Unedited
“I can explain…” pilit akong ngumiti pero hindi parin nawawala ang seryosong tingin sa akin ni Trevas. Nandito kami sa may garden sa tabi ng palace hall, Walang ibang tao dito bukod sa amin pero rinig na rinig ang ingay na nagmumula sa loob ng palace hall. “You lied” “Not that I want to, ayoko lang na mag alala ka-” “I have the right to worry about you Alissa and I have the right to know if you’re planning something dangerous like this” napakagat labi nalang ako. Napabuntong hininga siya bago may iniabot na kung ano. Napatingin ako doon sa inabot niya at napagtantong iyon ang damit ko na tinago ko kanina sa likod ng armor stand. “Do you have any idea what could have happened kung hindi kita sinundan at naitakas doon sa storage room?” “uh… speaking of which, paano ka nakapagteleport sa loob ng storage room eh hindi ba’t may enchantment na nakapalibot sa silid na ‘yon?” “Alam ko kung paano mag disable ng ganong enchantment dahil meron ding ganon sa storage room ng Beifang” bago ibinaling ang tingin sa hawak hawak kong libro. “Laman nito ang lahat ng information na kakailanganin ko para mapatunayang frame-up lang ang kaso kay papa noon” sabi ko dahil alam ko nang itatanong niya kung para saan ang librong ito. Napatango si Trevas bago napaiwas ng tingin. “You don’t have to lie to me about his kind of things, It only made me feel like you don’t trust me enough” Bigla akong napatingala sa kaniya. Hindi siya nakatingin sa mga mata ko pero kita ko sa muka niya na hindi talaga niya nagustuhan ang ginawa kong pagsisinungaling sa kaniya. I should have just told him the truth in the first place. Ibinukas ko ang bibig ko at mag sasalita na sana nang maarinig ako ng pamilyar na boses. Sabay kaming napalingon ni Trevas sa direksyon na pinanggagalingan ng ingay at doon nakita namin sila Minister Haviour at Minister Laxxon na mukang galing din doon sa building ng Department of investigation. “We’re screwed” sabi ni Minister Haviour. Hindi ko na narinig pa ang sinagot ni Minister Laxxon nang hawakan ako ni Trevas sa pulsuhan at hinila paalis “Hide that” turo ni Trevas doon sa hawa kong libro kaya naman dali dali ko itong ipinasok sa mahiwagang bracelet na suot suot ko. “Where are we going?” tanong ko nang mapansing hindi na ito ang daan pabalik sa palace hall. “We’re going home, We can’t risk anyone seeing that book in our hands” “Wait, si Lina-” “Nauna na siya sa karwahe kanina, marami atang nainom na wine” sagot ni Trevas kaya hinayaan ko nalang siyang hilahin ako papunta sa karwahe. Nakasuot parin ako ng itim na combat clothes habang hinihila ako ni trevas pero wala naman kaming masyadong nakasalubong dahil hindi pa tapos ang sayawan sa loob ng palace hall at kung sakaling may makasalubong naman kaming palace servant ay agad na nagteteleport si Trevas para hindi kami makita. Nang makarating na kami sa pinag parkingan ng karwahe ay biglang napatigil si Trevas kaya napatigil din ako. “Why did you-” Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko nang mapatingin ako sa harapan namin at nakita si Luke na nakasandal doon sa karwahe namin at walang emosyong nakatingin sa amin. Napakunot ang nuo ko lalo na nang mag simulang maglakad papalapit sa amin si Luke. “Aren’t you suppose to be in the party, prince Luke?” kalmadong tanong ni Trevas pero naramdaman kong humigpit ang kapit niya sa kamay ko. “I can ask you the same thing” sagot ni Luke sa malalim niyang boses, wala paring emosyon ang muka habang pinapaglipat lipat ang tingin sa amin ni Trevas. Lalong nanliit ang mga mata ni Trevas. “We’re leaving” Hindi agad sumagot si Luke. Ibinaling niya ang tingin sa akin at parang nanindig ang balahibo ko nang ilang segundo niya din akong tinitigan. “can I ask what is the crown prince of Bauxacel doing