Matapos naming kumalma ni mama ay sabay kaming naglakad papasok ng mansion at pinuntahan sina Trevas at Lina na ngayon ay nakatayo malapit sa sofa kung saan si king Hermes naman ang nakahiga. “Why did you bring him with us?” tanong ko kay mama, ang tinutukoy ko ay si king Hermes dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan kung bakit isasama ni mama si king Hermes sa pagteteleport paalis. “What?” nagtatakang tanong ni mama na para bang walang alam sa sinasabi ko. “Hindi ko siya sinama sa pagte-teleport. Halos maubos na ang kapangyarihan ko sa pagteteleport sa inyong tatlo kaya bakit pa ako magsasama ng iba?” Napakunot ang nuo ko at naguguluhang napatitig sa walang malay na si king Hermes at napansin kong ganon din sila, malamang ay nag-iisip ng malalim kung paano napunta rito si king Hermes. Ilang segundo rin siguro kaming natahimik bago ko binasag ang katahimikan at tinanong kay mama ang tanong na matagal nang bumabagabag sa akin. “Ma, noong bata pa kami ni Luke, bakit mo kami pinagkasundo?” Napansin kong biglang sumama ang mukha ni Trevas sa tanong ko pero hindi ko siya pinansin. “I remember na ikaw ang pumunta noon sa palasyo para makipagkasundo kay king Hermes na ipakasal kami ni Luke balang araw… Can I know why?” Bago nabuo ang engagement sa pagitan namin ni Luke, hindi naman kami ganon ka-close dahil bukod sa hindi ako lumalabas ng Knoxx manor, hindi rin siya lumalabas ng palasyo kaya nagkikita lang kami sa tuwing may mga grand ball na isinasagawa sa loob ng palasyo pero at some point, napagdesisyonan ni mama na ipakasal ako sa nag-iisang prinsipe na halos ka edad ko lang din. Narinig kong napabuntong hininga si mama. “Isa rin yan sa mga pagkakamali ko” Umupo siya sa couch sa harap ng hinihigaan ni king Hermes bago nagpatuloy sa pagsasalita. “Inakala namin ng papa mo noon na kung makakasal kayo ni Luke at mapapaigting ang relasyon sa pagitan ng pamilya natin at ng royal family ay mas magiging ligtas ang pamilya natin sa kapahamakan at kung sakali mang malaman ni Psyche na ako si Anna, magdadalawang-isip muna siya na sugurin ang pamilya natin dahil meron tayong kapit sa palasyo pero ang royal family pa pala mismo ang magpapahamak sa pamilya natin” Napailing-iling si mama habang masamang nakatingin sa direksyon ni haring Hermes. “They know our secrets, alam ni Hermes at ni Luke ang mga sikreto ng pamilya natin kaya malamang sa kanila nalaman ni Psyche ang tungkol doon. Malamang utos din ni Psyche na ipabitay si Alen noon para masugod niya itong mansion” “So in other words, pinabitay ng royal family si papa dati para wala siya dito sa bahay noong araw na sumugod yung mga rebelde na mga tauhan ni minister Laxxon at minister Haviour na siyang mga alagad ni Psyche?” Tumango si mama pero imbes na masagot ang mga tanong ko ay lalo akong naguluhan. Inalala ko yung araw ng pagbibitay kay papa sa Plaza De Rinos. Noong araw na iyon ay sumugod din ang mga rebelde at naalala kong pati ang royal family ay inaatake nito. Napakunot ang nuo ko, kung pinabitay nga ng hari si papa noon sa ilalim ng utos ni Psyche, bakit naman siya aatakihin ng mga rebelde? Bago pa masagot ang tanong na gumugulo sa utak ko ay narinig namin ang pagdaing ni Haring Hermes bago ito unti-unting dumilat. Agad na tumayo si mama at naglabas ng matulis na yelo sa kamay niya bago ito tinutok sa leeg ni haring Hermes. “Why are you here? Did you follow us?” Napatitig muna si haring Hermes sa mukha ni mama na para bang inaalam kung nananaginip ba siya o hindi. Matapos ang ilang segundo ay ibinuka na rin niya ang