Sandaling napapikit si Luke dahil sa tindi ng liwanag na nagmumula sa hawak hawak na bracelet ni Alissa. Napabitaw siya sa pagkakahawak sa braso ni Alissa at napatakip sa mata niya.
Nang mawala na ang liwanag ay dahan-dahan siyang dumilat. Napansin niyang wala na si Alissa sa dati nitong puwesto kaya nagpalingon lingon siya sa paligid ngunit kahit saan siya lumingon ay hindi niya ito matagpuan. Kasalukuyan paring naglalaban yung mga royal guards at mga naka-itim na mga rebelde dito sa Plaza de Rinos. Kaya't rinig na rinig ang mga pagsabog at mga sigawan sa paligid. "Miss Alissa?" Napalingon si Luke sa nagsalita at doon nakita niya si Lina na nakasandal sa isang poste, sugatan at puno ng paso ang katawan. Napansin ni Lina ang mga tingin ni Luke kaya napatingin din siya dito at nagtama ang mga paningin nila. Kilala ni Lina si Luke dahil nga sa bata palang ay engaged na sila ni Alissa na siyang alaga ni Lina. Hahakbang na sana si Luke papalapit kay Lina nang bigla na namang may mag liwanag sa harapan niya kung saan niya huling nakita si Alissa. Hindi tulad kanina ay kulay asul na may halong itim na ang liwanag at nagliliparan ang mga paro-paro sa paligid nito. Nang mawala na ang liwanag ay tumambad sa harapan ni Luke ang isang babae na pamilyar sa kanya pero para ding hindi. Maputla at makinis na ang balat ng babaeng ito pero ang pinaka napansin ni Luke ay ang magagandang mga mata nito na nakatingin pabalik sa kaniya. **** 'Anna? Bakit nandito padin ako?' tanong ko sa isip ko. Mula noong sumapi si Anna sa katawan ko ay pwede ko na siyang makausap gamit lamang ang isip. Kaya hindi na ako magmumukang tanga na parang kinakausap ang sarili. 'what do you mean?' tanong ni Anna. 'Bakit nandito padin ang mga naka-itim na nga rebelde?' Napalingon lingon ako sa paligid na nababalot parin ng mga pagsabog at sigawan habang naglalaban ang mga naka itim na rebelde at mga royal guards bago ako napatingin sa direksyon ni Luke na titig na titig sa akin. 'At bakit nandito parin si Luke? Hindi ba't lumipas na ang isang buong magdamag habang nasa loob ako ng bracelet?' pagpapatuloy ko. Bumungisngis na naman si Anna pero hindi ko na pinansin iyon dahil sanay na ako. 'Tumigil ang oras sa mundong ito habang nasa loob ka ng bracelet' Manghang-mangha akong natulala bago napatingin sa pulsuhan ko pero tulad kanina, ay hindi ko na natagpuan ang mahiwagang bracelet na ibinigay sa akin ni papa. 'Nasan na yung bracelet?' 'Don't be greedy, isang beses mo lang pwedeng gamitin ang bracelet na iyon' pagtataray ni Anna at sigurado akong kung may pisikal lang itong katawan ay kanina pa niya ako inirapan. Sasagot pa sana ako kay Anna nang bigla kong naramdamang may humawak sa braso ko dahilan para bigla ko itong mahampas pero hindi ko inexpect na mapapalakas yung pag-hampas ko. Nanlaki ang mga mata ni Luke habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa na para bang wala lang sa kaniya yung paghampas ko sa kamay niya kanina. "You are at level 7 now?" Hindi ako umimik. Luke is a level 8 light user kaya hindi na kataka-taka na malalaman niya ang level ng kapangyarihan ko sa isang tingin lang. "Young miss Alissa!" Sabay kaming napatingin sa ngayon ay papalapit na paika-ikang si Lina. Muntikan panga itong madapa kung hindi ko lang nasalo. Hinawakan ni Lina ng mahigpit yung