It has been a month simula noong naglakbay kami ni Lina paalis ng kaharian ng Bauxacel. Mas pinili naming pumunta sa kaharian sa hilaga na tinatawag na kaharian ng Beifang kesa manatili sa Bauxacel kung saan maraming makakakilala sa amin.
Nanatili muna kami ni Lina sa gubat malapit sa kaharian ng Beifang kesa manirahan sa loob mismo ng kaharian. Dito kasi sa gubat ay malayang malaya kami ni Lina na makapag training. Mabilis akong umilag pakaliwa nang biglang paliparin ni Lina papunta sa akin yung isang malaking bato. Isang Air User level 4 si Lina kaya naman isa sa mga kakayahan niya ang magpalutang ng mga bagay bagay gamit ang kapangyarihan niyang hangin. Pasikat palang ang araw pero gising na gising na kami ni Lina at kasalukuyang nag t-training para mas lalong mahasa ang kapangyarihan namin. Pinalibot ko ang water barrier sa paligid ko bago ko ito unti-unting pinagyelo. Naghagis nang naghagis nang bato at kung ano ano pang matitigas na bagay si Lina sa direksyon ng ice barrier gamit ang air element niya pero kahit anong gawin niya ay wala manlang naging gasgas sa yelong iyon. Natatakpan ako ng Ice barrier kaya hindi nakita ni Lina ang pagteteleport ko palabas ng ice barrier papunta sa may likuran niya. Napansin nalang niya nang itutok ko sa leeg niya ang hawak hawak kong matulis na ice spear. "I won again" bulong ko sa kanya bago ako lumayo at kasabay non ay biglang naglaho ang hawak hawak kong spear at ang ice barrier na kanina pa binabato ni Lina. "Paano mo nagagawa iyon?" Tanong ni Lina. Napalingon ako sa kanya at nagdalawang isip kung sasabihin ko ba sa kaniya ang totoo. "You can teleport?" Manghang-manghang tanong ni Lina. Nginitian ko siya bago ako tumango. Umupo ako sa may malaking bato sa gilid at pinalipad-lipad sa mga daliri ko ang isang bulaklak na may matulis na talutot. "Wow, Alissa" napangiti ako dahil hindi na ako tinatawag ni Lina na Young miss. "Kaya mong kontrolin ang tubig, yelo, mga bulaklak. Kaya mong lumipad at mag teleport" Hindi ko masisisi si Lina kung bakit ganon nalang ang pagkamangha niya. Dito sa mundong ito ay maswerte kana kung makakakuha ka ng dalawang element at napaka swerte mo na kung tulad ko ay makakakuha ka din ng kapangyarihan ng isang flower spirit. At idagdag mo pa ang kakayahan kong makapag teleport na tanging Light user at dark user lang ang nakakagawa at ang kakayahan kong makalipad na tanging level 10 air user lang ang makakagawa. Nitong nakalipas na isang buwan ay nagagamay ko na ang bago kong kapangyarihan at maging ako ay namamangha dahil sa sobrang lakas nito at sigurado ako na once na ma-master ko na ang pagkontrol dito ay wala nang makakatalo pa sa akin. Not even luke. "Ano pang kaya mong gawin?" Tanong ni Lina bago umupo sa tabi ko. 'Anna?' 'Yes?' sagot ni Anna. 'Ano pang kapangyarihan ang kaya mong gawin?' tanong ko sa kanya. 'Mas exciting kung unti-unti mong matutuklasan' bumungisngis si Anna dahilan para mapa iling-iling ako. 'So ibig sabihin meron pa akong kapangyarihan na hindi na tutuklasan?' tanong ko sa kaniya. 'Yep!' "Alissa?" Napalingon ako kay Lina na ngayon ay nakatitig sa akin tyaka ko naalala na naguusap nga pala kaming dalawa. "Ano ulit yung tanong mo?" "Ano pa ang kaya mong gawin? Bukod sa water and ice magic, teleportation at levitation?" Napabuntong hininga ako bago napatingin sa pasikat na araw. "I don't know... Hindi ko alam kung hanggang saan ang aabutin ng napakalakas na kapangyarihang ito." "Nakuha mo sa bracelet na binigay ni Heneral Alen ang kapangyarihang iyan, tama?" Tumango ako. "I knew it" bigla akong napalingon kay Lina nang marinig ko ang sagot niya. "You knew?" Napayuko si Lina at para bang ang lalim ng iniisip. "Bago namatay si Madam Diana, Binilin niya sa akin na siguraduhing magpapaka layo-layo ka mula sa kaharian ng Bauxacel pero bago iyon ay dapat mo munang makuha ang bracelet ni Heneral Alen" Napatango-tango ako. "So alam ni mama ang kapangyarihang laman ng mahiwagang bracelet na iyon" 'Anna?' 