“We should head inside for now” rinig kong sabi ni Trevas kaya naman naalis ang atensyon ko sa mansion na nasa harapan ko. Tumango ako sa kaniya bago naglakad papalapit kay mama na hanggang ngayon ay wala pa ring malay, masyadong maraming kapangyarihan ata ang nawala sa kaniya. Isinabit ko ang braso ni mama sa balikat ko at nakita kong ganon din ang ginawa ni Trevas sa kabilang braso niya bago kami sabay na naglakad papunta doon sa mansion. Medyo hindi lang ako mapakali dahil ito ang unang beses na papasok ako dito sa mansion matapos ng mahabang panahon. Nandito kami ngayon sa backyard ng mansion kung saan madalas ako noong maglakad-lakad at maglaro noong bata pa ako pero hindi tulad dati’y nagtataasan na ang mga damo dito at patay na rin ang mga halaman. Halatang-halata sa itsura na wala nang nag-aalaga sa lugar na ito. Dinala namin si Mama papasok sa mansion at inihiga siya sa isang sofa na maayos pa naman at mukhang hindi nadamay sa sunog. Napabuntong hininga ako habang pinagmamasdan ang silid. Parang kahapon lang noong huli akong nakapasok sa mansion, puno ng buhay dahil sa pabalik-balik na mga katulong at nagliliwanag na mga chandelier sa matataas na kisame pero ngayon ay nakakabinging katahimikan ang sumasalubong sa amin, “Alissa!” bigla akong nagpanic nang marinig ko ang sigaw ni Lina at doon ko lang napagtanto na hindi namin kasama si Lina noong pumasok kami sa mansion. Dali-dali akong tumakbo pabalik sa pinanggalingan namin. Mabilis ang kabog ng dibdib ko at namumuo ang pawis sa nuo ko. “Alissa! Trevas!” tawag niya pa ulit pero ngayon ay mas malakas na. Napalingon-lingon ako sa paligid at hinanap ang pinanggagalingan ng boses at ganon din si Trevas na ngayon ay nasa tabi ko na. Napahinga kami ng maluwag pareho nang makita namin si Lina sa may damuhan at kumakaway sa amin, sinesenyasan kaming lumapit sa kaniya. “What is it?” tanong ko sa kaniya bago ako naglakad papalapit. Hinawi ko yung mga nagtataasang damo na hanggang hita ko ang taas pero bigla akong napatigil sa paglalakad nang makalapit na ako kay Lina. Sa may paanan ni Lina ay nakita kong nakahandusay si king hermes. “What is he doing here?” tanong ko bago nagpatuloy sa paglalakad papalapit kay Lina. “I don’t know, did he follow us?” tanong ni Lina bago sinipa ng mahina si king Hermes, tinitignan kung buhay pa ba ito. “No” Napailing ako. “That’s impossible” “Sinama din ba siya ni Anna sa pagteteleport?” tanong ni Trevas bago lumuhod sa tabi ni king Hermes at chineck ang pulsuhan nito, inaalam kung buhay pa ba. “Maybe, pero bakit naman siya dadalhin dito ni mama?” “Mama?” biglang napalingon sa akin si Trevas. Oh, hindi niya pa nga pala alam. “I don’t know how, pero it turns out na si Anna si mama” Pagkasabi ko noon ay bigla akong napabaling kay Lina, kung tama ang memorya ko, si Lina ang huling kasama ni mama noong sumugod ang mga rebelde sa bahay namin isang taon na ang nakakalipas. “Do you know about this Lina?” “What?” Puno ng pagtataka ang mga mata ni Lina. “Oh, About madame Diana?” Napailing siya. “Actually nagulat din ako kanina nang makita kong si Anna si madame Diana na namatay noong gabing sumugod yung mga rebelde sa mansion” Bigla akong naestatwa. Ni minsan ay hindi binanggit sa akin ni Lina ang tungkol sa nangyari sa mansion noong nasa Plaza De Rinos noong araw ng pagbibitay kay papa. Alam kong ayaw pag-usapan ni Lina ang tungkol sa pangyayari noon sa mansion at ganon din ako kaya naman never kong nalaman ang totoong nangyari kay mama bago siya namatay, pero ngayong narinig ko ang sinabi ni Lina ay gusto ko nang malaman ang totoo. Kung paano napunta sa kaniya yung bracelet kung saan ko unang naka ingkwentro si mama bilang Anna at kung paanong buhay parin siya hanggang ngayon. “That night, what happened exactly?” tanong ko. “I can’t really remember in detailed dahil natataranta ako ng mga panahong iyon pero I remember madam diana saying na kailangan kong siguraduhin na makukuha mo mula kay general alen yung jade bracelet. Sinabi niya ‘yon bago siya tumakbo papunta sa mga rebelde na humahabol sa amin at sinakripisyo ang buhay niya para makatakas ako. Kitang kita ko gamit ang mga mata ko ang bangkay ni madam diana ng araw na iyon kaya ganon nalang ang pagkagulat ko nang makita ko siya kanina” Biglang nanginig si Lina at napahawak sa braso niya, malamang naalala ang mga pangyayari ng araw na iyon. “You saw her body? Then… how?” tanong ko. “I am dead” sabay