“There’s no way a combat duel is happening between you two” kontra ng hari bago pa ako makasagot sa hamon ni Hailey. “Isinagawa ang seremonyang ito para sa alyansa sa pagitan ng tatlong kaharian and now you want to fight with the representative of Beifang?” “Apologies your majesty, gusto ko lang malaman kung gaano kalakas ba ang kapangyarihan ni Princess Alissa para siya ang gawing representative ng Beifang” kalmadong sagot ni Hailey. Na para bang hindi hari ang kausap niya. Napakunot ang nuo ko, bakit ganon nalang kalakas ang loob ni Hailey na makipagtalo sa hari? “Prime minister Haviour, bakit hindi mo subukang disiplinahin ang anak mo?” Oh, that’s right. Anak si Hailey ng prime minister ng Bauxacel at hindi mo gugustuhing kalabanin ang pamilyang Haviour dahil sa lawak ng kapangyarihan nito. Kaya pala ganon nalang ang lakas ng loob ni Hailey dahil hindi basta basta ang pamilyang nakasuporta sa kaniya. “What’s the matter your majesty? This is just a performance at gusto lang ni Hailey na ipamalas sa lahat ang galing sa pakikipaglaban ni Princess Alissa” Napairap ako sa sinabi ng tatay ni Hailey. Mag-ama nga sila. “This is not the occasion to have a duel prime minister” sagot ni haring hermes pero hindi parin nagpatinag si prime minister Haviour. “Why don’t we ask for princess Alissa’s opinion instead?” Napabaling sa akin ang mga mata ng lahat pero bago pa ako makasagot ay inunahan na ako ni Hailey. “I’m sure na papayag si princess Alissa. She’s a princess from Beifang at hindi karapatdapat na maging alyansa ng Bauxacel ang Beifang kung duwag ang representative na pinadala nila” This time, hindi na ako pwedeng tumanggi. Dahil sasinabi ni Hailey ay iisipin ng iba na duwag ako kapag hindi ako pumayag sa duel at maaring madamay ang reputasyon ng Beifang kung nagkagayon. Wala din naman akong balak tumanggi kaya kalmado lang ako na napangiti. “What do you think?” tanong ko kay Trevas na patuloy lang sa pagkain. Napalingon siya sa akin bago bumulong sa tenga ko. “Pag natalo mo siya, I’m yours” “So you’re not mine yet?” Nagkibit balikat lang si Trevas bago ako nginisian. “Go fight her, sigurado akong mananalo ka” Napangiti ako bago ko itinuon ang atensyon kay Hailey at doon ko lang napagtanto na nakatingin na pala sa amin ni Trevas ang lahat. Medyo namula ang muka ko dahil sigurado akong kitang kita nila ang pagbubulungan namin ni Trevas pero hindi ko mapigilang matuwa nang makita ko ang inis na inis na muka ni Hailey. “Alright, Let’s do the duel” sabi ko bago naglakad papunta sa gitna ng palace hall kung saan nakatayo si Hailey. Napabuntong hininga nalang si king heremes bago napasandal sa kinauupuan niya. Wala na din naman siyang magagawa dahil bukod sa pumayag na ako ay mukang hindi magpapapigil sina Hailey at ang tatay niya. “Why are you doing this really?” tanong ko nang makalapit na ako kay Hailey. “Hindi ko lang matagalan na panuorin ang basurang katulad mo na nasa tabi ni his highness prince Trevas” biglang naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya. So I’ts Trevas. Sandali ako napalingon kay Trevas na ngayon ay seryosong nakatingin sa dereksyon namin, inaabangan ang susunod na mangyayari. “Ang lakas ng loob mong madistract habang kinakalaban ako” biglang napabaling ang atensyon ko kay Hailey nang marinig ko ang sigaw niya. Ilang hakbang nalang ang layo niya mula sa akin at akmang susuntukin ako gamit ang kanang kamao niya na napalilibutan ng malakas na puwersa ng hangin. Ipinagkrus ko agad ang kamao ko sa harapan ko kaya imbes na sa muka ay sa kamay ko lang