Nanlamig ang buong katawan ni Luke nang marinig niya ang makapanindig balahibong sigaw ni Alissa. Dali-dali siyang tumakbo papalapit sa royal guard na kasalukuyang tumutusta kay Alissa at tinulak ito papalayo pero huli na. Wala na si Alissa sa puwesto niya at tanging ang kapirasong sunog na damit nalang ni Alissa ang natagpuan doon.
Napakuyom ang kamao ni Luke at agad na hinawakan sa kuwelyo yung royal guard na may gawa ng lahat. “What did you do to her?! Where is she?!” Nanginig sa takot yung royal guard dahil ito ang unang beses na nakaharap niya nang malapitan ang crown prince na si Luke na kilala bilang isang malakas na Light user. “I-I-I.. I didin’t do anything, y-your highness” “THEN WHERE IS SHE?!” hinagis ni Luke sa sahig yung royal guard dahilan para mapaupo ito sa sahig pero agad din itong gumapang papalapit sa paanan ni Luke at lumuhod. “Y-your highness, please forgive me, ginawa ko lang po ang tungkulin kong protektahan ang hari” saad nito habang mangiyak-ngiyak na nakaluhod sa harapan ni Luke. “That was Alissa?” Tanong ng hari na hanggang ngayon ay tulala parin sa kapirasong damit sa sahig kung saan niya huling nakita si Alissa. “Yes” matipid na sagot ni Luke sa tatay niya. Napahawak sa sintido ang hari bago napabuntong hininga. 8 years old palang si Alissa nang huli niya itong Makita kaya naman hindi niya ito agad namukaan. Nabalot ng takot at guilt ang buong katawan ng hari nang maalala niyang muntik na niyang mapatay si Alissa nang gamitin niya ang Ultimate skill niyang paghati sa lupa. “Is she dead?” Tanong ng hari kay Luke. “NO” mabilis na sagot ni Luke. Alam niya sa sarili niya na hindi pa patay si Alissa, at kung sakali mang wala na nga siya, hinding hindi mapapatawad ni Luke ang sarili niya. “If not, paano siya biglang naglaho?” Napailing-iling si Luke. “Teleportation?” “Imposible, tanging ang mga dark at light user lang na kagaya mo ang nakakagawa ng teleportation” Hindi umimik si Luke. Biglang pumasok sa ala-ala niya ang ginawang paglutang sa ere ni Alissa. If She can fly, is it really impossible for her to teleport? Alissa was so different now. Hindi na siya ang dating mahina na kababata ni Luke. Ibang iba na siya sa Alissa na lumuhod sa harap ng palasyo ng tatlong araw. Iba na ang mga tingin at kilos ni Alissa at wala na ang mga dating ngiti sa mga labi niya sa tuwing nagtatama ang paningin nila ni Luke. Hindi na kilala ni Luke ang Alissa sa kasalukuyan. Pero siguro siya, na hindi pa patay si Alissa. **** 'Bakit ang tanga-tanga mo?' Naiiritang tanong ni Anna nang makapag teleport na kami kung saan. Hindi ako agad nakasagot. Napaluhod ako sa sahig at napapikit dahil sa kuryenteng dumadaloy parin sa katawan ko at Idagdag mo pa ang hapdi ng paso na natamo ko dahil doon sa isang royal guard. 'Anong tanga? Kung hindi lang nange-alam si Luke edi sana napag higantihan ko na ang haring dahilan kung bakit nawalan ako ng ama' Narinig kong napabuntong hininga si Anna sa utak ko. 'Then what? Kung mapatay mo ang hari, panigiradong magiging wanted ka at ka-kailanganing mong magtago habang buhay' Bigla akong napatigil. That's right. Once na mapatay ko ang hari, hahanap-hanapin ako ng mga royal guards kahit saang sulok ng mundo man ako magpunta at sigurado akong pati si Luke ay hindi ako papakawalan. 'Then anong gagawin ko?' tanong ko kay Anna. Kung hindi ko papatayin ang hari. Ano ang gagawin ko? 'Mag plano ka, hindi yung basta basta ka nalang sumusugod nang walang plano' bago ko pa masagot ang sinabi ni Anna ay biglang may humawak sa may braso ko. Nakaluhod ako ngayon at nakaupo naman sa harapan ko si Lina habang nakatitig sa akin. "Let's burry your father, young miss" Napakagat labi ako bago napatingin sa may bangkay ni papa di kalayuan. Napatango ako kay Lina bago kami kumilos para magkaroon ng maayos na libing si papa. Tineleport kami ni Anna sa isang liblib na bahagi ng kagubatan kaya napagisipan namin dito narin ilibing si papa. Naglagay kami ng isang palatandaan sa puwesto kung saan siya nakalibing at halos ilang oras din akong walang imik na naptitig doon habang tinatanggap ang mga