Kasalukuyan akong naglalakad paalis ng malawak na lupain na pinanggalingan ko. Ang kaninang lupain na punong puno ng bulaklak ay ngayon ay lupa nalang ang makikita at hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na ako ang may gawa noon.
Nang makaalis na ako sa malawak na lupain ay natagpuan ko ang sarili ko tapat ng isang malawak na lawa. Napakaganda ng lawa at nagrereflect dito ang maliwanag na mga butuin at malaking buwan pero ang pinaka kapansin pansin ay ang isang malaking bato sa gitna noong lawa kung saan may naaninag akong nakaupo. "Sino yun anna?" Tanong ko habang titig na titig sa kung sinomang nakaupo doon sa bato pero kahit anong gawin ko ay hindi ko maaninag dahil sa dilim. "Bakit hindi mo lapitan?" Bumungisngis na naman si Anna kaya bigla akong kinabahan. Dahan dahan akong lumapit doon sa lawa habang nakatingin padin doon sa taong nakaupo sa may bato. Nang makarating ako sa lawa ay ginamit ko ang aking mahika para makapaglakad sa ibabaw ng tubig. Bawat hakbang ko ay nagdudulot ng maliliit na alon sa tubig pero hindi parin gumagalaw sa puwesto yung nakaupo doon sa may bato. Nang ilang metro nalang ang layo namin sa isa't isa ay bigla akong napatigil nang mapagtanto ko kung ano yung nakaupo doon. Hindi ito tao, isa itong serena. Nagningning ang kulay berde nitong makikinam na buntot dahil sa liwanag na nagmumula sa buwan habang ang kanyang buhok ay kasing itim ng kalangitan. Ngumiti ito sa akin bago biglang tumalon sa tubig una ang uluhang bahagi ng katawan. Kasabay ng paglusong niya sa tubig ay bigla din akong lumubog dahilan para pumasok ang tubig sa ilong ko. Isa sa mga katangian ng Water user tulad ko ang makahinga sa ilalim ng tubig kaya naman hindi ako natatakot na malunog pero bago pa ako makapag react sa mga nangyayari ay biglang nawala yung tubig sa paligid ko dahilan para bumagsak ako sa may buhangin sa ilalim ng lawa. Gulat akong napalingon lingon sa paligid at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang mataas na pader ng tubig di kalayuan. Akala ko ay biglang nawala ang lawa pero it turned out na sa puwesto ko lang biglang nawalan ng tubig. Nilipat ko ang tingin sa serenang nasa may pader ng tubig na nakangising nakatingin sa akin. Dahan-dahan itong naglangoy papalapit sa akin at nang makarating na siya sa lugar na walang tubig ay biglang umilaw ang buntot niya at napalitan ito ng isang paa at nakasuot na siya ngayon ng isang green na mahabang palda. Walang duda, isa din siyang water user tulad ko. At sigurado ako na mas mataas ang level niya sa akin. "Who is she?" "She's Aquarius, the Water spirit" sagot ni Anna. "Spirit pero may pisikal na katawan?" Kunot nuo kong tanong. "Lahat ng spirit may pisikal na katawan pero mas pinipili nilang manatiling spirito. Tanging si Aquarius lang ang gustong gustong nasa pisikal niyang katawan dahil sayang daw yung ganda niya kung hindi niya ipapakita" Gusto ko sanang tawanan ang eksplenasyon ni Anna pero bigla itong nawala sa isip ko nang maglabas ng isang malaking vase si Aquarius mula sa kung saan. kulay puti ang vase na ito na may disenyong kulay asul at sa pinaka bukasan nung vase ay may umaagos na tubig. Iniunat ni Aquarius ang kamay niya at itinapat ito sa direksyon ko dahilan para bigla akong mapaluhod