sabay kaming napalingon nila Trevas at Lina nang marinig namin ang isang pamilyar na boses at doon nakita namin si mama na naglalakad papalapit sa amin. “What do you mean you’re dead? It’s obvious that you’re not” “Just like what Lina said, namatay ako noong araw na sumugod sa mansion ang mga rebelde pero bago iyon mangyari ay Inutos ko kay Lina na siguraduhing makukuha moyung bracelet na kung saan nakatahan ang kaluluwa ko para hindi maramdaman ni Psyche ang prisensya ko sakali mang magkita kami na ako si Diana” “Gaano kalakas yung mga rebeldeng sumugod ng araw na ‘yon para mapatay ka? It doesn’t make any sense, base sa paglalaban niyo kanina ni psyche at base narin sa kapangyarihan mo na pinahiram mo sa ‘kin, Alam ko na makapangyarihan ka so paanong natalo kalang basta basta ng mga rebelde ng araw na ‘yon?” “Hindi lang sila basta-basta rebelde Alissa, Mga tauhan sila ni Minister Haviour at minister Laxxon na siyang kasabwat ni Psyche. Noong araw na ‘yon, alam ko na matatalo ko ang mga rebelde kung gagamitin ko ang kapangyarihan ko pero once na ginawa ko iyon ay malalaman ng lahat kung sino talaga ako at sigurado akong iyon talaga ang gustong mangyari ni Psyche kaya niya pinagdidiskitahan ang pamilya natin.” “What? I don’t understand. Who really are you, ma? Bakit ka tinatarget ni Psyche? Bakit kayo magkamukha? At bakit kailangan mo siyang taguan? Why do you have to lie to me?” tanong ko, naguguluhan sa mga nalalaman ko. Napansin kong biglang lumungkot ang mga mata ni mama at napaiwas siya ng tingin bago nagsalita. “Psyche is my sister” panimula niya. “Nilikha kami pareho ni Zeus; the god of the gods, bilang unang henerasyon ng ice users. Nilikha niya kami para maging balanced ang ugnayan sa pagitan ng Darkness at Light element at maiwasan ang mga labanan pero it turned out na kami pa pala ang magsisimula ng laban.” Kinuwento sa amin ni mama ang lahat. Mula sa paglikha sa kanila ni Zeus para protektahan ang sangkatauhan, sa pagtalo ni Psyche kay Freya, sa labanang nangyari sa pagitan ni Psyche at Zeus dahil sa inggit at selos at sa parte kung saan natalo ni Psyche si Zeus dahil hindi pa ito nakakarecover sa malaking kapangyarihan na nawala sa kaniya nang nilikha niya sila mama at Psyche. “Before Zeus died, Sinabi niya sa akin na hanapin ko si Laramie; The goddess of tears, at sabihin sa kaniya na dalhin niya ‘siya’” “Sino ang tinutukoy ni Zeus na ‘siya’?” Napabuntong hininga si mama. “Si Luke, Luke is the son of Zeus and Laramie” Napahawak ako sa bibig ko at pilit na pinasok sa utak ko ang mga impormasyon nalaman ko. Napabaling ang tingin ko kay king Hermes na wala pa ring malay sa may damuhan “Then, who is king Hermes to Luke? Kung anak ni Zeus si Luke, then anong relasyon ang meron sina king Hermes at Luke?” “Sinunod ko agad ang utos ni Zeus na hanapin si Laramie at ang anak nilang si Luke, medyo nahirapan akong hanapin kung saan sila tinago ni Psyche pero dahil injured din si Psyche dahil sa laban nila ni Zeus ay marami akong oras para hanapin sila. Sinubukan ko ring hanapin si Freya in the process pero nabigo ako at tanging si Laramie lang ang natagpuan ko sa isa sa mga secret hideout ni Psyche” “Nang maabutan ko si Laramie, hindi niya kasama si Luke. It turned out na bago matagpuan ni Psyche si Laramie ay kinutuban na ang huli kaya iniwan niya sa isa sa mga kaibigan niyang water spirit si Luke na sanggol pa lang at that time kaya hindi nalaman ni Psyche na nagkaanak sina Luke at Laramie” “Dinala ko sila pareho sa lugar kung saan ko iniwan si Zeus at bigyan sila ng privacy para makapagusap at nalaman ko na lang na napagkasunduan nilang iwan si Luke sa kapatid ni Kairos; Si Kairos yung huling Light user na namatay na walang asawa’t mga anak pero meron siyang kapatid, At iyon si Hermes” Napatingin si Mama kay Hermes na walang malay sa sahig. “Kinausap namin si Hermes, na may sakiting asawa at walang anak. Iniwan namin sa puder niya si Luke at pinaniwala sa lahat na si Luke ay anak ni Hermes na may kapatid na Light user. Bihira lang mangyari na ang dalawang mag-asawa na parehong walang rare element ay magkakaroon ng anak na meron pero posible naman ito kung may at least isang kapamilya ang nagtataglay ng rare element kaya napaniwala namin ang lahat, even Psyche herself” “Then si Laramie; The goddess of tears. Dinala ko siya sa bundok ng Jeufeng, and I believe na naalala niyo pa siya?” Napatango kaming tatlo, tanda-tanda