UNEDITED
Nakadungaw ako ngayon sa may balkonahe sa labas ng mainbuilding at tinatanaw ang malawak na courtyard. “Hindi ka pa matutulog?” napalingon ako sa piananggalingan ng boses at doon nakita ko si Lina na pababa ng hagdan at suot suot na niya ang pantulog niya. “I can’t sleep” “Wag ako, alam ko hinihintay mo si Trevas” sabi niya bago naglakad papunta sa kusina at nagsalin ng tubig sa baso. Hindi na ako nagsalita at ibinalik nalang ulit ang tingin sa labas ng courtyard. Ilang oras na ang nakakalipas mula noong umalis siya para sundan si Alastor pero hanggang ngayon ay hindi parin siya bumabalik. “Stop worrying about him, matulog kana” sabi ni Lina bago ko narinig ang mga yabag ng paa niya paakyat ng second floor. Nagkibit balikat lang ako bago ibinalik ang tingin sa labas at hindi rin nagtagal ay nakita kong biglang sumulpot si Trevas doon sa may poste di kalayuan sa kinatatayaun ko. Napahinga ako ng maluwag nang makitang muka naman siyang walang sugat pero nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang matalisod at muntik pang madapa. Napakunot ang nuo ko at naglakad papalapit sa kaniya. Nakakapagtaka lang na ang isang level 7 dark user na si Trevas ay basta basta nalang matatalisod sa isang maliit na bato. Mukang narinig ata ni Trevas ang mga hakbang ko kaya naman napatingala siya sakin. Ilang segundo siyang natahimik at mukang inaaninag kung sino ako dahil madilim sa kinatatayuan namin ngayon. Nang makalapit na ako sa kaniya ay tyaka lang siya napangiti. “Baby…” tawag niya bago kumaway kaway pa na parang sira. Gusto kong mapangiti sa tinawag niya sakin pero biglang nanigas ang mga panga ko nang makita ang bote na nasa kamay niya. “Are you drunk?” tanong ko, hindi parin inaalis ang tingin doon sa hawak niya bote. Imbes na sumagot ay binitawan niya yung boteng hawak hawak niya kaya naman lumikha iyon ng ingay nang tumama sa sahig. Naglakad papalapit sa akin si Trevas bago ako hinawakan sa baba para marahang hinarap sa kaniya. Amoy na amoy ko ang alak mula sa bibig niya na ilang dangkal lang ang layo mula sa akin. “What happened?” tanong ko pero imbes na sumagot ay ngumiti lang siya bago hinawi ang buhok ko papunta sa tenga ko at kasabay noon ay bigla kong naramdaman ang paglamon sa amin ng kadiliman at natagpuan ko nalang ang sarili ko sa loob ng isang kwarto. Padapang bumagsak si Trevas doon sa kama kaya naman nagkaroon ako ng pagkakataon na pagmasdan kung nasaan kami. “Are we on your room?” tanong ko bago napatingin sa malinis at malawak na kwarto. Kakaunti lang ang gamit dito, isang malaking kama na hinihigaan ni Trevas, Isang office table at swivel chair kung saan madaming papeles ang nakapatong at may isang cabinet at dalawang nighstand sa tabi ng kama. Napalingon sa akin si Trevas pero dahil nakadapa siya ay kailangan niyang itukod ang siko niya sa kama para lingunin ako at pakurap kurap akong tinignan. “Why are you here?” Napakunot ang nuo ko at hinintay na tumawa siya at sabihing nagbibiro lang siya pero makalipas ng ilang segundo ay tinitigan niya lang ako. “You brought me here…” “I did?”tanong niya at tumango naman ako. Seryoso ba siyang nakalimutan niya? “Seriously, bakit ka nagpakalasing?” Natahimik siya sandali bago ako inabot sa kamay kaya naman humakbang ako palapit sa kaniya at umupo sa kama pero iba ang plano niya anng hilahin niya ako papalapit sa kaniya at niyakap sa likod. Ramdam na ramdam ko ang hininga niya mula sa likuran ko lalo na nang ipatong niya samay leeg ko ang baba niya na siya namang lalong nagpabilis ng tibok ng puso ko. Humigpit ang pagkakayakap niya sa bewang ko bago siya napabuntong hininga. “Don’t worry, We won’t do anything… not yet” bulong niya bago isinubsob ang muka sa batok ko. Hindi ako agad nakapagsalita dahil hanggang ngayon ay pinoproseso ko parin ang nangyayari. “Ano nga ulit yung tanong mo?” natauhan ako sa tanong niya kaya naman huminga ako ng malalim at sinubukang pakalmahin ang nagwawala kong puso. “What… happened?” Napailing iling si Trevas habang nakasubsob padin ang muka sa batok ko kaya naman