at kasabay noon ay ramdam ko ang unti-unting pag-agos ng mahika palabas ng katawan ko. Isang kulay asul na ilaw ang nagmumula sa akin ang dahan-dahang umagos papunta sa hawak hawak na vase ni Aquarius. "Quick! Stop her bago niya mahigop lahat ng kapangyarihan mo!" Sigaw ni Anna dahilan para bigla akong matauhan. Iniunat ko ang kamay ko sa direksyon ng pader ng tubig at kinontrol ito papunta sa direksyon ni Aquarius. Napatigil si Aquarius sa paghigop ng kapangyarihan ko at napaiwas pero nanlaki ang mga mata niya nang muntik na niyang mabitawan yung vase. Naningkit ang mga mata ko habang pinapanood kung paanong protektahan ni Aquarius ang vase niya pero biglang lumiwanag yung vase at naglaho. Humarap sa akin si Aquarius at dali-dali akong sinugod. Alam siguro ni Aquarius na isa din akong water user kaya mas maganda kung lalabanan niya ako ng pisikal. Ipinag krus ko ang mga braso ko sa papalapit niyang kamao para sanggain ito pero napatalsik padin ako dahil sa lakas ng impact ng suntok niya. Nakaladkad ako sa sahig at halos mapamura dahil sa hapdi na naramdaman ko. "Bakit ang lakas niya?" "She's level 5 water spirit, katumbas ng level 6 water user" napangiwi ako dahil sa narinig ko. No wonder walang epekto sa ang water barrier ko sa mga tira niya. Bigla akong napatayo at napaiwas sa paparating na sipa ni Aquarius at nanlamig ang katawan ko nang makita ko kung gaano lumubog yung lupa na tinamaan ng sipa niya. Bago pa ako makapagreact sa nangyari ay bigla na naman akong sinugod ni Aquarius gamit ang isang malakas na suntok at this time, hindi na ako nakagamit ng water barrier kaya naman salong-salo ko ang bagsik ng kamao niya. Tumalsik ako ng ilang metro at muntik pang tumagos sa mataas na pader ng tubig kung Hindi lang ako hinila ni Aquarius sa paa at sinipa pababa sa sahig. Ramdam na ramdam ko ang paglubog ng lupa sa likuran ko at bigla akong napaubo ng dugo dahil doon. Lumapit si Aquarius sa tapat ko bago muling inilabas ang vase niya. Iniunat niyang muli ang kamay niya pero bigla siyang napatigil nang makitang nakangiti ako sa kanya. Kunot nuo siyang napatingin sa akin at bago pa niya malaman ang dahilan ng pagngiti ko ay biglang umilaw yung markings ng bulaklak sa pulsuhan ko at kasabay noon ay pinalibutan kami ng mga bulaklak na siyang sabay sabay na sumugod kay Aquarius. Sinubukan pa ni Aquarius na itago yung vase niya pero higit na mas mabilis ang galaw ng mga bulaklak na kontrol ko kaya wala siyang ibang nagawa kundi panoorin kung paano unti-unting nahulog ang vase mula sa mga kamay niya. Sinamantala ko ang pagkakataon na iyon at inipon ang natitirang kapangyarihan sa katawan ko papunta sa paa ko at sinipa si Aquarius palayo sa ngayon ay basag nang vase. Bagama't hindi ganon kalaki ang epekto ng sipa ko sa kaniya ay sapat na ito para mapaatras siya ng ilang hakbang. Hindi ko alam kung anong meron sa vase niya pero sigurado akong mahalaga ito para sa kaniya dahil sa paraan kung paano niya ito protektahan. "NO!" Sa unang pagkakataon ay narinig ko ang boses ni Aquarius pero hindi ko iyon masyadong napansin dahil nakatuon ang atensyon ko sa basag na vase sa harapan ko at sa asul na liwanag na nagmumula dito. Halos mapaatras ako nang biglang pumunta sa akin yung asul na liwanag at unti-unting