Napasuklay ako sa buhok ko at inis na napatitig sa mga nakakalat na papel sa harapan ko. Pinaghiwa-hiwalay ko ang bawat page ng record book at inilatag iyon sa harapan ko para mas madali kong mababasa pero mas lalo atang sumasakit ang ulo ko dahil sa sobrang dami ng kailangan kong basahin. “Don’t stress yourself up. Hindi mo kailangang madaliin” sabi ni Trevas bago tumabi sa akin. May hawak-hawak siyang tasa na naglalaman ng kulay bright violet na likido. “Drink this” inabot niya sa akin yung tasa. “What’s that?” “Coffee” Tumango ako bago sumipsip sa kulay bright violet na kape. Pagkadamping-pagkadampi ng likido sa dila ko ay nakaramdam ako agad ng kung anong energy at parang gising na gising na ako. Mas naging energetic ako at pakiramdam ko ay ilang araw akong hindi makakatulog. “So… what did you find out?” tanong ni Trevas bago dinampot yung isa sa mga nakakalat na papel sa harap ko. Ibinaba ko sa tabi ko yung tasang binigay niya. “So far ang nababasa ko pa lang ay kung sinu-sino yung mga involve at kung sinu-sino yung mga na-assign na mag imbestiga” Pagkauwing-pagkauwi namin galing sa palasyo kanina ay dumiretso si Lina sa kwarto niya at natulog pero ako ay dumiretso sa sala at nagsimulang basahin ang record book tungkol sa imbestigasyon sa kaso ni papa. Ilang oras na rin akong nagbabasa at alam kong madaling araw na pero ang nababasa ko pa lang ay kung sinu-sino ang mga sangkot at kung ano ang role nila dahil sa sobrang dami. Ibinalik ko ang atensyon ko sa pagbabasa at ganon din si Trevas na kanina pa ako tinutulungan sa pagbabasa. Pwede naman naming ipabasa ito sa isa sa mga tauhan ni Trevas para mas mapadali ang trabaho namin but we can’t risk it. We can’t really trust anyone at the moment dahil nandito kami sa teritoryo ng kalaban. Inabot din siguro ako ng isang oras bago ko natapos ang pagbabasa ng mga pangalan lang ng mga kasangkot at tama nga ang hinala ko nang makita ko ang pangalan nila minister Haviour at minister Laxxon. Isa sila sa mga pangunahing nagreklamo kay papa at sila ang may pinakamaraming ipinakitang ebidensya na nagtraydor nga 'daw' si papa. Inisa-isa ko ang bawat kasong isinampa nila at hindi ko mapigilang makunot ang nuo ko habang binabasa iyon. May kasong isinampa si minister Haviour na meron daw nakatagong ipinagbabawal na mahiwagang alahas ang pamilyang Knoxx at meron ding kaso na ninanakaw daw ni papa ang mga kayamanan ng mga sinusugod nilang teritoryo sa tuwing nananalo sila sa gera at ginagamit niya ang perang iyon para sa pagpapalawak ng mga sundalong tauhan niya para maging mas malawak at mas makapangyarihan ito kumpara sa royal army. Napakuyom ang kamao ko. Totoo na maraming mahiwagang alahas ang pamilya namin noon, kagaya nalang noong bracelet na siyang ibinigay sa akin ni papa bago siya namatay, pero halos lahat ng mga noble family ay meron ding mahiwagang alahas na tinatago-tago kaya hindi na big deal ang pagkakaroon noon pero ayon sa pagkakabasa ko sa record book ay idinagdag sa patong-patong na kaso kay papa ang pagkakaroon ng mahiwagang alahas. Isa pang akusasyon ay yoong pagnanakaw daw ni papa sa mga teritoryo na nasasakop nila sa tuwing may digmaan. Si ‘Alen Knoxx’ daw ang nagnakaw ng isang gold mine ng kaharian ng Firlame noong natalo ito sa digmaan. Napakunot ang nuo ko. Never nagkaroon ng sariling gold mine ang pamilyang Knoxx. Mas hinalungkat ko pa yung record book pero itinuon ko ang atensyon