"So, hindi parin kayo nagkakaayos?" Tanong ni Lina kinagabihan habang kunakain kami ng dinner sa dining room
Hanggang ngayon ay lutang parin ako at parang may kung anong kumikirot sa dibdib io pag naaalala ko yung nangyari kanina sa palace garden. Napailing-iling ako bilang sagot sa tanong ni Lina. "Did you even talk to him?" Kunot nuong tanong niya at umiling lang ako ulit. Hindi naman kasi ako nagkaroon ng pagkakataon na makapagsalita. Inilapag ni Lina yung kutsara at tinidor niya sa gilid ng plato niya at naglikha iyon ng ingay kaya naman napatingin ako sa kaniya. "Why can't you just tell him everything?" Pagbuntong hininga ni Lina na para bang pagod na pagod na siya sakin. "What should I tell him?" "The f*cking truth, Alissa!" Bigla akong napatigil nang lumakas ang boses ni Lina. Napansin niya ata na napalakas ang pagkakasabi niya kaya huminga siya ng malalim bago uminom ng tubig. "Sabihin mo sa kaniya ang totoo para hindi na niya ma-misunderstand ang lahat" "Bakit parang apektadong apektado ka sa away namin ni Trevas?" Tanong ko nang mapansing parang mas galit pasiya sakin kesa kay Trevas. "I'm sorry, it's just... Hindi parin ako kinakausap ni Jared—" "So it's all about your little baby Jared" natatawa kong sabi bago uminom ng tubig. "This is not about me and Jared, Alissa. This is about you and you're atupid way of solving your problem" sabi ni Lina at bakas na sa mga mata niya ang inis sa akin. Napatitig ako sa mga mata ni Lina. Her words actually hurts me more than i realized. Madalas kaming mag away ni Lina kahit noong personal maid ko palang siya pero this is actually the first time na seryoso kaming nag aaway at nagsasagutan. "Stupid way?" Pagiirap ko, hindi na ako makapagisip ng maayos at napangungunahan na ng galit na nararamdaman ko. "What do you want me to do? Tell him the truth? Alam mong hindi ko pwedeng sabihin kay Trevas ang totoo na kaya tayo nawala nang talong araw ay naghanap tayo ng frozen chrysanthemum dahil nagsagawa tayo ng Infragilis Vow at nanumpa doon sa goddess of tears na hinding hindi natin sasabihin kahit kanino ang lahat ng naexperience natin sa jeufeng mountain" "Kung nakinig kalang kasi sakin nung sinabi kong huwag na tayong tumuloy sa pagtakas, edi sana hindi na umabot sa ganito ang lahat" Lumalim ang paghinga ko habang pilit na pinapakalma ang sarili. Pinunasan ko ang mga luha na pumapatak sa mga mata ko bago nagsalita "Sa tingin mo ba gusto ko lahat ng nangyayaring 'to?" Patuloy ako sa pagpunas ng mga luha ko pero patuloy parin iyon sa pagagos kahit na anong gawin ko. "I just want to find that stupid flower para gumaling na si Trevas... Hindi ko naman ginusto na dahil doon sa pag alis natin ay magagalit sayo si Jared at ma mi-misunderstood ni Trevas ang lahat" Hindi umimik si Lina pero hindi ko masyadong makita ang ekspresyon sa muka niya dahil nanlalabo ang paningin ko dahil sa luha na parang gripo na umaagos pababa sa pisngi ko. "You care for Trevas kaya mo ginawa yun? Then bakit mo siya sinasaktan ngayon? Bakit mo siya tinutulak palayo kung may pakialam ka sa kaniya?" Mahinahon na ang boses ni Lina pero patuloy padin ako sa pagpunas ng mga luha kong ayaw tumigil. "Sa tingin mo ba gusto kong sinasaktan si Trevas? I really do like him but im too scared to get too close to him... Natatakot ako na lalong mapalapit kay Trevas dahil doble ang sakit kapag iniwan ka ng taong napamahal na sayo... Im tired Lina... I'm so tired... Pagod na akong iwan ng mga tao kung kelan naman napamahal na sila sakin Pagod na akong maabandona kaya maaga palang ay ipagtutulakan kona sila palayo para hindi na masyadong masakit kapag umalis na sila." Hindi ko na napigilan ang sarli ko at isinubsob ko na ang muka ko sa braso ko na nakapatong sa lamesa. May mga nasagi pa akong mga plato sa harapan ko pero hindi ko na iyon pinansin at humagulgol nalang ng iyak. Naramdaman kong napaupo si Lina sa tabi ko bago siya napabuntong hininga at hinimas himas ako sa likod. "Stop running away..." Sabi niya. "Hindi lahat ng tao sasaktan kalang" Umupo ako ng diretso bago yumakap kay Lina at hinimas naman niya ako sa buhok. "I know you have trust issue pagdating sa mga ganitong bagay... But Trevas is not Luke.. magkaibang tao sila alissa" "Alam ko naman yun—" "No, hindi mo alam yun dahil kung totoong alam mo yun, hindi ka matatakot na ulitin ni Trevas ang ginawa ni Luke sayo" Napatigil ako bago