UNEDITED
“You didn’t tell me na winter demon din pala si Vivian” sabi ko kay Trevas na kasalukuyang nakaunat ang mga kamay sa harapan ko para tulungan akong tumayo. Inabot ko yung kamay niya na para bang walang away na naganap sapagitan namin bago napabaling ang tingin kay Vivian na kasalukuyang nakaluhod sa stage at unti-unting nagiging kulay puti ang buhok tulad ng katangian ng isang winter demon sa tuwing nag ta-transform. “That’s impossible” sabi ni Trevas. “Lumaki ako sa puder niyaat sigurado akong walang bahid ng dark magic sa dugo niya” sagot niya pero hindi na ako nakasagot pa nang biglang sumigaw si Vivian na para bang namimilipit sa sakit. Napahawak siya sa sintido niya habang sumisigaw sa nakakakilabot niyang boses. “Get the f*ck out of my head!”sigaw niya na siyang nagpakunot ng nuo ko. “Lieutenant Jared” tawag ni Trevas kay Lieutenant Jared kaya naman dali dali itong naglakad papalapit sa amin at sumaludo kay Trevas. “Dalhin mo sa ligtasna lugar ang mga tao at ipa evacuate yung mga naninirahan malapit sa lugar na ito, mukang may mangyayaring labanan dito” Tumango si Lieutenant Jared bago tumakbo paalis, malamang para sundin ang iniutos ni Trevas. “Sergeant Min, Send a message to the palace tungkol sa nangyayari dito and send for a back-up” Nagutos pa si Trevas sa ibang heneral na pinangungunahan niya pero hindi ko na masyadong naintindihan ang mga pinagsasabi niya dahil naagaw ang atensyon ko nang makita si Vivian na dahan dahang tumayo. Naghanda ako sa pag-atake pero bigla akong hinawakan ni Trevas sa braso kaya napalingon ako sa kaniya. “We will talk later” Tumango ako sa kaniya bago inilabas ang pakpak sa likuran ko at nakita ko naman siyang nagbagong anyo. “Be careful” sabi niya sa nakakatakot niyang boses bago mabilis na naglaho sa aninong nililikha ng malapit na poste samin. Biglang sumulpot si Trevas sa may likuran ni Vivian at aatake na sana nang biglang may lumabas na mga itim na nilalang mula sa kinatatayuan ni Vivian just like how a winter demon’s powers works. Dahil sa mga itim na nilalang na iyon na natatakpan ng hood ang muka ay hindi natamaan si Vivian ng pag atake ni Trevas bagkus ay tumama ito sa mga nilalang na iyon. Dahan dahang lumingon si Vivian sa direksyon ni Trevas pero imbes na siya ang atakehin nito ay bigla siyang naglaho at sumulpot sa harapan ko. Nanlaki ang mga mata ko dahil doon at bago pa ako makapag react ay naglabas ng isang scythe si Vivian at iwinasiwas ito sa direksyon ko. Sinubukan kong umiwas sa tira niyang iyon pero tumama parin yung scythe sa braso ko at nagdulot iyon ng malaking sugat at umagos ang dugo mula doon. Napakagat ako sa labi dahil sa sakit na naramdaman ko sa atakeng iyon ay bigla akong kinilabutan nang makitang nakangisi sa akin si Vivian pero somehow, alam kong hindi si Vivian ang nasa harapan ko ngayon. “Anna, I know you’re there” bulong ni Vivian sa nakakakilabot niyang boses at humakbang papalapit sa akin pero nakakailang hakbang palang siya ay biglang sumulpot si Trevas sa pagitan namin at nagcast ng isang itim na bilog sa harapan niya at mula doon ay lumabas ang itim na mahika na siyang nagpatalsik kay Vivian ng ilang metro. Tumama sa poste ang likod ni Vivian dahil sa lakas ng impact ng tira ni Trevas at agad namang nadurog ang posteng iyon at natabunan ng makapal ng usok ang pwesto ni Vivian. ‘Anna what the f*ck was that?’ tanong ko pero tulad kanina, hindi parin sumagot si Anna. “Stay here, I’ll fight her my own” Tumango nalang ako sa sinabi ni Trevas dahil ayoko din namang labanan si Vivian na mukang sinaniban ng kung anong ispirito na siyang higit na mas makapangyarihan sa akin. “You will fight me on your own?”sabay kaming napalingon ni Trevas nang marinig namin ang nakakatakot na boses ni Vivian katulad ng kay Trevas. “You’re now a grown up Trevas, Ang tagal na panahon nadin pala ang lumipas” “Who are you?” tanoong ni Trevas at maging ako ay gusto ko ring malaman kung sino ba talaga ang espiritong sumanib kay Vivian at hinihiling kong mali ang inaakala ko pero imbes na sumagot ay ngumisi lang ito. “Are you… my mother?” nag-aalangang tanong ni Trevas pero hindi parin sumagot yung kung sinoman ang nakasanib sa katawan ni Vivian. “Freya?” napalingon ako sa nagsalita at nakita si king henrick na dahan dahang naglalakad papalapit sa amin habang titig na titig kay Vivian. Hindi parin nawala ang ngisi sa mga labi ni Vivian kahit noong pinalibutan na kami ng mga royal guards na siyang kasama ni king henrick. “Look like I’ve lost” “Freya, let’s ta-” “Shut up, I’m not talking to you” pagpuputol ni Vivian sa sinasabi