Dali-dali kong pinitas yung frozen chrysanthemum bago tumayo at hinila si Lina palabas ng kuweba na hanggang ngayon ay nanginginig habang tulala doon sa chenoo. Sabay kaming tumakbo para takasan ang halimaw. Sinubukan kong magteleport para mabilis naming matakasan yung chenoo pero for some reason ay hindi ito gumagana na para bang may pumipigil sa akin na gumamit ng mahika. Napalingon ako roon sa chenoo habang tumatakbo at nakita ko siyang hinahabol kami sa hindi makataong bilis kaya naman bigla akong nataranta at mas binilisan pa ang pagtakbo. Sinubukan kong ilabas ang pakpak sa likuran ko para makalipad pero hindi din ito gumana. 'Bakit hindi ako makagamit ng kapangyarihan?' tanong ko kay Anna habang hingal na hingal na tumatakbo. 'Isa sa mga kapangyarihan ng Chenoo ang i-silence ang mga user sa paligid niya kaya hindi mo magagamit ang kapangyarihan mo hangga't malapit siya sa inyo' "F*ck!" Sigaw ko nang biglang akong matalisod at matumba sa sahig pero buti nalang ay hindi nabasag yung frozen chrysanthemum na siyang mas mahalaga pa ata sa buhay ko. Tumigil sa pagtakbo si Lina at bumalik para tulungan akong tumayo. "Quick!" Sigaw niya bago natatarantang napatingin sa may likuran ko. Pinulot ko yung frozen chrysanthemum bago muling bumangon at nagpatuloy sa pagtakbo. Umaalog ang lupa dahil sa yabag ng malalaking paa ng chenoo na patuloy pa rin sa paghabol sa amin at hindi ko alam kung gaano katagal na kaming tumatakbo, basta napatigil nalang kami ni Lina nang mapunta kami sa may isang bangin. Matarik ang bangin at natatakpan ng ulap yung pinakaibaba niya kaya hindi namin alam kung gaano ba ito kalalim. Sabay kaming napalingon ni Lina nang marinig namin ang sigaw nung Chenoo na kanina pa kami hinahabol. "We have to jump" sabi ni Lina. "Are you crazy?!" Sigaw ko sa kaniya bago sinilip yung mataas na bangin. "May maganda kang ideya?!" Natataranta niyang sigaw niya sa akin pabalik dahil palapit na nang palapit yung chenoo sa amin. "We're going to die if we jump!" "Then gamitin mo ang pakpak mo bago tayo mag land!" Sigaw ni Lina at dahil sobrang lapit na ng Chenoo sa amin ay wala na akong nagawa kundi hawakan si Lina sa braso at tumalon sa malalim na bangin. Parang nililipad ang kaluluwa ko sa sobrang bilis ng pagbagsak namin pero hindi ko iyon pinansin at pilit na pinagana yung pakpak ko na hanggang ngayon ay hindi pa rin gumagana. Ayon kay Anna, gagana na yung powers ko once na nakalayo kami sa Chenoo pero nakikita ko na ang ilalim ng bangin na nababalot ng niyebe ay hindi ko pa rin mapagana ang pakpak ko. "THIS IS A BAD IDEA!!!" Sigaw ni Lina habang palapit kami nang papalapit sa kamatayan. 200 meters.... 170 meters... 150 meters nalang ang pagitan namin ng sahig at nagpapanik na ako dahil hindi pa rin gumagana ang pakpak ko. 100 meters, sobrang bilis na ng kabog ng dibdib ko then finally... 70 meters noong gumana na ang pakpak ko pero dahil sobrang bilis ng pagbagsak namin ay hindi agad ako nakalipad kaya naman napabagal ko lang yung pagbagsak namin kaya ramdam na ramdam ko ang sakit nang bumagsak ako sa makapal na niyebe. Fortunately, buhay pa kami... Napabangon ako at napasinghal pa sa hapdi na naramdaman ko dahil sa sakit ng pagkakabagsak namin. "We're alive!" Sigaw ni Lina bago bumangon mula sa makapal na niyebe at itinaas ang mga kamay. Napatawa ako sa reaksyon niya pero biglang nawala ang mga ngiti ko nang mapansing wala na sa kamay ko yung frozen chrysanthemum. Napatayo ako agad at nagpalingon lingon para hanapin yung bulaklak. "Anong hinahanap mo?" Tanong ni