Tinitigan ko muna sandali si Trevas at ang nakaunat niyang kamay sa harapan ko bago ko ito inabot at nagsalita.
“Alissa Knoxx, Water and ice us-”bago ko pa matapos ang sinasabi ko ay nanlaki ang mga mata ko nang biglang mapaluhod si Trevas at umubo ng dugo. Unti unting lumiwanag ulit ang paligid at nabalik kami sa gitna ng kagubatan pero hindi ko na iyon napansin nang lumapit ako kay Trevas at bigla siyang matumba sa sahig at doon ko lang naalala ang sinabi ni Alastor kanina na nilason niya daw si Trevas. ‘Anna!’ ‘What?’ ‘Anong gagawin ko dito?’ tanong ko habang pinapanuod na unti-unting mapapikit si Trevas na nalahandusay sa sahig. ‘Malay ko!’ sigaw pabalik sa akin ni Anna. Napakagat ako sa kuko ko habang nagiisip kung anong gagawin ko kay Trevas nang bigla na naman siyang umubo ng dugo. Napabuntong hininga ako bago nagdisisyon na dalhin si Trevas sa maliit na kubo na tinutuluyan namin ni Lina. Lumuhod ako sa may tabi ng nakahandusay na si Trevas bago ito hinawakan sa may dibdib at ginamit ang teleportation skill pabalik sa lugar na tinutuluyan namin ni lina. Nabalot kami ng pinaghalong kulay asul at itim na liwanag bago biglang nagbago ang senaryo sa paligid. “Alissa, bakit ang tagal-” salubong ni Lina pagkalabas na pagkalabas niya sa pinagtataguang malaking bato pero agad din siyang napatigil nang makita niya ang nakahandusay na si Trevas. “Sino yan?” “Marunong ka bang manggamot ng lason?” tanong ko sa kanya. “Nagbibiro ka ba? Dati akong katulong Alissa, hindi doktor” Napakunot ang nuo ko bago seryosong napatingin sa walang malay na si Trevas. ‘Anna, may alam ka bang paraan kung paano mawawala ang lason sa katawan ni Trevas?’ ‘Isa akong Goddess of butterflies Alissa, hindi Goddess of medicine” mataray na sabi ni Anna. Bakit ang a-attitude ng mga ‘to? Tumayo ako mula sa pagkakaluhod sa tabi ni Trevas pero bigla akong napabalik sa pagkakaupo nang bigla akong hawakan ni Trevas sa pulsuhan. “Mother...” Pilit kong inalis ang kamay ni Trevas sa pulsuhan ko pero lalo lang humigpit ang pagkakakapit niya. Unti-unting bumukas ang mga mata niya pero wala ito sa pokus. “Hindi mo ‘ko nanay” singhal ko sa kaniya pero tinitigan niya lang ako bago dahan-dahang binitiwan yung kamay ko. Tumayo ako ulit at nagbadyang aalis nang biglang magsalita si Trevas. “San ka pupunta?” Napalingon ako sa kaniya. “pupunta ako sa siyudad, tatawag ako ng doktor para magamot ka” “no need” sabi ni Trevas bago bumangon mula sa pagkakahiga at tinitigan ako sa mata. “hindi magagamot ng sinomang doktor ang lason na pinainom sa akin ni Alastor” “Anong ibig mong sabihin?” “Fire blossom poison ang tawag sa lasong pina-inom sa akin ni Alastor. At ang tanging gamot lang doon ay ang Ice blossom flower na tumutubo lang sa pinakailalim ng lawa ng Fangbei” saad ni Trevas. “lawa ng fangbei?” napalingon ako kay Lina nang bigla siyang magsalita. “alam mo kung saan iyon?” tanong ko sa kaniya at napatango naman siya. “malapit lang iyon dito alissa” Binalik ko ang tingin ko kay Trevas.“kaya ka ba nandito? Para hanapin yun ice blossom flower na gamot sa pagkakalason mo?” Napatango siya. “Pero kahit na matagpuan ko iyong bulaklak ay hindi parin ako gagaling” Napakunot ang nuo ko. “bakit?” Napabuntong hininga si Trevas bago tumayo at sumandal sa isang malaking bato sa gilid niya para alalayan ang sarili. “Kahit na mahanap ko iyong bulaklak ay wala paring mangyayari dahil kailangan ko parin maghanap ng isang Ice user na manggagamot sa akin” Bigla akong napatitig kay Trevas sa sinabi niya. “Ice user?” “yep, bago maging ganap na gamot sa pagkakalason ko iyon ice blossom flower ay kailangan muna itong balutan ng yelo ng isang ice user, and guess what? Isang rare element ang ice at Wala nang natitirang ice user dito sa mundo” Bigla kaming nagkatinginan ni Lina bago kami sabay na napangiti. “Bakit kayo nakangiti?” tanong ni Trevas nang mapansin niya ang pagngingitian namin ni Lina. “Paano kung sabihin ko sayong may kilala akong isang Ice user?” natatawang