UNEDITED
“So what’s the plan?” pagbabasag ni Trevas sa katahimikang bumabalot sa loob ng karwahe. Halos apat na oras na kaming naglalakbay pero mukang malayo layo pa ang Bauxacel dahil puro bundok at gubat lang ang nakikita ko sa paligid. “Meron ka nabang plano kung anong gagawin mo pagdating natin sa Bauxacel?” pagpapatuloy ni Trevas. “Plano kong linisin muna ang apelyidong Knoxx bago ko ilalabas lahat ng baho ng royal family” “And how exactly are you going to do that?” “Secret” “What?” biglang napalingon sa akin si Trevas na kanina pa nakadungaw sa bintana ng karwahe. “Secret?” Nginitian ko lang siya. Alam kong pag sinabi ko sa kaniya ang binabalak ko ay hindi niya ako papayagan. Bumuka ang bibig ni Trevas at magsasalita pa sana pero inunahan na siya ni Lina na kanina pa walang imik. “Ako lang ba yung nagtataka kung bakit bigla kang gustong makita ni king hermes?” hermes ang pangalan ng hari ng Bauxacel. “Hindi ba inakala ng lahat ng mga taga Bauxacel na patay kana? Baka ngayon lang nalaman ng haring iyon na buhay kapa.” sabi ni Trevas, nakalimutan na yung pinaguusapan namin kanina. “I doubt that” sabi ko. “Imposibleng hindi ipinaalam ni Luke sa tatay niya ang tungkol sa akin pagkabalik na pagkabalik niya sa Bauxacel ilang buwan na ang nakakaraan.” “Then bakit ngayon lang siya kumilos para mapabalik ka sa Bauxacel?” Napakibit balikat ako. “Siguro kasi ngayong may Threekingdom alliance ceremony na gaganapin lang siya nagkaroon ng rason para mapabalik ka sa Bauxacel.” sabi ni Trevas kaya naman napatango-tango ako. Pwedeng iyon nga ang dahilan, pero ayon sa pagkakakilala ko sa lahi ni Luke, Sila yung tipo ng taong ipapakidnap ako kung gusto talaga nila akong pabalikin sa Bauxacel at hindi na sila maghihintay pa ng magandang irarason doon tulad ng sinabi ni Trevas. “Speaking of which, hindi mo pa ineexplain sa amin kung ano ang meron sa threekingdom alliance ceremony na yan” sabi ni Lina. Ang threekingdom alliance ceremony ay isinasagawa sa tuwing may tatlo o higit pang kaharian ang nakapagkasundong makipag alyansa sa isa’t isa pero mapapagtibay lang ang alyansang iyon once na natapos na ang mismong seremonya na inaabot ng isang linggo. Sa unang araw ng isang linggong iyon ay ang siyang pagdating ng mga representative na nagmula sa iba pang kaharian sa napagkasunduang venue ng ceremony. In our case, napagkasunduang isasagawa ang ceremony sa Bauxacel. Sa ikalawa at ikatlong araw naman ng isang linggo ay palugit para makapagpahinga ang mga representative na nagmula pa sa malalayong lulgar pero pagsapit ng ika apat na araw ay ang simula na ng mismong seremonya. Magkakaroon ng mga grand balls at parties sa palasyo ng Bauxacel na siyang magtatagal hanggang sa ika pitong araw ng linggo. Sa kagabihan ng ika pitong araw ay ang siyang pagsasagawa ng isang ritwal sa pagitan ng tatlong kaharian. Para ding isang Infragilis Vow ang isasagawang ritwal na iyon pero ang pinagkaiba lang ay para ito sa tatlong tao at ang nakasalalay dito ay hindi lang ang buhay ng tatlong taong iyon kundi buhay ng isang buong kaharian. “Ah, Finally!” pagiinat ni Lina pagkababang pagkababa niya ng karwahe. Nandito na kami ngayon sa tapat ng malaki at mataas na gate ng borders ng Bauxacel. Nakabukas ang gate na ito at may mga royal soldiers na nakahilera doon na para bang hinihintay talaga ang pagdating namin. “We, people of the Bauxacel welcome you crown prince Trevas, Princess Lina, Princess Alissa of the first rank” sabay na sabay na bati noong mga naka hilerang royal soldiers bago yumuko bilang paggalang. Nagulat ako noong una dahil hindi ako sanay na tinatawag na princess at binabati ng ganito pero hindi ko iyon pinahalata sa muka ko at nanatili lang na kalmado. “Why are you blocking our way?” seryosong tanong ni Trevas. Walang emosyon ang muka niya pero nakakatakot ang mga tingin niya kaya naman agad na nataranta yung mga royal soldier na nasa harapan namin. “Apologies your highness, we’re just here to escort you to the manor you will be staying at for the rest of your stay here in the kingdom of Bauxacel” hindi nagsalita si Trevas at tumango lang. Napansin kong nanginginig yung tuhod ng ibang mga royal soldiers at hindi ko mapigilang mapangiti. Maging yung mga tauhan ni Trevas na kasama namin ngayon ay napansin kong pinipigilan ding matawa. Hndi mo naman kami masisisi dahil ibang iba ang ugali ni Trevas sa kaaway at sa ugali niya kapag kami ang kausap niya. “Lead the way” sabi ni Trevas at dinala nanga kami ng mga ito sa isang malaking manor na siyang titirhan namin pansamantala. Nasa isang tagong lugar ang manor na titirhan namin at kakaunti lang ang nakatira dito dahil bukod sa protektado ng mga royal guards ang buong lugar ay naglalakihan ang mga manor na nandito na tanging mayayaman at makakapangyarihang tao lang ang nakakabili. “Hindi ko inexpect na ganito ka engrande ang pag we-welcome ni king hermes