'Ano na naman?' naiiritang tanong ni Anna. 'Paano nalaman nila mama ang tungkol sa iyo?' ilang sandaling natahimik si anna bago sumagot. 'Kailangan ko bang sagutin yan?' 'Mahirap bang sagutin?' Narinig kong napabuntong hininga si Anna bago nagsalita. 'Basta ang masasabi ko lang sayo, sa akin nag mula ang kapangyarihan ng tatay mong heneral' Napatango-tango ako. No wonder napaka lakas ng kapangyarihan niya. Lumipas ulit ang isa pang buwan at ramdam na ramdam ko na ang lakas ng kapangyarihang dumadaloy sa dugo ko. Mas gamay ko na ang pagkontrol dito at unti-unti ko nang natutuklasan ang mga techniques sa pakikipaglaban kaya naman mas madalas ko nang natatalo si Lina na isa lang level 4 na Air User. "Ah! Ayoko na! Lagi mo nalang akong natatalo, pwede bang wag mo masyadong galingan?" Napaupo si Lina sa sahig bago napa halukipkip. Natawa ako bago napa iling-iling. "Pano ka matututo kung hindi ko gagalingan?" "Paano ako matututo kung unang tira ko palang talo na ako?" Sagot pabalik ni Lina. Bigla na naman akong natawa dahil sa sinabi niya at ganon din siya pero bigla kaming napatigil sa pag tawa nang makarinig kami ng mga yabag ng paa di kalayuan. Mabilis akong nagtago sa isang puno bago sinenyasan si Lina na mag tago sa isang malaking bato. "Dyan kalang, babalik ako" Umakyat ako doon sa punong pinagtataguan ko at nagmasid-masid mula doon at hinanap kung saan nagmumula ang mga yabag ng paa. Napalingon ako sa isang lalaki na mabilis na tumatakbo. Nakasuot ito ng puting robe na hinahangin kasabay ng mahaba niyang buhok pero ang pinaka napansin ko sa kaniya ay ang isang puting tela na nakatali sa leeg niya. Parang aso lang? Nagpalipat-lipat ako ng puno na parang isang unggoy at sinundan yung nakaputing lalaki at ngayon ko lang napansin na may humahabol sa kaniyang mga lalaki na halos nasa bente ang bilang. Kakatakbo noong lalaki ay nakarating siya sa isang dead end. May malaki at matarik na bundok sa harapan niya at napaka imposible noong akyatin. Nagbalak siyang umatras at bumalik sa pinanggalingan niya pero huli na dahil napaligiran na siya ng mga humahabol sa kanya. Nagtago ako sa isang puno at tamang-tama ang puwesto ko dahil nasa may bandang itaas lang ako noong lalaking nakaputi at kayang kaya kong tumalon pababa kung sakali mang gusto kong tumulong pero aalamin ko muna kung karapatdapat bang tulungan ang lalaking ito. "Wala ka nang mapupuntahan Trevas" Napatingin ako doon sa lalaking nakaputi. Trevas ang pangalan niya? "Why are you doing this Alastor?" Tanong ni Trevas sa isa sa mga lalaking humahabol sa kaniya na sa malamang ay Alastor ang pangalan. "Hindi pa ba obvious? I want the throne, pero dahil pangalawa lang akong anak at ikaw ang panganay, I have to get rid of you" Sabi noong Alastor na siyang nagpakunot ng nuo ko. Magkapatid sila? Nakita kong napakagat labi yung lalaking Trevas ang pangalan pero hindi sia umimik. "I'm sorry, kuya" tinutok ni Alastor ang kamay niya sa Direksyon ni Trevas. Mula sa dulo ng mga daliri niyang nakatutok sa Direksyon ni Trevas ay lumabas ang isang nag-aalab na apoy na siyang mabilis na tumalsik papunta kay Trevas. Tatalon na sana ako mula sa puno para sana iligtas si Trevas nang biglang may aninong sumulpot sa ilalim ni Trevas at lumbog siya dito. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. 