tumindig ang balahibo ko pero mukang hindi niya iyon napansin. “Nothing much, naabutan ko pa si Alastor…” “Then?” “He said goodbye…” halos pabulong niyang sabi pero dahil tahimik ang gabi at tanging paghinga lang namin ang naririnig sa kwarto ay rinig na rinig ko padin ang boses niya. “You let him go?” “It’s just right na hayaan ko siyang umalis, he will only hate me more kung mananatili siya dito” Napatango ako,hindi alam ang isasagot. Hinawakan ko yung braso niyang nakayakap sa bewang ko at marahan itong hinaplos. “Why can’t we just have a normal family?” bulong niya haya naman napatigil ako sa paghaplos sa braso niya. “Bakit kailangang ganito kagulo ang pamilyang ‘to” “We’re still here,we can be you’re family” “I know…” aniya. Mabilis na lumipas ang mga araw mula noong umalis si Alastor. Wala na masyadong kaguluhan ang naganap sa kaharian at sa mga buhay namin pero nandoon parin ang pangamba lalo na’t wala paring balita tungkol sa paghahanap kay Freya. Sa mga nakalipas na buwan ay tuluyan na ngang natanggap ng mga tao si Trevas lalo na noong nalaman nila na umalis si Alastor ng biglaan at walang nakakaalam kung nasaan na siya ngayon. Marami ang nagsabi na baka tumatakas si Alastor dahil kasabwat din siya ni Vivian kaya naman marami ang nadismaya sa kaniya at lumipat na sa panig ni Trevas na patuloy na nagmamalasakit sa kaharian. Lumipas ang maraming buwan ng hindi ko namamalayan, sa loob din ng mga buwan na iyon ay ilang beses pa kaming sumabak sa mga gerakasama sila Lieutenant jared, Sergeant Min at ang bagong colonel na si colonel Fren kaya naman mas lalo pang nakilala ang pangalan ni Trevas maging sa ibang kaharian na nakalaban namin at for some reason. Nakilala na din ako ng mga tao. Dahil lagi akong nasa tabi ni Trevas at napapansin din siguro ng mga tao ang relasyon namin ay hindi ko namalayang napapagusap usapan nadin pala ako. Walang nakaka alam sa totoong pagkatao ko bukod sa mga tao ng palasyo kaya naman amrami ang nanghuhula sa kung sino ba talaga ako. May mga nagsasabi na kapatid daw ako ni Trevas, meron din namang nagsasabi na fiance daw niya ako pero ang pinaka kinatawa ko ay ang sabi sabing anak daw ako ni Trevas. “Seriously? Do I look that old?” naiiritang tanong ni Trevas kay Sergeant Min nang marinig niya ang report nito about sa usap usapan. Imbes nasumagot ay napatakip ng bibig si Sergeant Min at pilit na pinigilan ang tawa. Bukod din sa pigiging kapatid, fiance, at anak ni Trevas ay nakilala din ako bilang ‘She-devil”. Tinawag akong ganon dahil kasama ako ni Trevas sa halos lahat ng digmaang kinasangkutan niya at kasama ako lagi sa front lines at madugong nakikipaglaban sa mga kaaway. Sa tuwing nakikipaglaban ay hindi ko nililimitahan ang kapangyarihang ginagamit ko at brutal na dinudurog ang kalaban. Ganon gin si Trevas na kayang pumatay ng daan daan sa pamamagitan ng itim na mahika niyang humihigop ng kaluluwa ng isang tao kaya naman mas umonti na ang mga kalabang naghahanap ng gulo sa kaharian ng Beifang dahil nga sa ayaw nilang makalaban ang kilalang kilalang ‘The devil’ and the ‘she-devil’. “Ready na ba yung isusuot mo mamaya?” tanong ni Lina nang maabutan niya ako sa dining table habang kumakain ngagahan. “Medyo?” sagot ko. “What do you mean medyo? You have to look good later Alissa,ito ang unang public occasion na dadaluhan mo bilang kapartner ni Trevas” sabi niya bago sumandok ng gabuntok na kanin. “Yeah… maybe you’re right” sabi ko bago naglakad paakyat ng kwarto ko. It’s New years eve today at hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwalang halos isang taon na mula noong una kaming napadpad ni Lina dito sa kahariang ito at noong una naming nakilala si Trevas. Magkakaroon ng party mamaya sa palace hall na bukas para sa lahat, mapa nobles man o commoner ay pwedeng sumama at ito yungunang public occasion na dadaluhan ko bilang girlfriend ni Trevs. Hapon pa nag masimula akong mag ready para sa party na isasagawa mamayang 10 ng gabi at matatapos ng 2 ng umaga. Kaming dalawa nalang ni Lina ang pupunta sa palace hall sabi ni