tumama ang suntok niya. Pagkadamping pagkadampi ng kamao niya sa akin ay bigla akong nagteleport sa likuran niya at malakas siyang hinampas dahilan para bumagsak siya sa sahig. Nag crack ang sahig dahil sa lakas ng impact niya at napasigaw siya sa sakit. Sana hindi ako pagbayarin ng palasyo sa pagpapaayos nung sahig. “Did she just teleport?” “That’s impossible” “Natalo niya agad si Hailey?” Napaatras ako nang sinubukan akong sipain ni Hailey kaya naman nagkaroon siya ng pagkakataon na dahan dahang bumangon sa akin. “Sinuwerte kalang” sabi niya bago muling tinipon ang air magic sa dalawang palad niya at mula doon ay umagos ang mala ipo ipong hangin papunta sa direksyon ko. Isang level 5 air user si Hailey. Hindi siya ang pinaka malakas pero kumpara sa mga kaedad namin ay isang malaking achievement na ang maka abot sa level na iyon at titingalain kana ng lahat. Unfortunately, ako ang kalaban niya. Iniunat ko ang kamay ko at itinutok ito sa papalapit na malaipo ipong hangin na nagmula kay Hailey at imbes na palibutan ako ng hangin na iyon ay nahati ito sa dalawa bago tuluyang naglaho. “H-how?” Sinamantala ko ang pagkakataong gulat si Hailey at mabilis na tumakbo papunta sa kaniya at walang sabi sabing sinuntok siya sa sikmura. Tumalsik si Hailey dahil sa lakas ng suntok ko pero bago pa siya bumagsak sa sahig ay iniunat ko ang dalawa kong kamay sa direksyon niya at mula doon ay umagos ang alon ng tubig na siyang mabilis na tumangay sa kaniya papunta sa pader ng palace hall. Kasabay ng pagtama ni Hailey sa pader ay ang paglaho ng tubig na umagos sa kaniya kaya naman agad siyang nahulog sa sahig. “Hindi pwede…” bulong ni Hailey bago pilit na tumayo kahit na nanginginig na ang mga braso niya. “How could I lose to level 2 water use-” Biglang natahimik si Hailey at gulat na napatingin sa akin nang itutok ko sa leeg niya ang isang patusok na yelo na ako mismo ang lumikha. “you’re a ice user?” nanginginig ang mga braso ni Hailey pero lalo siyang nanginig nang seryoso ko siyang tinignan at mas lalo kong inilapit sa leeg niya yung ice spear. Hindi lang si Hailey ang nagulat sa ginawa ko kundi ang lahat ng nandito ngayon. I can’t really blame them, Ice is one of the rarest at tangin si Psyche palang ang natala sa history na nagkaroon ng ice magic. “How did you become an Ice user?” tanong ni Hailey, hindi parin inaalis ang masamang tingin sa akin. “Hindi ba’t si Psyche lang ang may kapangyarihang yelo? At hindi na siya ulit nagpakita ilang taon na ang nakakaraan” bigla akong napalingon sa nagsalita at napakunot ang nuo ko. Hindi alam ng mga taga Bauxacel na nandito na si Psyche? “The winner of this duel is princess alissa of the first rank” naputol ang pagchi-chismisan ng mga tao nang magsalita ang hari. “You can now retrieve your weapon princess Alissa” Tumango ako bago pinaglaho yung ice spear na hawak hawak ko. Tinalikuran ko si Hailey at naglakad na pabalik sa pwesto ko sa tabi ni Trevas na siyang nakangisi sa akin. Nginitian ko siya pabalik pero biglang nanigaw ang ngiti niya at nabalot ng takot ang mga mata niya. “Alissa! Behind you” sigaw niya kaya naman napalingon ako sa likuran ko at laking gulat ko nang makita ang paparating na mala ipo ipong hangin na nagmumula kay Hailey. Hindi ako agad nakapag react pero mabuti nalang ay biglang sumulpot si Trevas sa tabi ko at hinila ako palayo. Nakaikot sa balikat ko ang kaliwang kamay ni Trevas at nakadiin ang muka ko sa dibdib niya pero kitang kita ko parin kung paanong pilit na tumayo si Hailey at nagtangka na namang umatake. Iniunat