'Dark User?' Narinig kong natawa si Alastor bago nagpabalik-balik sa puwesto. "Lumabas kana Trevas, alam natin pareho na wala kanang lakas dahil sa pinainom ko sayong lason" Lalong kumunot ang nuo ko. Buo na ang disisyon ko, kampi ako kay Trevas. Bababa na sana ako sa punong kinaroroonan ko nang bigla akong mapatigil at mapalingon sa may anino ng isang malaking puno. Mula doon sa anino ay dahan-dahang lumabas si Trevas at napaluhod sa sahig bago umubo ng dugo. "See? I told you hindi karin magtatagal" sabi ni Alastor bago muling tinutok yung kamay sa direksyon ni Trevas at nagpakawala ng naglalagablab na apoy pero bago pa makalapit yung apoy kay Trevas ay agad akong tumalong sa harap niya at gumawa ng water barrier na pumalibot sa amin. "Who?" Kunot nuong tanong ni Alastor nang makita niyang bigla lang naglaho ang apoy niya nang tumama ito sa water barrier na ginawa ko. Tinanggal ko ang water barrier na naka palibot sa akin pero hindi ko tinangal yung nakapalibot Kay Trevas na kasalukuyan paring nakaluhod sa sahig "Who the f*ck are y—" hindi ko na pinatapos sa pagsasalita si Alastor at nagpalipad na ako ng mga matutulis na bulaklak sa direksyon niya. Nasa kalagitnaan kami ngayon ng gubat kaya naman madami akong pwedeng kontrilin na mga bulaklak. Agad na nakaiwas si Alastor sa mga matutulis na bulaklak na lumipad papunta sa kaniya pero nanlaki ang mga mata niya nang biglang bumalik yung mga bulaklak at hinabol siya. Kasabay naman ng paghabol ng mga bulaklak ko kay Alastor ay ay pag atake sa akin ng mga tauhan ni Alastor na puro lalaki at higit na mas malalaki ang katawan kesa sa akin. Umiwas ako sa paparating na suntok ng isa sa mga tauhan ni Alastor at hinagisan ito ng isang matulis na yelo na bumaon sa dibdib niya. Hindi pa tuluyang natutumba yung lalaking iyon ay meron na namang nag badyang susuntok sa akin sa bandang kaliwa ko pero agad ko siyang inunahan nang iunat ko ang dalawa ko kamay sa direksyon niya at nagpakawala ng umaagos na tubig. Inanod ng malakas na agos ng tubig yung lalaki at ang dalawa pang mga lalaki sa likod niya. Bente ang kabuuang bilang ng mga lalaki na umaatake sa aken pero hindi pa kasama doon ni Alastor na kasalukuyang hiahabol ng libo libong matutulis na bulaklak. Nakita kong napatigil sa pag takbo si Alastor at hinarap yung mga bulaklak bago nagpakawala ng apoy mula sa nakaunat niyang dalawang kamay kaya naman nasunog ang halos kalahati ng kabuuang bilang ng mga bulaklak. Agad kong binawi pabalik yung mga bulaklak na hindi pa nasusunog at ginamit para sa pakikipaglaban sa natitirang labing limang lalaki na sabay sabay akong inaatake. Alam ko dapat kabahan ako dahil higit na mas madami ang bilang nila at mas malalaki ang katawan nila sa akin pero imbes na matakot ay hindi ko mapigilang mapangiti. Ito kasi ang unang beses na magagamit ko nang buong buo ang kapangyarihang dumadaloy sa katawan ko. Umilaw yung bandang likuran ko at doon ay sumulpot na naman ang transparent na mga pakpak bago ako mabilis na lumipad pataas. Narinig ko ang pagsinghap ng hangin ng mga lalaking nakapalibot sa akin dahil sa gulat pero hindi ko iyon pinansin. "How the f*cking hell are you doing that?" Rinig na rinig ko ang sigaw ni Alastor mula sa baba kahit na nasa dalawampung talampakan na ang taas na nalilipad ko. Iniunat ko ang kamay ko paitaas at sabay na inipon ang mahika ng tubig at yelo na dumadaloy sa katawan ko papunta sa nakataas kong kanang kamay. Nagsimulang umilaw ang kamay ko at mula doon ay dumaloy ang kulay light blue na liwanag bago mabilis na nagpaikot ikot sa akin. Naramdaman kong nagliwanag din ng bawat parte ng katawan ko bago ako mabilis na lumipad pababa sa gitna nung mga kalaban ko pero sa sobrang bilis ng paglipad ko ay inabot lang ako ng kalahating segundo para bumagsak sa lupa. Kasabay ng pagbagsak ko ay ang paghampas ko din sa lupa nung kapangyarihang dumadaloy sa kamay ko na siyang nagpatalsik sa mga nakapalibot sa akin. Manghang-mangha akong nagpalingon lingon sa paligid dahil ang dating kulay berdeng gubat ay ngayon ay nababalot ng makapal na snow. At yung labing limang lalaki na kinakalaban ko kanina ay walang malay na nakalupasay sa sahig. 