"Lady Mara" tawag ko kaya naman agad siyang napalingon sa amin. Tumayo siya mula sa sofa at yumuko sa amin ni Lina bilang pagbati. Bawat galaw niya ay napaka graceful. "Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko pero bago pa siya makasagot ay bumaba si Lieutenant Jared mula sa second floor at napatingin sa amin. "She's here for Trevas" sabi niya bago lumapit kay Lady Mara at tinanguan ito. Nginitian naman siya nito pabalik. "What was that?" Naiiritang tanong ni Lina nang makita niya ang pagngingitian ng dalawa pero hindi siya pinansin ni lieutenant Jared. "Naglakbay papunta rito si Lady Mara na nagmula pa sa Bauxacel, para ibigay ang Frozen Chrysanthemum na kailangan para sa antidote ni Trevas" Biglang napakunot ang nuo ko at napahigpit ang kapit ko sa hawak-hawak kong frozen chrysanthemum. "He's cured?" "Oh, hindi niyo pala alam dahil bigla kayong nawala nitong nakalipas na tatlong araw" panimula ni Lieutenant Jared at bakas sa muka niya ag pagkadismaya sa amin. "Gising na si Trevas, at dahil iyon sa tulong ni Lady Mara" Napatigil ako bago ko inilipat ang tingin kay Lady Mara. Tahimik lang siyang nakatayo doon pero and tindig at posture niya ay napaka elegante. Maganda ang magarbong bistida na suot-suot niya, ibang iba sa suot kong combat clothes na madumi at may mga punit na natamo ko sa tatling araw na paglalakbay namin ni Lina sa jeufeng mountain. "Trevas is awake?" Mas lalong humigpit ang kapit ko sa Frozen Chrysanthemum na nakataho sa may likuran ko at wala na akong pake kung mabasag man iyon. Gusto kong magalit kay Lady Mara dahil dahil sa kaniya ay nasayang lang ang paghihirap ko na mahanap yung frozen chrysanthemum pero wala akong karapatang magalit dahil ginawa niya iyon para maligtas si Trevas. "Nagising siya noong araw na umalis kayo" Pagpapatuloy ni lieutenant Jared. It turned out na noong araw na umalis kami ni Lina ay natuklasan ni lieutenant Jared na nagmamayari ng isang 25 year old na frozen chrysanthemum ang pamilyang Laxxon. isa sa mga makapangyarihaang pamilya sa Bauxacel and mga Laxxon and it turned out na si Lady Mara, na minsan nang bumisita sa Beifang para sunduin si Luke ay ang kaisa-isang young miss sa pamilyang Laxxon. Napalublob ako sa bathtub sa Cr na naka konekta sa kwarto ko habang pilit na pinapakalma ang sarili. Naiinis ako... Nasayang lang ang ginawa naming paglalakbay ni Lina para mahanap yung frozen chrysanthemum. All of it was in vain... Napatitig ako sa Frozen Chrysanthemum na nakapatong lang sa lamesa sa gilid ko. Ano nang gagawin ko dito? Pagkatapos ko magbabad sa bathtub ay agad akong nagbihis at nagteleport sa may puno ng cherry blossom kung saan kitang kita ang bintana sa kwarto ni Trevas. Mula dito ay tinitigan ko lang siya na kasalukuyang nagbabasa ng isang libro habang nakahiga sa kama. He looked so calm and peaceful na para bang walang nangyari sa kaniya...na para bang wala siyang pakialam na nawala ako ng tatlong araw. Napansin siguro ni Trevas na may nakatingin sa kaniya kaya napatingin siya sa direksyon ko pero bago pa magtama ang paningin namin ay agad akong nagteleport pabalik sa kwarto ko at napasandal sa pinto. Lumipas pa ang isang araw nang hindi ko pinupuntahan si Trevas sa kwarto niya. Hindi pa siya lubusang magaling at hindi pa pwedeng umalis sa kwarto niya at hindi rin naman ako bumibisita sa kaniya