UNEDITED
Iniunat ni Psyche ang dalawang kamay niya sa harapan niya bago ito dahan dahang itinataas na para bang meron siyang mabigat na bagay na binubuhat at kasabay noon ay unti unting lumabas mulasa lupa ang mga itim na nilalang na higit na mas malaki kesa sa mga nauna na niyang pinalabas kanina. Inihanda ko ang sarili ko para sa pakikipaglaban nang magsimulang lumipad yung mga demonyong alagad ni Psyche pero nagtaka ako nang imbes na atakihin ay nilagpasan lang ako ng mga ito at dirediretsong pumunta sa direksyon nila Trevas at Captain Jared. “That should keep them busy for a while…” nabalik ang atensyon ko kay Psyche nang magsalita siya sa seryosong boses. “Ngayon… pwede ko na kayong masolo ng nanay mong ilang taon din akong tinaguan” Hindi ako nagsalita pero dahan dahan kong kinontrol ang mahika sa loob ko at hinayaang kumawala yung naguumapaw na kapangyarihan na nananahan sa pinaka loob looban ng pagka tao ko. Kasabay ng pagkawala ng kapangyarihan na iyon ay nakaramdam ako ng kakaibang sensasyon sa buong katawan ko at pakiramdam ko ay may malamig na tubig na dumadaloy sa bawat ugat na meron ako sa katawan. Nabalot ng puti at asul na liwanag ang buong katawan ko at bahagya akong napapikit dahil sa pagkasilaw dito. Nakaramdam ako ng kaunting pagbabago sa katawan ko pero hindi ko matukoy kung ano iyon kaya naman dahan dahan kong inimulat ang mga mata ko at napatingin sa sarili. Wala na ang sira sirang combat clothes na suot ko kanina at nakasuot na ako ng isang kulay asul na damit na siyang yumayakap sa bawat korte ng dibdib, bewang at balakang ko at sa sobrang haba nito ay sumasayad na sa sahig pero ang ikinagulat ko ay ang laylayan ng damit na para bang tubig na hindi nauubos sa pag agos. Umihip ang malakas na hangin at nilipad ang ilang hibla ng buhok ko at doon ko lang napansin na nag iba ang kulay ng buhok ko. Ang dating kulay itim na may halong pagka violet ay napalitan ng puting puting mga buhok katulad ng kay Psyche. (Picture of Alissa’s transformation below) “What are you?” kunot nuong tanong ni Psyche, pinagmamasdan ako ng maigi. hindi niya alam na hindi ko rin alam ang sagot sa tanong niya. Ito ang unang beses na magagamit ko ang kapangyarihan kong mag transform dahil sa magic seal na inilagay sa akin ni mama kaya hindi ko alam kung ano ako at kung ano ang kaya kong gawin. ‘What am I?’ ‘I don’t know either’ sagot ni mama. ‘Kaming dalawa ni Psyche ang pinaka unang ice user sa mundo at ikaw ang unang ice user na hindi nilikha ni Zeus kaya wala akong ideya. And Also… I think Ikaw ang pinaka unang rare element user na dual user’ Bigla akong napatigil sa sinabi ni mama at napaisip ng malalim. That’s right. ako palang ata ang nilalang na dual user na ang isang kapangyarihan ay rare element. (A.N. remember na may water element pa si Alissa bukod sa ice element niya na isang rare element kaya isa siyang dual user) “well… it doesn’t really matter now since you’re still going to die” nabalot ng makapal na itim na mahika ang paligid ni Psyche at naglabas siya ng isang scythe mula sa kung saan at itinusok sa sahig ang matulis na parte nito bago matiim na tumingin sa akin. Dahan dahan siyang naglakad papalapit sa direksyon habang kinakaladkad sa sahig yung malaking scythe na hawak hawak niya kaya naman naghanda ako sa pagatake niya. Umihip ang malakas na hangin sa paligid namin at sabay na hinangin ang mga buhok naming ksing puti ng nagliliwanag na buwan sa kalangitan pero sa sa’t isa nakatuon ang atensyon naming dalawa. Humakbang ako papalapit