sabi ni Lina. “Meron kang kilala? Kung oo, then i will give you anything you want” sabi ni Trevas na siyang lalong nagpangiti sa amin ni lina. “Anything?” tanong ko ulit. “yes, anything.. Basta mawala na ang-” hindi na niya natuloy ang sinasabi niya at nanlaki ang mga mata niya habang nakatingin sa mga kamay ko. Nakaunat ang kanang kamay ko sa harapan ko at may palutang-lutang na snowflakes dito na siyang nagpapatunay na isa akong ice user. “Isa kang ice user?” gulat na tanong ni Trevas na siyang lalong nagpalawak sa mga ngiti ko. “Hindi mo ba napansin kanina habang kinakalaban ko si Alastor?” “Masyado akong busy sa pag ubo ng dugo kanina kaya hindi ko napanood ang laban niyo.” sagot ni Trevas. “Now that i think about it, bigla ngang nagkaroon ng snow habang naglalaban kayo.” “Kung tutulungan kitang magamot ang pagkakalason mo. Anong kaya mong ibigay kapalit?” sabi ko bago ko pinaikot ikot yung snowflakes sa mga daliri ko. “Anything you want. Money, jewelries, kahit bahay at lupa kaya kong ibigay sa iyo” saad ni Trevas. “Just help me cure this poison.” “Hindi ko kailangan ng pera” napakunot ang nuo ni Trevas pero nagpatuloy lang ako sa pagsasalita. “What i need is power” “Power? Anong klaseng power? Para saan?” “power, hindi magical power kundi political power. Kapangyarihan para mapabagsak ang Bauxacel royal family.” Napatitig si Trevas sa akin. “Bauxacel royal family? Yung kasalukuyang namumuno sa kabilang kaharian?” Napatango ako. “kaya mo bang ibigay yung hinihiling ko?” This time, si Trevas naman ang napangiti. “Do you even know who I am?” Napailing iling ako. “I am Trevas Beifang, kasalukuyang tagapagmana ng trono ng kahariang ito.” Napatitig lang ako kay Trevas, hindi parin nawawala sa mga labi niya ang malawak niyang mga ngiti pero biglang nanigas ang panga niya nang magsalita ako. “weh?” narinig kong biglang napaubo si Lina di kalayuan dahil sa pagpipigil ng tawa pero hindi ko inalis ang tingin kay Trevas na ngayon ay inis na nakatingin sa akin pabalik. “Anong weh? Hindi mo talaga ako kilala?” Napailing iling ako bago napatingin kay Lina na nag kibit balikat din bilang senyales na maging siya ay hindi rin kilala si Trevas. “Bakit naman mapupunta sa gitna ng gubat ang crown prince ng isang kaharian?” tanong ko dahilan para biglang sumama ang muka ni Trevas. “I.... I ran away” napansin ko ang pinaghalong guilt at lungkot sa mga mata ni Trevas. “Tumakas ka sa kaharian niyo? Why?” hindi umimik si Trevas at sigurado ako na ayaw niyang pag usapan ang tungkol dito kaya napabuntong hininga nalang ako. “Alright, tutulungan kita sa ngayon na mahanap yung lunas sa pagkakalason mo. Pero once na hindi mo ako binayaran, ako mismo ang papatay sayo” seryoso kong saad kaya naman seryoso din napatingin sa akin si Trevas. “Deal?” Tumango si Trevas. “Deal” Iniunat ko ang kamay ko at makikipag kamay sana sa kaniya nang bigla na naman siyang mapaluhod at masuka ng dugo. Napangiwi ako bago kunot nuong nagtanong. “minu-minuto ka ba talagang nagsusuka ng dugo?” Pinunasan ni Trevas yung labi niya bago tumingala sa akin. “Yes, bata palang ako ganito na ako” Napansin ko ang lungkot sa mga mata ni Trevas at gusto kong tanungin kung bakit, pero hindi naman kami ganon ka close kaya hindi nalang ako umimik pa. Napabuntong hininga ako. “Alright, let’s cure you” Simula noon ay pansamantala munang nanatili si Trevas sa maliit na kubong ginawa namin ni Lina dito sa gitna ng kubat pero kinabukasan din ay nagsimula kaming maglakbay papunta doon sa lawa ng fangbei para hanapin yung Ice blossom flower na kakailanganin para sa paggamot kay Trevas. Halos kalahating oras din kaming naglakad papunta doon sa lawa dahil hindi naman ako pwedeng magteleport papunta sa isang lugar na hindi ko alam ang itsura. Tumigil kami doon sa tabi ng lawa at nag desisyon na kami ni Trevas ang lulusong sa lawa para hanapin yung bulaklak habang si Lina naman ang magsisilbing look out kung sakali mang may paparating. Akala ko nung una ay