Marami na ang tao sa Plaza De Rinos nang makarating ako doon. Wala akong ibang kasama bukod sa dalawang guard na pinasama sakin ni mama.
Pumunta ako sa pinaka sentro ng plaza kung saan nandoon ang isang mataas na stage na ginawa talaga para gamitin sa pagbibitay. Hindi ko alam kung gaano kadaming dugo na ang dumanak sa lugar na ito basta't ang alam ko ay masyado na itong marami para bumakat ang kulay ng dugo sa may stage. Pinagmasdan ko ang paligid at napansin ko ang isang kumpulan ng mga tao. Sinubukan kong silipin kung ano ang meron doon at napagtanto kong nandoon ang Royal family na napalilibutan ng mga royal guard. Nandito ang hari at ang nagiisa niyang anak na si Luke. Bigla akong napatigil sa paglalakad nang magtama ang paningin namin ni Luke at nagkatitigan kami ng ilang segundo. Bumilis ang tibok ng puso ko lalo na nang biglang humakbang si Luke papalapit pero bigla din siyang napatigil at napaiwas ng tingin. Bigla akong nainis sa sarili ko. I should be angry with him, I should be angry with the whole royal family pero eto ako ngayon, ambilis ng kabog ng dibdib dahil sa simpleng tingin ni Luke. Naagaw ang atensyon ko nang makarinig ako ng ingay mula sa may stage at doon nakita ko ang tatlong lalaking naka kadena na hila hila ng mga guwardiya ng palasyo. Isa si papa sa tatlong lalaki na naka kadena. Nagsimulang mag ingay ang mga tao at kung ano anong mga masasakit na salita ang binitiwan nila pero wala akong maintindihan dahil nakatuon ang atensyon ko kay papa. Dali dali akong lumapit sa may stage at tinawag si papa. Napatigil siya paglakad at napatingin sa direksyon ko. Naramdaman ko na pinagtinginan kami ng mga tao pero hindi ko iyon pinansin. May binulong si papa sa guwardiyang nasa tabi niya pero hindi ko iyon masyadong narinig dahil sa ingay ng mga taong nasa paligid namin. Ang tanging narinig ko lang ay ang sinabi niyang. "For the last time" Napatango yung guwardiya bago niya dinala si papa sa akin. "Alissa, you shouldn't have come here" Umiling iling ako sakanya. "I will get you out of here" Sabi ko kahit na paulit-ulit na nag e-echo sa utak ko ang mga sinabi sa akin ni mama na huwag na akong mangengealam. "We can't do anything now Alissa, It's too late" pagbuntong hininga nito. Napakuyom ang kamao ko habang pinagmamasdan ko ang payat na payat na si papa. Wala na ang dating ningning sa mga mata nito at ang dating kumpiyansang tindig niya ay wala na. Father was a very good fighter and magic user. Ang elemento niya ay Earth and water at ang magic power niya ay level 7. Meron lamang sampung nilalang ang naka abot sa level 7 at dalawa naman sa level 8 kaya naman isa si papa sa pinaka makapangyarihang mahikero sa buong kaharian ng Bauxacel. Pero sa kabila ng lakas ng kapangyarihan niya, eto siya ngayon at nagaabang ng paparating na kamatayan. Hinawakan ni papa ang kamay ko at may sinuot sa akin na kulay green na jade bracelet. Ito yung bracelet na lagi niyang suot at never niyang hinubad na para bang takot na takot siyang mawala ito. "Hindi ko alam kung anong mangyayari sa hinaharap, pero malakas ang kutob ko na maaring idamay kayo ng mga may gawa nito" Nakaramdam ako bigla ng kaba. Tama si papa, malaki ang posibilidad na targetin kami ng mga kaaway para makuha ang kayamanan namin lalo na kung wala na si papa na pinaka pinuno ng pamilyang knoxx. "Use this bracelet to protect our family, wala na akong panahong ipaliwanag ang lahat basta't ang tandaan mo lang. Sa kabilugan ng buwan, itapa't mo sa liwanag ng buwan ang bracelet na iyan at dadalhin ka niyan sa isang mundo na magbibigay sayo ng kapangyarihang ka-kailanganing mo para maprotektakan ang pamilya—" Hindi pa