Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko nang unti-unting nawala ang liwanag.
Nasa isang malaking lupain ako na punong puno ng mga puting bulaklak na parang umiilaw dahil sa liwanag na nagmumula sa bilog na buwan. Hindi ko alam kung nasaan ako ngayon at kung ano ang maari kong kaharapin pero wala akong mapapala kung tatayo lang ako dito kaya naman nagsimula akong maglakad. Pero bago pa lumapat ang paa ko sa lupa na punong puno ng mga bulaklak ay bigla akong napatigil dahil sa isang tinig na hindi ko alam kung saan nanggagaling. "Stop" nagpalingon lingon ako at hinanap kung saan nagmumula ang tinig na hindi ko mawari kung pang babae ba o lalaki. "Who are you?" Tanong ko sa misteryosong tinig na nagmumula sa utak ko. "I'm the one you came here for" matipid nitong sagot na siyang lalong nagpakunot ng nuo ko. Ni hindi ko nga alam kung bakit ako nandito. "You came here for power to protect the people around you and avenge those who died for you" pagpapatuloy nito na siyang ikinalaki ng mga mata ko. "Paano mo nalaman?" Tanong ko sa kaniya na siyang ikinatawa niya. "I know you more than you know yourself" "Pwede bang diretsuhin mo na ako? What do you want from me? Who are you? And what are you?" Sunod sunod kong tanong. "Calm down child... You will soon find out... But first, kailangan mo munang iligtas ang sarili mo" "What do you mean?" Tanong ko pero bago pa siya makasagot ay napansin kong nagsimulang magliparan yung mga puting bulaklak na nakapalibot sa akin. Narinig ko ang pagtawa ng tinig na nagmumula sa utak ko bago ito nagsalita. "Good luck" Pagkasabi niya noon ay biglang naging kulay pula ang mga bulaklak sa buong lupain na kinaroroonan ko na siyang nagpatindig ng balahibo ko dahil kakulay ito ng dugo. Nagsama-sama yung mga bulaklak at bumuo ng isang malaking alon na siyang may taas ng halos dalawampung talampakan. Natakpan ng malaking alon ang liwanag ng buwan kaya nagdilim ang paligid. Nakagat ko ang labi ko bago tumakbo papunta sa alon at sinalubong din naman ako nito. Inihanda ko ang water barrier na pumalibot sa katawan ko bago mas binilisan pa ang pagtakbo palapit sa alon ng pulang bulaklak. Nang ilang hakbang nalang ang pagitan namin ay bigla akong tumalon at dirediretsong tumagos sa alon. Nagliparan ang mga bulaklak na siyang natamaan ko at ngayon ko lang napansin na matatalim ang gilid nito na siyang gumasgas sa iba't-ibang bahagi ng katawan ko. Napaangil ako dahil sa hapdi nung mga gasgas pero agad din akong tumakbo nang biglang maghiwahiwalay yung mga nagkumpulang matatalim na bulaklak at nagsimulang paligiran ako. Habang tumatakbo papalayo sa mga bulaklak na patuloy sa paghabol sa akin ay ilang beses akong nadapa dahil sa mga ugat sa lupa na galaw ng galaw at sinasadyang patirin ako. "Hoy! Boses na nagmumula sa utak ko!" Sigaw ko nang mapagtanto kong hindi ko kakayaning kalabanin mag isa ang mga agresibong bulaklak na ito. "What a nice name to call me" natatawang saad ng boses mula sa utak ko. Wala na akong oras para mainis sa kaniya dahil patuloy parin ako sa pagtakbo mula sa mga nanghahabol na matatalim na bulaklak at mga ugat na pilit na pumululupot sa paa ko para patirin ako. "Can you help me?" Tanong ko sa boses na nagmumula sa utak ko. Wala na akong ibang maagawa kundi manghingi ng tulong sa kanya. "My, my, Alissa..." Bigla akong nagulat nang tawagin niya ako sa pangalan dahilan para mawala ako sa focus at mapatid sa isa sa mga ugat sa sahig. Nadapa ako sa lupa kaya naman nagkaroon ng pagkakataon yung mga ugat na puluputan ako. "You're not as weak as you think Alissa, focus and you will know the extent of your power" "F*CK! Just f*cking help me!" Naiinis kong sabi habang nagpumiglas at pilit na kumakawala sa mga ugat na unti-unting pinupuluputan ang buong katawan ko. Napansin ko din di kalayuan ang mga agresibong bulaklak na papalapit ng papalapit. Kitang kita ko na ang bawat matutulis na talutot(petals) ng bawat bulaklak at sigurado akong masakit iyon. "Fine, fine" sabi ng boses bago biglang may nagliwanag sa harapan ko. Kulay blue na may halong black ang ilaw na iyon na siyang nagpatigil at nagpahiwa-hiwalay sa mga lumilipad na bulaklak at sa mga ugat na pilit na pumululupot sa akin. Sinamantala ko ang pagkakataong iyon at kumawala sa mga