kay Psyche habang iniipon ang kapangyarihan ko sa mga palad ko. Surprisingly, hindi ako nahirapang maglakad sa suot suot kong mahabang asul na damit dahil bawat hakbang ko ay umaalon yung gawa sa tubig na laylayan ng damit na suot ko kaya nakakagalaw ako ng maayos. Mas bumilis ang paghakbang ko papalapit kay Psyche at napansin kong ganon din siya hanggang sa ilang hakbang nalang ang layo namin sa isa’t isa. Agad na winasiwas ni Psyche yung scythe na hawak niya sa direksyon ko pero agad din akong nakaiwas. Mabilis ang mga kilos namin at nagpapalitan kami ng pagatake. Siya, gamit ang hawak hawak niyang Psyche at minsa, gamit ang itim na mahika niya habang ako, gamit ang pinaghalong water at ice element. Ilang beses kong natamaan si Psyche gamit ang mga suntok at kapangyarihan ko pero ilang beses niya rin akong natamaan kahit na minsan ay binabalaan ako ni mama sa mga paparating na pag atake niya. Mula sa mga nakaunat kong kamay ay lumabas ang malakas na agos ng tubig na siyang dumaloy papunta sa direksyon ni Psyche. Tumayo ng tuwid si Psyche bago hinarang sa harapan niya ang isang magic circle para sana sanggain yung malakas na agos ng tubig na maaring tumangay sa kaniya pero laking gulat niya nang unti unting magyelo yung tubig na iyon kasama ang armas at mga paa niya. Hindi makagalaw si Psyche sa pwesto niya. Na stuck sa yelo yung scythe niya kaya hindi niya ito makuha at hindi din siya maka alis dahil kasamang nayelo yung mga paa niya kaya naman sinamantala ko na ang pagkakataong iyon at nagteleport sa may tabi ni Psyche at aatakihin na sana siya nang biglang may sumulpot na itim na nilalang sa harapan ko at sinubukang higupin yung kaluluwa ko. ‘Argh’ Nakaramdam ako ng malamig na sensasyon sa katawan ko at pakiramdam ko ay parang unti unting lumalabas yung kaluluwa ko mula sa katawan ko papunta sa itim na nilalang. Agad kong itinutok sa muka nung itim na nilalang ang kamay ko at inatake siya gamit ang ice element ko. Lumabas ang isang puting liwanag sa kamay ko at lumipad direkta sa kaniya at kasabay noon ay bigla siyang naglaho. Napaluhod ako sa sahig nang biglang manghina ang tuhod ko pero pinilit ko ang sarili ko na tumayo nang makitang naka alis na si Psyche sa pagkakayelo pero wala na sa mga kamay niya yung scythe. ‘Are you ok?’ tanong ko kay mama dahil naalala kong narinig ko siyang napadaing sa sakit nang simulang higupin ng demonyong tauhan ni Psyche ang kaluluwa ko. ‘yeah… I’m fine…’ mahina niyang sagot. Tatanungin ko pa sana siya kung ok lang ba talaga siya pero naagaw ang atensyon ko nang makarinig ako ng ingay sa direksyon nila Trevas na kanina pa kinakalaban yung mga alagad ni Psyche na patuloy parin sa pagsulpot mula sa ilalim ng lupa na para bang hindi sila nauubos. Walang tigil na nakikipaglaban sila Trevas at Captain Jared habang sinusubukang protektahan si freya na nasa pagitan nila pero masyadong marami yung mga alagad ni Psyche kaya kapansin pansing hinihingal na sila at nanghihina dahil sa dami ng kapangyarihang ginagamit. “Just gave up. kahit magtulong tulong pa kayo, hindi niyo matatalo ang mga tauhan ko” sabi ni Psyche bago dahan dahang naglalakad papalapit sa akin, patuloy parin sa paglabas ang mga itim na nilalang mula sa lupa. “bahagi sila ng kapangyarihan ng mga demonyong nananahan sa ilalim ng lupa. although hindi sila ang mismong demonyo at parte lang sila ng kapangyarihan nito dahil sa seal na nagbabawal sa kanila na bumalik sa lupa, higit na mas malakas sila kumpara sa isang normal na tao” Napakunot ang nuo ko sa