ko pa yung araw na pumunta kaming bundok ng Jeufeng para hanapin yung frozen chrysanthemum at ang mga muntik naming ikamatay na karanasan sa bundok na iyon. “Kung si Psyche ang may kagagawan ng pagkamatay ni Zeus, then bakit siya kumampi kay Psyche? At bakit ganon ang pagtrato niya kay king Hermes na nagpalaki sa kaniya?” Napailing-iling si mama. “Hindi ko pa rin alam hanggang ngayon. During those years, alam ko na anytime ay pwedeng bumalik si Psyche at alam ko na ako ang una niyang hahanapin dahil ako lang ang natitirang ice user na kayang-kaya siyang labanan. Wala naman akong problema na harapin siya anumang oras at harapin ang panganib na dulot non pero I already have you at that time” Sabi ni mama, nakatingin ng diretso sa mga mata ko. “What?” “I was pregnant with you at that time, kaya pinili kong magtago at magpanggap na isang mortal sa pangalang Diana Knoxx dahil ayokong idamay ka ni Psyche sa gulo. Alam ko na papatayin ka din niya kapag nalaman niyang anak kita dahil paniguradong magiging isang Ice user ka rin” “But I wasn’t. Hindi ako isang ice user at naging Ice user lang ako noong sumanib ka sa akin” pangontra ko sa kaniya pero umiling siya. “That’s because I sealed your magic off” biglang nanlaki ang mga mata ko. “You sealed my magic off?” tumango siya. “I am an Ice user and your father is a great wizard, hindi ka ba nagtataka kung bakit sa kabila ng malakas na kapangyarihan mo ay level 2 water element lang ang meron ka? It’s because I sealed your magic off, once na nalaman ng lahat na isa kang ice user, malalaman at malalaman din ni Psyche at once na malaman niya ‘yon, madidiskubre rin niya ang tungkol sa akin at sa ugnayan nating dalawa. So-” “Wait. wait” Tinaas ko ang kamay ko kaya napatigil siya sa pagsasalita. “You sealed my magic off?” Nakaramdam ako ng inis dahil sa nalaman ko. Gulong gulo na ako sa mga nalaman ko sa nakalipas na ilang oras at pilit kong pinasok iyon sa utak ko pero ang malaman ko na simula’t sapul palang ay puno ng kasinungalingan ang buhay ko, hindi ko na alam kung makakaya ko pang tanggapin iyon. Napansin ata ni mama ang emosyong nararamdaman ko at hindi na ako nagtaka nang lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa magkabilang braso. Malamig ang kamay niya na para bang wala nang buhay ang katawan niya pero puno ng emosyon ang mga mata niyang nakatitig sa mga mata ko. Nakita kong naglakad papalayo sina Lina at Trevas, kasama si Haring hermes para siguro bigyan kami ng space ni mama para makapag-usap pero hindi ko na sila napansin nang magsimulang magsalita si mama. “I know this is too much for you to handle at isa rin iyon sa mga dahilan kung bakit mas pinili kong itago sayo ang lahat” Hindi ako sumagot. Tinitigan ko lang siya sa mga mata niya na matagal ko ring hindi nakita. “Hindi ko sinabi sa’yo ang lahat dahil gusto ko mamuhay ka ng normal, Yung hindi mo inaalala na anumang oras ay maaari kang matagpuan ni Psyche at patayin dahil dumadaloy sayo ang dugo ng isang ice user. I sealed your magic off para walang makaalam na isa kang ice user at hindi pagsuspetyahan ni Psyche ang pamilyang Knoxx. You and Alen were the only reason kung bakit lumalaban pa rin ako at ayokong mawala kayo dahil sa laban namin ni Psyche pero in the end, ako ang dahilan kung bakit niyo naranasan ang lahat ng ‘to” Hindi ko mapigilang mapaluha habang nakatitig sa mga mata ni mama habang sinasabi niya ang mga salitang iyon. “I’m sorry… I couldn’t tell you… I’m sorry bigla akong nawala noong nasa Beifang tayo… I’m sorry” Bulong niya bago niya hinaplos ang buhok ko pero umiling ako sa kaniya. “It’s not your fault” Halos pabulong kong sabi. Wala na ang inis na nararamdaman ko kanina. “You just wanted to protect me” Tumango siya bago lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Pinulupot ko sa balikat niya ang mga braso ko at sinubsob ang mukha sa balikat niya. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko lalo na nang maramdaman ko ring nababasa ang balikat ko dahil sa mga luha niya. ‘I missed her’ Mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kaniya at ganon din siya. Hindi ko na alam kung gaano na kami katagal na nasa ganong pusisyon pero pareho kaming natawa nang maghiwalay kami. “Ang panget mo umiyak” sabi niya bago pinunasan yung sariling luha. Natawa nalang ako bago napailing-iling.
0 Comments
Leave a Reply. |
AuthorBaubbleGum Archives
December 2020
Categories
All
|