UNEDITED
"At ayon din sa imbestigasyon ay may kinalaman si Alissa knoxx sa pagkakalason sa prinsepe" Nagbulong bulungan yung mga tao sa paligid. Lalong sumama ang muka ni Trevas sa narinig niya at ganon din si Lieutenant Jared at Sergeant Min na nakaupo din sa isa sa mga upuan sa itaas ng stage sa harapan ko at doon ki lang napagtanto na puro matataas ang pusisypn ang nasa harapan ko ngayon maliban nalang sa hari na nasa palasyo. Angmga taobg nasa hata ko malamang ang magdidisisyon nang kung anong ipaparusa sa akin kung mapatunayan na ako ay nagkasala. "What's going on?" Tanong ni Trevas bago inilipat ang tingn kay colonel jay na nakatayo sa tabi ko. Sumaludo muna si colonel jay bago sumagot. "Ayon sa royal Alchemist na gumamot sa inyo, your highness. Yung bulaklak na frozen chrysanthemum ang pinaka pangunahing sangkap para sa antidote pero ang bulaklak din na iyon ang pangunahing sangkap para magawa yung lason." "So?" Tanong ni Trevas pero imbes na umimik ay sumanyas si Colonel jay sa isa sa mga royal quards na nakatayo sa may likuran ko. Naglakad papunta sa may stage yung royal guard at inilapag ang isang bulaklak sa ibabaw ng lamesa sa harapa ng mga nakaupo doon sa may stage at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko yung frozen chrysanthemum na iniwan ko sa kwarto ko. "Bago namin inaresto si Alissa knoxx para dalhin dito ay nagsagawa muna kami ng imbestigasyon at natagpuan ang bulaklak na iyan sa kwarto niya" "that was supposed to be used para sa antidote" sabi ko kaya naman sabay sabay na napatingin sa akin ang lahat. Napatingala ako ng sandali pero agad ding yumuko nang nagtama ang paningin namin ni Trevas. "This was supposed to be used for the antidote?" Paguulit ni Colonel jay sa tanong ko. Tumango ako. "If my memory serves me right, ang frozen chrysanthemum na binigay ni Lady Mara ang ginamit para sa antidote ni his highness crown prince Trevas" sabi nito. "I know" napakagat ako sa labi nang maalala ang tungkol doon. "Your highness" humarap si colonel jay kay Trevas. "Alam niyo ba ang tungkol dito?" Napapikit ako ng madiin dahil alam ko na ang isasagot niya. "N-no..." Halos pabulong na sabi ni Trevas. "So, miss Alissa, you're saying na ang frozen chrysanthemum na nasa pagmamayari mo ay para sa antidote ni his highness pero maging siya ay hindi alam ang tungkol doon?" "It's because I can't tell anyone" sabi ko at pabilis na ng pabilis ang kabog ng dibdib ko. Ito din ba ang naramdaman ni papa noong nililitis siya? "You can't tell anyone? Hindi mo pwedeng sabihin sa iba na nagmamayari ka ng frozen chrysanthemum? Why?" Napakagat ako ng mariin sa labi ko at naramdaman ko na pagpapanic. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanila ang tungkol sa Frozen Chrysanthemum dahil sa Infragilis Vow na isinagawa ko kasama yung goddess of tears kung hindi ay mamamatay ako. "Kelan pa nasa iyo ang frozen chrysanthemum na iyan?" Sunod na tanong ni colonel jay. "ah—" "Nasa iyo naba ang bulaklak na iyan noong una palang? Kaya kaba dumating sa kahariang ito ay para malason ang crown prince gamit ang frozen chrysanthemum at maagaw sa kaniya ang trono?" "What?! No!" Hindi ko namalayan na napataas na ang boses ko pero mas malakas na ang bulong-bulungan ng mga tao. "Then when and where did you get the Frozen Chrysanthemum" pangdidiin ni Colonel jay. Palalim na ng palalim ang hininga ko at nanubig ang mga mata ko lalo na nang magtama ang paningin namin ni Trevas at nakita ko siyang kunot nuong pinanood ang nga pangyayari. Hindi ko mabasa ang emosyon sa muka niya. Naniniwala kaya siya sa mga