Mas tumahimik na ang celebration nang mawala na ang mag-ama pero hindi pa rin nawawala ang tension dahil pinaalala ni Hailey sa lahat ang tungkol sa pagiging traydor ng pamilyang Knoxx. Madami ang napapalingon sa direksyon ko kaya hindi ako makakain ng maayos. “Magpapahangin lang ako” sabi ko kila Trevas at Lina. Hinawakan ako ni Trevas sa braso pagkatayong-pagkatayo ko. “Its dangerous here” “Its okay, kaya ko ang sarili ko” “Let me go with you-” “No, I want to be alone” sabi ko kaya naman napabuntong hininga si Trevas. “Sandali lang ako” Nag-aalala niya akong tinignan bago dahan-dahan akong binitawan. “Alright” Naglakad ako papunta sa isa sa mga pinto papunta sa garden na nakakonekta sa palace hall. Napasandal ako sa pinto ng makalabas na ako at napahinga ng maluwag. Malamang ay inakala ni Trevas na naiilang ako sa mga titig ng mga tao kaya gusto kong mapag-isa pero palusot ko lang iyon. Plano kong simulan ang paglilinis ng pangalang Knoxx sa pamamagitan ng pagtingin sa records ng imbestigasyong isinagawa noon bago bitayin si papa. Kapag nakita ko ang mga records ay maaring may makita akong clue o ebidensya na frame up lang ang lahat. Alam ko na mag-aalala sina Trevas at Lina kapag sinabi ko sa kanila ang plano ko dahil masyadong delikado kaya wala akong ibang choice kundi ilihim sa kanila ang mga plano ko. Pumunta ako sa isang sulok at hinubad ang suot-suot kong mahabang evening dress at itinago ito sa likod ng isang armor stand. Nakasuot ako ng itim na fitted na combat clothes na siyang nagb-blend sa dilim ng paligid kaya hindi ako masyadong pansin ng dalawang royal guard na nakatayo sa may garden ilang hakbang mula sa akin. Nang matago ko nang maigi yung damit sa likod noong armor stand ay nagteleport ako papunta sa isang lugar dito sa palasyo na pamilyar na pamilyar ako. Napatago ako sa likod ng isang poste nang may dumaan na royal guards at hinintay silang makaalis bago maingat na pumasok sa loob ng isang malaking building. Ito ang building na para sa department of investigation at dito matatagpuan ang lahat ng records at mahahalagang dokumento tungkol sa mga isinagawang imbestigasyon sa buong historya ng Bauxacel. Nandito rin panigurado ang records tungkol sa imbestigasyong ginawa nila noon kay papa. Isang meeting room ang bumungad sa akin pagkapasok na pagkapasok ko ng building. Hindi ko alam kung saan ko makikita yung mga records kaya ilang beses akong sumilip sa bawat pintong madadaanan ko bago ko natagpuan yung kwartong mala-library sa sobrang daming papeles at records. Mabuti nalang at may nagaganap na celebration sa palace hall kaya kakaunti lang ang mga nakasalubong kong palace guards at servants na madali ko lang ding nataguan dahil sa kakayahan kong magteleport. Nagpalingon lingon muna ako at siniguradong walang ibang tao sa loob ng silid bago ako naglakad papunta sa isang shelf na naglalaman ng lahat ng records ng mga imbestigasyong isinagawa noong nakaraang taon. Napabuntong hininga ako. Isang taon na rin pala ang nakalipas. Inisa-isa ko bawat libro na nandoon sa shelf na naglalaman ng mga records. Nakasulat sa spine ng libro ang taon at ang pangalan ng sangkot sa imbestigasyon at laking pasasalamat ko na naka alphabetical yung mga libro kaya madali kong nakita ang pangalang ‘Alen Knoxx’ Dali-dali ko itong kinuha at bubuklatin na sana nang biglang bumukas ang pinto at nakarinig ako ng dalawang boses. Nagtago ako sa isang madilim na sulok at sinilip ang direksyon ng pinto kung saan kasalukuyang nagtatalo ang tatay ni Hailey at ang isa pang lalaki na hindi ko kilala. “What a great daughter you have Prime minister- oh, should I say minister of the 3rd rank?” sabi