UNEDITED
Malalim ang iniisip ko habang nasa karwahe kami pabalik sa palasyo. Hindi parin mawala sa utak ko ang madugong eksena na pagbibitay kila Vivian pero higit sa lahat ay hindi parin nawawala sa utak ko yung babaeng may puting buhok na malaki ang kutob ko na si Freya. Pero bakit naman niya ako tititigan? Napakagat ako sa kuko ko habang iniisip ang mga posibleng dahilan ng mga tingin ni Freya. Maari na may nagawa ako sa kaniya nang hindi ko napapansin o kaya- Bigla akong napatigil nang maalala ko noong sumapi siya kay Vivian. ‘Anna’ That’s right! Tinawag niya si Anna at that time at simula noon ay hindi ko na ulit nakausap si Anna at malamang ay nagtatago siya ngayon at tinatakasan si Freya. Napatango tango ako. Pero bakit naman niya hina-hunting si Anna? Ang tanging alam ko lang na may malaking atraso kay Freya ay si Psyche, kaya mas lumaki ang kutob ko na si Anna nga si Psyche. “Ang lalim ata ng iniisip mo?” nabalik ako sa realidad nang marinig ko ang boses ni Trevas na nasa tabi ko. Nandito kami ngayon sa loob ng karwahe pabalik sa palasyo. Napabuntong hininga ako bago sumandal sa sandalan at tumitig sa labas ng bintana. Palubog na ang araw at pumapasok sa loob ng karwahe ang yellowish-orange na liwanag na nagmumula dito. “It’s Anna” Alam na ni Trevas ang tungkol kay Anna. Pinakita nung goddess of tearskay Trevas ang mga sikreto ko at isa na doon ang tungkol kay Anna at doon sa Frozen chrysanthemum pero hindi ko alam kung ano ano pa ang nakita ni Trevas dahil hindi naman niya sinasabi sa akin. I just wish na hindi niya nakita yung sikreto ko na hubad akong matulog dati. “What about Anna?” tanong ni Trevas bago niya ako inabot at sinandal ang ulo ko sa may dibdib niya. “Yung winter demon kanina. She’s probably your mother right?” nag aalangan kong tanong. “I think so…” sagot niya habang nakatingin sa labas ng bintana. “What about it?” “Tinawag niya si Anna noong una ko siyang nakaingkwentro, At malaki ang kutob ko na si Psyche si Anna at kaya siya biglang naglaho ay para takasan si Freya” “Don’t think about it too much… walang magagawa kung mag-iisip ka ng mag-iisip at kung totoo man ang hinala mo, you don’t have to worry dahil hindi naman ikaw yung target ni F-Freya” Napansin kong medyo nautal si Trevas. Malamang dahil hindi niya alam kung anong itatawag kay Freya. Napatango-tango ako. Maybe I really shouldn’t think about it too much… Mabilis na lumipas ang mga araw at payapa naman kaming nakapamuhay nila Trevas hindi tulad ng inaasahan ko. Nabalitaan ko na nagpadala ng mga tauhan yung hari para ipahanap yung babaeng may puting buhok na sa malamang ay si Freya at hindi ko mapigilang magtaka. Bakit ngayon niya lang ito pinahanap? Ilang taon na ang lumipas pero bakit ngayon lang nagawa ng hari na ipahanap si Freya? Nitong mga nakaraang araw ay hindi ako makatulog ng maayos kakaisip sa mga kung ano anong bagay na hanggang ngayon ay hindi ko parin nahahanap ang kasagutan at imbes na mabawasan ay lalo pang nadagdagan ang iniisip ko nang mabalitaan kong gising na si Alastor. “Anong plano mo?” tanong ko kay Trevas habang naglalakad kami palabas ng palaca hall. Kakatapos lang ng pagpupulong na isinasagawa once a week para lagi kaming updated sa mga kaganapan sa kaharian. “I don’t really know” sabi ni Trevas bago isinuot sa bulsa ang mga kamay niya. “You don’t really have to worry about him… wala na ang mga kakampi niya so wala na siyang magagawa pa laban sayo” sabi ko bago humakbang pababa ng hagdan sa harap ng palace hall. Napalingon ako sa likuran namin at nakita sila Lina at Lieutenant Jared na mukang may pinag-aawayan na naman. Napatigil ako sa paglakad nang hawakan ako ni Trevas sa braso at iniharap sa kaniya. Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi bago tinitigan sa mga mata at hindi ko mapigilan ang sarili ko na lalong mahulog sa kaniya nang bigla siyang ngumiti. “I’m not worrying about him, I think It’s you that is worrying about me” sabi niya hindi parin inaalis ang tingin sa mga mata ko. “Well, you can say that” sabi ko na siyang ikinalawak ng ngiti niya. Hindi na siya umimik pa at binawi na ang mga kamay niyang nasa magkabilang pisngi ko. “You’ve been hurt too much…” sabi ko na siyang unti unting nagpawala ng ngisi niya at seryoso akong tinignan, hinihintay ang susunod kong sasabihin. “You’ve been hurt too much by them… by me” “Aren’t you broken too?” tanong niya at may kung anong ibig sabihin ang mga mata niya na para bang alam niya ang lahat ng dinanas ko. The goddess of