bibig niya pero imbes na magsalita ay bigla siyang nagsuka ng dugo. Napakunot ang nuo ko, Is he poisoned? “You…” narinig kong sabi ni mama pero hindi na niya pinagpatuloy ang sinasabi niya at naglakad na lang ulit papalapit kay haring Hermes at binuksan ang kwelyo nito. Nagulat ako sa ginawa ni mama pero mas nagulat ako sa nakita kong markings sa leeg ni haring hermes. Hugis bituin ito pero anim ang kabu uang bilang ng sulok habang sa gitna naman noon ay may isang karaniwang butuin na may limang sulok. (Picture sa baba) Pagkakitang pagkakita ko sa markings na nasa leeg ni haring hermes ay bigla akong napalingon kay Trevas at nakita kong nakatingin din siya sa akin. Kamukang kamuka ng markings sa leeg ni haring hermes ang markings na nakita ko noon sa leeg ni Trevas ilang buwan na ang nakakaraan. Iyon yung araw na pumunta kami sa lawa ng fangbei kung saan sabay kaming sumisid para hanapin yung ice blossom flower na gamot sa pagkakalason niya. (Nang yari yon sa Chapter 9: Trevas) “You.. meron ka ng markings of windem?” tanong ni mama kay haring hermes kaya napabaling sa kaniya ang atensyon namin. “Markings of windem?” Tanong ko sa sarili pero napalakas yata ang pagkakasabi ko. “It’s a markings and a curse at the same time” Natuon ang buong atensyon ko sa sinabi ni mama. “You have the same markings right, trevas?” “Yes, how did you know?” “I’m Anna remember? I was there noong pinakita mo kay Alissa ang markings mo” sagot ni mama at napatango naman si Trevas na parang ngayon lang naalala ang tungkol sa bagay na iyon. “Ang markings na iyan ay simbolo ng ugnayan mo sa isang winter demon kaya hindi na ako nagtaka na meron ka niyan dahil isang winter demon ang nanay mo. Wala ako masyadong alam tungkol sa markings na iyan pero basta ang alam ko, nakokontrol ni Psyche ang buhay ng isang nilalang na mayroong markings of windem, Whether she wants them to live or to die in agony, kaya niyang gawin” “D-does that mean maari niyang makontrol ang buhay ni Trevas?” tanong ko at nakita ko ring napakunot ang nuo ni Trevas dahil sa mga sinabi ni mama. “I doubt it” Umiling si mama. “Nakuha mo ang markings na iyan dahil sa ugnayan niyo ni Freya. Although nakay Psyche na ang kapangyarihan ni Freya, magkaibang tao at magkaibang kaluluwa parin silang dalawa” Napahinga ako ng maluwag nang marinig ko iyon. “Ang hindi ko lang maintindihan, kung bakit meron ka rin ng markings of windem” tanong ni mama kay haring hermes na hanggang ngayon ay nakaluhod parin sa sahig at hinihingal na naka kapit sa may sofa. “Bakit ginamit sayo ni Psyche ang markings of windem? At bakit hinyaan lang ni Luke na gamitin iyon sayo ni Psyche?” tanong ni mama kay king hermes pero hindi parin ito nagsalita. “Answer me you traitor” naiinis na bulong ni mama bago niya iniunat ang kamay niya sa direksyon ni haring hermes at mula doon sa palad niya ay lumabas ang isang liwanag na mabilis na lumipad sa may paanan ni haring hermes. Halos mapatalon sa gulat si haring hermes dahil doon at although hindi siya tinamaan, bakas sa muka niya ang takot at gulat lalo na nang makita niyang nagcrack yung sahig na tinamaan ng ilaw na nagmula sa palad ni mama. “Again, bakit ginamit sayo ni Psyche yung markings of windem? Did you betray her too tulad ng ginawa niyo ni Luke sa amin ng pamilya ko?” “W-we never betrayed you” sabi niya bago direktang tumingin sa mga mata ni mama. Puno ng determinasyon at paninindigan ang mga mata niya na para bang totoo ang sinasabi niya kaya naman napakunot ang nuo ko. He’s a good actor. Napatawa si mama pero kabaliktaran