ni Trevas ang kanang kamay niya sa direksyon ni Hailey at bago pa makatayo ng tuwid si Hailey ay nagpakawala ng itim na mahika si Trevas mula sa kamay niya at agad na tumalsik si Hailey at namilipit sa sakit. “Are you ok?” tanong ni Trevas bago ako hinawakan sa magkabilang braso. Tumango ako bago nilingon si Hailey na ngayon ay pinapalibutan na ng mga royal guards at pinipigilan na magwala ulit. “No! Let my daughter go” sigaw ni prime minister Haviour bago tumakbo papunta sa anak niya pero agad siyang hinarangan ng mga royal guards. “gusto mong pakawalan nila ang anak mong nagtangkang pumatay sa representative ng ibang kaharian? Tell me prime minister, gusto mo bang magkaroon na naman ng gera sa pagitan ng Bauxacel at Beifang?” sabi ng hari kaya naman agad na napabaling ang tingin ng karamihan sa prime minister at tinignan siya ng masama. Malaki ang pininsalang idinudulot ng isang gera sa pagitan ng dalawang kaharian kaya naman marami ang hindi natuwa kay prime minister Haviour. Napaluhod siya sa harapan ng hari habang patuloy parin sa pagsigaw si Hailey na kanina pa namimilipit sa sakit dahil sa itim na mahika ni Trevas na tumama sa kaniya. “That’s not what I meant Your majesty, as a father, gusto ko lang protektahan ang nagiisa kong anak na babae-” “So mas pipiliin mo ang kapakanan ng anak mo kesa sa alyansa sa pagitan ng Bauxacel at Beifang? Am I right Prime minister?” seryosong sabi ni Trevas. Seryosong seryoso ang muka niya at matiim na nakatingin sa prime minister at sa anak nito. “N-no, your highness. Hindi sinasadya ni Hailey ang mga pinaggagawa niya-” “You b*tch! Ang lakas ng loob mong magtago lang sa likod ni his highness prince trevas at hayaan siyang protektahan ka!” sigaw ni Hailey kahit na namimilipit na siya sa sakit at pilit na pinapakalma ng mga royal guards. Bigla akong napangisi. “What were you saying prime minister Haviour? Hindi sinasadya ni miss Hailey? Based on what she just said, that’s not the case” Nakita kong napakuyom ang kamao ni prime minister Haviour at hindi siya agad nakasagot. “Sa tingin mo ang taastaas mona dahil isa kanang princess of the first rank? Ha, don’t act all mighty now, remember na anak ka ng heneral na nanguna sa mga rebelde na nag alsa laban sa kahariang ito” Napatahimik ang lahat dahil sa sinabi ni Hailey at maging ako ay bigla ding napakuyom ang kamao. “Enough!” pagbabasag ng hari sa katahimikan. “Bring her to the palace chamber and put her under arrest” “N-no, please your majesty” pagmamakaawa ng tatay ni Hailey. “And you, You’re now demoted as a minister of the 3rd rank” pag aanunsyo ng hari na siyang ikinagulat ng lahat. May apat na rank sa pagiging minister. Pinaka mataas ang prime minister na siyang pangulo ng lahat ng ministers at ang pinakamababa naman ay ang minister of the 3rd rank. Magkalayong magkalayo ang agwat ng dalawang rank na iyon kaya naman ganon nalang ang gulat ng lahat nang biglang idemote ng hari si prime minister Haviour sa pagiging 3rd rank. “B-but” “You dare question my decision?” matiim na tanong ng hari kaya naman natahimik ang ama ni Hailey. Malaki ang kapangyarihan ng Pamilyang Haviour at marami silang koneksyon pero isang malaking kasalanan ang hindi pagsunod sa hari kaya walang ibang nagawa si minister Haviour kundi yumuko at sumama sa mga royal guards na tumatangay sa anak niya. “Isa kang kahihiyan sa pamilya natin” sabi pa niya sa anak niyang si Hailey na pilit paring kumakawala sa kapit ng mga royal guards.
0 Comments
Leave a Reply. |
AuthorBaubbleGum Archives
December 2020
Categories
All
|