ko tungkol sa kasong ito. Yung titulo ng ‘gold mine’ na tinutukoy sa kasong iyon ay hindi pa rin nahahanap hanggang ngayon. “I have a favor” sabi ko kay Trevas. Dahan-dahan niyang ibinaling ang tingin sa akin. “Hmm?” “I want you to send someone to investigate about something” sabi ko bago ko binaba yung hawak-hawak kong papel. Pasikat na ang araw at pumapasok na sa sala ang kulay kahel na liwanag na nagmumula dito. “Hmm?” “What do yo mean hmm?” natatawang tanong ko sa kaniya. “I will lend you one of my people, pero may kapalit” Tinaasan ko siya ng kilay.”And what is that?” “Kaluluwa mo” “What?” “Just kidding” sabi niya bago niya ako hinila papalapit sa kaniya at walang sabi-sabing pinagdikit ang mga labi namin. Pinaglandas niya ang kanang kamay niya sa batok ko habang ang kaliwang kamay niya naman ay humahaplos sa bewang ko. Mas pinalalim niya pa ang halik at naramdaman kong unti-unti na naman akong nahuhulog sa kakaibang pakiramdam na nararamdaman ko pero bago pa ako mawala sa tamang huwisyo ay bigla siyang humiwalay at tinitigan ako sa mata. Napatitig din ako sa mga mata niya at ngayon ko lang napagtanto na nakahiga na pala ako sa sahig habang siya ay nasa itaas ko at inaalalayan ang sarili gamit ang mga braso niyang nasa magkabilang gilid ng ulo ko. Biglang bumilis ang kabog ng dibdib ko lalo na nang ilapit muli ni Trevas ang mukha niya sa akin. Dumadampi ang hininga niya sa pisngi ko at hindi pa rin niya inaalis ang titig sa mga mata ko. “Ito ba yung kapalit?” wala sa sarili kong tanong kaya bigla siyang napatigil bago dahan-dahang napangisi. “I want more than this... pero sige” sabi niya bago siya bumangon at naglahad ng kamay sa akin para alalayan din akong bumangon. Hindi pa rin nawawala ang mabilis na pagkabog ng dibdib ko at alam kong namumula na ang mukha ko. “Anong gusto mong ipa-imbestiga?” kalmadong tanong ni Trevas na para bang walang nangyari. Hindi ako agad nakapagsalita kaya napalingon sa akin si Trevas at tinaasan ako ng kilay. Napaubo ako at umiwas ng tingin. “Right, gusto kong ipa-imbestiga ang tungkol dito sa gold mine sa Firlame na sinasabing ninakaw daw ni papa ang titulo” “Leave it to me” tumango si Trevas kaya naman napahinga ako ng malalim. Once na malaman kung sino ang totoong nagnakaw ng titulo ng gold mine, meron na akong ebidensya na frame-up lang ang kaso ni papa at mapapatunayan ko na rin sa mga tao na hindi mapapagkatiwalaan ang royal family. Matapos naming iligpit ni Trevas yung mga nakakalat na papeles sa sahig ay dumiretso ako sa kwarto ko at natulog. Akala ko nung una ay hindi ako makakatulog dahil sa ininom kong ‘coffee’ kanina pero sabi ni Trevas ay nawawala ang epekto non pagkatapos ng ilang oras kaya dinalaw din ako ng antok. Hapon na nang nagising ako at ilang oras nalang ay magsisimula na ang ikalawang grand ball na isasagawa naman sa Plaza De Rinos. “You don’t have to go if you don’t want to” sabi ni Trevas dahil alam niyang hindi maganda ang memorya ko sa Plaza De Rinos. Sa plazang iyon pinatay si papa at sa plazang iyon nag simula ang lahat. Hindi ko alam kung ganon na ganon parin ang itsura ng Plaza De Rinos tulad ng naaalala ko pero ayoko nang alamin. Siguro nga ay mas makakabuting hindi muna ako pumunta. Hindi naman kasi required na daluhan ang apat na grand ball pero required kaming pumunta sa ika apat na araw dahil doon na isasagawa ang ritual. Sumandal ako sa sofa at napabuntong hininga. Ibinuka