Trevas pero kikitain namin siya sa tapat ng palace hall. “You look so ganda” napahalakhak ako ng tawa ng marinig ko ang sinabi ni Trevas pagkakitang pagkakita niya samin. Nakasuot ako ng maroon long back dress. Hanggang tuhod ang palda sa harap pero sumasayad naman sa sahig ang palda sa likod at nababalot naman ng silver ang bandang dibdib ng damit. “You look so gwapo” sabi ko bago ko siya tinitigan taas baba. Nakasuot siya ng dark violet suitna na a-adornahan din ng silver at ibat ibang diyamante. “Where’s Jared?” tanong ni Lina. Nakasuot siya ng yellow dress na siyang bagay na bagay sa kaniya. Medyo fitted yung damit kaya naman bakat na bakat ang hugis ng katawan niya. “Here” napalingon ako sa nagsalita at nakita si Lieutenant Jared na naglalakad paakyat papunta sa amin. Nakasuot siya ng itim na suit na siyang lalong nag-e-emphasiza ng kadiliman ng aura niya. Ang sama talaga sa mata ng lalaking ito. Naglakad siyapapalapit kay Lina at pinilupot naman ni Lina ang kamay sa braso nito. Napairap ako pero bigla din akong napatigil nang maramdaman ko ang kamay ni Trevas na nakapulupot na naman sa bewang ko bago kami naglakad papasok ng palace hall. Marami na ang tao sa loob at halos mapupuno nadin ang mga lamesa na pwedeng upuan. May tatlong hati ang bawat lamesa’t mga upuan. Nasa pinaka likuran ang mga upuan para sa mga commoner, kasunod ang upuan para sa mga nobles tulad ng mga duke, count, viscount, baron, at ang mga asawa’t mga anak nila habang ang isang mahabang lamesa na may anim lang na upuan ay ang upuan para sa royal family at sa sinumang napagkalooban ng titulo bilang prince or princess of the first rank. Nakarating na kami sa upuan na para sa mga commoner. Sad to say, dito lang kami pwedeng umupo ni Lina dahil wala naman kaming title. Si Lieutenant Jared at Sergeant Min ay mga general at promal silang pinagkalooban ng titulong iyon kaya naman doon sila uupo sa pangalawang set ng mga upuan kasama ng iba pang mga nobles. Si Trevas naman ay walang duda na uupo doon sa isa sa anim na upuan sa harapan. Nagtataka lang ako kung bakit anim ang upuang nandoon dahil tanging sila Trevas at ang ama niyang hari nalang naman ang natitirang may dugong royal at wala pa naman akong nababalitaang may hawak ng titulo ng prince/princess of the first rank. (A.N. Ang prince/princess of the first rank ay titulo ng mga kinikilalang prinsipe o prinsesa pero hindi kadugo ng royal family) Nagpalingon lingon ako para maghanap ng mauupuan pero laking gulat ko nang imbes na tumigil sa ilan sa mga bakanteng upuan ay dinala ako ni Trevas papunta doon sa mga lamesa na para lang sa mga nobles. “What are you doing?” rinig kong tanong ni Lina na kasalukuyang hinihila din ni Lieutenant Jared papunta dito sa upuan ng mga nobles. “We can’t sit here” sabi ko kay Trevas nang nagpatuloy lang siya sa paglakad. “I know… don’t worry hindi kayo dito uupo” sabi niya, diretso parin ang tingin sa nilalakaran namin. “Then bakit moko dinadala dito?” tanong ko bago pasimpleng napapatingin sa mga taong kanina pa kami pinagtitinginan. Nakikita kong may mga nagbubulong bulungan pa at minsan ay naririnig ko ang salitang ‘She-devil’. Hindi na nagsalita pa si Trevas kaya itinikom ko nalang ang bibig ko, alam ko may dahilan kung bakit niya ginagawa ito kaya hinayaan ko nalang siya na dalhin ako kung saan. Tumigil lang kami sa paglakad nang makarating na kami sa tapat ng mahabang table na upuan para sa royal family at sa iba pang mga prinsepe’t prinsesa. Nakaupo na yung hari sa isa sa anim na upuan at nakatingin sa amin. “king-father” bati ni Trevas bago yumuko at ganon din ang ginawa namin. “Kneel” sabi noong hari kaya naman bigla akong nataranta. Anong meron? Bakit niya kami pinapaluhod? May ginawa ba akming kasalanan? Dali dali akong lumuhod kasama nila Trevas, Lina at Lieutenant Jared pero laking gulat ko nang makita ko si Sergeant Minna kanina pa pala nakasunod sa amin. Tumayo yung hari sa kinauupuan niya bago angsalita. “As we all have heard, These five brave men.. and women. Fought great battles for the safety