ok na ang lahat. Na planado ko na ang lahat at wala na akong poproblemahin hanggang sa oras na para lumusong kami ni Trevas sa tubig. "Bakit ka napatigil?" Tanong ni Trevas na kasalukuyang hinuhubad yung robe niya para hindi mabasa. Napatitig ako sa mga mata ni Trevas. "Wala akong damit pang langoy" Napatigil sa paghuhubad si Trevas bago napatingin sa damit ko. Nakasuot ako ng isang puting robe at isang makapal na belt na nakatali ng ribbon sa harapan. Mahaba ang robe na suot ko at makapal ang tela kaya naman hindi ito magandang ipang langoy pero kung huhubarin ko naman ay wala nang matitirang saplot sa katawan ko kundi ang suot suot kong underwear. "Ako nalang ang sisisid para hanapin yung bulaklak" sabi ni Trevas bago nagpatuloy sa paghuhubad nung suot niyang robe pero bago ko pa masilayan ang hubad niyang itaas na bahagi ng katawan ay bigla ko siyang pinigilan. "Ako dapat ang sumisid" pagiling-iling ko sa kaniya. "At baket?" Napataas ang kilay niya. "Bukod sa mas malakas ako sayo—" napangiwi si Trevas dahil sa sinabi ko pero nagpatuloy lang ako sa pagsasalita. "— Isa din akong water user at kaya kong huminga sa ilalim ng tubig." "Ako yung may kailangan nung bulaklak, dapat ako yung sumisid. At isa pa, wala kang damit pang langoy at hindi ka naman pwedeng mag hubad lang katulad ko" sagot pabalik ni Trevas. "Isa akong water user Trevas. Water user. Kakampi ko ang tubig. At isa pa, hindi ka pa lubos na magaling. Paano kung bigla kang maubo ng dugo habang sumisisid ka at bigla kana namang mawalan ng malay?" Sagot ko pabalik na siyang ikina tahimik niya. "Ok fine! Ikaw na ang sisisid pero once na mapansin kong may problema, susunod ako" sabi ni Trevas. Tumango lang ako sakanya bago ko ibinalik ang tingin sa lawa. Inihakbang ko ang paa ko sa tubig Kaya naman ramdam na ramdam ko na ang lamig nang dumadampi ito sa balat ko. Dahan dahan akong naglakad papunta sa malalim na bahagi nung lawa at nang makarating na ako ay lumingon muna ako sa direksyon nila lina at Trevas. Kumaway sa akin si Lina na kasalukuyang nasa itaas ng puno para magsilbing look out pero tinignan lang ako ni Trevas na nakatayo lang doon sa tabi ng lawa. Ibinalik ko ang tingin sa tubig bago ako sumisid at nag simulang maglangoy papunta sa pinaka gitna ng lawa. Sa hindi mapaliwanag na dahilan ay madilim ang ilalim ng lawa kahit na may araw pa kaya kailangan ko pang lumapit sa pinaka lupa sa ilalim ng lawa para hanapin yung ice blossom flower na sa pagkakalarawan ni Trevas ay isa daw kulay light blue na bulaklak na umiilaw. Hindi ko na alam kung gaano ako katagal sa ilalim ng tubig dahil bukod sa nakakahinga naman ako sa tubig ay nakatuon ang atensyon ko sa paghahanap nung bulaklak. Malawak din yung lawa kaya naman hindi ganon kadali ang maghanap lalo na't madilim pa. Makalipas ng halos ilang oras ay sa wakas ay may nakita akong nagliliwanag di kalayuan. Bumilis ang tibok ng puso ko at mabilis na naglangoy papunta doon sa nagliliwanag at doon nga ay tumambad sa akin ang isang napakagandang bulaklak. Dahan dahan akong lumapit dito bago maingat na hinukay yung lupa sa paligid nung bulaklak para hindi matamaan ang ugat. Hindi ko maiwasang mapangiti nang nasa kamay ko na yung bulaklak. Maglalangoy na sana ako pataas para umahon nang biglang may pumulupot sa paa ko. Napatingin ako sa paanan ko at doon ay nakita kong nakapulupot ang isang kulay itim na baging. Inabot ko yung baging para sana tanggalin pero nanlaki yung mga mata ko nang biglang may pumulupot din sa kamay ko dahilan para mabitawan ko yung bulaklak. Napakagat ako sa labi at inis na inis na kumawala doon sa baging. Naalis ko yung baging na pumulupot sa mga kamay ko pero hindi na ako makagalaw sa puwesto ko dahil sa hanggang bewang ko na yung mga baging na pumulupot sa katawan ko at humihila sa akin pababa. Naglikot ako nang naglikot at pilit na kumawala pero kahit anong gawin ko ay napaka higpit noong mga baging. Sinubukan kong gamitin yung kapangyarihan kong magteleport pero