Lumipas na ang dalawang araw pero wala pa ring natatagpuang Frozen chrysanthemum at nabalitaan ko pa nga na merong mga namatay na tauhan ng hari dahil nagkaroon ng snow storm habang umaakyat sila sa bundok ng Jeufeng na isa sa pinakamataas na bundok sa mundo. Sa kabilang banda naman ay lalong lumalala ang kalagayan ni Trevas. Nakasubsob ang mukha ko sa may kama ni Trevas habang mahigpit akong nakakapit sa kamay niya. Sobrang init ng kamay niya at bumalik na sa pagkaputla ang mukha niya at lalo akong nakaramdam ng takot nang mapansin ko ang pagpayat niya nitong nakalipas na dalawang araw. "Alissa" napalingon ako kay Lina na kakapasok pa lang sa kwarto. Sinara niya yung pinto bago tumabi sa akin. "You should rest... Araw-gabi ka na nandito, natutulog ka pa ba?" Tanong niya. Napasandal ako sa inuupuan ko at ngayon ko lang narealize na hindi pa pala ako natutulog nitong mga nakalipas na araw dahil binabantayan ko si Trevas. Kailangan kasi na minu-minuto ay pinupunasan siya ng malamig ng tubig para mas mapabagal yung pagkalat ng lason sa katawan niya. "I can't sleep" sabi ko sa garalgal na boses. "Kumakain ka pa ba?" Tumango ako, kumakain pa rin naman ako. Minsan lang ay wala talaga akong gana kaya kaunti lang ang kinakain ko. "Why are you doing this?" Nag-aalalang tanong ni Lina bago humawak sa braso ko. I don't know either... Lumipas na naman ang dalawang araw pero hanggang ngayon ay hindi pa rin natatagpuan yung frozen chrysanthemum at palala na nang palala ang kalagayan ni Trevas. Sobrang init na ng katawan niya at halos mapaso na ako sa tuwing hinahawakan ko ang kamay niya at sobrang putla na ng kulay niya. Agad na sumisikip ang dibdib ko sa tuwing nakikita ko siyang ganiyan. "What will happen if we couldn't find the flower in a few days?" Tanong ko sa royal Alchemist nang pumasok siya sa kwarto para i-check ang kalagayan ni Trevas. Lumapit siya kay Trevas bago hinawakan sa ay dibdib at pinakiramdaman ang bawat pagtibok ng puso niya bago lumingon sa akin at umiling-iling. "We just have to pray na malabanan niya ang lason sa katawan niya nang mag-isa" pagbuntong-hiningang saad nito bago naglakad palabas. Napakuyom ang kamay ko at dumiin sa palad ang mga kuko ko pero hindi ako makaramdam ng sakit. Naiinis ako, naiinis ako sa sarili ko dahil wala akong magawa. Wala akong magawa para kay Trevas tulad noong wala akong nagawa para sa mga magulang ko. Lumabas ako ng kwarto at dire-diretsong naglakad papunta sa kwarto ni Lina. "Let's find that flower" Napalingon sa akin si Lina na kasalukuyang nakadapa sa kama niya at may sinusulat sa messenger na nasa harapan niya. "Flower?" Tanong ni Lina bago ibinalik ang tingin sa messenger at nagsimulang magsulat ulit. "Yung frozen chrysanthemum na gamot sa lason kay Trevas" sagot ko kaya naman napatigil siya at napalingon sa akin. Tinapos niya muna yung sinusulat niya bago bumangon sa kama at umupo. "That's a bad idea" matipid nitong sabi. "I just can't do nothing" sabi ko bago sumandal sa pinto at isinandal ang ulo ko doon. "Sa tingin mo ba mahahanap natin yung bulaklak na maging yung mga tauhan ng hari ay hindi mahanap?" Tanong niya. "We can try, I am an ice user kaya hindi ako tatablan ng lamig kaya malaki ang chance na mahanap ko yun" "Hindi matutuwa si Trevas pag nalaman niyang inilagay mo sa panganib ang buhay mo para lang mailigtas siya" "Paano mo naman nalaman?" "C'mon Alissa, we all know na may gusto sayo si Trevas. And if I we're him, ayokong umalis ka" Napayuko ako sandali at napatahimik. "Hindi naman niya