'Woah, ganito ba talaga ako kalakas?' tanong ko kay Anna. 'Hmm? Nakakalimutan mo atang isa akong Goddess' 'Anong pinagkaiba ng isang Goddess na kagaya mo sa flower spirit na nakalaban ko dati?' tanong ko 'Excuse me?! Kinukumpara mo ako sa isang pipitsuging Flower spirit?! I am a Goddess, Alissa. G-O-D-D-E-S-S, diyosa sa tagalog! I am a god! A female god!' halos mapatawa ako sa sinabi ni Anna pero pinigilan ko ang sarili ko dahil alam kong magmumuka akong baliw pag bigla akong tumawa mag isa. "WATCH OUT!" biglang nabalik ang atensyon ko sa kasalukuyan nang marinig ko ang sigaw ni Trevas. Napalingon ako sa may kaliwa ko at nakita ang papalapit na papalapit na nag aalagablab na apoy papunta sa direksyon ko. Hindi ako agad nakapag react pero laking gulat ko nang biglang may sumulpot na madilim na anino sa ilalim ko at bigla akong lumubog sa lupa. Nabalot ng kadiliman ang paningin ko pero hindi rin nagtagal ay bigla akong nabalik sa liwanag at natagpuan ko nalang ang sarili ko sa harapan ng isang lalaki dahilan para mapasigaw ako sa gulat. Bigla akong napaatras mula doon sa lalaki at sakto namang napatapak ako sa isang madulas na bato at muntik nang matumba kung hindi lang ako nahawakan sa bewang nung lalaki. Nanlaki ang mga mata ko at napatitig doon sa guwapong lalaki sa harapan ko at doon ko lang napagtanto na si Trevas pala ito. Mas gwapo at mas maamo ang muka niya ng malapitan pero imbes na kiligin ako dahil sa mala 'fairytale' naming eksena ay bigla akong napangiwi at tinulak siya papalayo. "Dapat hinayaan mo nalang akong matumba" sabi ko sa kanya na kinakunot ng nuo niya. "A simple 'thank you' would be nice" singhal ni Trevas. "A simple 'thank you' form you would be nice too. Niligtas ko lang naman ang buhay mo ngayon ngayon lang" seryoso kong sabi sa kaniya pero hindi na niya ako inimik kaya nagpalingon lingon nalang ako sa paligid. Nandito parin kami sa lugar na ngayon ay nababalot ng makapal na snow kahit na hindi naman nag s-snow sa bansan ito pero ang kaibahan lang ay nasa tabi na ako ni Trevas at ang dati kong puwesto ay ngayon ay nasusunog na at natutunaw na ang snow sa bandang iyon. "What happened? Saan nanggaling yung apoy?" Tanong ko habang nagmasid-masid sa paligid. Hindi sumagot si Trevas at may tinuro lang sa may kaliwa ko at doon nakita ko si Alastor na tumatakbo papalayo. Hahabulin ko pa sana siya nang bigla akong pigilan ni Trevas. "Leave it for now, gusto kong ako mismo ang tatapos sa kaniya." Seryosong saad ni Trevas habang nakatingin sa tumatakbo papalayong si Alastor. Napatango ako at nagkibit balikat bago biglang may naalala. "Kanina, biglang may sumulpot na anino sa ilalim ko at bigla akong lumubog doon bago ako napunta sa isang madilim na lugar... Ikaw ba ang may gawa non?" Hindi umimik si Trevas at tinignan lang ako. Hinintay ko siyang magsalita pero tinitigan lang niya ako kaya napairap nalang ako sa kanya bago maglalakad na sana papalayo nang bigla na namang nagkaroon ng anino sa ilalim ko at bigla na naman akong lumubog doon. Sa ikalawang pagkakataon ay nabalot ng kadilimn ang paningin ko pero ngayon ko lang napagtanto na hindi pala ako binalot ng kadiliman. instead, napunta ako sa isang lugar na walang ibang makikita kundi itim. Napalingon lingon ako at halos mapasigaw sa gulat nang matagpuan ko si Trevas sa likod ko na seryosong nakatingin sa akin bago nagsalita. '"I am Trevas Beifang, ang nagtitirang Dark User dito sa mundo"
0 Comments
Leave a Reply. |
AuthorBaubbleGum Archives
December 2020
Categories
All
|