“Ano nang plano mo?” tanong sakin ni Lina habang kumakain kami ng mga prutas habang nakaupo sa upuan sa ilalim ng cherry blossom tree dito sa courtyard ni Trevas. Meron na kaming sariling courtyard na ibinigay mismo nung hari noong new year celebration isang buwan na ang nakakaraan pero nasanay na kami na dito nakatira at ayaw naman naming tumirang mag-isa doon sa malaking courtyard kaya hindi na kami nag-abala pa na mag empake at umalis sa courtyard ni Trevas. Tutal payag din naman si Trevas at para daw mas malapit kami-- ako sa kaniya. “Anong ‘anong plano ko’?” tanong ko pabalik bago sumubo ng isang sliced apple. “About Luke and his father” sabi ni Lina kaya naman napatigil ako sa pagnguya. “Sabi mo babalik tayo doon once na maayos na ang lahat dito sa Beifang…” Napabuntong hininga ako bago sumandal sa upuan at tumingala sa langit. Honestly, ayoko nang bumalik. Gusto ko nalang manatili dito sa Beifang at tahimik na makasama si Trevas at mamuhay dito ng payapa pero sa tuwing naiisip ko ang mga magulang ko ay nakakaramdam ako ng matinding guilt. Pakiramdam ko ay wala akong kwentang anak kung hahayaan ko nalang na masayang nabubuhay yung mga taong may kagagawan ng pagkamatay nila at alam kong habang buhay kong mararamdaman ito kung hindi ako babalik sa Bauxacel. “Should we just stay here?” tanong ni Lina kaya naman napalingon ako sa kaniya. Should we? Ibinuka ko ang bibig ko at magsasalita na sana pero biglang pumasok sa isip ko ang mga pangyayari noon sa Plaza De Rinos kung saan namatay si papa sa harap ko. Biglang pumasok sa alaala ko yung kalagayan ng Knoxx manor nang bumalik ako. Umaagos ang dugo ng mga katulong sa sahig at sunog na ang halos buong mansyon. Then biglang pumasok sa alaala ko ang mga katagang sinabi sa akin ni Luke dati. “We’re going to use you. Gagamitin ka namin bilang isang heneral para maglingkod sa kaharian kagaya ng kung paano namin ginamit si Heneral Knoxx noong may silbi pa siya” “Alissa” bigla akong nabalik sa realidad nang marinig kong may tumawag sa pangalan ko at doon ko lang napansin si Trevas na kanina pa pala nakatayo sa harapan namin ni Lina. “Hey, tapos na ang pag-uusap niyo ni his majesty king Henrick?” tanong ko bago inabot yung isang slice ng watermelon at sinubo ito. “Yes” pagbuntong hininga ni Trevas kaya naman agad akong napalingon sa kaniya. I smell something fishy. “Ako lang ba o feeling ko hindi maganda ang sasabihin mo samin?” tanong ni Lina bago nginuya yung hawak hawak niyang isang buong mansanas. Napabuntong hininga ulit si Trevas bago may inilapag na card sa lamesa. Kulay ginto ito at halatang-halata na mamahalin at importante ang laman. “Ano yan?” tanong ni Lina bago siya na ang unang nagbukas nito at tinignan ang laman. It’s an invitation. “Merong isasagawang Three kingdom alliance ceremony sa Bauxacel bilang pagkakasundo ng tatlong kaharian. Ang Beifang, Bauxacel at Firlame. Isasagawa ang ceremony na iyan para magkasundo na ang tatlong kaharian at matapos na ang labanan” Napatango-tango ako bago ko inagaw yung sulat kay Lina. Gawa sa isang mamahaling papel yung invitation at amoy bulaklak ito pero hindi nakatuon doon ang atensyon ko kundi sa nilalaman ng sulat. “Why are you telling this to us?” tanong ko habang binabasa yung sulat. “Bilang pagsang-ayon sa pakikipag-alyansa, kailangang magpadala ng representative ang kaharian ng Beifang sa Bauxacel…” Bigla akong napatigil at kinabahan. “At gusto ng hari ng Bauxacel na ikaw, Alissa. Ang ipadala namin” “You’ve gotta be kidding me” bulong ni Lina at nakita kong nabitawan niya yung mansanas na kinakain niya kaya nahulog ito sa sahig. “Just me?” “You don’t have to go Alissa” sabi ni Trevas kaya naman napatingala ako sa kaniya. “Paano yung Alliance?” “We can send someone