noong lalaking hindi ko kilala pero parang nakita ko sa party kanina. “She’s still young, hindi niya alam ang ginagawa niya” sagot ng tatay ni Hailey sa kaniya bago sila sabay na naglakad papunta sa tinataguan ko kaya naman mas itinago ko pa ang sarili ko sa gilid ng shelf. “Young? Halos magka-edad lang sila ng anak kong si Mara and yet look at her, She’s enggaged to his highness Luke at malaki ang pakinabang niya para kay Master” So he’s 1st minister Laxxon, ang tatay ni Lady Mara. Wait, Master? Sino ang master na tinutukoy niya? Napakunot ang nuo ko at napahigpit ang kapit ko sa hawak kong libro lalo na nang mas lumapit pa sa kinatataguan ko ang dalawa. Hindi ako pwedeng magteleport palabas dahil nababakuran ng enchantment ang silid na ito bilang proteksyon at seguridad sa mga mahahalagang dokumento na nandito. “Shut your mouth minister Laxxon, nakakalimutan mo atang galit pa rin sayo si Master dahil pumalpak ang mga tauhan mong patayin si Alissa Knoxx” Halos mabitawan ko ang hawak kong libro dahil sa narinig ko. Their master wants me dead? Why? “Oh really? I bet kung ikaw ang-” naputol ang sinasabi ni minister Laxxon at napatigil sa paglalakad kaya naman napatigil din si Minister Haviour na nakasunod sa kaniya. “Why did you stop? Kailangan na nating magmadali dahil walang nakakaalam na nandito tayo” “Yung records” panimula ni Minister Laxxon kaya naman bigla akong kinabahan, “Yung records about sa kaso ni Alen Knoxx, It’s gone” “What?” “Shit, Master won’t be glad to hear this…” Tinulak ni Minister Haviour si Minister Laxxon paalis sa harapan niya at sinubukang halungkatin yung mga records sa shelf, malamang hinahanap yung records na hawak-hawak ko ngayon. Sinamantala ko ang pagkakataon na abala sila sa paghahanap para subukang tumakas pero napatigil ako at bumalik sa kinatataguan ko nang magsalita ulit si Minister Haviour. “Close the door, malakas ang kutob kong nandito pa yung kumuha noong records” “Shit, bakit kasi ngayon mo lang naisipang sirain ang records na yun gayong isang taon na ang lumipas mula nang ipabitay si Alen” natataranta at inis na sabi ni Minister Laxxon sa kasama niya. “Kung nagawa mo lang ng maayos yung trabaho mong pagpapapatay kay Alissa edi sana hindi na natin kailangang gawin ito” Bumalik ako sa kinatataguan ko at napalingon-lingon sa paligid, nag hanap ako ng ibang pwede kong labasan dahil nakaabang na sa may pinto si Minister Laxxon habang si Minister Haviour naman ay nagpaikot-ikot sa loob ng silid at sinusubukan akong hanapin. Bigla akong kinabahan nang makitang walang bintana o ibang pinto ang silid bukod sa pintong binabantayan ni Minister Laxxon. “Should I look outside?” tanong ni Minister Laxxon pero hindi umimik si Minister Haviour na ilang hakbang nalang ang layo sa akin. Bumilis ang kabog ng dibdib ko at inihanda na ang matulis na yelo sa kamay ko na siyang ipapang atake ko sa kaniya once na makita niya ako. Hindi ako pwedeng mahuli ngayon, ngayon na nakita ko na yung records. Mas isisiniksik ko ang sarili ko sa gilid ng shelf na tinataguan ko nang sobrang lapit na ni Minister Haviour at isang hakbang nalang niya ay makikita niya ako. Huminga ako ng malalim at aatakihin na sana si Minister Haviour nang biglang may magtakip sa bibig ko at nilamon ako ng kadiliman. Sandaling nandilim ang paningin ko at natagpuan ko nalang ang sarili ko na nakatayo sa may garden sa labas ng palace hall. Bumitaw yung nakatakip sa bibig ko bago ito naglakad papunta sa harapan ko. Hindi ako agad nakaimik nang magtama ang paningin namin ni Trevas na seryosong nakatingin sa akin.
0 Comments
Leave a Reply. |
AuthorBaubbleGum Archives
December 2020
Categories
All
|