ni king henrick. “You’re all saved from now, pero sa akin ang kaluluwa ng babaeng nagmamay-ari ng katawang ito” Pagkatapos niyang sabihin iyon ay unti unting bumalik sa dating itim na kulay ang buhok at mga mata niya bago siya napaluhod sa sahig. Unti-unting nawala yung itim na usok sa paligid ni Vivian at lumubog sa sahig. ganon din ang nangyari sa mga itim na nilalang na kinakalaban ng ibang mga royal guards at generals. After all that, things changed for the better. Isinailalim sa masusing paglilitis si Vivian pero hindi na pala kailangan ng paglilitis dahil inamin ni Vivian ang lahat na siyang ikinagulat hindi lang ng mga mamayan ng Beifang kundi ng mga mamamayan ng Firlame na ksalukuyang nananatili sa kahariang ito. Simula noong nangyari ang insidente sa plaza ay parang nawalan na ng kaluluwa si Vivian. Buhay pa siya at nakakausap pero walang anumang emosyon ang makikita sa muka niya at lahat ng sinasabi niya ay totoo kaya naman hindi na nahirapan ang mga imbestigador na malaman ang totoo. It turned out na si Vivian nga ang nagpadala ng mga kalaban noong coronation day ni Trevas at siya din ang nagplano ng paglalason dito. Totoo din ang kutob nila Sergeant Min na may nangtatraydor sa isa sa mga kakampi nila dahil si Colonel Jay ay kasabwat din sa mga plano ni Vivian at si Colonel Jay din ang nagdidispatya at nagiimbento ng mga ebidensya para madiin sa akin ang sisi. Madami pang mga kasabwat na mga opisyal si Vivian sa planong pagpapapatay kay Trevas para ipalit si Alastor na crown prince once na magising na ito at bawat opisyal na binanggit ni Vivian na napatunayang kasabwat nga ay isasama sa mga bibitayin. Sa panig naman ng mga mamamayan, marami ang nainis at nagalit sa mga mamamayan ng mga firlame dahil pakiramdam ng mga mamamayan ng Beifang ay minamaliit sila ng mga taga Firlame dahil sa pagpaplano ng mga ito na ipapatay si Trevas na kasalukuyang crown prince kaya walan gibang nagawa ang mga taga Firlame kundi bumalik sa kaharian nila at iwanan si Vivian. Marami din ang nag simpatya sa side ni Trevas lalo na yung mga taong minsan nang kumampi sa panig ni Vivian kaya naman unti unting dumami ang mga taong sumusuporta kay Trevas. Dalawang araw ang itinagal bago natapos ang imbestigasyon salahat ng kasabwat sa mga krimeng plinano ni Vivian at sa wakas ay naitakda na ang araw ng pagbibitay sa kanila na isasagawa din sa mismong plaza kung saan ako muntik nang ipabitay. Nitong mga nakalipas na araw ay naging busy sa pagiimbestiga si Trevas kaya hindi pa kami nakakapagusap o nagkikita mula noong insidente sa plaza kaya hindi parin kami officialy in good terms pero ngayong tapos na ang lahat at nakatakda na ang pagpapabitay sa lahat ng may sala ay mukang makakpagusap na ulit kami… And it actually made me nervous. “You’re ok now right?” Tanong ni Lina. Nandito kami ngayon sa may pond sa tabi ng cherry blossom at nagpapahangin dahil medyo mainit sa loob ng main building. Nakaupo kami sa may outdoor dining table kung saan nakahain ang mga pagkain at tsaa na inilalagay ng isang servant. Napahawak ako sa braso ko dahil sa tanong ni Lina. Hanggang ngayon kasi ay nakabenda parin yung braso ko dahil sa sugat na natamo ko sa scythe ni Vivian at hindi parin iyon gumagaling dahil sa masyado itong malalim. “Yeah…” sabi ko, hindi parin inaalis ang tingin sa pond sa harapan namin. “I’m not talking about your wound” sabi ni Lina kaya napalingon ako sa kaniya. Nagtama ang paningin namin bago ako napabuntong hininga. Alam ko na hindi yung sugat ko ang tinutukoy niya. Hindi niya tinatanong kung ok lang ako Physically kundi kung ok na ako emotionally. “I’ll be Ok” sagot ko bago siya nginitian. “Miss Alissa, Miss Lina” sabay kaming napalingon ni Vivian sa isa sa mga servants sa courtyard. Yumuko siya sa amin bago nagsalita. “His highness has just arrived” pagkasabing pagkasabi niya non ay naaninag na namin sila Trevas at Lieutenant Jared na naglalakad papalapit sa amin. Tumayo si Lina at sinalubong sila. Nakita kong may sinabi siya kay Trevas bago hinila palayo si Lieutenant Jared na tahimik naman siyang sinundan. Naglakad papalapit si Trevas sa akin at hindi ko mapigilang bumiiis ang kabog ng dibdib ko lalo na nang inutusan niya yung mga servants na umalis muna at iwan kami mag-isa. Umupo si Trevas sa harapan ko bago nagsalin ng tea doon sa tasa. Napayuko lang ako at pinagmasdan ang kamay ko na nakapatong sa lamesa dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kaniya. “Let’s talk” Author's note:
1. Scythe
0 Comments
Leave a Reply. |
AuthorBaubbleGum Archives
December 2020
Categories
All
|