ugat bago itinaas ang kanang kamay at inipon papunta doon ang mahikang dumadaloy sa katawan ko. Mula sa mga daliri ko sa nakataas kong kanang kamay ay umagos ang tubig na siyang nagpaikot-ikot palibot sa akin. Napansin kong nagsimula na namang magkumpolkumpol yung mga bulaklak kaya bigla akong kinabahan at nawala sa focus. "Focus Alissa... Huminga ka ng malalim at pakiramdaman mo ang pag-agos ng elemento ng tubig na nagmumula sa dugo mo" Sinunod ko ang sinabi ng tinig na nagmumula sa utak ko. Ang skill na ginagawa ko ngayon ay ang ultimate skill ng mga water user. Never ko pang nagawa ang skill na ito buong buhay ko kaya wala akong tiwala at kumpiyansa sa sarili. "Focus, alissa, focus..." Huminga ako ng malalim at itinuon ang atensyon sa pag guide sa mahikang dumadaloy sa dugo ko papunta sa pinaka dulo ng daliri ko. Nang maramdaman kong buo na ang spell ay dalidali akong dumilat at inihampas sa sahig ang kamay ko. Kasabay ng paghampas ko sa sahig ay ang pagsabog ng bola ng tubig na nakapalibot sa akin na siyang nagtaboy sa bawat halamang nakapalibot sa akin. Hingal na hingal akong napatingala at napagtanto na halos lupa nalang ang natira sa kanina'y puno ng bulaklak na lupain. Kahit damo o anumang ugat ay wala kang makikita sa malawak na lupain. "I... I did it" gulat kong sabi habang nanghihinang napatayo. Ito ng unang beses na nagawa ko ang ultimate skill ng isang water user. "Nice! Although kinailangan mo ang tulong ko, you look cool doing that ultimate skill" papuri ng boses sa utak ko. Gulat akong napatingin sa mga kamay ko at hindi ko mapigilang mapangiti. "You have defeated the flower spirit, Achillea" saad ng misteryosong boses sa utak ko. "What? Flower spirit?" "Yep, isang flower spirit ang nakalaban mo kanina lang at dahil natalo mo siya, you can now obtain her powers! Cool right?" Halos patiling saad ng boses sa utak ko dahilan para mpatakip ako ng tenga. Bago pa ako makapagtanong sa kung ano ang ibig niyang sabihin ay biglang may nagliwanag sa harapan ko. Isa itong puting bulaklak na palutang lutang sa harapan ko. Nag aalangan ko itong hinawakan pero nang oras na dumampi ang balat ko sa nagliliwanag na bulaklak ay bigla itong naglaho at kasabay ng paglaho nito ay biglang nagkaroon ng markings(tattoo) sa may pulsuhan ko. Kulay blue-violet na mga bulaklak ang markings at nakapalibot ito sa pulsuhan ko na parang isang bracelet. (Katulad nung picture na naka attach dito sa chapter) Marahan kong hinaplos yung markings sa may pulsuhan ko habang ramdam na ramdam ko ang pag agos ng malakas na kapangyarihan sa dugo ko. Napatigil ako nang mapansin ko ang mga nagliliparang blue-violet na bulaklak na nakapalibot sa akin. Inabot ko yung mga nagliliparang bulaklak at nagulat ako nang sumunod ito sa bawat galaw ng kamay ko. "Kaya ko nang kontrolin ang mga ito?" "Yep" sagot noong boses sa utak ko. Halos mapanganga ako sa mangha habang kinokontrol yung mga nagliliparang bulaklak. Matatalim ang bawat talutot (petals) ng mga bulaklak kaya naman maganda itong gamitin sa pakikipaglaban. "Sino ka ba talaga?" Tanong ko. Ilang sandaling natahimik ang paligid bago ko na naman narinig ang misteryosong boses. "You can call me Anna, the goddess of butterfly" "Saan ang lugar na ito, Anna?" Tanong ko sa kaniya. "Nasa loob ka ngayon ng isang magical bracelet" napatango-tango ako at ngayon ko lang napagtanto na wala na sa pulsuhan ko ang bracelet na ibinigay sa akin ni papa. "Kalahati lang ng kaluluwa ko ay nakatahan dito da loob ng bracelet kaya wala akong pisikal na katawan" pagpapatuloy ni Anna. Tumango ako. "Alright, paano ako makakalabas dito?" Tanong ko dahil tutal naman ay nakuha ko na ang kapangyarihan ng flower spirit ay pwede nakong bumalik. "Not so fast Alissa" bumungisngis si Anna dahilan para biglang magtindigan ang balahibo ko. "What do you mean?" Tanong ko sa kaniya. "Nasa unang pagsubok ka palang Alissa. Meron kapang dalawang pagsubok na dapat pagdaanan" paulit-ulit na nag echo sa utak ko ang sinabi ni Anna. Author's Note:
1. Picture nung markings sa kamay ni Alissa
2 Comments
6/16/2020 01:13:38 pm
Chapter 3 palang ako pero Ang ganda ng flow na stiry
Reply
Baubblegum
6/16/2020 08:20:08 pm
Thank you po <3
Reply
Leave a Reply. |
AuthorBaubbleGum Archives
December 2020
Categories
All
|