UNEDITED
Warning: Slight matured content “Bakit hindi ka nagsasalita?” tanong ko nang hindi padin nagsalita si Trevas at tinitigan lang ako. Bigla tuloy akong kinabahan, ano kaya ang nakita niya sa mga ala-ala ko para tiitgan niya ako ng ganyan. Imbes na sumagot ay nginitian lang ako ni Trevas. Nakatitig sa mga mata ko ang mga mata niya na parang nagliliwanag dahil sa reflection ng ilaw na nagmumula sa lawa. Nakaupo kami ngayon sa may damuhan sa tabi noong lawa, kanina pa naglaho yung goddess of tears kaya sigurado ako na alam na ni Trevas ang lahat, alam na niya kung bakit ako naglaho noong mga panahong nalason siya at alam na niya ang lahat ng sikretong hindi ko maamin sa kaniya. Ang hindi ko lang alam ay kung alam na din ba niya ang nararamdaman ko. Lumapit si Trevas sa akin bago hinawi yung buhok ko sa may tenga ko kaya naman napatingala ako sa kaniya. Mas lalong lumawak yung ngiti niya at hindi ko parin alam kung bakit parang ang saya-saya niya. “Wala ka bang sasabihin tungkol sa mga nakita mo?” tanong ko pero lalo lang akong nagtaka nang umimling si Trevas bago natawa nang makita ang pagkakunot ng nuo ko. “Really? Wala ka-” biglang naputol ang sinasabi ko nang hinawakan ni Trevas ang pisngi ko bago ipinagdikit ang mga labi namin. Nanigas ako sa puwesto ko at hindi agad nakapag-react pero dahan dahan din akong napapikit nang ipinaikot ni Trevas ang braso niya sa bewang ko at hilahin ako palapit. Napahawak ako sa dibdib niya nang itinagilid niya ang ulo niya at mas ipinalalim pa ang paghalik at hindi ko na namalayan kung gaano ako katagal na nalunod sa kakaibang emosyon na nararamdaman ko. Pinagapang ko papunta sa buhok niya ang mga kamay ko habang hinahayaan ang sarili na tanggapin ang lahat ng binibigay niya. Mas lalong humigpit ang kapit ni Trevas sa bewang ko nang isinuklay ko sa buhok niya ang mga daliri ko at mas pinalalim pa ang paghalik. Hindi ko na alam kung gaano kami katagal sa puwesto namin basta ang alam ko lang ay hinihingal na ako nang maghiwalay ang mga labi namin. Ipinagdikit ni Trevas ang mga nuo namin at ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga na siyang lalong nagpainit ng muka ko. Nakatingin siya sa mga labi ko bago inilipat ang tingin sa mga mata ko. He stared at me intensely at rinig na rinig ko ang mabilis na pagtibok ng puso pero hindi ko alam kung yung puso ko ba iyon o yung sakanya. “I love you” Biglang lumawak ang ngiti ni Trevas sa sinabi ko at maging ako ay napangiti din dahil sa wakas, handa na akong sumugal. Pinaglandas uli ni Trevas ang labi niya sa labi ko pero hindi rin iyon nagtagal dahil hindi namin mapigilan ang ngiti na namumuo sa mga labi namin. “I love you too” ** Pagkadating namin ni Trevas pabalik sa courtyard ay naabutan namin sila Lina at Lieutenant Jared na nasa living room at nagtatawanan kasama si Sergeant Min na hindi ko alam kung kealn dumating. Mukang nagkabati na sila Lina at Lieutenant Jared. “Oh! Speaking of the devil” sabi ni Lina nang makita niya kami na pumasok pero bigla siyang napatigil nang makita ang kamay ni Trevas na nakapulupot sa bewang ko. “Oh my goddess” sabi ni Lina bago napahawak sa bibig. Napakamot ako sa ulo dahil maging ako ay gulat parin sa mga nangyayari. “Finally General, nagpakalalaki kadin” sabi ni Lieutennt Jared bago sumandal sa sofa. Napahalakhak si Sergeant Min sa sinabi nito pero napatigil din siya nang tignan siya ni Trevas ng masama. “Totoo na ba ‘to?” tanong ni Lina habang pinaglilipat lipat ang tingin sa amin ni Trevas. Lumawak ang ngisi ni Trevas bago ko naramdamang humigpit ang kapit niya sa bewang ko at mas hinila ako papalapit sa kaniya. “Mine” Nagkatinginan sila Lina at yung dalawang general bago sila sabay sabay na napa ‘oooh’ kaya naman lalong namula ang muka ko. Hindi ako sanay na ganito, kung noon tinatawanan ko lang sila pag inaasar nila kami ni Trevas, ngayon hindi ko na matawanan dahil totoo na. Hinampas ko yung kamay ni Trevas na nakapulupot sa bewang ko kaya naman napabitaw siya. Tinitgnan ko muna siya bago nag ‘make face’ at naglakad papunta sa may hagdan pero bigla akong hinila ni Lina papunta sa sofa at hinawakan ako ng mahigpit sa braso para hindi maka-alis. “Saan ka pupunta? We’re planning for a celebration here at wala kang choice kundi sumama” sabi ni Lina. Tumabi si Trevas sa tabi ko then he leaned towards me and