pumasok sa katawan ko. Kasabay ng pagpasok ng ilaw sa katawan ko ay naramdaman ko rin ang malakas na kapangyarihan na dumaloy sa dugo ko. Napapikit ako dahil sa tindi ng sensasyong naramdaman ko kaya hindi ko napansin ang muling pag-agos ng tubig ng lawa sa puwesto kung saan kami naglalaban ni Aquarius. Muling nabasa ang tuyong lupa na inaapakan ko at unti-unti akong natabunan ng tubig. Nang sa wakas ay tapos ng higupin ng katawan ko ang liwanag na nagmula sa vase ni Aquarius ay agad akong naglangoy pataas para umahon sa tubig. Sakto naman na malapit ako doon sa bato sa gitna ng lawa kaya naglangoy ako papunta doon bago napahiga habang hingal na hingal na nakatingin sa madilim na kalangitan. "Congratulations! Natalo mo si Aquarius, the water spirit! You are now a level 7 water user!" Bigla akong napatigil sa sinabi ni Anna. "Level 7?" "Yep! Na absorb mo lahat ng mahikang inipon ni Aquarius sa loob ng ilang libong taon" bigla akong nakaramdam ng guilt dahil sa narinig ko. Ilang libong taon niyang inipon tapos nanakawin ko lang? "Stop being sorry for her, ninakaw lang din niya sa ibang water user yung mga kapangyarihan na iyon" sagot ni Anna nang mapansin niya ang guilt sa mga mata ko. Napatango-tango nalang ako bago napalingon sa paligid. "Nasan na si Aquarius?" Tanong ko nang mapagtantong biglang nawala si Aquarius. "Tulad noong flower spirit na nakalaban mo kanina, she's now just a spirit na walang kapangyarihan" napatango ulit ako bago biglang may naalala. "Nung nakuha ko ang kapangyarihan ng flower spirit, nagka markings ako sa pulsuhan. Pero ngayong nakuha ko ang water spirit, bakit wala naman akong nakitang markings?" "look at your reflection" sabi ni Anna kaya tumayo ako mula sa pagkakahiga at tumingin sa repleksyon ko sa tubig. Nanlaki ang mga mata ko at manghang mangha akong napatitig sa sarili kong repleksyon. Mas makinis at mas maputla na ang kutis ko kumpara dati pero imbes na mag muka akong bangkay ay nagmuka akong isang diwata dahil sa asul na asul na mga mata kong dati'y kulay itim. "How?" Tanong ko habang manghang mangha paring nakatitig sa repleksyon ko sa tubig. "Water is an element hindi tulad ng flower, kaya imbes na magkamarkings ka ay humalo sa dugo mo ang kapangyarihan ni Aquarius" "Paano kung hindi ako water user at natalo ko si Aquarius? Makukuha ko parin ba ang kapangyarihan niya?" I asked because of my curiosity. "Yes, kung isa kang fire user at nakuha mo ang kapangyarihan ni Aquarius ay magiging dual user kana. You can manipulate fire and water at the same time" "So in my case, nag level up lang ang kapangyarihan ko dahil isa din kong water user katulad niya?" "Exactly" anito. Napatayo ako at napabuntong hininga. "Alright, ready na ako sa pangatlo at huling pagsubok" Hindi sumagot si Anna at bumungisngis lang. Napakunot ang nuo ko pero bago ko pa siya matanong kung bakit siya tumatawa ay biglang may kulay asul na may halong itim na ilaw ang lumiwanag sa paligid. Napapikit ako dahil sa sobrang liwanag nito bago ko unti-unting naramdaman ang pagdampi ng napakalamig na hangin sa balat ko. Nanginig ang buong katawan ko dahil sa sobrang lamig kaya niyakap ko sa sarili ang mga braso ko. Nasa isang lugar ako ngayon na nababalot ng makapal snow. May mga asul na bulaklak