braso ko bago maluha-luhang nagsalita. "Young miss, si General Knoxx-" Bago pa matapos ni Lina ang sinasabi niya ay bigla akong napalingon sa direksyon ng bangkay ni papa. Muling pumasok sa ala-ala ko ang huli naming paguusap. Dali dali akong tumakbo papunta sa katawan niya pero agad din akong napatigil at napaluhod sa sahig nang nasa ilang baitang nalang ang layo namin. Sunog na ang kalahati ng katawan niya at halos hindi ko na mamukaan. Inexpect ko na na patay na siya pero iba parin talaga pag nakita mo ng malapitan at nakasigurado kana na patay na ang isa sa mga taong mahal mo. Napakagat labi ako at napakuyom ang aking kamao habang pilit kinokontrol ang matinding emosyong bumabalot sa akin. 'He's gone' malungkot na bulong ni Anna. Napatango-tango ako bago maluha-luhang tumayo. 'I know...' Hindi pa masyadong nagsisink-in sa utak ko na patay na nga si papa pero bago ko pa maintindihan ang mga pangyayari ay bigla akong nakarinig ng sigaw. "Mga traydor sa kaharian! Dapat sa inyo ay binibitay sa gitna ng maraming tao" Biglang nag-alab ang galit na namumuo sa loob ko nang mapagtanto ko kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Siya ang lalaking may dahilan kung bakit napagbintangan si papa na traydor sa kaharian. Siya ang dahilan ng pagkamatay ni papa. Ang lalaking nasa harapan ko ngayon ay ang hari, na siyang pinaka punot dulo ng lahat. "Young miss Alissa?" Tanong ni Lina nang mapansin niyang bigla akong tumayo at naglakad kung saan. Kasalukuyang nakaluhod si Lina sa harapan ng bangkay ni papa at nagluluksa. Pero hindi ako kagaya niya. Hindi ako kagaya ni Lina na magmumukmok lang at iiyak habang hinahayaan ang mga may gawa nito na mamuhay ng masaya. Naglakad ako papalapit sa direksyon ng hari. Kasalukuyan siyang pinoprotektahan ng dalawang royal guards at nakikipag laban sa limang mga naka itim na rebelde. Bago pa ako tuluyang makalapit sa kanila ay bigla na naman akong hinawakan ni Luke sa braso at pinigilan. "Anong pinaplano m-" Hindi pa natatapos ang sinasabi ni luke ay bigla ko siyang hinampas sa dibdib gamit ang water wave ko dahilan para mapatalsik siya ng ilang metro mula sa akin at sinamantala ko naman ang pagkakataong iyon para lumapit muli sa hari na kasalukuyang ginagamit ang earth power niya para pagalawin ang lupa habang kinakalaban ang limang mga naka itim na rebelde. Kinontrol ko ang mga bulaklak na nasa damuhan na nakapalibot sa akin, naging matutulis ang mga talutot nito at lumutang lutang palibot sa akin. Ini-unat ko ang kamay ko sa direksyon ng hari dahilan para lumipad sa direksyon na iyon ang mga matutulis na bulalak. Agad na naka iwas ang hari sa tira ko pero hindi siya nakatakas sa papalapit na suntok ng isang naka itim na rebelde dahilan para mapa-atras siya ng ilang hakbang. Mabilis akong tumakbo papunta sa hari pero bago pa ako makalapit ay bigla niyang hinampas ang lupa sa may paanan niya at ginamit ang ultimate skill ng isang earth user na kagaya niya. Biglang bumukas ang lupa na tinatakpan ko at sa sobrang lalim non ay hindi mo makikita ang pinaka ilalim. Nahulog sa malalim na hukay ang mga naka itim na rebelde at ganon din ako pero bago pa ako tuluyang mahulog ay ginamit ko ang isa sa mga kapangyarihan na ibinigay sa akin ni Anna. Umilaw ang likuran ko at doon ay unti-unting sumulpot ang isang kulay yelo (bright blue) na pakpak na siyang dahilan kung bakit ako nakalipad sa ere. Nanlaki ang mga mata ng mga nakakita sa mga pangyayari at hindi ko rin naman sila masisisi. Sa mundong ito, ang mga nakaabot lang sa level 10 na air user ang tanging may kakayahang lumipad pero wala pang nakaka abot sa level na iyon sa nakalipas na isang libong taon kaya naman ganon nalang ang gulat ng mga tao nang makita nila ang paglutang ko sa ere. Agad na naka recover mula sa pagkakagulat yung isa sa mga royal guard na nasa tabi ng hari. Inipon niya ang tubig sa kamay niya at itinutok ito sa direksyon ko. kasabay ng pagbuga ng tubig mula sa mga kamay niya ay siya ding paglipad ko ng mabilis sa direksyon niya. Bahagyang tumaas ang sulok ng mga labi ko habang mabilis na sinasalubong yung tubig na inihagis sa akin nung isang royal guard. Iniunat ko ang kamay ko at agad namang nagyelo ang tubig sa harapan ko. "HOW?!" Gulat na sigaw nung royal guard nang makita ang pagyeyelo nung tubig bago ito nahulog at nabasag sa milyong-milyong piraso. "YOU'RE A WATER AND ICE USER?" Gulat na tanong nito. Tulad ng light element ni Luke, Ice is also a rare element pero dahil si Anna ay isang ice butterfly ay madali ko lang nakuha ang kapangyarihan ng yelo. Ngumisi lang ako bago mabilis at dirediretsong lumipad papunta sa direksyon ng hari. Gusto ko nang tapusin ang walang kwentang pamumuno ng taong ito. Minsan na siyang nagkamali sa paghahatol sa isang taong walang kasalanan tulad ng aking ama, ayoko nang maulit ang pangyayaring iyon dahil sa kasakiman ng royal family sa kapangyarihan. Habang lumilipad ay nagmagic ako ng isang matulis na yelo sa kamay ko at itinutok ito sa hari habang mabilis na lumilipad papunta sa kaniya pero bago pa ako makalapit sa kanya ng tuluyan ay biglang may tumamamang kidlat sa akin at kasabay ng malakas na kulog ay ang unti-unti kong pagbagsak sa lupa sa may harapan ng hari. "F*ck you luke" pagmumura ko habang ang katawan ko ay namimilipit sa sakit dahil sa kuryenteng dumadaloy sa katawan ko. Siguradong sigurado ako na kay luke galing ang kidlat na iyon dahil bukod sa isa siyang traydor at mas kakampihan niya ang tatay niyang hari, ay siya lang din ang natitirang light user na buhay sa buong kaharian ng Bauxacel. Lalo lang akong napasigaw sa sakit nang biglang kong maramdaman ang apoy na nagmumula sa isa pang royal guard na nakatayo sa gilid ko. "Ako nang bahala, walang laban ang yelo niya sa level 7 kong fire element" sabi noong fire user na royal guard sa isa pang royal guard na water user na nakalaban ko kanina. "STOP!" Rinig kong sigaw ni Luke di kalayuan pero hindi ko na iyon pinansin dahil nakatuon ang atensyon ko sa hapdi at sakit na nararamdaman ko sa bawat bahagi ng katawan ko. 'Anna!' sigaw ko sa isip ko. 'Help me!' 'I can teleport you somewhere, saan mo gustong pumunta?' tanong ni Anna. 'Kahit saan! At pwede bang paki sama ang bangkay ni papa? Pati nadin si Lina' saad ko. 'alright' matipid na sabi ni Anna. Naramdaman kong unti-unting gumaan ang katawan ko at nabalot ako ng asul na liwanag. "Alissa? Ikaw ba yan?" Gulat na tanong ng hari nang magtama ang paningin namin sa huling pagkakataon pero hindi ko na siya nasagot nang biglang magbago ang senaryo sa paligid ko.
0 Comments
Leave a Reply. |
AuthorBaubbleGum Archives
December 2020
Categories
All
|