binibintang sa akin? "I can't tell you, nagsagawa ako ng Infragilis vow na hinding hindi ko sasabihin ang tungkol sa bulaklak na iyon" nanginginig kong sabi Kay Colonel jay na seryosong nakatingin sa akin. Nakaluhod parin ako habang siya ay nakatayo sa may kanan ko kaya naman kailangan ko pang tumingala para kausapin siya. "You've done a Infragilis vow?" Napataas ang kilay ni colonel jay at tinignan ako na para bang hindi naniniwala sa akin. "Yes, kaya hindi ko masabi kung saan at paano ko nakuha ang bulaklak na iyon kahit kay Trevas" "Call him his highness" matiim na sabi ni Colonel jay nang marinig niyang tinawag ko si Trevas sa pangalan. "Y-yeah" nag-aalangan kong sabi. "Stop this colonel and let her go" napatingala ako nang marinig ko ang boses ni Trevas. "You don't even have a proof na si Alissa nga ang nasa likod ng lahat" "Ikaw ang tumigil Trevas" napasinghal ang lahat at gulat na napatingin sa nagsalita. Isang malaking kasalanan ang mambastos sa isang royal kaya naman ganon nalang ang pagkabigla ng lahat nang may maglakas ng loob na sabihin ang mga salitang iyon pero hindi na ako nagtaka pa nang makita kung sino ang nagsalita. Naglakad papalapit si Vivian bago umakyat sa stage at umupo sa isa sa mga bakanteng upuan. "You can't sit there—" biglang naputol ang sinasabi ni Sergeant Min nang itinaas ni Vivian ang kamay niyang nagliliyab at itinapat ito sa direksyon niya. Natahimik si Sergeant Min hindi dahil takot siya kay Vivian kundi dahil ayaw niyang magsimula ng gulo dahil maaring madamay ang daan daang mamamayan na nandito ngayon para mapanood ang paglilitis. "Stop protecting that girl Trevas, hindi mo pwedeng ipagtanggol ang isang kriminal dahil lang mahalaga siya sayo" sabi ni Vivian "You're not supposed to be here" sagot ni Trevas sa kaniya. "I can be wherever I want Trevas and you and your father can't do anything about it" napakunot ang nuo ng karamihan dahil sa sinabi ni Vivian pero walang naglakas ng loob na magsalita. Tulad ng sinabi niya, walang magagawa sila Trevas at maging hari sa kung anong gustong gawin ni Vivian dahil hindi parin lubusang nagkakaayos ang kahrian Beifang at Firlame at once na galawin nila si Vivian ay baka magdulot pa ito ng gera. Malaki ang kapit ni Vivian sa Firlame at alam niya iyon kaya naman ang lakas ng loob niya ngayon na umasta na siya parin ang reyna. "Anyways, proceed with the execution" sabi niya bago sumadal sa kinauupuan niya. "Walang execution na magaganap" sabi ni Trevas bago pa makasagot si Colonel jay. "What? Gusto mong pagtakpan yang kriminal nayan na lumason sayo?" "She's innocent until proven guilty" matiim na sabi ni Trevas na siyang nagpamula ng muka ni Vivian na para bang naiinis na siya. Napakunot ang nuo ko. Bakit ba pilit niyang dinidiin na ako ang gumawa non kahit na wala pang ebidensya? Anong mapapala niya? "Bring her back to the palace Colonel, ayoko nang maulit to" sabi ni Trevas habang masamang nakatingin kay Colonel jay na nasa tabi ko. "Hahayaan mo siyang bumalik sa palasyo? Pano nalang kung umatake na naman ang babaeng iyan? Papanagutan mo ba yung mga insosenteng mamamayan ng Beifang kung sakali mang mangyari yun?" Tanong ni Vivian at sigurado akong nilakasan niya talaga yung boses niya para marinig ng mga tao. Nagbulong bulungan yung nga tao. Although hindi ko naririnig ang usapan nila ay alam kong karamihan sa kanila ay naniniwala sa mga pinagsasabi ni Vivian at sobra akong naiinis dahil don pero bigla akong napatigil nang may mapansin ako sa mga kamay ni Vivian. "What a great Crown prince you are, mas pipiliin mong kampihan si Alissa