UNEDITED
“Let’s fix this, or else it might be too late” sabi ni Trevas, hindi parin tumitingin sa mga mata ko. Napatango ako pero hindi ko parin alam kung anong isasagot ko. “I’ve lost too many people, I don’t want to lose you” This time, sinabi niya iyon nang nakatingin sa akin. Napabuntong hininga ako. I can’t hide this anymore. Tumayo ako sa inuupuan ko bago naglakad palapit sa kaniya. “I wanna show you something” Nagalangan muna si Trevas sa sinabi ko pero tumayo din siya at tumango. Hinawakan ko siya sa may braso na siyang ikinagulat niya pero bago pa siya makapagsalita ay nagteleport na ako papunta sa isang pamilyar ng lugar kasama siya. Biglang nagbago ang senaryo na kinaroroonan namin. May mga lumipad lipad pa na mga paro-paro na lumalabas sa tuwing nagteteleport ako pero unti unti din silang naglaho at tumambad sa amin ang isang napaka ganda at nakakamanghang lugar. Nandito kami ngayon sa bangin kung saan kami nahulog ni Lina at kung saan namin nakuha ang frozen chrysanthemum na hindi rin naman nagamit. Noong nandito kami ni Lina, hindi ko masyadong napagmasdan at na-appreciate yung ganda ng lugar na ito pero ngayong napagmasdan ko na ng maayos ay bigla akong namangha. Medyo madilim sa lugar na ito dahil medyo malalim ang bangin pero may mga umiilaw na mga mahiwagang bulaklak ang nakapalibot sa amin at meron ding mga alitaptap at mga paro parong nagliliwanag na palipad-lipad sa paligid. Nagsimula akong maglakad at narinig ko naman ang mga yabag ni Trevas na tahimik na nakasunod sa akin. Tumigil lang ako sa paglakad nang marating na namin yung lawa na pamilyar na pamilyar sa akin. Umiilaw parin ito tulad ng naalala ko. “Kung magkakaroon ka ng pagkakataon na matupad ang isa sa mga hiling mo, what would you wish for?” tanong ko, hindi inaalis ang tingin sa mahiwagang lawa. Sandaling napatahimik si Trevas na nasa tabi ko bago nakapagsalita. “It depends…” “Would you wish to know all of my secrets?” tanong ko. Hindi sumagot si Trevas. Yumuko ako at hinawakan yung tubig sa lawa at kasabay nuon ay sumulpot ang isang liwanag sa harapan namin bago ito unti unting nagkorteng tao at tumambad sa amin goddess of tears. “I can’t tell you all of my secrets, but she can show it to you” sabi ko. *** Nabalot ng liwanag ang paningin ni Trevas bago unti unting pumasok sa utak niya ang mga ala-alang hindi sa kaniya. “You want to get to know her?” tanong ng isang hindi pamilyar na boses sa kaniya. “You want to know everything about her but you’re too scared to ask” natatawang sabi noong boses pero hindi na iyon pinansin ni Trevas dahil nilamon na siya ng liwanag. Napunta siya ngayon sa isang hindi pamilyar na lugar.nasa isang mala palasyong paaralan siya ngayon at napaliligiran ng mga estudyante. Naka suot ng uniform ang lahat maliban kay Trevas kaya naman pinagtitinginan siya ng mga tao. “Where’s your uniform?” biglang napalingon si Trevas sa nagsalita at halos mapatalon siya sa gulat sa nakita niya. “Alissa?” tanong ni Trevas sa 13 year old na si Alissa na nasa harapan niya ngayon. “What happened to you?” “What do you mean? At paano mo nalaman ang pangalan ko?” tanong niya na siyang nagpakunot ng nuo ni Trevas. “Where am I?” “You’re in the Maxica Academy, naliligaw ka din ba? First year?” sunod sunod na tanong ni Alissa pero napatitig lang sa kaniya si Trevas. ‘You’re in her memory’ sabi ng isang tinig sa utak ni Trevas. ‘Who are you? At anong ibig mong sabihing nasa memory ako ni Alissa?’ ‘I am Laramie, the goddess of tears. Nandito ka ngayon sa mga mahahalagang ala-ala ka Alissa tulad ng hiling mo’ “Bakit hindi ka nagsasalita?” Nahila sa realidad si Trevas nang marinig niya ang medyo matinis na boses ni Alissa kumpara sa naalala niya. “Is this your first day of high school?” tanong ni Trevas. “Yes! Ikaw din?” tanong ni Alissa pero bigla siyang napatigil. “Oh,muka ka nang matanda para maging first year” Napangisi si Trevas sa sinabi ni Alissa pero bago pa siya makasalita ay hinawakan siya nito sa pulsuhan at hinila papunta sa isang malaking arena na matatagpuan sa gitna ng campus ng Maxica Academy na siyang paaralan na pinasukan ni Alissa noong bata pa siya. Ang Maxica Academy ang isa sa mga pinaka kilalang school sa mundo. Matatagpuan ito sa pagitan ng kaharian ng Bauxacel at Beifang kaya naman dalawang kaharian ang karaniwang pinanggagalingan ng mga estudyante dito. “Where are we going?” tanong ni Trevas kay Alissa habang dinadala siya nito doon sa isang arena na marami naring estudyante ang naglalakad papasok. “Samahan mo ko sa sorting ceremony” sabi ni Alissa bago lumingon kay Trevas at nginitian ito. Tumango lang si Trevas pero hindi niya mapigilan ang sarili na mag-isip ng malalim. Napansin niya kasi na laging nakangiti ang alissa sa harapan niya ngayon kumpara sa alissa na nakilala niya na although marunong ngumiti, parang laging seryoso sa buhay. Hindi inexpect na ganito ka friendly at kadaldal si Alissa noong bata pa siya. What could have happened for her to change? “Wala ka namang klase diba?” tanong ni Alissa nang makaupo na sila sa isa sa libo libong upuan na nakapalibot sa isang bilog na stage. “Oh right, wala pang klase kasi first day of school at sorting ceremony” bulong ni Alissa bago nagpalingon lingon at pinagmasdan ang paligid. “What’s your name?” tanong ulit ni Alissa bago lumingon kay Trevas. “Trevas” matipid na sagot ni Trevas. “Apelyido?” Hindi agad nakasagot si Trevas, hindi niya alam kung dapat niya bang sabihin na Beifang ang apelyido niya dahil hindi alam ng alissang nasa tabi niya ang totoong pagkatao niya. “Trevas… Laxxon” Hindi alam ni Trevas kung bakit Laxxon ang apelyidong sinabi niya basta yun ang apelyidong unang pumasok sa utak niya at doon niya lang napagtanto na apelyido nga pala iyon ni Lady Mara. “Trevas Laxxon” napatango tango si Alissa. “Laxxon… Laxxon… hindi ako pamilyar sa apelyido mo pero simula ngayon itatatak ko na sa utak ko ang Laxxon” Bago pa makasagot si Trevas ay naagaw ang atensyon ng lahat nang may isang babaeng naglakad papunta sa gitnanoong bilog na stage at nakasunod naman sa kaniya ang iba pang mga professors and faculties. “Settledown now please” sabi noong babae pero rinig na rinig sa buong arena ang boses nito. Nagsibalikan naman sa upuan yung mga estudyante at tumahimik ang lahat. Umupo nadin yung iba pang mga professors and faculties sa mga upuan doon sa may stage maliban doon sa isang babae na nanatiling nakatayo sa gitna ng stage. “Bumaba dito sa stage ang mga first years” sabi noong babae sa seryoso niyang boses kaya naman nagsitayuan ang halos one-fourth ng mga estudyanteng nakaupo sa mga benches at nagsimulang bumaba sa stage. “Wish me luck!” pagbuntong hininga ni Alissa bago tumayo at naglakad pababa sa stage kasama ng ibang first years. Hindi alam ni Trevas ang takbo ng mga Academy dahil ang mga royals ay madalas na home schooled lang for security purpose kaya hindi niya alam ang dahilan kung bakit pinababa sa stage ang mga first years. Itinaas noong babaeng nasa gitna ng stage ang