Lina "Yung bulaklak" sabi ko bago nagpaikot-ikot pero bigla akong napatigil nang makita ko ang isang umiilaw na bagay di kalayuan. Tumakbo ako papunta doon pero nanghina ang tuhod ko at napaupo sa sahig nang makita ang basag basag na frozen chrysanthemum. Napahawak si Lina sa bibig niya bago napaupo din sa tabi ko at sabay kaming nagluksa sa tapat noong basag na mahiwagang bulaklak. Unti-unting nawala yung liwanag na nagmumula sa bulaklak bago ito unti-unting naging abo at tinangay ng hangin. Napasuntok ako sa sahig at pilit na pinakalma ang sarili. "Ano nang gagawin natin?" Tanong ni Lina habang tulala pa rin sa lugar kung saan naglaho yung bulaklak. "We can't just give up..." Sabi ko bago pinunasan yung luha na hindi ko alam na kanina pa pala pumapatak. Napabuntong-hininga si Lina at napailing-iling na para bang sumusuko na siya. "Napakaswerte na natin kung makakakita tayo ng frozen chrysanthemum sa ikalawang beses" Bigla akong napaluha at napayakap sa sarili. "What about Trevas?" Napatahimik si Lina bago lumapit sa akin para yakapin ako ng mahigpit at himas-himasin ang likod ko. Isinubsob ko ang mukha ko sa may leeg niya at niyakap siya pabalik bago ko inubos ang mga luha ko. "He can't... die like this" sabi ko sa pagitan ng mga hikbi. "Hindi naging maganda yung huli naming pag-uusap... He can't die" Hindi umimik si Lina at hinayaan lang akong umiyak habang nakayakap sa kaniya. "We tried our best..." "But it's not enough... We almost got it... Kung nakalipad lang sana ako hindi sana mababasag yung bulaklak" "It's not your fault Alissa" sabi ni Lina bago lumayo ng kaunti sa akin at tinignan ako sa mga mata. "It's not your fault, at alam ko na hinding-hindi ka sisisihin ni Trevas" "Ofcourse he can't blame me kasi pwede siyang mamatay anumang oras" sabi ko bago pinunasan yung mga luha ko at naglakad-lakad para pakalmahin ang sarili. Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko at nanlalambot ang mga tuhod ko. Halo-halo ang emosyong nararamdaman ko at inis na inis ako sa mundo. Bakit lahat nalang ng taong pinahahalagahan ko nawawala sa akin? Narinig ko ang yabag ng mga paa ni Lina mula sa likod ko na malamang ay sinusundan ako papunta sa kung saan pero hindi ko na iyon pinansin at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa isang lawa na asul na asul ang kulay ng umiilaw na tubig. Napakaganda ng lawa pero wala ako sa mood para i-enjoy ang magandang tanawin kaya lumuhod lang ako sa may tabi ng lawa bago ko naramdaman si Lina na tumabi rin sa akin. "Kailangan na nating umuwi" bulong ni Lina bago napatitig sa magandang lawa sa harapan namin. "Hindi ko kayang bumalik para lang panoorin si Trevas sa kalagayan niya" bulong ko bago iniunat ang aking mga kamay at sinawsaw sa malamig na umiilaw na tubig ng lawa pero bago pa makasagot si Lina ay biglang may kung anong liwanag ang lumipad mula sa mga kamay kong nakasawsaw sa tubig kaya naman napaatras ako at napatingala sa liwanag. Unti-unting naghugis tao yung liwanag bago tumambad sa harapan namin ni Lina ang isang babaeng nakasuot ng damit na kakulay na kakulay noong tubig sa lawa at nakalutang siya sa harapan namin ni Lina. Unti-unti siyang bumaba at umapak sa ibabaw ng tubig at naglakad papalapit sa amin ni Lina. "Who are you?" Tanong ko agad bago tumayo at paatras humakbang. Napatitig sa akin ang mga mata niya na puro puti lang bago siya napangiti. "I am the goddess of tears Alissa" sabi nito sa napakalambing na boses. Hindi na ako nagtaka na alam niya ang pangalan ko dahil maging si Anna na isa ring