here” matiim na tanong ni Trevas bago ako hinila papunta sa likod niya na para bang tinatago ako kay Luke. “you wouldn’t want a rematch do you, prince luke?” “Not really” kalmadong sagot ni Luke sa kabila ng pagbabanta ni Trevas, hindi parin inaalis ang tinign sa akin. “I just need to talk to you, Alissa” Napakunot ang nuo ko. Seryoso ang muka ni Luke pero parang may kung anong emosyon sa mga mata niya na hindi ko mapaliwanag. “Say what you have to say, I’m not-” “What is it?” pagpuputol ko sa sinasabi ni Trevas dahil mukang mahalaga ang sasabihin ni Luke. Wala naman atang mawawala kung papakinggan ko ang sasabihin niya. Sandaling hindi nagsalita si Luke bago ibinaling ang tingin kay Trevas. “Pwedeng umalis ka muna?” Ibunuka ni Trevas ang bibig niya pero bago pa siya makapagsalita ay inunahan ko na siya. “Sabihin mo na kung anong dapat mong sabihin. I’m not talking to you unless he’s with me” Napabuntong hininga si Luke bago napatango at tumingin sa akin. “You’ve change” “So were you” pinanliitan ko siya ng mata. Napatahimik siya. Malamang narealize niya din na sa aming dalawa, siya ang pinaka malaki ang pinagbago. Hindi na siya yung Luke na kaibigan ko dati. “Kung iyon lang ang sasabihin mo, wala na tayong dapat pang pag usapan” maglalakad na sana ako papunta sa karwahe pero hindi pa ako nakakahakbang ay bigla na namang nagsalita si Luke. “You shouldn’t have come back here” halos pabulong niyang sabi pero tahimik ang paligid kaya rinig na rinig namin siya ni Trevas. Nakatingin si Luke sa sahig na para bang ang lalim ng iniisip. “Go back to Beifang” Bigla akong nagtaka. “Why? Hindi ba’t pinipilit mo pa akong bumalik dito sa Bauxacel noong huli tayong nagkita? You told me to come back here and live in the palace with you right? At isa pa, It was your father who requested na ako ang maging representative ng Beifang” Hindi umimik si Luke kaya naman bigla akong nairita. “what? Natatakot ka bang ibubuking ko sa lahat na kasabwat ang royal family sa pag f-frame up sa pamilyang Knoxx? Kaya gusto mo akong pabalikin sa Beifang? Natatakot kang malaman ko ang totoo?” “Sometimes, mas makakabuting wala kang nalalaman Alissa” lalong kumulo ang dugo ko at nanginginig na ang kamay ko sa inis lalo na nang makita ko ang walang emosyong muka ni Luke. “Well not in my case, my parents were killed Luke, Hindi ako matatahimik hangga’t hindi ko nalalaman ang totoo” Napapikit ako at huminga ng malalim. Parang gusto ko nang atakihin si Luke at patayin siya ngayon palang pero pinakalma ko ang sarili ko. They don’t deserve a quick death, They should suffer. “Kung nandito ka para kumbinsihin akong bumalik sa Beifang at hindi ituloy an gplano ko, nagsasayang kalang ng oras” Hindi ko na hinintay ang sagot ni Luke at naglakad na papunta sa karwahe, sumunod naman sa akin si Trevas kaya naiwan si Luke na magisang nakatayo doon sa gitna ng daan. Nanatili siya sa puwesto niya kahit noong magsimula nang umandar ang karwahe namin palabas ng palasyo. ** “Master…” Kitang kita ang panginginig ng buong katawan ni Minister Laxxon at Minister Haviour habang nakaluhod sa harapan ng taong nakaupo sa upuang gawa sa ugat ng mga puno. Nasa gitna sila ng gubat at tanging ang liwanag ng buwan lang ang nagsisilbing ilaw sa paligid nila. “So… The daughter of Alen and Diana knoxx is really alive?” sabi ng taong nakaupo doon sa upuang gawa sa ugat. Nasa madilim na bahagi siya ng gubat at hindi nasisikatan ng liwanag ng buwan kaya naman hindi kita ang itsura niya. Tanging ang nakakatakot at nakakapangilabot na boses niya lang ang nagpapatunay na may nakaupo nga sa upuang iyon. “Yes, It turns out na si Princess Alissa ng Beifang ang anak ni Alen Knoxx na inakala ng lahat na patay na” mahinahong sagot ni Lady Mara bago napatingin sa tatay niyang nakaluhod