UNEDITED
Biglang napalingon sa kanan yung isa sa mga nakapulang lalaki na nanggulo kanina nang bigla ko siyang sapakin sa muka. Nakaluhod siya sa harapan ko kasama ang iba pang kasama niya na nahuli. "Sinong nagpadala sa inyo?" Tanong ko pero tulad sa nakalipas na ilang oras, ni isa sa kanila ay walang sumagot. Napakuyom ako sa inis bago sinipa yung pinakamalapit sa akin kaya naman napatumba siya sa sahig. Nandito parin kami sa palace hall pero wala na ang mga sirasirang lamesa at mga decorations at maging yung mga bahid ng labanan kanina ay nalinis na ng mga place servants. Nadala na sa clinic yung mga nasugatan at isa na doon si Lina at sinamahan naman siya ni Lieutenant Jared papunta sa clinic habang si Trevas naman ay nasa courtyard niya at kasalukuyang ginagamot ng royal Alchemist. Hindi ko pa alam kung ano ang kalagayan ni Trevas dahil pagkadala sa kaniya sa courtyard ay agad akong bumalik dito sa palace hall para alamin kung sino ang nagpadala sa mga lalaking nanggulo sa isang napakahalagang araw para kay Trevas. "Paano ka nakakasiguro na hindi si his highness crown prince Trevas ang nasa likod ng kaguluhang ito?" Napalingon ako sa lalaking nagsalita. Nakasuot siya ng iang mamahaling coat na itim at sa leeg niya ay nakasabit ang isang mamahaling kwintas habang ang mga daliri niya ay puno ng mga singsing na may naglalakihang diyamante kaya naman unang tingin ko palang sa kaniya ay alam ko nang isa ito sa mga nobles na imbitado sa grand ball. Kanina pa nagsi-uwian yung mga bisita pero meron din namang mga nanatili para siguro panoorin ang mga pangyayari at maki chismis at isa na ang lalaking ito na kasama na sa listahan ng mga taong kinamumuhian ko. "What did you say?" Tanong ko habang pilit na pinapakalma ang galit na namumuo sa loob ko. "I mean, Malaki ang posibilidad na si his highness ang may pakana ng lahat dahil gusto niyang paghigantihan kaming mga imbitado sa pagdiriwang na ito" "At bakit naman niya gagawin sa inyo iyon?" Tanong ni Sergeant min na kasama ko sa pag i-interrogate sa mga nahuling mga kalaban. Kasama din namin si Colonel Jay na tahimik lang habang binabantayang maiigi yung mga nahuling kalaban. "I don't know, maybe kasi alam niyang hinding hindi namin siya matatanggap bilang Crown prince at tagapagmana ng trono kaya gusto niya kaming dispatiyahin" sabi pa nito at muntik ko na siyang sugurin kung hindi lang ako pinigilan ni Sergeant Min. "We can't mess with them" bulong ni Sergeant Min sa akin kaya naman pilit kong pinakalma ang sarili. Alam ko na malaki ang koneksyon at kapangyarihan ng lalaking ito kaya malaki ang consequence kapag kinalaban ko siya kaya wala akong ibang nagawa kundi magtimpi. Pero hindi ako papayag na lagi nalang ganito. Kung si Trevas ay nakayanang mamuhay kasama sila na mga hipokrito, ibahin nila ako. Kaya kong tiisin ang pangaalipusta sakin pero ibang usapan na kapag ang mga tao sa buhay ko ang pinakelaman nila. Tinignan ko isa-isa ang mga nobles na nandito ngayon na pilit na dinidiin kay Trevas ang sisi sa nangyari at kinabisado ang mga muka nila. Someday... I'll get rid of you... Gabing gabi na noong natapos ang pag i-interrogate namin nila Sergeant Min at Colonel Jay sa mga kalaban at nainip na yung mga natitirang nobles kanina nang lumipas ang ilang oras at hindi parin umaamin yung mga nahuling kalaban kung sino ang may pakana ng lahat kaya naman isa isa na din silang umuwi. "You should rest first Miss Alissa" sabi ni Sergeant min bago nagabot ng isang baso ng tubig sa akin. Nandito padin ako sa palace hall pero wala na yung mga kalabang ini-interrogate namin dahil dinala na sila nila Colonel Jay sa palace chamber para ikulong pero ipagpapatuloy namin ang pagkwestyon sa kanila bukas. Napasandal ako sa sandalan ng sofang inuupuan ko bago tinanggap yung tubig na inaalok niya at agad ko naman iyong ininom. "Ganon ba talaga itrato ng mga nobles si Trevas?" Tanong ko kay Sergeant Min na nakaupo na sa may tabi ko. Napatango lang si Sergeant Min bago napayuko at napatitig sa kamay. "Wala siyang ginagawa tungkol doon?" Napabuntong hininga siya bago tumingin sa akin. "Hindi sa wala siyang ginagawa... ...Wala siyang magawa" Pagkatapos naming mag usap ni Sergeant Min ay dumiretso ako pabalik sa courtyard ni Trevas para malaman ang kalagayan niya. Hating gabi na nang makarating ako sa courtyard pero maliwanag padin ang paligid at madaming mga royal palace ang hindi ko namumukaan ang nagpapabalik-balik kung saan saan. Naglakad ako papunta sa kwarto ni Trevas at nabutan doon ang royal Alchemist at ang hari na naka upo sa may lounge at naguusap tungkol sa kung ano pero bigla silang napatigil nang makita akong pumasok. "Miss Alissa" tawag nung hari sa akin kaya naman bahagya akong yumuko bilang pagbibigay respeto. "What's his condition? " Tanong ko doon sa royal Alchemist. Nalatingin muna siya sa hari na para bang nagtatanong kung dapat ko bang malaman ang kalagayan ni Trevas pero tumango lang yung hari. Trevas was poisoned... For the second time... Napag alaman na may lason yung patalim na tumama sa tagiliran niya habang nakikipalaban. Flame venom ang tawag sa lasong iyon at halos katulad iyon ng fire blossom poison na minsan nang pinanglason sa kaniya ni Vivian. Isa ding bulaklak ang gamot sa pagkakalason ni Trevas pero unfortunately, mas rare ang bulaklak na ito kesa sa ice blossom flower na nakuha namin noon sa ilalim ng lawa ng fangbei. "Saan matatagpuan ang bulaklak na frozen chrysanthemum?" Tanong ko doon sa royal Alchemist habang hindi inaalis ang tingin kay Trevas. Frozen chrysanthemum ang tawag sa bulaklak na tanging makakatanggal ng pagkakalason ni Trevas. "Tumutubo lang yung frozen chrysanthemum sa pinakamalamig na lugar. Madalas iyong tumutubo sa mga matataas na bundok kaya mahihirapan tayong makahanap ng bulaklak na iyon" Biga akong napalingon sa kaniya pero bago pa ako makapagsalita ay inunahan na ako nung hari. "Don't worry Alissa, nagpadala na ako ng mga tauhan para hanapin ang bulaklak na iyon... ...Sooner or later mahahanap din nila iyon at gagaling na si Trevas" That's what he thought.
0 Comments
Leave a Reply. |
AuthorBaubbleGum Archives
December 2020
Categories
All
|