whispered, “You can’t run away from me” “I’m not” sabi ko bago ko hinampas yung hita niya pero tinawanan niya lang ako bago pinulupot uli yung braso sa bewang ko. “So, as I was saying. Tutal mawawala na ang kontrabida sa buhay natin” panimula ni Lina at I am more than 100% sure na si Vivian ang tinutukoy niya. “At pinansin na ulit ako ni babe Jared” dugtong ni lina bago itinaas baba ang kilay sa direksyon ni Lieutenant Jared na siya namang ikinangisi nito at ikinatawa naming lahat. “AT…” pagpuputol ni Lina sa tawanan namin “Meron tayong bagong SHIP na pumalaot, which is the Trelissa Ship na napaka tagal bago naging official” Napairap ako sa sinabi ni Lina pero hindi ko mapigilang mapangiti lalo na nang marinig ko ang malakas na tawa ni Sergeant Min. “tuwang tuwa Sergeant Min? Ganyan ba talaga pag single?” this time, si Lietenant Jared naman ang halos mamatay sa kakatawa dahil sasinabi ni Trevas. “Just you wait, YOUR HIGHNESS. Makakahanap din ako.” sabi ni Sergeant Min bago napanguso at ipinagkrus ang braso sa may dibdib. “So ano ngang plano?” tanong ko kay Lina dahil unti unti na kaming nawawala sa topic. “Oh right. in short, dahil maraming mga magagandang nangyari ang naganap nitong mga nakaraang araw, it’s only right na magcelebrate tayo. Para narin sa celebration ng pagka korona kay Trevas na naudlot dahil sa demonyita niyang nanay. No offense Trevas” “May plano na kayo kung paano gaganapin yung celebration?” tanong ko. “No need to worry Alissa, Napagplanuhan na namin ang lahat habang nag-aano kayo ni Trevas” “Nag-aano?” “At pwede na nating isagawa yung celebration bukas ng gabi” sabi ni Lina, hindi pinapansin ang tanong ko. Totoo nga ang sinabi ni Lina, wala na akong kailangan pang gawin dahil nakahanda na ang lahat at kinabukasan din ng gabi ay dumiretso kami sa training camp dahil doon isasagawa yung celebration. Which is weird dahil madalas na ginagawa ang mga celebration sa mga palace hall pero hinayaan ko nalang dahil kilala ko si Lina, alam ko na gusto niya ng kakaiba at hindi siya sumusunod sa uso. Kahit ano lang daw ang suotin kaya nakasuot lang ako ng simpleng white robes at si Trevas naman ay nakasuot ng violet. Kaming dalawa lang ang nasa karwahe ngayon dahil nauna na sila Lina at Lieutenant Jared dahil may aayusin pa sila para sa pagsisimula ng celebration. Isinandal ko ang ulo ko sa balikat ni Trevas habang nakatingin ako sa bintana at tinatanaw ang bawat building na madadaanan namin. May mga tumitigil para tumingin sa karwahe namin at yumuyuko bilang pagbibigay galang. Napatingala ako kay Trevas nang pinagsiklop niya ang mga kamay namin at nakita kong kanina pa siya nakatitig sa akin. “Why are you staring at me?” Napailing-iling si Trevas bago ngumiti. “I just felt so lucky to have you” Napangiti ako pero bigla ding nawala ang ngiting iyon nang yumuko si Trevas at pinagdikit ang mga labi namin. “Stop smiling at me like that, Nakakabaliw” Napatawa ako sa sinabi niya pero lalong kumunot ang nuo niya at hinila ako pa-upo sa lap niya bago ipinagdikit ulit ang mga labi namin. Ipinaglandas niya ang kanang kamay niya sa batok ko at ang isa naman ay sa nakapulupot sa bewang ko at hinihila ako papalapit sa kaniya, hindi parin pinapaghiwalay ang mga labi namin. Ipinatong ko sa balikat niya ang dalawang kamay ko bago itinuon ang atensyon sa mga labi niya. I sucked his lips as his hands tightened in my hair. Hindi ko na alam ang ginagawa ko at hinahayaan nalang ang sarili ko na mahulog sa init na nararamdaman ko pero bigla akong natauhan nang itulak ako ni Trevas ng bahagya at hingal na hingal na napatitig sa akin. “We can’t” sabi niya kaya. Ilang segundo din siguro akong natulala bago ko narealize kung anong ibig sabihin niya. For f*ck’s sake nasa karwahe kami ngayon at nakabukas pa ng bahagya ang bintana pero kung ano anong ginagawa namin. Napatawa si Trevas nang makita ang reaksyon ko bago ako niyakap. Isinubsob ko ang muka ko sa dibdib niya, naka upo parin sa hita niya. “You’re so cute” bulong ni Trevas habang sinusuklay suklay ang buhok ko. “I know” nakangisi kong sabi pero hindi niya iyon nakita dahil nakasubsob padin ang muka ko sa dibdib niya. “I love you” Lalong lumawak ang ngiti ko. “I know, and I love you too”
1 Comment
Hazel
7/13/2020 07:45:38 am
❤️
Reply
Leave a Reply. |
AuthorBaubbleGum Archives
December 2020
Categories
All
|