malalaman" Napabuntong-hininga si Lina. "What if hindi natin mahanap yun bulaklak?" "We will... I'm sure of it" Natahimik si Lina, malamang hindi alam kung anong isasagot. "Mababago ko pa ba ang desisyon mo?" Umiling-iling ako kaya naman hinilamos ni Lina sa mukha niya yung nga kamay niya. "Alright" "But once na magising si Trevas, you will tell him you like him too" Pagpapatuloy pa niya bago naglakad palabas ng kwarto. Kinabukasan, sabay kaming tumakas ni Lina palabas ng palasyo. Nagpaalam kami kila lieutenant Jared at sa dalawa pang general na mamimili lang sa bayan pero ang hindi nila alam ay tatakas kami para pumunta sa Jeufeng mountain. "Nagsinungaling ako sa baby ko" pagmamaktol ni Lina habang naglalakad kami papunta sa may gubat sa timog. Rinig pa rin namin ang ingay ng mga tao na nagmumula sa may malaking pader na nakapalibot sa kaharian ng Beifang pero mas nangingibabaw na ang tunog ng mga dahon ng puno sa tuwing umiihip ang malakas na hangin. "Hindi natin pwedeng sabihin kay lieutenant Jared na tatakas tayo papuntang Jeufeng dahil malamang isusumbong niya tayo sa hari at hindi tayo papayagan" "Kahit na... Nagsinungaling pa rin ako" pagmamaktol niya bago sinipa yung maliit na bato sa may paanan niya. Inabot din kami ng halos tatlong oras sa papunta sa jeufeng mountain. Nasa pagitan ng Beifang at Bauxacel ang Jeufeng mountain pero dahil sa sobrang taas nito ay hindi ito ang dinadaanan at kailangan pang ikutan ang malaking bundok para makapunta sa magkabilang kaharian. Isinuot ni Lina yung coat na dinala niya pero ako ay nagdirediretso lang paakyat ng bundok dahil hindi naman ako naapektuhan ng lamig. Ang sabi, sa pinakamalamig na parte ng mundo tumutubo ang frozen chrysanthemum kaya madalas ay tumutubo ito sa itaas ng bundok o kaya ay sa pinakailalim ng nagyeyelong karagatan kaya naman nagsimula lang kaming maghanap ni Lina nang nasa kalagitnaan na kami ng bundok. Nagyeyelo na ang paligid at malakas ang hangin kaya naman mas lalong nilamig si Lina na ngayon ay mahigpit na naka kapit sa suot-suot niyang makapal na coat. "It's so freaking cold" paulit-ulit na bulong ni Lina pero kahit ganon ay nagpalingon-lingon pa rin siya at tinulungan akong maghanap noong mahiwagang bulaklak. Makapal ang snow na inaapakan namin pero tumutubo ang frozen chrysanthemum sa ibabaw ng niyebe kaya naman hindi kami mahihirapang makita iyon kung sakali mang meron sa bundok na ito Bigla akong napalingon kay Lina nang marinig ko siyang biglang napaluhod sa may snow. Nagmamadali akong lumapit sa kaniya at inalalayan siya. Nanginginig na ang kamay niya at ganon din ang labi niya dahil sa sobrang lamig kaya naman wala akong ibang nagawa kundi mag teleport pababa ng bundok kung saan namin iniwan yung mga gamit namin. Isinandal ko siya sa may puno bago nagsindi ng bonfire para makapagpainit siya. Nagdesisyon na rin akong ipagpatuloy nalang ang paghahanap bukas dahil maggagabi na rin. "I'm sorry" sabi ni Lina bago niyakap ang mga tuhod niya. "Bakit ka nag so-sorry?" Tanong ko. "I'm weak" bulong niya bago ipinatong ang baba sa mga tuhod niya at tumitig sa bonfire. "I'm so weak, hindi ako katulad niyo nila Trevas... Kahit sa kapangyarihan ni Jared ay walang-wala ang level 4 na kagaya ko" "Don't say that, you're one of the strongest person I know" I said sincerely pero tinawanan niya lang ako. "I'm serious Lina" bigla siyang napatigil at napatingin sa akin. Nagrereflect sa mga mata niya ang liwanag ng apoy. "Remember noong isa lang akong level 2 water user at lagi akong minamaliit ng