"Nakuha nyo? Nakuha nyo?" Tanong ni Lina bago tumalon pababa mula sa punong kinaroroonan niya. Tumakbo siya papalapit sa amin ni Trevas at titig na titig na napatingin sa hawak hawak kong bulaklak. Kinuha ni Lina yung bulaklak mula sa kamay ko at maingat itong pinagmasdan.
Maglalakad na sana siya papalayo nang bigla siyang tumingin sa akin at magsalita. "Ang sexy mo pala Alissa" Pinanliitan ko siya ng mga mata at napairap nalang nang bigla siyang tumawa at maglakad papalayo sa amin ni Trevas. "Gagawa lang ako ng bonfire para makapag patuyo kayong dalawa" Inabot ko yung puti kong robe na nakasampay sa isang puno at isu-suot na sana kahit basa pa nang biglang magsalita si Trevas mula sa likuran ko. "You have a markings too?" Ibinaling ko ang ulo ko sa kaniya at nakitang nakatitig siya sa likuran ko sa may bandang kaliwang balikat ko. Sinundan ko kung saan siya nakatingin at nilingon ang likod ko at doon nakita ko ang isang markings na ngayon ko lang nakita. Mga paro paro ito na kulay asul at itim na naka kalat sa likuran ko sa bandang kaliwang balikat. 'Anna? Kailan pa ako nagkaroon ng markings sa likod?' 'Ever since sumanib ako sa katawan mo' Napakunot ang nuo ko. 'So, matagal na pala pero hindi mo manlang sinabi sa akin?' 'Nagtanong kaba?' sasagutin ko pa sana si Anna nang biglang magsalita si Trevas na hanggang ngayon ay nakatitig sa akin. "Meron din akong markings na kagaya ng sayo" napalingon ako sa kaniya. '\Meron din siyang markings kagaya ko?' tanong ko kay Anna. 'Kakasabi niya lang diba?' 'Ibig sabihin ba non meron ding goddess na sumapi sa kaniya?' hindi ko pinansin ang pagtataray niya. 'It depends, pwedeng may markings siya dahil sa isang sumpa, pwede ding katulad mo ay may sumanib sa katawan niya na isang god or goddess. Or maybe..." 'Maybe?' 'Maybe he is a demi-god or a God himself' pagpapatuloy ni Anna dahilan para mabalik ang atensyon ko kay Trevas. 'Si Trevas? Isang God?' Napa iling-iling ako. malabo. "Gusto mong makita?" Tanong ni Trevas dahilan para mabalik ang atensyon ko sa kanya. Tumango lang ako dahil curious din ako kung ano ang itsura ng markings niya. Itinaas ni Trevas yung kamay niya at pinaglandas sa may batok bago dahan-dahang tinanggal yung puting tela na nakatali sa may leeg niya at doon ko lang napagtanto, na kaya pala laging may nakataling tela sa may leeg ni Trevas at hindi niya iyon tinatanggal ay dahil meron siyang markings doon na gusto niyang itago. Pagkatanggal niya doon sa telang nakatali sa leeg niya ay tumambad ang isang itim na markings. Hugis diamond ito na may naka konektang ekis at sa gitna noon ay may isang star. "Bakit mo kailangang itago?" Tanong ko. Napayuko si Trevas bago napatingin sa hawak hawak niyang tela habang ang kanang kamay niya ay dahan dahang humahaplos sa markings sa may leeg niya. "Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin ng markings na ito?" Hindi ako umimik at tinitigan lang siya. "Ang ibig sabihin ng markings na ito ay 'kapangyrihan ng isang demonyo'" Napatigil ako at naestatwa sa kinatatayuan ko. Kaya pala kailangan niyang itago ang markings niya dahil masama ang ibig sabihin nito "May tanong ako" sabi ko kay Trevas bago nagpatuloy sa pagsusuot nung medyo basa ko pang robe. Nang tapos na akong magbihis ay hinarap ko siya pero bago pa ako makapagpatuloy sa pagsasalita ay bigla na naman siyang napahawak sa may puno sa tabi niya bago nasuka ng dugo. Hanggang ngayon ay napapangiwi parin ako sa tuwing nakikita ang dugo niya. Pinunasan ni Trevas yung labi niya bago sumandal doon sa puno at tinignan ako. "Ano yung tanong mo?" "Sinabi mo nung nakaraang araw na bata ka palang ay madalas kanang magsuka ng dugo" Tumango si Trevas. "Ibig sabihin ba non ay bata palang kayo ni Alastor noong nilason ka niya?" Napatigil sandali si Trevas bago tumingin sa akin. "Hindi si Alastor ang unang nanglason sa akin" "Sino?" Tanong ko bago ko pa napigilan ang sarili ko. "Hindi mo kailangang sabihin kung ayaw mo" Napatango lang si Trevas pero nagpatuloy parin siya