natatapos ang sinasabi ni papa ay bigla kong narinig ang boses ni Lina. "Young miss Alissa!" Napalingon ako kay lina na ngayon ay hingal na hingal na tumatakbo papunta sa akin. Magulo ang buhok at damit nito pero pinaka napansin ko ang bahid ng dugo sa may laylayan ng suot niyang bistida. Bakas ang takot sa mga mata ni Lina. "Young miss, kailangan nating umalis. Papatayin ka nila, balak nilang patayin ng buong lahi ng mga Knoxx" Biglang nanlamig ang buong katawan ko dahil sa takot at pagkabigla. "Anong ibig mong sabih—" "I knew it, GO! Alissa magpakalayo layo ka at iligtas mo ang sarili mo" pagpuputol ni papa sa sinasabi ko. "Pano sila mama?" "Pinag-utos sa akin ni madam Diana na ilayo ka dito miss Alissa, at kailangan na nating mag madali hangga't hindi pa nila nalalaman kung nasaan ka" sabi ni Lina. "S-sandali—" hindi na natuloy ang sinasabi ko nang biglang nagkagulo ang mga tao. Nagsimulang magsigawan ang mga tao at magtatakbo paalis ng plaza. Nagpalinga-linga ako at hinanap ang dahilan ng kaguluhan at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang mga naka itim na mga lalaki na may takip sa muka na pinapatay ang kung sino man ang madaanan. "Who are you? Why the f*ck are you doing this?" Rinig na rinig ko ang sigaw ni Luke na kasalukuyang kinakalaban yung mga nakaitim na lalaki. "Nandito kami para iligtas ang pinuno naming si General Alen Knoxx" sabi ng isa sa mga ito. Nasa 50 ang bilang ng mga lalaking nakaitim at lahat sila ay atleast nasa level 5 ang kapangyarihan kaya naman hindi ganon kadali ang patumbahin sila. Napansin kong napalingon si Luke sa gawi ko at nagtama ang mga paningin namin bago niya binalik ang atensyon sa mga kaaway. Biglan nagliwanag ang paligid dahil sa isang kidlat na paulit-ulit na tumama sa mga naka itim na mga lalaki at umalingaw-ngaw ang sunod sunod na mga kulog. Light element. Isa sa pinaka rare na mahika sa balat ng lupa at isa si Luke sa mga pinalad na matanggap ang kapangyarihang iyon. Binaling ko ang aking tingin kay papa. "Kilala mo ba ang mga naka itim na iyon?" Napailing-iling si papa. "Hindi, malamang ay miyembro iyon ng mga nag aalsa laban sa royal family at ginagamit lang akong dahilan para mapagtakpan kung sino ang totoong may pakana nito" "Umalis na tayo hangga't—" hindi na natuloy ang sinasabi ko nang biglang may kung anong sumabog sa may stage dahilan para mapaupo ako at mapahawak sa may ulo. Buti nalang at medyo malayo ako sa pinagsabugan kaya bukod sa paso at gasgas ay wala akong ibang natanggap. Binalik ko ang tingin ko kay papa at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko siyang walang malay sa sahig. Lumapit ako sa kanya at pilit siyang inalog-alog para gisingin. "Miss Alissa! Kailangan na nating umalis!" Sigaw ni Lina sa akin habang pilit akong hinihila sa braso. *Bgggsshhhhh Bigla akong tumalsik sa pwesto at tumama ang likod ko sa isang poste nang may bigla na namang sumabog pero mas malapit na iyon sa akin kaya ramdam na ramdam ko na ang hapdi ng balat ko na punong puno na ng paso. Napalingon ako kay Lina na ngayon ay wala nang malay di kalayuan sa akin. "Hahahahaha" Nilipat ko ang aking tingin sa nakaitim na lalaki na biglang tumawa habang naglalakad papalapit sa akin. "Hindi ko alam na magiging ganito kadali ang trabaho kong pagpatay kay General Knoxx at sa anak niya" Biglang nandilim ang mga paningin ko nang makita ko ang bangkay ni papa sa may paanan niya. Wala itong malay habang puro sunog na ang katawan at walang nakakasiurado kung buhay pa ba siya o hindi. Tinignan ko ng masama ang lalaking may gawa nito. Kasalukuyan niyang pinaglalaruan yung maliit na apoy sa kamay niya at nililipat-lipat ito sa