ko ang bibig ko at sasabihin na sanang hindi nalang ako pupunta nang may magsalita sa may direksyon ng pinto. “Your highness, Jerome wants to talk to you” Kung tama ang memorya ko, si Jerome yung inutusan ni Trevas na imbestigahan ang tungkol sa gold mine. “Let him in” sabi ni Trevas at kasabay noon ay bumukas ang pinto at pumasok ang isang matangkad at malaki ang katawan na lalaki na sa tingin ko ay si Jerome. “Nagawa ko na ang pinaguutos niyo, your highness” “Already?” manghang tanong ni Trevas at maging ako ay nagulat din. Kanina lang kasi niya pina imbestiga ang tungkol doon sa gold mine kaya nakakagulat na naimbestigahan na agad ng tauhan niya ang tungkol doon. “Yes, It didin’t took me long bago ko nalaman kung sino na ang may hawak ng titulo dahil isa siyang kilalang persona dito sa capital.” Hindi ko mapigilang mapangiti. Mukang alam ko na kung sino. *** Sa gitna ng malawak na kaharian ng Bauxacel ay matatagpuan ang capital na siyang kinaroroonan ng palasyo at sa gitna naman ng capital ay matatagpuan ang Plaza De Rinos. Sa pinaka kanang bahagi ng plaza ay matatagpuan ang isang stone stage platform na may mantsa pa ng dugo at dito madalas isinasagawa ang pagbibitay sa mga kriminal na may malaking kasalanan. Kung sa kanan ng Plaza ay isang nakakailabot na lugar ay ibahin mo sa kaliwang bahagi na napapalibutan ng mga puno at mga bulaklak. Meron din ditong stage platform pero higit na mas malaki at malinis ito kumpara sa stage platform na ginagamit sa tuwing may bibitayin. Ginagamit ang bahaging ito ng Plaza sa tuwing may malaking okasyon katulad nalang ng threekingdom alliance ceremony. May mga nakalatag na malalaking bilog na lamesa na siyang kinalalagyan ng mga mamahaling plato at nakapalibot naman sa lamesang iyon ang mga mamahaling upuan na may malambot na kutson. “I’m going to talk to her later” sabi ni haring hermes sa anak niyang si Luke. Nasa loob sila ng isang tent na naka set-up sa may likod ng stage-platform. Hindi pa sila pwedeng lumabas hangga’t hindi pa nagsisimula ang grand ball. Humarap si Luke sa tatay niya. Nakatayo siya sa may sandalan ng tent habang ang hari naman ay naka upo sa isang couch sa loob ng tent. “I will tell her everything before it’s too late” pagpapatuloy ng hari pero hindi parin umimik si Luke at ibinalik lang ang tingin sa labas ng tent. Walang nakaka alam kung ano ang iniisip niya. Nagsimula ang grand ball at pumasok na si Haring hermes at ang nag iisa niyang anak na si Luke sa eksena. Tumayo ang lahat nang ianunsyo ang pagdating nila bilang paggalang sa hari at sabay sabay naman ding umupo ang lahat nang makaupo na ito. “Wala pa ang mga representative mula sa ibang kaharian?” tanong ng hari sa isa sa mga royal gurads pero bago pa ito makasagot inanunsyo ng isang royal guard ang pagdating ng inaasahan niya. “The representative from Beifang has arrived” Napalingon ang lahat sa direksyon ng pintuan. Usap usapan ngayon sa pagitan ng mga dumalong nobles ang tungkol sa posibilidad na hindi dumalo ang representative mula sa Beifang. Kumalat na kasi ang balitang si Princess Alissa ng Beifang ay siya ring Alissa Knoxx na inakalang namatay dito sa Plaza De Rinos kasama ng pamilya niya kaya inakala ng lahat na hindi na dadalo ang nasabing prinsesa. *** “Is it really true?” kunot nuong tanong ni Lina sa akin, patingin tingin siya kay Jerome na nakasunod sa amin. Hawak hawak ni Jerome yung mga papeles na