ito ng itsura ng muka niya, hindi siya natutuwa. “You never betrayed us? You think I will believe that?” “No, It’s true Diana. It was all just a misunderstanding. I never intend for Alen to die-” Naputol bigla ang sinasabi ni haring hermes nang magsalita si mama, mas malakas ang tono ng boses niya kumpara sa karaniwan. “Ang lakas ng loob mong sabihin ang pangalan niya matapos mo siyang ipabitay kahit na alam mong hinding hindi niya magagawa ang lahat ng binintang sa kaniya” “No please listen, Hindi namatay si Alen dahil sa pagpapabitay ko sa kaniya, namatay siya sa kamay ng mga rebelde na tauhan ni Psyche” sandaling napatigil si mama bago kunot nuong napatingin sa direksyon ko. “Is it true?”tanong niya sa akin at doon ko lang naalala na hindi panga pala sumasanib sa katawan ko si mama noong namatay si papa. Tumango ako kaya naman binalik niya ang tingin kay haring hermes. “It was suppose to be a show” panimula ni haring hermes. Sandali siyang tumigil sa pagsasalita at tinignan muna ang reaksyon ni mama. Nang makita niyang hindi siya umimik ay tyaka siya nagkaroon ng lakas ng loob na magpatuoy sa pagsasalita. “Gusto naming ipakita kay Psyche na hindi maganda ang relasyon ng mga Knoxx at ng royal family kaya pinutol namin ang engagement sa pagitan nila Alissa at Luke kasabay ng paghahatol ko kay Alen bilang pinuno ng mga rebelde pero alam ni Alen ang tungkol doon” “What?” Biglang natawa si mama. “Sa tingin mo maniniwala ako sa sinasabi mo? Bakit naman hahayaan ni Alen na ipabitay mo siya? At bakit hindi niya sinabi sa akin ang tungkol doon kung totoo ang sinasabi mo?” “Alen was dying” Sambit bigla ni haring hermes kaya naman natahimik bigla kaming lahat at tanging ang pag ihip ng hangin at paghinga nalang namin ang tanging naririnig. Mas ibinaba pa ni Haring hermes yung collar niya bago tumingala na para bang pinaglalantaran yung markings of windem sa leeg niya. “Just like what happened to me, nagkaroon ng markings of windem si Alen nang maka ingkwentro niya isang beses si Psyche. Although hindi pa alam ni Psyche na ikaw si Anna noong panahong iyon, pinagdududahan na niya ang royal family kaya hindi siya nagdalawang isip na atakehin si Alen na alam niyang kakampi ng palasyo” Hindi ako sigurado kung nagsasabi ba ng totoo si haring hermes at walang patunay sa mga sinasabi niya pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na maniwala nang makita ko ang paninindigan sa mga mata niya. If He was really lying, kahit na simpleng pagkailang o pagiwas ng tingin ay mapapansin ko pero wala. Diretso siyang nakatingin sa mga mata ni mama at matiim ang bawat salitang binibitawan niya. “Wala pang nakaka alam kung paano mabubura ang markings of windem at alam ni Alen na anumang oras ay maari siyang mamatay kaya hindi niya sinabi sayo ang plano namin” Bigla kong naalala yung huling pag-uusap namin ni papa sa Plaza De Rinos, Nangangayayat na siya non at parang wala nang sigla ang tindig at tingin niya sa akin na para bang sumuko na siya sa buhay. Hindi ko napigilan ang mga mata ko na maluha habang inaalala iyon. ‘What kind of pain must have you felt?’ Sigurado akong hindi biro ang sakit na dala ng markings of Windem ni Psyche kung pagbabasehan ang kalagayan ni king hermes na kitang kita ang unti unting pangangayayat at ang pagsuka niya ng dugo kanina. Ano kayang sakit ang naranasan ni papa habang dinadanas niya ang lahat ng iyon ng mag-isa? Gaano kasakit kaya ang naramdaman niya habang inaantay ang kamatayan at hindi manlang siya makapag paalam sa mga taong mahal niya? Hindi ko napansin na naka kuyom na pala ang kamao ko hanggang sa bigla itong hawakan ni Trevas. Napataas ang tingin ko sa kaniya at marahan niya akong nginitian bago pinag saklob ang mga kamay namin. “What were your plans at that time really? Bakit pumayag si Alen na ipabitay if he’s already dying just like what you said. At bakit ngayon mo lang sinasabi ang bagay na ‘to? You should have told Alissa earlier noong nalaman niyong nasa Beifang siya” “Nang malaman ni Alen na pinagdududahan na ni Psyche ang royal family, we’ve conclude na bawat pamilya na ka alyansa ng royal family ay maaring niyang idamay tulad ng ginawa niya kay Alen kaya noong naglabasan ang mga kaso laban kay Alen ay inutusan niya akong ipabitay siya at putulin ang engagement nila Alissa at Luke para isipin ni Psyche na magkalaban na ang mga Knoxx. Balak kong sabihin sayo ang totoo pagkatapos ng araw na iyon pero hindi ko alam na kasabay ng pagsugod ng mga tauhan ni Psyche sa Plaza De Rinos para siguraduhing patay na si Alen ay siya ding pag atake nila sa Knoxx manor kaya hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon na sabihin ang totoo” Pagkasabing pagkasabi non ni haring hermes ay bumaling ang tingin niya sa akin. Tinakpan niya ang bibig niya bago napaubo ulit ng dugo at pilit na nagsalita. “I’ve always cared for you Alissa, I’ve watched you grow up from a little girl to the confident woman you are now. Pinadala ko noon si Luke sa Beifang para ipahanap ka pero nang mabalitaan kong maganda ang kalagayan mo sa Beifang ay inutusan ko siyang hayaan ko nalang doon at ‘wag nang guluhin hanggang sa nabalitaan ko ang nangyari kay Vivian firlame at ang pagsulpot ni Psyche sa Beifang” Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko habang sinasabi ni haring hermes ang mga salitang iyon sa akin habang titig na titig sa mga mata ko. I’ve always hated him dahil wala siyang ginawa noon para pigilan ang pagbibitay kay papa pero ngayong nalaman ko ang totoo na si papa mismo ang nakiusap sa kaniya na gawin iyon ay magkahalong pagkakonsensya at pagkabigla ang naramdaman ko. I’ve always wanted to have my revenge against him pero pakiramdam ko ngayon ay ako ang kontrabida. He didn’t do anything wrong yet I judged him and didn’t gave him a chance to explain himself. Masyado akong nadala ng kagustuhan kong paghigantihan siya kaya hindi ko namalayan na naging bulag ako sa katotohanan at pinaniwalaan lang ang gusto kong paniwalaan. Napahawak ako sa dibdib ko nang makaramdam ako ng kirot doon lalo na nang mapatitig ako sa mga mata ni king hermes na nababalot ng tanda ng unti unting pagkaubos ng oras niya dito sa mundo. Although hindi naman kami naging close ni haring hermes habang lumalaki ako dahil lagi siyang nasa palace hall o kaya ay nasa meeting kasama ng mga ministers, never siyang naging masama sa akin at naiinis ako sa sarili ko dahil ngayon ko lang narealize ang tungkol sa mga bagay na ‘to. “I’m sorry…” I whispered pero imbes na sumagot ay ngumiti lang siya bago sumandal sa may sofa at ipinikit ang mga mata. Bakas sa muka niya na handa na siyang magpahinga. Napahigpit ang kapit ko sa kamay ni Trevas bago ako biglang napaupo sa sofa sa likuran ko. Nanghihina ang tuhod ko pero hindi ko parin maalis ang tingin sa muka ni Haring hermes. “I’m sorry…” Bulong ko ulit pero tulad kanina ay hindi na siya sumagot. ‘It’s too late’ Lalong napahigpit ang kapit ko sa kamay ni Trevas at hindi ko na napigilan ang mga luha ko nang umupo siya sa tabi ko at niyakap ako ng mahigpit.
1 Comment
|
AuthorBaubbleGum Archives
December 2020
Categories
All
|