UNEDITED
"You said what?" Naiiritang tanong sakin ni Lina nang ikwento ko sa kaniya ang pag uusap namin ni Trevas. Napatingala ako sa kaniya na namumula na ang muka sa inis. "Why would you f*cking tell him that!?" Napasabunot si Lina sa buhok niya bago inis na tumingin sa akin. "I'm sorry ok!? Naiinis padin kasi ako dahil nasayang yung paghahanap natin sa frozen chrysanthemum at hindi ko pwedeng sabihin sakanya ang tungkol don dahil sa pisting goddess of tears na yan" sabi ko bago humiga sa kama. Ngayon na naka kalma na ako, parang gusto kong iuntog ang sarili ko sa pader. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa yun pero parang naiinis ako sa kaniya dahil gumaling siya sa frozen chrysanthemum ni Lady Mara at hindi in-appreciate yung frozen chrysanthemum ko kahit na alam kong wala naman siyang kaslanan. "So you're jealous of Lady Mara?" Tanong ni Lina na siyang nagpabangon sa akin. "What?" "I knew it, galit ka kay Trevas dahil selos ka kay Lady Mara... Napaka unreasonable mo" pag iirap niya sa akin. "Am I?" Tanong ko bago bumalik ulit sa pahkakahiga at tumitig sa pader. "Alam mo naiinis din ako sayo" "Anong ginawa ko sayo?" Tanong ko. "Dahil sayo galit sakin si Jared" " It's not my fault—" " It is your fault! At kung hindi ka makikipag bati kay Trevas ibubugaw ko siya kay Lady Mara!" Sigaw ni Lina bago lumabas ng kwarto. Napatulala ako sa kisame habang inaalala ang pinagsasabi ko kay Trevas. Hinampas ko ang ulo ko at agad na tumayo para pumunta sa kwarto ni Trevas at kumatok sa kwarto ni Trevas pero bigla akong nakaramdam ng kaba nang walang sumagot. Kumatok pa ako ng ilang ulit pero wala paring sumasagot. "Miss Alissa?" Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko ang isa sa mga servants na may dala dalang laundry basket. "Yeah?" "Hinahanap niyo po si His highness crown prince Trevas?" Tanong niya kaya bigla akong napaiwas ng tingin at nahihiyang napatango. "Nasa palace garden po siya... Kausap si Lady Mara" Biglang nabalik sa kaniya ang tingin ko at walang sabi sabing naglakad palabas ng courtyard at pumunta sa palace garden na sinasabi nung katulong pero bigla akong napatigil nang matanaw ko sila Trevas at Lady Mara na naguusap habang nag tsa-tsaa at nagtatawanan panga. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin pero natagpuan ko nalang ang sarili ko na nasa harapan nilang dalawa at pinanliliitan sila ng mata. "Miss Alissa" bati ni Lady Mara bago tumayo at yumuko sa direksyon ko. "Hindi ba't enggaged kana kay Luke?" Biglang napatigil si Lady Mara sa sinabi ko, malamang nagulat dahil alam ko ang tungkol doon. "Yes, i am" sagot niya sa mahinhin at elegante niyang boses na siyang lalong nagpakulo ng dugo ko. "Then anong ginagawa mo dito mag isa kasama ang ibang lalaki?" Tanong ko bago napatingin kay Trevas na walang imik na umiinom ng tsaa na para bang wala siyang kinalaman sa paguusap namin ni Lady Mara. "I am taking to his highness crown prince about the—" "Talking?" Natawa ako. "Usap lang ba talaga?" "pardon? Are you implying that I have a relationship with his highness?" "Yes!" Parang gusto kong iuntog ang sarili ko dahil sa sinabi ko pero hindi ko iyon pinahalata. Napatigil si Lady Mara sa pagsasalita bago napatingin kay Trevas. "Why are you looking at him? Ako ang kausap mo diba?" Napailing-iling si Lady Mara bago yumuko ulit sa akin. "You should talk to his highness if you have a problem with him" "Wha—" "If you'll excuse me" sabi niya bago nagsimulang maglakad palayo pero bago pa ako makapag react ay tumayo din si Trevas sa kinauupuan niya bago naglakad papalapit sa akin. Napatitig ako sa mga mata niya at napatitig din siya sa akin. Binuka ko ang bibig ko at magsasalita na sana pero nilagpasan lang ako ni Trevas at nagpatuloy sa paglalakad. Napalingon ako sa kaniya at pinagmasdan ang likod niyang papalayo nang papalayo. Napahawak ako sa dibdib ko at parang may kung anong nakabara doon at hindi ko mapigilang magtubig ang mga mata ko.
0 Comments
Leave a Reply. |
AuthorBaubbleGum Archives
December 2020
Categories
All
|