mga daliri niya habang dahan dahang naglalakad papalapit sa akin. Bigla kong pinag krus ang mga braso ko sa harapan ko nang ibato niya sa akin ang apoy na nagmumula sa kamay niya. May pumalibot sa akin na pader na gawa sa tubig kaya naman hindi ako natamaan ng tira niya at naglaho lang yung apoy na galing sa kaniya at nag evaporate yung ibang parte sa pader ng tubig na ginawa ko. "Water element?" Sinipat niya ako ng tingin bago natatawang nagsalita "Level 2? Wow, i didn't expect the daughter of the general to be this weak... Napaka hina" Hindi ko siya inimik. Sanay na ako sa mga pangmamaliit ng mga tao sakin dahil sa level 2 lamang ang kapangyarihan ko "Dahil diyan, mas lalo akong ginanahan na patayin ka. Hindi na dapat nagtatagal sa mundo ang mga mahihinang tulad mo" ngumisi siya at muli na namang nagbato ng apoy sa akin pero mas malaki at mas nag aalab ang mga apoy na ito at hindi ko alam kung kakayanin pa itong harangin ng pipitsugin kong water barrier level 2. Bago ko pa maitaas ang kamay ko para muling sanggain ang papalapit na apoy sa akin ay biglang kumidlat sa harapan ko at doon nakita ko ang pamilyar na lalaking nakaputi na nakatalikod sa akin pero siguradong sigurado akong si Luke 'yon. Puti ang robe na suot suot ni Luke at kasabay itong hinahangin ng mahaba niyang buhok. Bago pa makapag react yung fire user na umatake sa akin kanina ay biglang nagpakawala ng isang kidlat si Luke mula sa kamay niya at tumama iyon sa fire user. Tumalsik ito ng halos isang metro mula sa kinatatayuan pero kitang kita ko na halos itim na ang kulay ng balat nito dahil sa pagkakatusta. Lumingon sa akin si Luke at walang emosyon ako tinignan bago lumapit at hinila ako patayo. "Anong ginagawa mo?" Tanong ko sakanya bago hinila yung braso kong hawak hawak niya. "We have to go" wala paring emosyon sa muka niya. "We? Hindi ko kailangan ang tulong mo" pagmamatigas ko. "hindi mo kailangan ng tulong eh muntik ka na ngang mamatay kung hindi ako dumating" "Oo na! Mahina na ako, mahina na ako at hindi ko manlang maprotektakan yung mga tao sa paligid ko" maluha-luha kong sabi habang nakatingin sa bangkay ni papa di kalayuan. Gusto kong lumapit sa kanya pero natatakot akong na magising sa katotohanang wala na nga siya. "That's not what i meant—" "I don't care! Patay na si papa at isa ka sa mga dahilan kung bakit nangyarin yon" Napasuklay ng buhok si Luke bago napabuntong hininga. Mahigpit niya akong hinawakan sa braso bago hinila papunta sa kung saan. "Saan mo 'ko dadalhin?" Nagpumiglas ako at pilit na kumawala sa kapit niya pero higit na mas malakas siya kesa sa akin. Pinilit kong tanggalin ang kamay niya sa braso ko pero bigla akong napatigil nang mapansin kong nag liliwanag ang bracelet na binigay sa akin ni papa baago siya namatay. Then naalala ko ang sinabi ni papa. "Sa kabilugan ng buwan, itapa't mo sa liwanag ng buwan ang bracelet na iyan at dadalhin ka niyan sa isang mundo na magbibigay sayo ng kapangyarihang ka-kailanganing mo para maprotektakan ang pamilya" Napatingala ako at ngayon ko lang napansin na gabi na pala at napaka liwanag ng bilog na bilog na buwan. "You are going to stay with me hangga't hindi pa nahuhuli ang mga nagtatangkang pumatay—" Hindi ko na naintindihan pa ang sinabi ni Luke nang hubarin ko ang bracelet ko at itinaas iyon katapat ng liwanag ng buwan. Unti unting nagliwanag yung bracelet at pakiramdam ko ay unti-unting gumagaan ang katawan ko. "Alissa! What are you doing?!" Isang sigaw mula kay Luke ang huli kong narinig bago ako binalot ng liwanag. Author's Note:
1. Picture ng jade bracelet
0 Comments
Leave a Reply. |
AuthorBaubbleGum Archives
December 2020
Categories
All
|