humiwalay kay Lina. "Then what should I do?" "Just.. talk to him first..." Kinabukasan, maaga akong nagising. Hindi parin umuuwi si Trevas na malamang ay natulog sa office niya sa training camp dahil busy sila nila Sergeant Min at colonel jay sa pagiimbestiga sa kung sino ba talaga ang may pakana noong pagatake noong coronation day. Hanggang ngayon kasi ay hindu parin ito nahuhuli. Medyo madilim pa at mangilan-ngilan palang ang gising na katulong. Naglakad ako papunya sa kusina at naabutan ko doon ang isa sa mga kitchen staff na mukang magsimula palang magluto ng agahan. Napatigil siya sa ginagawa niya nang makiya ako at yumuko sa direksyon ko. "Ako na ang magluluto ng agahan" sabi ko sa kaniya kaya naman naglakad na siya paalis at naiwan akong mag-isa sa kusina. Hindi ako ganon ka-galing magluto pero marunong ako kaya simpleng omelet and bacon lang ang niluto ko. Naglagay ako ng pagkain sa isang lunch box bago inihain sa lamesa ang para kay Lina. Plano kong dalhin yung lunch box papunta sa training camp dahil alam kong madalas na hindi na nagaalmusal si Trevas kapag busy siya pero pagkalabas na pagkalabas ko palang sa palasyo ay biglang tumigil yung karwaheng sinasakyan ko. "Why did we stop?" Tanong ko doon sa Coachman na siyang nagpapaandar sa karwahe. "May nakaharang sa daan natin miss Alissa" sabi niya kaya naman napakunot ang nuo ko at napagdisisyonang bumaba ng karwahe para makita kung sino yung nakaharang sa daan. Pagkababa ko ay natanaw ko agad si colonel jay at sa likod niya ay may nasa lima pang mga royal guards at naglalakad sila papalapit sa akin. "Colonel jay" nginitian ko siya pero bigla akong kinutuban nang hindi siya ngumiti pabalik tulad nang nakasanayan ko. "You have to come with us Miss Alissa" sabi niya sa seryoso niyang boses kaya naman lalo akong kinutuban na may hindi magandang mangyayari. "Saan?" Tanong ko pero imbes na sumagot ay tinanguan lang ni colonel jay yung mga tauhan niya at lumapit naman sila sa akin. Bago ko pa maintindihan ang mga nangyayari ay natagpuan ko nalang ang sarili ko na nasa loob ng karwahe nila habang ang mga kamay ko ay nakaposas kaya hindi ko magamit ang kapangyarihan ko. Hindi ko padin alam kung saan kamu pupunta at hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero kahit anong tanong ko kay colonel jay na nasa harapan ko ay hindi siya umiimik kaya wala akong ibang nagawa kundi maghintay na makarating sa kung saan man nila ako dadalhin. Hindi parin nawawala ang kaba sa dibdib ko pero hindi ko iyon pinahalata sa muka ko at walang emosyong tumingin sa bintana ng karwahe. Tumigil ang karwahe sa tapat ng isang oval plaza. May mga poste na naka semi circle sa plaza. May isang maliit na platform sa gitna ng plaza at sa harapan noong platform ay mat mas mataas na stage na kung saan may mga nakaupo na mangilan-ngilan na tao na hindi ko mamukaan dahil medyo malayo kami. Naunang bumaba ng karwahe si colonel jay at tinulak naman ako nung usang royal guard pababa kaya muntik pa akong madapa pero hindi na ako umimik nang hawakan ako ni colonel jay sa braso at dalhin kung saan. Napalingon lingon ako. Maraming tao sa plaza pero ni isa ay walang lumalapit doon sa stage sa gitna ng plaza pero laking gulat ko nang doon ako dalhin ni colonel jay. Ramdam ko na ang pagtitinginan ng mga tao papalapit palang kami doon sa stage pero biglang nagbulong bulungan ang mga tao nang paluhurin ako ni colonel jay sa maliit na platform. "Anong ibig sabihin nito—" hindi pa ako natatapos sa pagsasalita ay bigla akong napatigil. Napatulala ako sa mataas na stage na nasa harapan ko at sa lalaking nakaupo sa upuan na nasa pinakagitna at tinitigan din naman niya ako pabalik. "Sinisimulan na ang paglilitis kay Alissa Knoxx" panimula ni colonel jay pero hindi ko parin inaalis ang tingin kay trevas na kunot nuo ding nakatingin sa akin mula sa kinauupuan niya. "Si Alissa knoxx ay inaakusahan na siyang nasa likod sa nangyaring pag-atake noong araw ng pagkokorona kay his highness crown prince Trevas bilang crown prince" Lalong kumunot ang nuo ni Trevas at napansin kong napahigpit ang kapit niya sa arm reat niya habang hindi parin inaalis ang tingin sa akin. "At ayon din sa imbestigasyon ay may kinalaman si Alissa knoxx sa pagkakalason sa prinsepe" Author's note:
1. Plaza (hindi ganyan na ganyan)
0 Comments
Leave a Reply. |
AuthorBaubbleGum Archives
December 2020
Categories
All
|