else, wala silang magagawa dahil nasa ilalim pa rin ng Infragilis vow si Luke na isa sa mga magigiting nilang heneral” “Pero hindi lang si Luke ang heneral na meron ang Bauxacel” Napabuntong hininga si Trevas bago umupo sa tabi ko at pinagsiksikan ang sarili. “Don’t worry about that, we can manage” This time, ako naman ang napabuntong hininga. “So wiling kang makipagdigma kung sakali mang ayaw kong bumalik ng Bauxacel?” “Yep” sabi niya bago dumampot din ng sliced watermelon at sinubo ito. “No need, I’ll go” sabay na napatingin sa akin sila Lina at Trevas. “Are you sure? Once na pumayag ka, there’s no turning back” sabi ni Trevas pero tumango lang ako. “I have to, kailangan ko nang harapin ang nakaraan kong pilit kong tinatakasan” *** Sinara ko yung kulay asul kong maleta at pinindot yung button na nasa may hawakan nito at kasabay noon ay biglang lumiwanag yung maleta. Nang mawala na ang liwanag na nakapalibot doon ay wala na rin yung maleta at ang tanging natira nalang ay isang bracelet na kakulay na kakulay noong maleta. Isa sa mga karaniwang magical items na ginagamit sa tuwing maglalakbay dahil imbes na isang malaking bagahe ang dala mo ay isang maliit na bracelet nalang. “Aalis ka talaga?” napalingon ako sa may pinto ng kwarto ko nang makita ko si Trevas. “Di ba dapat nasa training camp ka?” Sa mga gantong oras ay laging nasa training camp si Trevas para I-train yung mga tauhan niya. “Hindi mo kailangang umalis, pwede kaming magpadala ng ibang representative para doon sa three kingdom alliance ceremony” sabi niya, hindi pinapansin yung tanong ko. “Hindi iyon magugustuhan ng Bauxacel” “I don’t care-” “I do care” sabi ko bago humarap sa kaniya, nakasandal siya sa may doorframe ng pintuan ng kwarto ko. “Ayoko namang maging magkaaway na naman ang Beifang at Bauxacel dahil lang sakin, ayokong sayangin yung alliance dahil lang sa natatakot akong harapin yung mga taong may kagagawan ng pagkamatay ng mga magulang ko” Napabuntong hininga si Trevas. Bago lumapit sa akin at hinawakan ako sa pulsuhan kung saan nakasuot yung mahiwagang bracelet. “Alright, pero sasama ako” Napakunot ang nuo ko pero bago pa ako makapagsalita ay tinaasan niya ako ng kilay. “Inexpect mo ba na hahayaan lang kitang mag-isa sa Bauxacel kung saan umaaligid yung Luke na yun?” Hindi ko mapigilang matawa sa sinabi niya. Although nag-aalangan akong isama si Trevas sa Bauxacel, alam kong hindi ko na mababago ang isip niya. In the end, wala akong nagawa kundi isama si Trevas. Maraming tungkulin si Trevas sa training camp pero dahil promoted na si Lieutenant Jared sa pagiging Captain Jared at magkapantay na sila ng puwesto ni Trevas ay sa kaniya iniwan ni Trevas ang mga gampanin niya. Noong una ay hindi payag si king Henrick sa pagsama ni Trevas sa akin pero wala rin siyang nagawa dahil hindi rin nagpatinag si Trevas. Ang hindi ko lang inaasahan ay ang pagsama ni Lina sa akin, ang akala ko kasi ay pipiliin niyang manatili dito sa Beifang kasama si Lieutenant- si captain Jared kaya nagulat ako nang makita ko siyang nag i-impake isang araw bago ang pag-alis namin ni Trevas. “Inakala mong hahayaan na kitang mag-isa porket nakahanap na ako ng lalake?” pag-iirap ni Lina. “Medyo?” Lalong napairap si Lina pero napahawak siya sa dibdib niya at napatingin sa akin. “That hurts, hinding-hindi kita ipagpapalit sa sino mang lalake Alissa. You were always there for me at kahit noong katulong palang ako at magkaibang-magkaiba ang mundo natin, hindi mo pinaramdam sa akin na iba ako sayo and you treated me like your sister. Kaya I will always be here for you too, no matter what” Nagluha ang mga mata ko sa sinabi niya at iniunat ko ang mga braso ko para yakapin siya at natawa naman siya pero lumapit pa rin siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. “What about Captain Jared then?” sabi ko pagkahiwalay niya sa pagkakayakap sa akin. Napabuntong hininga siya bago nagkibit balikat. “I don’t know... I can’t really expect anything from him kasi wala naman kaming label” “Sinabi mo na ba sakanya?” tanong ko pero hindi siya umimik. Mukhang hindi pa. “Hayaan mo na, wag na natin problemahin” sabi ni Lina kaya wala na akong ibang nagawa kundi hayaan nalang siyang magdesisiyon tungkol sa problema niya, wala rin naman akong karapatang makisali sa kung anong meron sila ni captain Jared. Kinabukasan, hindi pa sumisikat ang araw ay naghanda na kami para sa pagpunta sa Bauxacel, Sinuggest ko nung una na ite-teleport ko nalang kaming tatlo papunta sa Bauxacel tutal alam ko na naman yung lugar pero against si Trevas sa ideyang iyon dahil masyado daw malayo at baka maubos ang mahika sa katawan ko. Magkakarwahe lang tuloy kami papuntang Bauxacel at hula ko ay aabutin kami ng ilang oras bago makarating doon. Napakapit ako ng mahigpit sa suot-suot kong coat nang umihip ang malamig na simoy ng hangin, medyo maliwanag na pero hindi pa rin tuluyang sumisikat ang araw. Naglalakad kami ngayon nila Trevas at Lina papunta sa mga karwahe pero napansin kong napatigil si Lina sa paglalakad kaya napalingon ako sa kaniya. “Lina?” tanong ko pero parang walang narinig si Lina at nanatili lang na nakatitig sa kung saan. Sinundan ko ang tingin niya at nanlaki ang mga mata ko nang makita si Captain Jared na nakatayo ilang metro ang layo mula sa amin. Anong ginagawa niya dito sa palasyo ng ganito kaaga. “Pinapunta mo ba siya dito para makapagpaalam ka ng maayos?” tanong ko kay Lina. Umiling siya. “No, hindi ko nga sinabi sa kaniya na sasama ako sayo pabalik sa Bauxacel” halos pabulong na sabi ni Lina. Napakunot ang nuo ko at magsasalita pa sana nang maramdaman kong may humawak sa balikat ko. Napalingon ako sa likuran ko at naktia ko si Trevas na siya namang nginitian ako. “Let’s give them some space” Napatango ako sakaniya bago ko ibinalik ang tingin kay Lina. Hinawakan ko siya sa braso kaya naman napabaling din sa akin ang tingin niya. “Kausapin mo na.” Hindi umimik si Lina pero nagsimula siyang maglakad papunta sa direksyon ni captain Jared. Kami naman ni Trevas ay naglakad papunta roon sa karwaheng gagamitin namin. Mula doon sa karwahe ay tinanaw ko sila Lina at captain Jared na naguusap. Masyado silang malayo sa akin kaya hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila pero napansin ko sa mga mata ni Lina ang mga emosyong hindi ko pa nakita sa mga mata niya. Tumalikod si Lina kay captain Jared bago naglakad papalayo sa kaniya, nakita ko pang humakbang si captain Jared na para bang balak pigilan si Lina pero agad din siyang tumigil at hinayaan si Lina na umalis. Somehow, nasasaktan akong panoorin sila. Hindi ko alam kung anong meron sa kanilang dalawa pero alam ko na hindi naging maganda ang paguusap nila lalo na nang magsimula nang umandar ang karwahe namin at tahimik lang si Lina buong biyahe namin paputang Bauxacel. “Don’t ask” sabi ni Lina, hindi inaalis ang tingin sa labas ng karwahe. Alam niya sigurong kating kati na akong tanungin siya kung anong pinagusapan nila ni captain Jared kanina. Napabuntong hininga nalang ako at pinigilan ang sarili na magtanong pa. Itinuon ko nalang ang atensyon ko sa biyahe namin at sa kung anong pwedeng mangyari sa pagbabalik ko sa Bauxacel. Bago ako umalis ay inakala ng mga tao na patay na ako dahil bigla lang akong naglaho. Ano kayang magiging reaksyon ng mga tao na ang Alissa Knoxx na inakala nilang patay na ay biglang magpapakita bilang isang princess of the first rank ng ibang kaharian?
0 Comments
Leave a Reply. |
AuthorBaubbleGum Archives
December 2020
Categories
All
|