sa ‘tin” sabi ni Lina habang titig na titig sa mga naglalakihan at naggagandahang mga gusali sa loob ng manor. Malawak ang mismong manor, may malawak na garden, man made lake, at mga sampu angkabuuang bilang ng mga gusali. “Don’t be so sure… malakas ang kutob ko na kaya tayo dito pinatira ng hari ng Bauxacel ay para mamanmanan niya ang bawat kilos natin” sabi ni Trevas. That’s right,dahil nga napapaligiran ng mga royal soldiers ang lugar na ito bilang safety measures ay maraming mata at tenga na nakamanman sa amin. Mukang mahihirapan akong kumilos at isagawa ang mga plano ko. “Kaya dapat tayong mag ingat sa bawat sasabihin at gagawin natin dahil hindi natin alam kung may nakikinig na sa usapan natin, tulad nalang ngayon” bulong ni Trevas kaya napalingon lingon ako sa paligid at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang isang royal soldier na nakabantay sa may gate ng manor at nakatingin sa direksyon namin pero agad din siyang umiwas ng tingin nang magtama ang mga paningin namin. “Don’t look at him, nagseselos ako” sabi ni Trevas kaya naman napabaling ulit ang tingin ko sa kaniya. Hindi ko mapigilang mapangiti at kiligin. “Seriously?” pag-iirap ko sa kaniya pero hindi parin nawawala ang ngiti sa mga labi ko. Meron kaming tatlong araw para magpahinga bago ang grand ball na isasagawa sa tuwing gabi sa loob ng apat na araw bago ang mismong alliance ritual pero imbes na magpahinga ay napagkasunduan naming pumunta sa isa sa mga pinakatanyag na shopping district sa Bauuxacel para mamili ng damit na isu-suot para sa grand ball. Hindi kasi kami nakapaghanda masyado dahil hindi naman namin alam na apat na grand ball pala yung kailangan naming daluhan. “May I ask where are you going your highness?” tanong ng guwardiya na nakabantay sa labas ng manor na tinutuluyan namin nang makita niya kaming lumabas. “In the shopping district” matipid na sagot ni Trevas bago ako inalalayang umakyat sa karwaheng nakapark na sa tapat ng gate. “Please allow us to escort you for safety measures-” “No need” pagpuputol ni trevas sa sinasabi noong guwardiya.”I have my own people to protect me” Sa pagpunta namin dito sa Bauxacel ay may kasama kaming nasa isang daan na mga tauhan ni Trevas bilang proteksyon narin kung sakali mang may mangyaring masama. Wala namang nagawa yung royal soldier lalo na nang seryoso siyang tignan ni Trevas. Nagsama kami ng lima sa mga tauhan ni Trevas para samahan kami papuntang shopping district, ayaw naman naming maging agaw atensyon dahil sa dami ng kasama naming guards kaya lima lang ang napagkasunduan namin. Umandar ang karwaheng sinasakyan namin nila Trevas at Lina habang nakasunod naman sa amin anglimang tauhan ni Trevas na nakasakay sa kabayo. Nang makarating kami sa Shopping district ay hindi ko mapigilang mamangha. Nagtataasan ang mga gusali dito at napakalawak ng kalsadang dinadaanan ng mga karwaheng pinapaandar ng samu’t saring mga hayop. Oo, lumaki ako dito sa Bauxacel pero hindi pa ako nakakapunta sa shopping district na ito dahil bihira lang ako noong lumabas ng Knoxx manor dahil wala naman akong mga kaibigan maliban kay Lina na dati kong personal maid. Inabot kami ng ilang oras sa pamimili lang dahil kung saan saang shop gustong pumasok ni Lina, meron kaming pinasukang jewelry shop, flower shop, furnitures, weapons at kung ano ano pa pero hindi naman namin siya mapigilan dahil ngayon nalang ulit nag ingay si Lina na tahimik mula noong huli silang nag usap ni Captain Jared. Matapos ng ilang oras na pagpapabalik balik sa mga shop ay sa wakas, nabili din namin ang mga kailangan namin. Napaupo ako sa may bench sa may gilid ng kalsada at napabuga ng hininga, ang sakit na ng paa ko dahil kanina pa kami palakad lakad. Tumabi si Trevas sa akin bago inabot sa isa sa limang tauhan niya yung hawak hawak niyang shopping bag. “Nasan si Lina?” tanong ko nang hindi ko siya makita. “Nag CR” sabi ni Trevas bago sumandal sa bench at iniunat ang braso sa sandalan. Napatango nalang ako bago sumandal din sa sandalan at ipinatong ang ulo ko sa braso niya pero bigla akong napaupo ng tuwid nang may mamukaan akong babae. “What is it?” tanong ni Trevas nang mapansin niya ang kilos ko. Imbes na umimik ay tumayo ako at pumunta sa direksyon kung saan ko nakita yung pamilyar na babae. Hindi ko inalis ang tingin ko sa babae at mabilis siyang sinundan. “Alissa!” rinig kong tawag sakin ni Trevas pero hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa pagsunod doon sa babae. Hindi ako maaring magkamali. It’s her. “Alissa! Wait!” Tumigil sa paglalakad yung babae at napalingon sa direksyon ko dahil sa lakas ng sigaw ni Trevas at doon ko lang nakita nang malapitan ang muka ng babae. Napahawak ako sa bibig ko bago gulat na napatitig sa muka ng babae na ngayon ay nakatingin nadin pabalik sa akin. “M-mom?”
0 Comments
Leave a Reply. |
AuthorBaubbleGum Archives
December 2020
Categories
All
|