goddess ay alam na agad ang pangalan ko noong una ko siyang naka ingkwentro. "What do you want from us?" Tanong ko bago napahawak sa braso ni Lina at naghanda na mag teleport paalis kung sakali man na kalaban ang goddess of tears na ito. "No Alissa... The question is what do YOU want from me?" Sabi niya bago naglakad-lakad sa ibabaw ng umiilaw na tubig na para bang napakagaan niya at hindi siya lulubog doon. "What do you mean?" "Did you know? Ang mga taong may matinding kagustuhan lang ang makakapag summon sa akin? I can feel that you want something so badly that it makes you cry" Hindi ako agad nakaimik at pilit na prinoseso ang sinabi niya. "So, you want to save a man named Trevas?" Tanong nito na siyang nagpalaki ng mga mata ko. "You can?" Napatawa siya bago humarap sa akin. "Hindi kita kayang bigyan ng pambihirang kapangyarihan tulad ng Goddess of butterflies pero kaya kong tuparin ang isa sa mga kahilingan mo" 'She knows about you?' tanong ko kay Anna. 'unfortunately yes... Nararamdaman niya ang prisensya ko' Napatango tango ako bago muling itinuon ang atensyon sa goddess of tears."Can you grant my wish?" Napangiti siya. "Yes, sa dalawang kundisyon" "Anong kundisyon?" "kapalit ng isang hiling ay isang patak ng luha para sa lawang ito" sabi niya bago itinuro yung tubig na kinatatayuan niya at doon ko lang narealize na hindi gawa sa tubig ang lawang ito kundi sa luha ng mga taong napagkalooban na niya ng kahilingan. "At kapalit ng isang hiling ay ang pangako mo na hinding hindi malalaman ng ibang tao ang tungkol sa akin" sabi nito bago naglakad palapit sa akin at iniunat ang kamay. "You want me to do the Infragilis Vow with you?" Tanong ko at tumango naman siya kaya inabot ko yung kamay niya at hinawakan siya sa pulsuhan. "I..." Pagsisimula nito. "I..." "Laramie, the goddess of tears" "Alissa knoxx..." "You will never tell a soul about the secrets of me" "I will never tell a soul about the secrets of you" "And you will bring these secrets to your grave" "And I will bring these secrets to my grave" Pagkatapos naming sagawa yung Infragilis Vow ay lumipat siya kay Lina at ginawa din ang Infragilis Vow sa pagitan nila. Pagkatapos noon ay lumapit ulit siya sa akin at hinawakan ako sa may nuo at tinitigan ako gamit ang puti niyang mga mata at kasabay nuon ay ang biglang pagsakit ng sintido ko kaya naman bigla akong napaluhod at napaluha sa sakit. para bang tinutusok tusok ng libo libong karayom ang buong katawan ko kaya naman halos nagpagulong-gulong na ako sa sakit. Narinig ko ng pagtawag sa akin ni Lina pero hindi ko siya pinansin dahil sa sobrang tindi ng sakit na nararamdaman ko. Nang mawala na ang sakit ay tyaka lang ako napatayo ulit at doon ko napagtanto na wala na yung goddess of tears sa harapan ko na para bang guni-guni ko langang lahat. Napalingon lingon ako at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko sa may paanan ko ang isang frozen chrysanthemum. "Are you ok?" Nag-aalalang tanong ni Lina bago ako marahang hinawakan sa braso. Napaluhod ako ulit bago marahang hinawakan yung frozen chrysanthemum, hindi pa rin makapaniwala sa nakikita ko. "Let's go home" Hindi na kami nag-abala pa ni Lina na mag ayos muna bago dire-diretsong pumasok sa palasyo at dire-diretsong pumunta sa courtyard ni Trevas pero bigla lang kaming napatigil sa paglalakad ni Lina nang makakita kami ng pamilyar na babae na kasalukuyang nakaupo sa may living room. Author's note:
1. Chrysanthemum flower
0 Comments
Leave a Reply. |
AuthorBaubbleGum Archives
December 2020
Categories
All
|