tears must have shown him everything. Nginitian ko siya. “Yeah… But I will love you with all the broken pieces” Napahawak siya sa dibdib niya, seryoso pading nakatingin sa akin bago siya napatingala at napa buga ng hangin. “Kinikilig ako” Hindi ko alam kung anong nakakatawa pero hindi ko mapigilang mapahalakhak dahil sa sinabi niya. Seryosong seryos ang muka niya nang sinabi niya iyon habang may pa hawak hawak pa sa dibdib niya. Kunot nuo niya lang akong pinagmasdang tumawa, hindi parin inaalis ang kamay sa dibdib niya. “I told you not to smile at me like that” sabi niya bago humakbang papalapit sa akin na siyang nagpatigil sa akin sa pagtawa. “No, not here” sabi ko nang makalapit na siya sa akin pero wala na akong nagawa nang hinawakan niya ako sa may leeg bago ipinagdikit ang mga labi namin. “Would you look at that” rinig kong sabi ni Lina di kalayuan kaya naman namula ang muka ko at pilit na tinulak si Trevas palayo. Lumayo ng bahagya si Trevas sa akin kaya nagkaroon ako ng pag-kakataon na pagmasdan yung paligid at lalong namula ang muka ko nang makitang napapatingin sa amin yung iba pang mga minisiters at generals na kasama namin kanina sa pagpupulong. “sana al-” hindi ko na anrinig ang sinabi ni Lina nang bigla kaming lamunin ng kadiliman ni Trevas bago napunta sa may hallway na hindi ko alam kung saan. Medyo madilim ang lugar pero bago ko pa mapagmasdan ng maayos ang paligid ay isinandal ako ni Trevas sa pader bago muling pinagdikit ang mga labi namin. Tinanggap ko lang lahat ng binibigay niya sa akin at hinayaang malunod ang sarili sa sensasyong sa kaniya ko lang nararamdaman. “Aren’t we supposed to be visiting Alastor?” tanong ko, hingal na hingal parin habang nakasandal sa pader. Nasa harapan ko siya at nakasubsob ang muka niya sa may leeg ko. “I’m here, bakit mo ba hinahanap si Alastor” sabi niya na siyang ikinatawa ko. “Hindi natin alam kung anong pwedeng gawin ni Alastor once na malaman niyang wala na ang nanay niya” napatigil si Trevas sa sinasabi ko bago tumayo ng diretso. “Right… yeah we should go” sabi niya bago ako hinawakan sa pulsuhan at hinila papasok sa malapit na pinto at doon ko lang napagtanto na malapit lang pala kami sa courtyard ni Alastor. Naglakad kami papunta doon sa courtyard pero laking gulat namin nang makita ang mga katulong doon na para bang natataranta at pabalik balik. “What happened?” tanong ni Trevas doon sa guard na mukang kabadong kabado lalo na nang makitang si Trevas ang kausap niya. “Your h-highness… si His Highness Alastor po… He ran away” “What do you mean ran away?” sabay sabay kaming napalingon nang marinig namin ang boses ni king henrick na kasalukuyang bumababa ng karwahe na ginagamit dito sa loob ng palasyo para mas mabilis na makarating sa bawat courtyard. “Your Majesty” nag vow ako kasama noong iba pang mga katulong at royal guard sa hari at tanging si Trevas lang ang walang paki alam at pinagpatuloy ang pangbo-bomba ng tanong doon sa gurad na kausap namin kanina. It turned out na biglang umalis si Alastor noong nalaman niya ang mga nangyari habang tulog siya at walang nakaka-alam kung saan siya nagpunta. “Magpadala kayo ng mga tauhan para hanapin siya” sabi noong hari sa isa sa mga royal guards at tumango naman ito. “Gaano katagal na siyang nawawala?” tanong ni Trevas. “Almost 2 hours na po your highness” “kung ganon, maaring nakalagpas na siya sa borders at wala na sa kaharian” “I’ll send troops para hanapin siya” sagot ni king henrick pero umiling si Trevas. “I’ll look for him, kaya kong magteleport sa mga anino kaya mas mabilis akong makakapaglakbay at mas malaki ang chance na maabutan ko-” “No-” sabi ko kaya naman napalingon sa akin sila Trevas at king Henrick, doon ko lang naalala na isa sa mga palaca rules na bawal I-interrupt ng kahit sino ang usapan sa pagitan ng mga royals. Luckily, hindi nagsalita si Trevas at tinaasan lang ako ng kilay para hayaan akong magpatuloy sa pagsasalita. “Meron paring mga tao ang tutol sa pagiging crown prince mo kaya delikadong maglakbay ka mag-isa” “You don’t have to worry, malakas ako” walang hiya-hiyang sabi ni Trevas at napansin kong biglang napangisi si king henrick na madalas na mukang masungit ang muka. “But still-” “I have to ask something to Alastor” sabi ni Trevas kaya naman napatingin ako sa kaniya. “May kailangan akong malaman sa kaniya bago pa siya tuluyang maka-alis” Napabuntong hininga ako, I can’t really do anything to change his mind “Alright” Nginitian niya ako bago ini-pat sa ulo at