siyang kakailanganin ko para maparusahan na ang nag frame up kay papa isang taon na ang nakakaraan. Nandoon ang mga titulo ng mga minahan at lupain na ibinintang na ninakaw ng pamilyang Knoxx at nandoon din ang mga patunay sa kung sino na ang totoong nagmamay ari ng titulo ng mga iyon. “Yes, This is it Lina.” nginitian ko si Lina bago ibinalik ang tingin sa harapan. Nakatingin sa amin ang lahat lalo na’t agaw pansin si Jerome na hindi naman dapat nandito dahil tanging mga nobles lang ang maaring dumalo sa pagdiriwang na ito. Naglakad kami papunta sa pinaka harapan at yumuko sa harapan ng hari bilang paggalang. “May I ask prince Trevas” Panimula ng hari “What is one of your people doing here? At para saan ang mga dala niyang papeles?” “Let me answer your question Your majesty” sagot ko bago pa makapagsalita si Trevas. Kinuha ko ang isa sa mga papel na hawak ni Jerome at itinaas iyon sa direksyon ng hari. “This. Will show how dirty and corrupt the government of Bauxacel is” sabi ko at biglang nagingay ang mga tao lalo na yung mga ministers na kasama sa pamumuno ng kahariang ito. Kung ano ano ang pinagsasabi ng mga tao pero nanatili lang akong kalmado at pinanood ang reaksyon ng hari at ni Luke pero laking dismaya ko nang nanatili din silang kalmado. “Care to elaborate, princess Alissa?” sabi ng isa sa mga minister. “What’s there to elaborate? Dapat ba talaga nating paniwalaan ang sasabihin niya?” Napalingon ako sa nagsalita at hindi ko mapigilang mapangiti. “You sure are brave to say that Minister Haviour” Napalingon siya sa akin at matiim akong tinignan. “Let’s see how long that bravery of yours will last” Kinuha ko yung book record ng mga impormasyoon tungkol sa kaso ni papa at lalo akong napangisi nang makitang pumuti ang muka nila minister Haviour at minister Laxxon. “Based on the record book of the investigation that was conducted a year ago on the case of my father. He was accused of: Bribery, thievery of citizen’s taxes and gold mines, stolen magical treasure, possession of illegal magical jewelries, abusing authority power for personal gains and lastly, he was accused of plotting a revolution against the royal family” Biglang sumeryoso ang buong paligid dahil sa mga kasong binasa ko sa record book na magdamag ko ding inaral. Nanatiling tahimik ang paligid at maging si Trevas na nakatayo sa tabi ko ay hindi umimik at inabot lang sa akin yung dalawa pang record book na ninakaw pa ni Jerome sa mansion ni minister Haviour at minister Laxxon. “W-where did you get that?” Nginitian ko siya bago binuklat yung libro sa harapan niya at binasa yung record ng lahat ng ari arian ng dalawang minister. Nabasa sa record ng lahat ng ari arian ni minister Haviour ang dalawang gold mine na ibinintang na ninakaw ni papa noon at nandoon din ang record ng pagtanggap ni minister haviour ng pera sa mga landlord bilang suhol. Inabot ako ng halos sampung minuto sa pagbabasa ng napaka habang records na naglalaman ng lahat ng kasakimang ginawa nila minister Haviour, minister Laxxon at ilan pang mga opisyal ng Bauxacel pero ang pinaka nagpagulat sa lahat ay ang record ng pagpapadala ni minister Laxxon ng mga assassin sa araw ng pagbibitay noon kay papa habang si minister Haviour naman ang nagpadala ng mga tauhan sa Knoxx manor para patayin ang lahat ng nandoon at sunugin ang mansion.
0 Comments
Leave a Reply. |
AuthorBaubbleGum Archives
December 2020
Categories
All
|