sa hindi malang dahilan ay hindi ito gumagana at naramdaman ko na parang hinihigop nung mga baging ang kapangyarihang ginamit ko. Naramdaman ko na ang takot na namumuo sa loob ko nang dahan dahan akong hilahin pababa nung mga baging at doon ay nakita ko ang mga bangkay ng tao na sa malalamang ay hinila din ng mga baging na ito pero lalo lang akong nakaramdam ng panik nang pumulupot sa bibig at ilong ko yung baging dahilan para hindi ako makahinga. Pilit akong kumawala pero lalo lang humigpit yung kapit nung mga baging kaya lalo akong nahirapang huminga. Naramdaman ko ang unti-unting pagpikit ng mga mata ko dahil sa unt unti na akong nawawalan ng hininga pero bago pa ako tuluyang mapapikit ay may naaninag akong naglalangoy papunta sa direksyon ko. Malabo na ang paningin ko at papikit-pikit na ako kaya hindi ko agad naaninag kung sino iyon. Lumapit siya sa akin at agad na hinawakan ang balikat ko na tanging lugar na hindi pa nababalutan nung baging. Naaninag ko na ang muka nung naglangoy papunta sa akin at napagtanto na si Trevas ito pero bago pa tuluyang mag sink-in sa utak ko ang mga pangyayari ay biglang nabalot ng dilim ang paligid ko at napunta na naman kami ni Trevas sa isang lugar na tanging itim lang ang makikita bago biglang nagbago na namanang senaryo at nabalik kami sa may tabi ng lawa sa may anino ng isang puno. Napaluhod ako sa may sahig at habol hiningang pinakalma ang sarili. "Akala ko ba kakampi mo ang tubig?" Tanong ni Trevas bago biglang umupo sa may tabi ko. Tiningala ko siya at pinanliitan ng mata. "Kakampi ko yung tubig, yung mga baging hinde" naiirita kong sabi sa kanya. "Bwiset, nakuha ko na yung bulaklak nabitawan ko lang dahil sa lintik na baging na yun" "Ako nalang kasi ang sisisid" sabi ni Trevas na ikina iling ko. "No, ako nalang, baka bigla kalang mahimatay habang sumisisid." tinignan lang ako ni Trevas. "Sabay nalang tayo sumisid. Para kung sakali mang mahimatay ako, nandyan ka. At kung sakali mang sumulpot ulit yung mga baging, matutulungan kita" Napabuntong hininga ako. "Sige na nga" Nginitian ako ni Trevas bago biglang umiwas ng tingin. "Siguro mas maganda kung hubarin mo na lang din yang damit mo" Napakunot ang nuo ko dahil sa sinabi niya. Ibinaling ko ang tingin ko sa suot kong damit at napagtanto na bakat na bakat na ang suot suot kong itim na underwear dahil basang basa na ang suot kong puting robe. Namula ang muka ko dahil kitang kita na an underwear ko at para narin akong walang ibang suot bukod dito pero agad din akong nagkibit balikat at hinubad nalang yung suot kong robe, tutal naman kitang kita na ang underwear ko ay mas mabuti nang hubarin yung robe para mas madaling lumangoy. Hindi naman ako ganon ka-conservative kaya nagkibit balikat nalang ako at naka underwear lang na sumunod kay Trevas na ngayon ay wala nang pangitaas at nakasuot nalang ng puting pants na panloob niya sa suot niyang robe. Napansin ko na pilit na umiiwas ng tingin si Trevas pero hindi ko na iyon pinansin nang magsimula kaming maglangoy pabalik doon sa kung saan ko nakita yung bulaklak. Agad naming natagpuan yung umiilaw na bulaklak pero nagulat ako dahil wala na yung mga baging sa paligid. Lumapit ako doon sa umiilaw na bulaklak at marahan itong pinulot. Lumingon ako kay Trevas at ngitian siya bago ako lumangoy papunta sa kanya pero bago pa ako makalapit ay bigla na namang may pumulupot sa paanan ko. Pilit kong inalis yung naka kapit sa akin na baging pero laking gulat ko nang biglang lumapit sa akin si Trevas at pinulupot ang kanyang braso sa bewang ko. Hinila niya ako papalapit sa kaniya at dahil nga sa naka underwear lang ako at siya naman ay naka pants lang ay ramdam na ramdam ko ang makinis at mainit niyang balat na dumadampi sa akin. Lumuwag na yung pagkakakapit ng baging sa paanan ko bago tuluyang bumitaw. Tinignan ako ni Trevas sa mga mata bago tumingala at nagsimulang lumangoy pataas.
0 Comments
Leave a Reply. |
AuthorBaubbleGum Archives
December 2020
Categories
All
|