ang nakapalibot sa akin at may mga paruparong kakulay ng yelo ang lumilipad-lipad sa paligid na siyang lalong nagpamangha sa akin. Butterflies were a cold blooded animals kaya hindi sila nabubuhay sa lamig pero ang mga paro-parong nandito ay palipad-lipad lang na parang hindi nilalamig tulad ko. "Alissa knoxx, daughter of Diana and Alen Knoxx, Welcome to my home, the land of butterflies..." Rinig kong sabi ni Anna pero hindi na ito nagmumula sa utak ko. Nagpalingon lingon ako at hinanap kung saan nagmula ang boses ni Anna at doon nakita ko ang isang babaeng nagliliwanag na naglalakadlakad papalapit sa akin. Bago ko pa maaninag ang itsura niya ay bigla siyang nagtransform bilang isang asul na paro-paro at lumipad-lipad palapit sa akin. "Anna?" Tanong ko doon sa paro-paro bago ito marahang inabot. Tumigil naman sa paglipad ang paro-paro at nag-land sa kamay ko. "Ako nga" anito. It felt wierd dahil nagmumula ang tinig sa paro-parong nasa kamay ko. "Ito naba ang huling pagsubok? Kailangan kitang kalabanin?" Tanong ko sa kanya. "Parang ganon nanga" saad niya dahilan para bigla akong kabahan. "Pero hindi mo na ko kailangang kalabanin, i will give you my powers willingly" sabi niya dahilan para manlaki ang mga mata ko. "Really? Bakit naman?" "Bakit? Gusto mo akong kalabanin? Hindi lang ako basta isang butterfly spirit tulad ng mga nakalaban mo. I am the goddess of Butterflies, Alissa" "Hindi naman sa gusto kitang kalabanin, it's just that, why? Bakit mo ibibigay yung kapangyarihan mo sa akin?" Biglang lumipad ang paro-parong si Anna at pinalibutan naman siya ng iba pang paro-paro. "I've been watching you since you were young Alissa. Kilala kita at alam kong gagamitin mo sa tama ang mga kapangyarihang nakuha mo sa mundong ito" "Wait, you've been watching me since i was young? How? Eh ngayon lang naman tayo nagkita" tanong ko pero imbes na sumagot ay tumawa lang si Anna. "Soon, Alissa... I'll tell you soon" anito at bago pa ako makapagsalitang muli ay nagliparan yung mga paro-paro paikot sa akin. Halos libo-libong mga paro-paro ang nagpaikot ikot sa akin sa hindi ko malamang dahilan. Lumalakas ang hangin sa paligid ko pero imbes na marandaman ko ang lamig ay unti-unti akong nakakaramdam ng init na dumadaloy sa katawan ko. Napaluhod ako sa snow sa paanan ko dahil sa lakas ng hangin. Kasabay naman ng pagluhod ko ay ang paglipad ng mga paro-paro papunta sa likuran ko. Umarko ang katawan ko dahil sa tindi ng sensasyon bumabalot sa akin. Sa bawat pagdampi ng mga paro-paro sa likuran ko ay bigla itong nagliliwanag bago biglang maglalaho at kasabay noon ay bigla kong mararamdaman ang mainit na sensasyong dumadaloy sa katawan ko. Hindi ko na alam kung gaano katagal na akong nakaluhod sa may snow sa sahig basta't ang alam ko lang ay namamanhid na ang mga tuhod ko. Bahagya akong napatingin sa likuran ko nang mapansin ko ang isang liwanag na kakulay ng yelo at doon nakita ko ang paro-parong si Anna. Nagpalipad-lipad ito sa may itaas bago dirediretso at mabilis na lumipad papunta sa may likuran ko at biglang nagliwanag. "Congratulations Alissa, Ikaw at Ako ngayon ay iisa" iyan ang huli kong narinig bago ako nawalan ng malay.
0 Comments
Leave a Reply. |
AuthorBaubbleGum Archives
December 2020
Categories
All
|