sinabi niya. Parte lang sila ng kapangyarihan ng mga demonyo? Kung ganon, gaano nalang sila kalakas once na natanggal na ang seal na pumipigil silang kumawala mula sa ilalim ng lupa? “I can feel your fear” natatawang sabi ni Psyche kaya nabalik ang atensyon ko sa kaniya. “Nararamdaman ko ang panginginig ng kalamnan mo at ang pagbilis ng tibok ng puso mo dahil sa takot…” Kinuyom ko ang mga kamao ko. Is there really no way to beat Psyche? Wala na ba talagang makakatalo sa kaniya? ‘There’s one spell you can use to beat her’ ‘spell? Hindi ba’t sinabi ni Psyche na gumawa na siya ng paraan para hindi siya maapektohan ng spell pangontra sa isang dark user?’ ‘yes… pero merong isang spell na hindi alam ni Psyche… ang spell na tinuro sa akin ni Laramie pagkatapos mamatay ni Zeus’ ‘then tell me how to cast it’ ‘but… using that spell will cost your life’ Napatigil ako nang marinig ko ang sinabi ni mama at prinoseso sa utak ko ang sinabi niya. Nilingon ko sila Trevas na halatang nahihirapan na sa pakikipaglaban sa daan daang tauhan ni Psyche bago ako napatingin sa paligid. Maraming bangkay na ang nakahandusay sa paligid pero patuloy parin sa pakikipaglaban ang mga natitira. Tauhan ni trevas laban sa mga rebelde ng Bauxacel at laban sa mga demonyong tauhan ni Psyche. Tao laban sa tao at tao laban sa demonyo. This has to end… ‘I’ll do it’ Iibinalik ko ang tingin ko kay Psyche. ‘But-’ ‘Kailangan kong gawin to ma, matatapos lang ang lahat ng ito kung mawawala na si Psyche. Magkakaroon lang ng silbi ang kamatayan ng mga inosenteng tao na nadamay kung mawawala na si Psyche at magkakaroon lang ng kabuluhan ang pagkamatay ni Lina once na matalo ko si Psyche.’ Hindi agad umimik si mama at naramdaman ko nalang ang impormasyon na biglang pumasok sa utak ko. ‘Ngayon alam ko na kung bakit tinuro sa akin ni Laramie ang spell na iyon… alam niyang kakailanganin natin iyon balang araw’ “Bakit hindi ka nagsasalita?” tanong ni Psyche bago ako pinanliitan ng mga mata. Nang hindi parin ako nagsalita ay nagteleport siya sa harapan ko at mahigpit akong hinawakan sa leeg. “What? You’re too scared? Na realize mo na ba na wala kanang magagawa?”natatawang tanong ni Psyche bago mas hinigpitan pa ang kapit sa leeg ko pero nginitian ko lang siya. “Just right in place” pagkasabing pagkasabi ko noon ay biglang sumulpot ang magic circle sa kinatatayuan namin. Kumunot ang nuo ni Psyche at natuon ang atensyon sa magic circle kaya sinamantala ko ang pagkakataong iyon para kumawala sa kaniya at magteleport palayo sa kaniya, palabas sa magic circle na nasa sahig. Sinubukang hukbang ni Psyche pero hindi siya makagalaw, sinubukan niyang magteleport paalis sa magic circle na halatang pumipigil sa kaniya para gumalaw pero imbes na mateleport ay lalo lang siyang hindi makagalaw. “What the f*ck did you do?” nanggagalaiting tanong ni Psyche habang pilit paring kumakawala. “I’m sacrificing my life for you… b*tch” mura ko sa kaniya bago ko iniunat ang dalawa kong kamay sa direksyon niya at mula doon ay may lumabas na liwanag na siyang lumipad papunta kay Psyche. Napasigaw si Psyche dahil sa malakuryenteng sensasyon na naramdaman niya pero mas lalo pang lumakas ang sigaw niya nang mula sa langit ay may bumabang puti na may halong asul na liwanag at tumama kay Psyche. Hindi na halos maaninag si PSyche dahil sa nakakasilaw na liwanag na nakapalibot sa kaniya. Unti unti kong ibinaba ang mga kamay kong huminga ng malalim. This is it. Gamit ang spell na ito ay habang buhay na makukulong si Psyche sa loob ng