knoxx kesa sa mga mamamayan ng Beifang kahit na siya ang naglason sayo—" biglang naputol ang sinasabi ni Vivian nang matawa ako sa sinasabi niya. Wala na ang kaba at panic na naramdaman ko kanina dahil ngayon, alam ko na. "Why are you laughing?" Naiiritang tanong ni Vivian. "Oh, nothing... Nakakatawa ka lang panuorin habang nagsisinungaling at pilit na dinidiin sakin ang kaalanang ikaw mismo ang gumawa" biglang nanlaki an mga mata ni Vivian at kitang kita ko sa mga mata niya ang pagkataranta pero bigla din iyong nawala. Gayunpaman, alam ko na hindi lang ako ang nakakita non. "What?" Pilit siang tumawa. "Pinagbibintangan mo ako?" "No" matipid kong sagot. "Hindi kita pinagbiintangan dahil unlike you I have a proof" Tumayo ako mula sa pagkakaluhod at muntik pang matumba dahil sa sakit at pamamanhid ng tuhod ko pero pinilit ko ang sarili ko na tumayo ng tuwid at tinignan si Vivian ng masama. Iniunat ko ang nakaposas kong kamay sa direksyon ni Colonel Jay para ipatanggal sa kaniya yung posas pero tinignan niya lang ako. "Took it off" matiim kong sabi sa kaniya. Napatingin muna siya kay Trevas bago tinanggal yung posas. Pagkatanggal na pagkatanggal nung posas ay agad akog nagteleport papunta sa harapan ni Vivian na ikinagulat ng lahat at doon ko lang naalala na wala nga palang ibang nakakaalam na isa akong ice user bukod sa iilang mga tao. "What are you doing?" Napaatras si Vivian ang humakbang ako palapit pero bago pa siya makalayo ay hinawakan ko siya sa may pulsuhan at itinaas ang mahaba niyang sleeves. Tumambad sa akin ang mga kamay niya na nababalot ng mga kumikinam na maliliit na parang glitters. "Why are your hands like this?" Tanong ko kaya naman napansin na ng lahat ang mga kumukinam na kung ano sa mga kamay ni Vivian at doon lang nila narealize ang totoo na kanina ko pa nadiskubre. Yung kumikinam na parang glitters kasi sa mga kamy ni Vivian ay makukuha lang kapag humawak ka ng frozen chrysanthemum. Matagal mawala yung mga kumikinam na iyon sa kamay mo pero sa tulong ni Anna ay agad ko iyong natanggal. Nakita ng mga tao ang kamay ni Vivian at ang kamay ko at malinaw na sa lahat kung ano ang totoong nangyari. "Ang kapal ng muka mong idiin sakin ang krimen na ikaw ang gumawa" matiim kong sinabi dahil kanina ko pa pinipigilang saksakin itong babaeng 'to. "No— this is not—" napalingon lingon si Vivian at nakitang matiim din aiyang tinitignan nila Trevas at ang mga tao ay unti unting narealize ang totoo pero imbes na itanggi ay bigla siyang natawa. "Anna" bigla akong nanigas sa pwesto ko sa sinabi ni Vivian. "Anna" pag u-ulit niya pero this time, biglang lumalim ang boses niya na para bang sinaniban siya ng isang masamang espirito. 'Bakit kilala ka niya?' tanong ko kay Anna pero hindi siya sumagot na siyang nagpakunot ng nuo ko pero bago pa ako makapagsalita ulit ay malakas akong hinampas ni Vivian sa may dibdib at tumalsik ako ilang ng ilang metero mula sa kinatatayuan ko at nakaladkad sa sahig. "Alissa!" Sigaw ni Trevas bago nag teleport sa tabi ko at inalalayan akong tumayo. "Hahaha" bigla akong kinilabutan dahil sa nakakatakot na tawa ni Vivian pero lalo akong kinilabutan nang makita ko na puti na ang mga mata niya at napalilibutan na siya ng itim na mahika. "How? You're not a dark user!" Sigaw ng isa sa mga minister na kanina ay nakaupo sa upuan sa may stage pero ngayon ay nakatayo na at lumalayo kay Vivian. Nagsimula na ring magpanic yung mga tao at ang iba ay tumakbo na palayo at iyon na ang simula ng kaguluhan.
0 Comments
Leave a Reply. |
AuthorBaubbleGum Archives
December 2020
Categories
All
|