napatigil lang kami nang umubo yung hari na para bang pinapaalala na nandoon pa siya. *** Tahimik na naglalakad si Alastor papunta sa malaking gate na siyang hangganan ng kaharian ng Beifang. May dalawang guwardiya ang nakabantay doon sa malaking gate at para silang estatwa na nakatayo doon. Nakasuot ng hood si Alastor at sa kamay niya ay may isang mahiwagang bracelet na siyang naglalaman ng mga gamit na kakailailanganin niya sa paglalakbay. Lumapit siya doon sa malaking gate kaya naman napabaling sa kaniya ang tingin noong dalawang guwardiya pero dahil nakasuot ng hood si Alastor ay hindi nila ito namukaan. “You have a border pass?” tanong noong isang guwardiya. May kinuhang kung ano si Alastor sa bulsa niya bago ito ipinakita sa dalawang guwardiya. Isa itong bilog na token na may naka ukit na mga kumplikadong design. Border pass ang tawag dito at ito ang ginagamit para makalabas at makapasok ka sa kaharian ng Beifang. Tumango yung dalawang guwardiya bago may pinindot na button sa tabi noong malaking gate at kasabay noon ay ang pagbukas nito. Sumaludo yung dalawang guwardiya kay Alastor pero hindi na siya umimik at naglakad nalang palabas ng gate. Nakakailang hakbang palang siya palabas ng gate ay bigla siyang napatigil nang may biglang sumulpot na lalaki sa harapan niya mula sa anino ng isang malaking puno. Unti unting sumara yung gate sa likod ni Alastor pero hindi parin siya gumalaw sa puwesto niya at nanatiling nakatitig kay Trevas na ngayon ay nakatitig din sa kaniya. “You should have just let me leave” sabi ni Alastor. “Hindi mo kailangang umalis, hindi ka namin gagalawin kung hindi ka gagawa ng kalokohan” “There’s no point of staying here, MY mother is gone” “Saan ka pupunta? You don’t really have anywhere to go…” “Kung saan ako dalhin ng mga paa ko” Sabi ni Alastor. “Kung nandito ka para pigilan akong umalis, you’re just wasting your time” Sandaling natahimik si Trevas bago siya may inilabas na isang maliit na pulang pouch at nanlaki ang mga mata ni Alastor nang makita niya iyon. “Where did you get that?” tanong ni Alastor,pinapaglipat lipat ang tinginkay Trevas at doon sa pulang pouch. “I saw this in your room a few days ago” sabi ni Trevas bago binuksan yung pouch, nagalaman ito ng puting powder. “As far as I know, blood cleanser ang tawag dito at ginagamit ito para mapabagal ang pagkalat ng lason sa dugo” sabi ni Trevas hindi parin inaalis ang tingin doon sa pouch. Hindi umimik si Alastor kaya nagpatuloy lang sa pagsasalita si Trevas.”At first, hindi ko maintindihan kung bakit meron kang ganito sa kwarto mo then I realized something. All my life, paulit ulit niyo akong pinagtatangkaang patayin ni Vivian. Pero lagi iyon hindi nagtatagumpay. Kahit iyong lason na dapat ay matagal ng pumatay sa akin ay hindi gumana. Akala ko nung una ay may sa demonyo lang talaga ang dugo ko kaya hindi ako tinatablan ng lason pero noong wala akng malay, muntik na akong mamatay dahil sa pagkakalason” “Is it really just a coincidence na noong gising ka, hindi ako tinatablan ng lason ni Vivian pero noong wala kang malay, halos mamatay na ako dahil sa lason na kasing tindi lang din noong fire blossom poison?” Sandaling hindi nakapagsalita si Alastor bago siya napatawa. “You sure are smart” “Yes, ako ang may kagagawan kung bakit hanggang ngayon buhay ka pa” panimula niya. “But don’t get me wrong, hindi ko ginawa yun dahil mahal kita bilang kapatid o ano. All I ever want is the throne and to be better than you and I can’’t do that if you’re dead.” “Then why are you running away now?” tanong ni Trevas. “I am not running away… I’ve been thinking, I don’t want to live like this anymore. Ayoko nang mabuhay na pilit na pinatutunayan ang sarili ko sa lahat na mas better ako sayo. Pagod na akong magpapansin kay king-father para lang sa atensyon niya at maging karapatdapat sa mga mata niya kasi all this time, you will always be his favorite child and I hate you because of that” “Don’t look for me, pero kung sakali mang mag krus ang mga landas natin, I hope that time, wala na ang inggit at galit na nararamdaman ko sayo at napatawad mo na ako at ang nanay ko sa lahat ng ginawa namin sayo….” Napatango si Trevas. “I hope so…” Tumango si Alastor at kasabay noon ay ang paglaho din ni Trevas sa kinatatayuan niya at naiwang mag isa si Alastor sa gitna ng malawak na daanan. Napabuntong hininga siya bago nagpatuloy sa paglalakad papunta sa kung saan.
0 Comments
Leave a Reply. |
AuthorBaubbleGum Archives
December 2020
Categories
All
|