sa pagsasalita. "It's my mother, siya ang unang nanglason sa akin" Nanlaki ang mga mata ko at gulat na napatingin sa kaniya. Napansin ko ang kung anong emosyon sa mga mata ni Trevas habang tulala siyang nakatingin sa may sahig. "Bakit naman niya gagawin iyon?" "She wants me dead, nang pinanganak ako ay meron na ako nitong markings sa may leeg ko at imbis na nababalot ako ng pulang dugo nang iluwal ako ay nababalot ako ng itim na dugo. Kaya naman may mga usap usapang hindi ako tunay anak ng hari at ang tunay na ama ko daw ay isang demonyo" napatigil sa pagsasalita si Trevas at iniunat ang kamay niya at doon ay unti-unting sumulpot ang itim na usok. "After all, pang sa demonyo ang kapangyarihan ko" "Then, bakit buhay kapa?" Bigla akong napapikit nang marealize ko kung gaano kapangit pakinggan ng sinabi ko. "No offense" Napatawa ng bahagya si Trevas bago tumayo ng diretso at naglakad papalpit sa akin. "Tara na, hinihintay na tayo ni Lina" Napansin ko ang pagiwas niya sa pagsagot sa tanong ko pero hinayaan ko nalang siya. Wala naman akong karapatan na alamin ang mga sikreto niya. Napatingin ako sa likod ni Trevas na ngayon ay naglalakad na papunta sa ginawang bonfire ni Lina pero somehow, his back looked lonely. Nalulungkot akong isipin na hindi naranasan ni Trevas ang pagmamahal na naramdaman ko mula kay mama dahil ang nanay niya mismo ang may gusto na mawala na siya sa mundo. Napailing-iling ako at nagkibit balikat nalang muna bago naglakad para sundan si Trevas. Nang matapos kaming magpatuyo ni Trevas sa bonfire ay agad na kaming bumalik sa kubo para masimulan na ang pagagamot sa pagkakalason ni Trevas pero bigla kaming nagkaroon ng problema. Hindi ko alam kung paano gagamutin si Trevas. "Ano ba dapat kong gawin? Babalutan ko ng yelo ang buong katawan mo?" Tanong ko kay Trevas na nakaupo sa kawayang upuan sa loob ng kubo habang ako naman ay nakasandal sa may pintuan at si Lina ay nakaupo doon sa sahig habang pinagmamasdan yung ice blossom flower. "Edi na suffocate siya kung ganon" sagot ni Lina na siyang ikina irap ko. "May mas maganda kang ideya?" Tanong ko sa kaniya. Ibinaling niya ang tingin sa akin bago lumipat kay Trevas at bumalik na naman sa akin. "Bakit ako ang tinatanong mo? Ako ba yung nalason?" Sabi ni Lina bago binalik yung tingin doon sa hawak niyang bulaklak at pinalutang lutang ito sa may kamay niya. Hindi ko nalang siya pinansin at humarap kay Trevas. "Ano bang alam mo?" "Basta ang sinabi sa akin noong Royal Alchemist, kailangan ng mahika ng isang ice user para maging gamot yung ice blossom flower" "Walang ibang sinabi? Yun lang talaga?" Tumango lang si Trevas kaya naman napakunot ang nuo ko. 'Anna, may alam ka ba tungkol sa ice blossom flower na 'to?' tanong ko kay Anna. Narinig ko siyang napabungisngis muna bago ako sinagot. 'Akala ko hindi mo na ako tatanungin' 'So alam mo nga?' tanong ko sa kaniya. 'Nakakalimutan mo atang ice ang kapangyarihan ko' 'So alam mo nga?' tanong ko ulit. 'Obviously! Tinatanong pa ba yun?' 'Eh bakit hindi ka nagsasalita? Bakit hindi mo agad sinabi?' 'Nagtanong kaba?' Napahawak ako sa sintido ko bago napabuntong hininga. Kung may pisikal na katawan lang talaga si Anna matagal ko na siyang nasampal. "Wag niyo na munang alalahanin, babalik nalang muna ako sa palasyo para tanungin yung royal Alchemist" sabi ni Trevas kaya naman napabaling ang tingin ko sa kaniya. "Babalik ka sa palasyo nang hindi ka pa magaling?" Tinignan lang ako ni Trevas. "Paano kung magkita kayo ni Alastor?" "Wala siyang magagawa sakin" "oh? Panong walang magagawa eh gusto ka nga niyang patayin" "Malakas kasi ako" sagot ni Trevas. Hindi ko maiwasang mapatawa sa sinabi niya pero agad ko ding napigilan ang sarili ko nang makita kong seryoso siya sa sinabi niya. "Basta dito lang kayo habang nasa palasyo ako" sabi ni Trevas bago tumayo at aalis na sana nang bigla akong magsalita. "No need, alam ko na kung paano ka magagamot" sabi ko. 'Alam mo?' tanong ni Anna. 