sa harap ng pinaka pinuno nila. “What do you say about this Minister Laxxon? Ikaw ang inutusan ko noon na patayin ang buong angkan ng mga Knoxx, hindi ba?” kalmadong tanong ng nakakatakot na boses pero lalo itong nagdadala ng takot dalawang minister na nakaluhod sa harapan niya. “I’ve failed you master.” nanginginig na tugon ni Minister Laxxon “And you, Minister Haviour” this time, si Minister Haviour naman ang halos maihi sa sobrang takot. “M-master” “Where’s the record book?” namuti ang muka ni Minister Haviour at lalo pang nanginig ang buong katawan. “Hindi ba’t sinabi ko sayong kunin mo ang record book na iyon para kung sakali mang buhay talaga si Alissa?” “Y-yes master, about that…” “Hmm?” “W-we lost it…” napapikit si Minister Haviour at hinanda ang sarili sa nakakatakot at galit na sigaw ng master niya pero matapos ng ilang segundo ay wala siyang narinig. “What a capable people I have here” natatawang sabi ng boses. “A demoted minister who coudn’t even bring me a single book and a minister who couldn’t even kill a level 2 water user. Should I just kill you two?” Biglang nataranta ang dalawang minister. “B-but, She’s very strong now master” “What do you mean?” “Nang malaman kong si Alissa knoxx nga ang sinasabi nilang princess Alissa ng Beifang ay inutusan ko ang anak kong si Hailey na hamunin siya sa duel at kunwari ay aksidente niya itong mapapatay but Hailey lost-” “Then your daughter is weak” Napangisi bigla si minister Laxxon bago napatingin sa anak niyang si Lady Mara na nakatayo ilang hakbang mula sa tronong kinauupuan ng taong tinatawag niyang ‘master’. He felt so proud dahil hindi tulad ng anak ni minister Haviour ay maasahan ang anak niya at malaki ang pakinabang. Inis na napatingin si Minister Haviour kay minister Laxxon nang mapansin niya ang ngisi nito. “You have the guts to smile right now? Kung hindi ka lang sana pumalpak sa pagpatay noon kay alissa, hindi na aabot sa ganito ang lahat” “You son of a b-” “Enough” napatahimik ang dalawang minister nang marinig na naman nila ang nakakatakot na boses. “I’ll let you live this time beacause I haven’t fully recovered yet but there won’t be next time” “Yes master” “We won’t disappoint you again master” sabay na sabi ng dalawa. “Now, get rid of this Alissa bago pa siya lumikha ng gulo” BIglang napatigil si minister Haviour sa narinig niya. naalala niya ang laban nila Alissa at ng anak niya at hindi niya mapigilang biglang kabahan dahil alam niyang hindi madaling kalabanin si Alissa. “B-but master…” Panimula niya, alhtough takot siyang magalit sa kaniya ang nakakatakot na nilalang na nasa harapan niya, kailangan niyang sabihin dito na mahihirapan siyang ipapatay si Alissa na bukod sa makapangyarihan ay may koneksyon kay Trevas na isa ding makapangyarihan at maimpluwensyang tao. “What now?” naiiritang tanong nung boses kaya naman lalong nautal sa pagsasalita si minister Haviour. “M-master… About Alissa, she has connection now kaya hindi siya madaling mapapatumba and also, for some reason, she’s now an Ice user at-” “Ice user?” pagpuputol ng boses sa sinasabi ni minister haviour bago ito biglang tumawa. Nakaktindig ng balahibo ang boses na ito pero mas lalong nakakakilabot kapag tumatawa. “I knew it” Tumayo sa kinauupuan yung misteryosong nilalang na nagmamayari ng nakakatakot na boses bago ito dahan dahang naglakad papunta sa liwanag. Tumama ang liawanag ng buwan sa puting puti niyang buhok kaya para itong nagliliwanag, puti din ang kaniyang mga mata at nakangisi ang mga labi niya. “I knew it, Anna is still alive at nananahan siya sa loob ni Alissa. That’s why naramdaman ko ang prisensya niya noong sumanib ako sa dating reyna ng Beifang na si Vivian”
0 Comments
Leave a Reply. |
AuthorBaubbleGum Archives
December 2020
Categories
All
|