kamay niya at mula doon ay sumulpot ang isang crystal ball na nagpalutang-lutang sa kamay niya. Iniunat niya ang kamay niya sa harapan at kasabay nuon ay lumipad yung crystal ball papunta sa harapan noong mga kumpol-kumpol na mga first years na manghang mangha sa nakikita nila. “Para sa mga hindi pa nakaka-alam, Gamit ang crystal ball na ito, malalaman niyo ang kapangyarihang maeron kayo at kung ano ang level niyo na siyang magpapasiya kung saang class kayo mapupunta. So shall we begin?” Binasa isa isa ang mga pangalan ng mga first years alphabetically kaya medyo natagalan pa ang pagtawag kay Alissa. Once na tinawag ang pangalan ng isang estudyante, maglalakad siya palapit doon sa crystal ball at wala siyang ibang gagawin kundi hawakan ito at lalabas na doon sa crystal ball kung ano ang kapangyarihan at level niya. Magiging kulay red ang crystal ball kapag isang fire user ang humawak nito, blue kapag water, Green kapag earth at grey naman kung air. Black kapag darkness, white kapag light at sky blue kapag ice user pero pinaka rare ang element na iyon kaya wala pang lumalabas na ganong kulay sa crystal ball sa loob ng mahabang panahon. Lalabas din ang number sa crystal ball kung anong level na ng estudyante pero hindi iyon masyadong pinapansin dahil pwede pa namang maglevel up ang isang user once na magsusumikap, ang hindi lang talaga mababago ay kung anong element ang meron ka. Merong mga estudyanteng mapalad na magkaroon ng dalawang element, minsan ay kalahating red at kalahating brown ang lumalabas sa crystal ball minsan naman ay may white or blue pero once na isa kang dual user ay automatic nang titingalain ka ng lahat. “Knoxx, Alissa” Napansin ni Trevas na nanginginig ang buong katawan ni Alissa habang naglalakad siya papalapit sa crystal ball. Napatahimik din halos buong Arena nang marinig ang pangalan ni Alissa at napatingin sa kaniya. “She’s the daughter of general Knoxx?” tanong ng katabi ni Trevas sa kasama nito. “Definitely” “She must be very powerful, siya din ang napili ng hari ng Bauxacel na mapangasawa si Prince Luke” napalingon si Trevas sa nagsalita. Alam niya na tapos na ang enggagement nila Alissa at Luke pero hindi niya mapigilang mainis dahil enggage pa sila sa panahong ito. “I don’t know, ito ang unang beses na malalaman ang kapangyarihan ni miss Alissa” Ibinalik ni Trevas ang tingin kay Alissa. Hindi siya kinakabahan para kay Alissa dahil alam niyang isang ice user si Alissa na isa sa pinaka rarest Element pero laking gulat ni Trevas nang imbes na kulay light blue ay dark blue lang ang lumabas sa crystal ball, and worse, she’s level 2. Umalingawngaw sa buong arena ang tawanan at halatang halata na sa mga mata ni Alissa ang takot, hiya, at kung ano ano pang emosyon. Napatayo si Trevas sa kinatatayuan niya pero bago pa siya may magawang alam niyang pagsisishan niya ay biglang nagbago ang senaryo at biglang napunta si Trevas sa isang madilim na kwarto. Mataas ang kisame ng kwarto at malawak ito, mamahalin ang mga gamit dito at sa unang tingin palang ay alam mo nang may pera ang pamilyang may ari ng bahay na ito pero hindi sa kwarto nakatuon ang atensyon ni Trevas kundi kay Alissa na nakatayo sa may balcony, Rinig na rinig sa buong kuwarto ang mga hikbi ng 13 year old na si Alissa na siyang bumabasag sa katahimikan ng gabi. Bago pa makapagsalita ulit si Trevas ay bigla na namang nagbago ang senaryo at napunta na naman siya sa iba pang memorya ni alissa. Napunta siya sa ala-ala ni Alissa noong grumaduate