'hindi, pero ikaw oo' sagot ko sa kanya. "Alam mo?" Tanong ni Trevas at muntik na akong matawa dahil parehong pareho sila ng tanong ni Anna. "Basta si Anna na ang bahala" sabi ko bago ko pa napigilan ang bibig ko. "Sinong anna?" "Anna?" Sabay na tanong ni Trevas at Lina. "Wala, sabi ko ako na ang bahala" sabi ko bago ako lumapit kay Lina at kinuha mula sakanya yung mahiwagang bulakalak. Madali lang naman pala ang kailangan kong gawin ayon sa sinabi ni Anna. Kailangan ko lang balutin ng mahika yung bulakalak gamit ang ice element bago ko iyon unti unting ipapasok sa katawan ni Trevas. Pano ko ipapasok? Hindi ko alam dahil hindi inexplain ng maayos ni Anna. 'Basta gawin mo nalang, malalaman mo din kung paano' natatawang sabi ni Anna kaya sinunod ko nalang ang bawat utos niya. Pinaupo ko si Trevas doon sa kawayang upuan at isinandal siya sa sandalan. Kinuha ko yung mahiwagang bulakalak at ipinatong ito sa kaliwang kamay ko ito binalot ng mahika gamit ang kanang kamay ko. Lumabas ang kulay asul na ilaw mula sa kamay ko bago ito unti unting bumalot doon sa bulaklak. Ang kaninang umiilaw na bulaklak ay mas maliwanang nang nagliliwanag ngayon. Unti unting nawala yung bulaklak pero nandoon parin ang ilaw sa kamay ko at mas nagliliwanag pa. Lumapit ako kay Trevas at inilagay sa may dibdib niya sa may bandang puso ang kaliwa kong kamay habang ang kanang kong kamay ay pinaglandas ko sa may pisngi niya tulad nang sinabi ni Anna. Magkalapit na ang mga muka namin ni Trevas at napansin kong nakatitig siya sa muka ko kaya naman umiwas ako ng tingin at itinuon nalang ang atensyon ko sa ginagawa ko. Mula sa mga kamay ko ay dumaloy ang pinaghalong mahika na nagmumula sa akin at doon sa bulaklak bago ito unti unting pumasok sa katawan ni Trevas. Mabilis ang pagdaloy ng kapangyarihan ko papunta kay Trevas kaya naman ramdam na ramdam ko ang unti unting pagkaubos ng mahika ko sa katawan. May namumuo nang pawis sa nuo ko at medyo hinihingal na ako pero nagpatuloy parin ako sa ginagawa ko. Napansin kong biglang napapikit si Trevas at kumunot ang nuo niya na para bang nakakaramdam siya ng matinding sakit pero hindi siya umimik kaya nagpatuloy lang ako. Nakaramdam ako ng kirot sa nuo ko at nanlabo ang mga paningin ko at sa tingin ko ay onti nalang ay binigay na ako pero buti nalang ay sinabi ni Anna na pwede na akong tumigil kaya dahan dahan akong lumayo mula kay Trevas. Napahawak ako sa may pader nang maramdaman kong bigla akong nahilo pero agad din iyong nawala. Ibinalik ko ang tingin ko kay Trevas at doon ko napagtanto na hindi parin nawawala yung kulay asul na ilaw sa may dibdib niya at unti unti pa itong kumakalat sa buong parte ng katawan niya. Halos mapapikit ako dahil sa sobrang liwanag nung ilaw at nang tuluyan nang mabalot ng liwanag ang katawan ni Trevas ay bigla din itong naglaho na para bang walang nangyari. Na para bang ilusyon lang ang liwanag na nakita namin kanina. "Is it over?" Tanong ni Lina na kanina pa kami pinapanuod sa may pinto. Bago pa ako makasagot ay biglang napayuko si Trevas at nagsuka pero this time hindi na dugo. Kulay itim ito pero nababalot ito ng asul na liwanag pero tulad nang nangyari sa liwanag kanina ay unti unti din itong naglaho at ang natira nalang sa sahig ay ang itim na likido. "Eew" bulong ni Lina habang nakatingin sa itim na likido sa sahig. Napasandal si Trevas sa may upuan bago hingal na hingal na napatingin sa amin ni Lina. Pawis na pawis siya at basa na ng pawis yung buhok niya. "Linisin mo yan" Pagpapatuloy ni Lina pero agad ko siyang pinalo sa braso. "What?" Tanong niya sa akin. "Siya dapat ang maglinis niyan, ako nalang lagi naglilinis sa kubong to" Hahampasin kona sana ulit si Lina nang biglang mapatawa si Trevas dahilan para sabay kaming mapalingon ni Lina sa kaniya. "No need" sabi niya bago umayos ng upo. "Hindi na kayo dito titira, I'll bring you to the palace" Author's Note:
1. Picture ng markings ni Alissa sa balikat
2. Markings ni Trevas sa leeg
0 Comments
Leave a Reply. |
AuthorBaubbleGum Archives
December 2020
Categories
All
|