pangyayari. Hindi ako umiyak, wala akong luhang sinayang dahil alam ko na walang magagawa ang mga luhang iyon. Napatingin ako sa pasikat na na araw. Napabuntong hininga ako bago inaya si Lina na umalis na para maglakbay pabalik sa bahay pero bigla akong pinigilan ni Lina. "I don't think it's a good idea, young miss" sabi ni Lina. "What do you mean?" Tanong ko. Napailing-iling si Lina pero hindi siya umimik. Then bigla kong naalala ang sinabi niya sa akin noong nasa Plaza de Rinos kami bago magsimula ang kaguluhan. "Young miss, kailangan nating umalis. Papatayin ka nila, balak nilang patayin ng buong lahi ng mga Knoxx" At that time, hindi ko masyadong naiintindihan ang ibig sabihin ni Lina pero ngayon, parang naiintindihan ko na. "Pinag utos ni Madam Diana na ilayo kita sa lugar na ito, young miss" sabi ni Lina pero hindi ko siya pinansin. Tinalikuran ko siya at nagsimula akong tumakbo papunta sa bahay na hindi ko alam kung buo pa. Rinig ko ang pagtawag ni Lina sa pangalan ko mula sa likuran pero hindi ako tumigil sa pagtakbo. Kailangan kong makita gamit ang sarili kong mga mata ang kalagayan ni mama. Nang marating ko ang aking destinasyon ay agad na nanghina ang mga tuhod ko. Sunog na ang bahay at halos ma-abo na ito dahil sa pagkakasunog. Dahan-dahan akong lumapit sa may gate at binuksan ito pero pinagsisisihan ko kung bakit ko ginawa yun. Pagkabukas ko ng gate ay tumambad sa akin ang isang madugong imahe. Puro bangkay ng mga katulong ang nakita ko sa paligid ng bahay at naliligo na sa sariling dugo at sigurado ako na ganito din ang kalagayan ng loob ng bahay. Humalo sa hangin ang malansang amoy ng dugo na siyang tuluyang nagpahina sa tuhod ko mabuti na lamang ay nahawakan ako ni Lina sa braso bago bumigay ang tuhod ko. "Young miss..." Hingal na hingal na bulong ni Lina. "What happened here?" Tanong ko kahit na may ideya na ako kung ano ang nangyari dito. "Nang oras na umalis kayo para pumunta sa Plaza de Rinos ay siya ding pagdating ng mga rebelde dito. Sinilaban nila ang buong bahay at pinatay ang bawat madaanang buhay." Nanginginig na sabi ni Lina na para bang bumabalik sa mga ala-ala niya ang mga madugong pangyayari. Namula at nanubig ang mata ko habang iniisip kung anong dinanas ni mama habang nasa plaza ako pero hindi ko hinayaang tumulo ang mga luha ko. Lumapit sa akin si Lina at niyakap ako ng mahigpit para sana i comfort ako pero siya naman ang naiyak. Marahan kong hinawakan ang likod niya bago ito taas babang hinaplos. "Bakit gagawin ng mga rebelde ito?" Bago pa makasagot si Lina sa tanong ko ay bigla kaming nakarinig ng ingay di kalayuan kaya dali-dali ko siyang hinila at nagtago sa likod ng gate. Dahil malapit lang ang pinagtataguan namin sa mga taong paparating ay rinig na rinig namin ni Lina ang usapan nila. "Nakakalungkot isipin ang nangyari sa pamilyang Knoxx, Isa ako sa mga taga hanga ni General Alen kaya hindi ko lubos maisip na magagawa niyang magtaksil sa hari. Minsan nga ay naiisip ko na baka napagbintangan lang siya" sabi ng isang malalim na boses ng isang babae. "Napagbintangan man o hinde, wala na tayong magagawa." Sagot ng isa pang bababe sa mas matinis na boses. "Oo pero alam mo ba na yung anak na babae ni General Alen na si Alissa ay pinagtangkaan pang patayin ang hari para mag higanti?" "Talaga? Pano mo nalaman?" "Pumunta yung anak ko sa Plaza De Rinos kagabi at napanood niya lahat ng pangyayari. Pero ang sabi ay napatay daw si Alissa ng isa sa mga royal guard. Ang malala pa eh, kapirasong damit nalang ang natira kay Alissa dahil sa tindi ng pagkakasunog sa kaniya" "Seryoso yan?" Narinig kong napabuntong hininga yung isang babae. "Hayst, hindi mo rin masisisi si Alissa. Sabay na nawala sa kaniya ang nanay at tatay niya." "Pero hindi ka ba nagtataka?" "Nagtataka sa?" "Inakusahang isang rebelde si General Alen Knoxx, pero bakit pintay ng mga rebelde si General Alen at ang pamilya niya?" Napakunot din ang nuo ko sa tanong ng babae. "Baka natatakot yung mga rebelde na ilaglag sila ni General Alen?" "Hindi eh, atin-atin lang 'to ha" biglang humina ang boses ng dalawang babaeng