mga schoolmates ko sa Hamiltron Academy? Pasimple mong pinapalipad yung mga hawak-hawak nilang workbook papunta doon sa kanal para makaganti sa kanila" natatawa kong sabi habang inaalala yung mga panahong iyon. "Pero naparusahan pa rin tayo dahil nalaman nila na ako yung may pakana non" pag iling-iling ni Lina. "That's the point, ginawa mo iyong bagay na iyon kahit na alam mong pwede kang mahuli at maparusahan" hinawakan ko sa braso si Lina bago siya nginitian. "You are a very brave woman Lina... Hindi ka natatakot kahit na mahina ang kakayahan mo and for me, that's being strong..." Kinabukasan, sabay ulit kaming umakyat ni Lina sa jeufeng mountain pero bigla kaming napatigil nang makarinig kami nang malakas na ugong ng isang di pamilyar na hayop. Dumagundong sa paligid ang malakas na ugong na iyon kaya naman napahigpit ang kapit ko sa braso ni Lina. "What was that?" Tanong ko habang nagpalingon-lingon at hinanap ang pinanggalingan ng ugong na iyon. "Baka naman polar bear lang" "Polar bear pero ganon kalakas ang ugong?" Biglang napakunot ang nuo ko. 'Its a Chenoo' Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses ni Anna. 'Chenoo?' 'Yes, It's an ice monster na kumakain ng tao' Biglang nagtindigan ang balahibo ko dahil sa sinabi niya. Lalong tumindi ang takot na nararamdaman ko kanina pa pero biglang naagaw ang atensyon ko nang makakita ako ng kung anong umiilaw di kalayuan. "Nakikita mo ba ang nakikita ko?" rinig kong tanong ni Lina na nakatingin din doon sa umiilaw na bagay. Naglakad kami papunta roon sa pinanggalingan ng ilaw at napagtanto na nagmumula ito sa isang kweba na nababalot ng niyebe ang sahig at naglalambitin naman sa may kisame ang mga matutulis na yelo at sa pinaka gitna ng kuwebang iyon ay ang isang umiilaw na bulaklak. "The frozen chrysanthemum!" Halos sabay na sigaw namin ni Lina at tuwang-tuwa na nagtatatalon dahil sa wakas ay nahanap na namin ang bulaklak na magpapagaling kay Trevas. Dali-dali kaming naglakad papasok sa kweba pero kasabay noon ay bigla kaming nanlamig sa hindi mapaliwanag na dahilan. Biglang nanginig si Lina at napayakap sa sarili. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa hindi mapaliwanag na dahilan at mas lalo pang tumindi nang makalapit na kami doon sa frozen chrysanthemum. Muka lang itong isang normal na puting chrysanthemum pero ang pinagkaiba lang ay mukang babasagin ang bulaklak na para bang gawa sa yelo. Napalingon lingon ako sa paligid pero dahil madilim at tanging ang liwanag na nagmumula lang sa bulaklak ang nagsisilbing ilaw ay wala akong ibang nakita. "What are you waiting for?" Tanong ni Lina nang makitang hindi ko pa pinipitas yung bulaklak. Nagkibit-balikat nalang ako bago lumuhod doon sa harap ng bulaklak at dahan-dahan itong pinitas, takot na magasgas o mabasag ang mga talutot nito na mukhang mababasag sa anumang maling galaw. Inilabas ko mula sa magical bracelet ko ang isang garapon at ilalagay na sana sa loob yung bulaklak nang bigla kaming makarinig ng isa na namang malakas na ugong pero ang pinagkaiba lang, ngayon ay mas malakas at mas malapit na ang pinanggalingan ng ugong na iyon. Nakarinig kami ni Lina ng mga yabag ng paa na dumadagundong sa loob ng kweba at sabay kaming napatingala sa malaking nilalang na naglalakad papalapit sa amin. Nababalutan siya ng puting makakapal na balahibo habang ang bibig niya ay puro dugo na umaagos pababa s dibdib niya. 'Run!' Author's note:
1. Chenoo picture
0 Comments
Leave a Reply. |
AuthorBaubbleGum Archives
December 2020
Categories
All
|