dahil bukod sa hindi ko alam ung paano siya haharapin ay natatakot ako sa kung ano mang pwede kong masabi sa kaniya. "Nahuli na ba kung sino yung nagpadala ng mga assassin noong coronation day ni Trevas?" Bungad kong tanong kay Sergeant Min nang magkita kami sa may palace chamber kung saan tinotorture yung isa sa mga kalaban para pilitin na umamin. Napailing-iling si Sergeant Min. "Hindi pa rin sila nagsasalita at mas pinipili pang mamatay kesa umamin" "What about the investigation?" Napabuntong-hininga si Sergeant min. "Walang usad ang ginagawang imbestigasyon at malaki ang kutob ko na may kasabwat na mataas na posisyon ang may gawa nito kaya hanggang ngayon ay hindi parin siya nahuhuli" Napakagat ako sa kuko ko bago napatingin sa torture room na pinanggagalingan ng makapanindig balahibong sigaw. "Miss Alissa" sabay kaming napalingon ni Sergeant Min nang may lumapit sa amin na royal guard at tawagin ako. Sumaludo muna siya kay Sergeant Min bago muling humarap sa akin. "What is it?" "Pinapatawag po kayo ni his highness prince Trevas sa kwarto niya" bigla akong naestatwa. Ayoko pang harapin si Trevas pero wala akong choice kundi harapin siya ngayon. Napahinga ako ng malalim at isinandal ang nuo ko sa may pinto ng kwarto ni Trevas. Hinawakan ko yung door knob pero ilang sigundo muna akong napatulala bago ko iyon pinihit at pumasok sa loob. Nakaupo si Trevas sa kama niya at binabasa niya pa rin yung libro na nakita ko kahapon na hawak hawak niya. Isinara ko ang pinto sa likod ko at naglakad palapit sa kaniya. Alam ko na alam niyang nandito na ako pero hindi niya pa rin inaalis ang tingin niya sa librong binabasa niya. "Kailangan pa talaga kitang ipatawag para bisitahin ako?" Tanong niya, hindi pa rin inaalis ang tingin sa librong hawak-hawak niya. "I don't really have to since magaling ka na naman—" Biglang hinampas ni Trevas yung librong hawak niya sa nightstand drawer sa tabi ng kama niya at sa unang pagkakataon ay tinignan niya ako sa mata. "You don't have to?" "May magbabago ba kung bibisita ako o hindi?" Natahimik sandali si Trevas. "Did you know? The first thing I've done when i woke up is to look for you..." "You shouldn't..." matipid kong sagot habang pilit na tinatago ang totoong emosyong nararamdaman ko. "I shouldn't? Mapipigilan ko ba ang sarili ko? I know you don't like me the way I like you Alissa but at least let me like you—" "You shouldn't" pag-uulit ko. I'm not worth it Trevas... "Don't waste your feelings for someone who will never like you the way you do" "Why are you hurting me like this?" Hindi ako makatingin sa mga mata ni Trevas pero alam ko na nanunubig na ang mga mata niya. "When i woke up, inisip ko na baka nag alala ka sakin... You must have been frightened... But you're not even at my side when I woke up" his voice broke pero hindi ako nagsalita kaya nagpatuloy lang siya sa pagsasalita. "Nung coronation day, where were you? Were you hurt—" "I met Luke" Napatigil bigla si Trevas bago siya biglang napatawa. "I know..." "You knew?" "Alam ko na makikipagkita ka sa kaniya bago siya umalis" sabi niya bago siya napabuntong hininga. "In the end, you will always choose him" Napayuko ako at napakuyom ang kamao. "You should rest..." Sabi ko bago naglakad palabas ng kwarto.
0 Comments
Leave a Reply. |
AuthorBaubbleGum Archives
December 2020
Categories
All
|