siya sa Maxica, napunta din siya sa mga ala-ala ni Alissa na magkasama sila ni Luke na siyang ikinainis ni Trevas. Napunta din siya sa memorya ni Alissa noong lumuhod siya sa harapan ng palasyo ng Bauxacel pati noong namatay ang mga magulang niya at noong nakilala niya si Anna at pati noong naglakbay sila Alissa at Lina papuntang Beifang pero ang pinaka ikinagulat ni Trevas ay ang isang ala-ala ni Alissa noong bata pa siya. Alissa was 2 years old at that time at isinama siya ng mga magulang niya papuntang Beifang. “Your majesty” sabay na pagbibigay galang nila Alen at Diana Knoxx sa hari ng Beifang na si King Henrick. Napakunot ang nuo ni Trevas habang pinapanood ang mga pangyayari habang nakatago siya sa isang madilim na sulok. Napatingin siya sa batang bitbit-bitbit ni Diana na sa malamang ay si Alissa. “Please take a seat General Alen and Madame Diana” tumayo yung hari at inalok sila Alen at Diana na umupo sa may waiting room sa labas ng throne room. “Hindi na kami magpapaligoy-ligoy pa your majesty, wee’re here to talk about her” panimula ni Alen na siyang lalong nagpakunot ng nuo ni Trevas. Bakit nandito sa kaharian ng Beifang ang heneral ng Bauxacel? Ang daming tanong ang nabuo sa utak ni Trevas pero bago pa masagot ang mga tanong niya ay bigla na namang nagbago ang senaryo at napunta siya sa isangpamilyar na lugar. Nandito siya ngayon sa dating kulungan ng mga Manticore sa palasyo ng Beifang pero inalis din ang kulungang ito noong minsan na siyang kinulong ni Vivian dito. “Mom! Dad!” biglang napalingon si Trevas sa may pintuan ng kulungan ng Manticore nang marinig niya ang pamilyar na sigaw. Humakbang si Trevas para sana lapitan yung kulungan ng mga Manticore pero bigla siyang bumalik sa sulok na pinagtataguan niya nang makita ang 2 year old na si Alissa na tumatakbo papunta doon sa pinanggagalinga ng sigaw. “Evas?” bulol na tawag ni Alissa nang makarating na siya sa tapat noong gate sa kulungan ng manticore. Biglang nanlaki ang mga mata ni Trevas nang malakas na bumukas yung gate sa harapan ni Alissa at mula doon ay dahan dahang lumabas ang itim na nilalang na pamilyar na pamilyar kay Trevas. That’s him.. Dahan dahang naglakad palabas noong kulungan ang 3 year old na si Trevas sa demonyo nitong anyo at halata sa mga mata nito at nakakatakot na ngiti na wala siyang kontrol sa sarili. “Evas?” tawag ulit ni Alissa, hindi parin siya umaalis sa pwesto na para bang hindi natatakot sa nasa harapan niya. “Watch out!” sigaw ni Trevas nang makita niya ang batang siya na mabilis na lumipad papunta sa direksyon ni Alissa. Nagteleport si Trevas papunta sa tabi ni Alissa at mabilis itong hinila palayo. Gayunpaman, nahagip ng matutulis na sungay ng batang si Trevas ang braso ni Alissa. Umagos ang dugo mula doon sa braso ni Alissa pero hindi ito umiyak at napangiwi lang sa sakit bago dahan dahang tumingala kay Trevas. “Evas?” “Trevas!” Napamulat si Trevas nang marinig niyang may tumawag sa pangalan niya. Napapikit pikit muna siya at inadjust ang paningin bago narealize kung nasaan siya. Nakabalik na siya sa present at nandito parin sila ni Alissa sa bangin kung saan nila nakita yung goddess of Tears. “Are you ok?” tanong ni Alissa kaya naman napabalik sa kaniya ang tingin ni Trevas. “It’s you…” bulong ni Trevas habang nakatitig sa mga mata ni Alissa at inaalala ang lahat ng nakita niya. It’s her. Si Alissa ang batang babae na nakilala niya noon.
0 Comments
Leave a Reply. |
AuthorBaubbleGum Archives
December 2020
Categories
All
|