of our kingdom at dahil sa kanila ay nananatiling payapa ang kaharian.” Nagpalakpakan ang mga tao pero higit na mas malakas ang hiyawan ng mga commoners na nasa pinakalikuran. “Matapang nilang sinusugod ang mga kaaway at binubuwis ang buhay para sa kaharian kaya naman ngayong gabi ay bibigyan ko sila ng parangal” lalong nagsigawan yung mga tao at nakahinga naman ako ng maluwag ng malamang hindi kami paparusahan. Napalingon ako kay Trevas na anakluhod sa tabi ko at pasimple siyang kinurot sa braso. Napalingon siya sa ‘kin at tinaasan ako ng kilay. “Why didin’t you tell me?” bulong ko sa kaniya. “Then it won’t be a surprise” sabi niya bago ibinalik ang tingin kay king henrick dahil nagsimula na naman itong magsalita, “Sergeant Min, I bestow you the title of a Lieutenant General and an army of 2,000 men” “This servant thanks you your majesty” “Lieutenant Jared, I bestow you the title of a captain general and an army of 4,000” “Thank you your majesty” “Miss Lina, Miss Alissa…” biglang bumilis ang kabog ng dibdib ko nang marinig ko ang pangalan ko. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko pero anngingibabaw ang nararamdaman kong excitement. “I bestow you two the title of Princess Lina and Princess Alissa of the first rank, 1,000 gold coins and a courtyard of your own” halos mabingi ako sa narinig ko. Princess of the first rank? Hindi biro ang titolong iyon dahil para ka naring miyembro ng royal family once na isa kang prince/princess of the first rank. Dahil hindi parin nag-si-sink in sa utak ko ang mga nangyayari ay muntik ko pang makalimutang magpasalamat sa hari kung hindi lang ako kinalabit ni Trevas. Nakita ko ding ganon din si Lina na tulala lang sa sahig at hindi maintindihan ang nangyayari. “With this happy occasion as the start of our new year, may the coming year become more prosperous and full of happiness than the last and may all of us met again in the next new year celebration. Start the party” At nagsimula na nga ang pagdiriwang, may mga nagperform na mga kilalang singer, paintor, dancer at kung ano ano pa bago inihanda ang bundok bundok na mga pagkain sa lamesa. Nakaupo na kami ni Lina kasama nila Trevas at nung hari pero hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala sa nangyayari. Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinapanood ang lahat na magsaya habang kumakain lalo na noong nagsimula na ang fireworks display na kitang kita dito sa loob dahil sa mga nagtataasan at naglalakihang mga bintana. Umalingawngaw sa buong palace hall ang putukan ng mga fireworksat karamihan sa mga bisita ay lumabas na papunta sa palace garden kung saan mas kitang kita ang magaganda at makukulay na mga fireworks. That night, I felt so happy at lalo akong nagkaroon ng pag-asang magiging maganda ang susunod na taon… Alam ko na marami kaming kakaharapin pero hindi na ako natatakot. Napalingon ako sa tabi ko nang maramdaman kong may humawak sa kamay ko at doon nakita ko si Trevas. Nandito kami ngayon sa may Balcony ng second floor ng palace hall habang pinapanood ang mga naglalakihang makukulay na fireworks. Kaming dalawa lang ang nandito dahil halos lahat ng bisita ay pumunta sa palace gardens para doon manood ng fireworks. May mga fireworks na hugis dragon na lilipad lipad muna sa ere bago ito sasabog at maglalaho, meron din namang fireworks na sobrang liwanag, fireworks na magpapaikot-ikot muna bago sasabog at kung ano ano pa na siyang nagpapa-wow sa akin. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Trevas na nakakapit sa kamay ko. “10!” “9!” Rinig na rinig dito ang malakas na sigawan ng mga tao habang nag c-count down para sa paparating na taon. “8… 7… 6… 5… 4…” Hinarap ako ni Trevas sa kaniya bago ako hinawakan sa pisngi. “2… 1…” “Happy New year” bulong ni Trevas sa akin bagopinagdikit ang mga labi namin. Mas lalong lumakas ang putukan ng mga fireworks at ang hiyawan ng mga tao and I can say that It’s the best new year celebration of my life.
0 Comments
Leave a Reply. |
AuthorBaubbleGum Archives
December 2020
Categories
All
|