isang kakaibang yelo. Yelo na hindi mababasag ng kahit anumang bagay sa mundo at yelong hindi matutunaw kahit ng pinakamainit na apoy sa impyerno. Ito ang pinaka matinding spell na magagamit ng isang ice user pero hindi ito tinuro ni Zeus kila anna at Psyche dahil sa takot na baka gamitin nila ito na siyang tatapos sa buhay nila. Para malikha ang mahiwagang yelo na babalot kay Psyche ay kailangan ng isang kaluluwa na isasakripisyo. Kaluluwa ng isang rare element user. Tanging ako, si Trevas nalang ang natitirang rare element user at hindi naman ako papayag na si Trevas ang magsakripisyo at sigurado akong hindi ko kakayaning mabuhay kung pati siya ay mawawala at baka sumunod din ako sa kaniya sa kabilang buhay. Alam ko na malulungkot siya at magagalit once na nalaman niya ang ginawa ko, pero alam ko rin na hindi siya katulad ko na susunod sa hukay. Alam kona mabubuhay siya para sa akin at baka balang araw, makalimutan niya din ako. Isang rare element user din si mama pero kalahati nalang ng kaluluwa niya ang nabubuhay kaya hindi siya pwedeng magsakripisyo habang si Luke naman na isa ding rare element user ay hindi ko alam kung buhay pa at imposible namang pumayag siya na mamatay para sa mundo. Iyon ang akala ko. Tumayo ako ng tuwid at naglakad papunta sa beam of light na kinaroroonan ni Psyche. Para makumpleto ang speel ay kailangan ng sakripisyo. At ako ang sakripisyong iyon pero nnapatigil ako sa paglalakad nang biglang may humarang sa nilalakaran ko. “Luke…” tawag ko sa kaniya pero hindi siya umimik at seryoso lang akong tinignan. Hinahangin ang mahaba niyang buhok at ang puti niyang combat clothes na parang nagliliwanag sa gitna ng madilim na gabi. “You look… beautiful” bati niya bago siya dahan dahang ngumiti sa akin. Napatigil ako at nagulat sa ginawa niya. Ito ang unang beses sa loob ng maraming taon na ngumiti siya ng hindi pilit. “Get out of the way” matiim kong sabi sa kaniya dahil kung hindi pa ako magmamadali ay maaring makaalis si Psyche sa beam of light at kakailanganin ko na namang icast ang spell. Hindi agad siya umimik pero may inihagis siya sa akin na maliit na bagay na hindi ko alam kung ano ang gamit. Para itong tubo na gawa sa itim na kahoy na may nakasulat na kung ano anong letra na hindi ko mabasa. “The dark frozen light” napatingala ako kay Luke nang marinig ko ang sinabi niya. “Iyon ang tawag sa spell na ito, tama?” pagpapatuloy niya bago tumingala sa liwanag na pinagkukulungan ni Psyche. “How did you…” Hindi siya umimik at tinignan lang ako. Sa unang pagkakataon sa loob ng maraming taon, nakakita ako ng emosyon sa mga mata niya pero hindi tulad ng inaasahan ko. Puno ng regret ang mga mata niya. “I wish I was not me... then maybe things will be different” bulong niya kaya naman lalo akong naguluhan. “What do you mean?” Hindi na siya sumagot at nginitian lang ako bago nagsimulang maglakad patalikod. “I’m sorry… I love you” sabi niya bago siya tuluyang umatras papunta sa liwanag. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko at hindi makapaniwala sa nangyari. Naramdaman ko ang panginginig ng mga kamay ko bago nang hina ang mga tuhod ko at tuluyan nang bumigay. Unti unting bumalik sa dati ang kulay ng buhok ko at ganun din ang damit ko pero kasabay noon ay unti unti ding nawala yung liwanag sa harapan ko at ang naiwan nalang ay si Psyche na nakakulong sa isang mahiwagang yelo. “Luke… what… why?”
1 Comment
Audreykorina
9/21/2020 10:30:06 am
Reply
Leave a Reply. |
AuthorBaubbleGum Archives
December 2020
Categories
All
|