at nagisip sandali bago muling nagsalita. "Anong plano niyo?" "Magkakaroon ng digmaan sa pagitan ng Beifang at sa mga barbarians sa gawing kanluran" "Gusto mong makipag alyansa sa mga barbarians na iyon?" "Yes" Napatango si luke. "Then magpapadala ako ng isa sa mga pinakamagagaling na heneral para tulungan ang mga barbarians sa pakikipagdigma—" "No" pagpuputol ng hari sa sinasabi ni luke. "Gusto kong ikaw mismo ang pumunta sa kampo ng mga barbarians" Nagtatakang napatingin si Luke sa kaniya. "May I ask why?" "You're the only one I can trust Luke, alam natin pareho na isa sa mga malalapit sa atin ang nangtatraydor" Seryosong saad nito. "Alright, makikipagkasundo ako sa mga barbarians na iyon at sisiguraduhin kong mananalo sila sa digmaan laban sa Beifang" sabi ni Luke na siyang ikinaluwag ng hinga ng hari. "You may go" sabi ng hari bago sinenyasan si Luke na pwede na siyang umalis. Yumuko si luke sa kaniya bago naglakad palabas. "And Luke" napatigil sa paglalakad si Luke at napalingon sa hari. "Once na nasakop mo na ang Beifang, try to look for Alissa" sabi nito. "I will" sabi ni Luke bago muling nagpatuloy sa paglakad.
0 Comments
Leave a Reply. |
AuthorBaubbleGum Archives
December 2020
Categories
All
|