naguusap na para bang may sasabihin silang sikreto sa isa't isa. "Malakas ang kutob ko at may mga usap usapan ding akong naririnig na mga tauhan ng hari ang pumatay sa pamilyang Knoxx" "Ha?" "Ayon sa usap usapang, ganito ang nangyari. Inakusahan ng hari si General Alen na isang traydor dahil natatakot ang hari sa lumalaking kapangyarihan ng heneral" "Hinay hinay ka sa pagsasalita, Ang hari ang pinaguusapan natin" pagsusuway nung babae. "Wala namang ibang makakarinig tayo tayo lang." Sabi nung isang babae bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Ayun nanga, nang maaukusahan si General Alen at dumating na ang araw ng pagbibitay sa kaniya, sumugod ang mga rebelde sa Plaza para kunwari ililigtas si General Alen pero ang totoo ay balak lang nilang pagtangkaan ang hari." "Eh bakit pinatay ng mga rebelde si General Alen?" "Ang sabi sabi, tauhan ng hari ang pumatay kay General Alen Dahil akala ng hari ay itatakas siya ng mga rebelde tapos tauhan din ng hari ang pumatay sa bawat miyembro ng pamilyang Knoxx dahil natatakot ang hari na baka balang araw ay paghigantihan siya ng isa sa mga miyembro ng pamilyang Knoxx. Kahit nga si Alissa ay napatay din ng isang royal guard eh" "Bale nangyaring ang lahat ng patayan na ito dahil sa takot ng hari na maagaw ni General Alen ang trono?" "Ganon nanga, kahit nga ang engagement dati ng magkababatang sina Luke at Alissa ay pinaputol ng hari kailanlang dahil sa takot na maging reyna ang isang Knoxx" Pahina na ng pahina ang boses ng dalawang babaeng naguusap dahil palayo na sila ng palayo sa puwesto na pinagtataguan namin ni Lina. "Young miss?" Nag-aalalang tanong ni Lina. "Simula ngayon, wag mo na akong tatawaging Young miss" sabi ko habang nakatulala parin kung saan at pilit na pinoprosesa sa utak ko ang mga narinig ko. Lahat ng ito ay nangyari dahil sa kasakiman ng hari. Ilang inosenteng buhay ang nawala dahil sa takot ng hari na maagaw sa kaniya ang lintik na trono niya. Akala ko noong una ay magkaibigan ang pamilya namin at ng royal family dahil nga sa pinagkasundong ikasal kami ni Luke para mapagtibay ang ugnayan ng pamilyang Knoxx at ng Royal family pero it turned out na ang royal family mismo ang tatapos sa lahi naming mga Knoxx. "Young miss—" "Alissa, call me Alissa.. hindi na ako yung dating young miss Alissa na mahina..." Nakakuyom kong saad. Sisiguraduhin kong mawawala na sa mundo ang buong royal family at mananatili nalang ang apelyido nilang Bauxacel sa kasaysayan. Sisiguraduhin kong lahat ng dinanas ng pamilya ko ay triple ang dadanasin ng hari. Pero hindi pa ngayon, masyado parin akong mahina at walang masyadong alam sa pakikipaglaban kaya alam ko na wala akong kalaban laban sa libo-libong mga royal guards na nakapalibot sa hari at idagdag mo pa si luke na isang Level 8 light user. "Let's go" sabi ko kay Lina bago nagsimulang maglakad palabas ng sunog na bahay na dati kong tinuring na tahanan. "Saan tayo pupunta young— Alissa" tanong ni Lina kaya napatigil ako saglit at nilingon siya. "Sa isang lugar kung saan tayo pwedeng magsimula..." Sandali akong napatigil bago muling nagsalita. "Magsimulang magplano para pabagsakin ang kahariang ito na sumira ng pamilya ko." Napansin ko ang gulat sa mga mata ni Lina bago napayuko na para bang nagiisip ng malalim. Alam kong hindi tanga si Lina at alam niya ang ibig sabihin ng mga sinabi ko. Hindi magiging madali ang tatahakin kong daan sa paghihiganti kaya ayoko namang pilitin si Lina na sumama sa daang iyon. "It's ok kung hindi ka sasama sa akin, hindi kita pipiliting isama sa mapanganib na daang tatahakin ko" Napatingin si Lina sa mga mata ko bago napatango-tango. "Hindi mo ako kailangang pilitin Young—... Alissa. Gusto ko ding paghihigantihan ang mga taong may gawa ng lahat ng ito. Ayokong mamatay nalang ng ganon ganon sila General Alen at ang iyong ina na si Madam Diana" Nginitian ko si Lina at ganon din ang ginawa niya sa akin iniunat ko ang kamay ko at hinawakan ang kamay niya bago kami sabay na naglakbay papuntang hilaga.
0 Comments
Leave a Reply. |
AuthorBaubbleGum Archives
December 2020
Categories
All
|