Unedited
Author’s note: gusto ko lang po linawin, hindi ko kasi masyadong na explain sa point of view ni Lina. Masisira lang po yung Infragilis Vow of time kapag sinabi mo sa iba ang nakatakdang mangyari tulad ng ginawa ni Lina nang sinabi niya kay captain Jared na susugod si Psyche sa kampo. Bale hindi masisira yung Infargilis vow of time kapag may ginawa siyang isang bagay na salungat sa nakatakdang mangyari. *** I want to live… But my death is already bound to happen. I wish I wasn’t me… then maybe things will be different.. Halos gabi gabi sa loob ng maraming taon, nakikita ko ang sarili ko na humahakbang papuntang liwanag bago ako makakaramdam ng kung anong sensasyon sa katawan ko na para bang unti unti akong naglalaho. Na para bang nililipad ako ng hangin tulad ng isang abo. Gabi gabi sa bawat pagtulog ko ay binabangungot ako at nakikita ko ang sarili ko na paulit ulit na namamatay at umabot sa punto na kinatakutan ko na mismo ang pagtulog. I was only 10 years old. I wish I wasn’t me… I wish I wasn’t Luke Bauxacel, the son of Laramie and Zeus. That way I don’t have to suffer like this. “You’re already giving up?” Itinaas ko ang tingin ko at nagtama ang paningin namin ng isang diyosa na may kulay abong (Gray) mga buhok at mga mata. She’s Laramie, the goddess of tears. My mother. Naglakad siya papalapit sa akin bago lumuhod sa harapan ko. “Kamatayan mo palang ang nakikita mo hindi mo na agad kaya? Sooner or later, makikita mo na din ang nakatakdang kamatayan ng mga tao sa paligid mo. Kamatayan ng mga taong mahal mo at ang mga nakatakdang insidente at sakuna na kikitil sa buhay ng maraming tao” Hindi ako umimik at tahimik lang na pinakinggan ang mga salita niyang hindi angkop sa sampung taong gulang na bata pero hindi tulad ng mga karaniwang bata na nasa edad ko, hindi ako umiyak. Walong taong gulang ako nang magsimula akong managinip ng mga bagay na nakatakdang mangyari. Namana ko ang kakayahan kong ito sa nanay kong isang diyosa pero wala pa sa kalahati ang kakayahan ko kumpara sa kaniya. Hindi pa nararating ni mama ang sukdulan ng kapangyarihan niya kaya imbes na kulay puti, kulay abo ang mga buhok at mga mata niya pero sigurado ako na darating ang araw na magiging purong puti din ang mga ito. Hinawakan niya ako sa magkabilang mga braso kaya naman nabalik ang atensyon kosa kaniya at napatitig ako sa mga mata niyang sobrang lalim ng mga tingin na para bang nakikita at nababasa niya ang mga sikreto ko. “Alam ko na para sayo sumpa ang kakayahang ito dahil ganyan din ang naiisip ko noon, sinubukan kong isara ang mga mata ko para hindi ko na makita ang mga pangitaing ito. Sinubukan kong gumawa ng mga spell na magkakatanggal ng kakayahan kong ito dahil hindi ko na kayang makita ang kamatayan ng mga tao, kilala ko man ito o hindi. Hanggang sa namatay ang tatay mo” Napatigil ako nang marinig ko ang sinabi niya. Ito ang unang beses na nagsalita siya tungkol sa totoo kong ama. “dahil sa pagpupumilit ko na tanggalin na ang kakayahan kong makita ang hinaharap, hindi ko nakita ang papalapit na kamatayan ng kaisa isang nilalang na pinahahalagahan ko… hindi isang sumpa ang kakayahan natin Luke… It’s a gift” Noong una ay hindi ko maintindihan ang ibig sabihin ng mga salitang iyon. Paano naging isang ‘gift’ ang kakayahan kong ito kung darating ang araw na mapapanaginipan ko na din ang kamatayan ng mga tao sa paligid ko. Naintindihan ko lang ang halaga ng kakayahan kong ito pagtungtong ko ng labing isang taong gulang. Sa unang pagkakataon, napanaginipan ko ang kamatayan ng ibang tao. “Alissa!” Naglalakad na siya palabas ng palasyo kasama ang tatay niyang si General Alen pero sabay silang napatigil dahil sa pagtawag ko. Mukang galing sila sa palace hall at may pinagusapan kasama si king hermes. “Luke!” lumawak ang ngiti ni Alissa nang napalingon siya sa direksyon ko at nagtama ang paningin namin bago siya tumakbo papunta sa akin hila hila si General alen na napailing iling nalang. “Uuwi na kayo?” mahinahon kong tanong kahit na nanginginig na ang mga kamay ko at sobrang bilis parin ng kabog ng dibdib ko dahil sa napanaginipan ko kanina bago ako nagising. Tumango si Alissa bago napatawa at tinuro ako. “Kakagising mo lang? May tuyong laway ka pa” Nakaramdam ako ng hiya dahil sa sinabi niya pero hindi ko iyon pinahalata at pinunasan yung muka ko gamit ang suot kong puting robes na ginagamit ko pangtulog. “Anong kailangan niyo, your highness?” tanong sakin ni General Alen. Ilang beses ko nang sinabi sa kaniya na Luke nalang ang itawag niya sa akin pero nagpumilit siya at sinabing hindi iyon maari kaya wala akong nagawa. “Uhh…” hindi ako agad nakasagot. Wala naman talaga akong kailangan pero kailangan ko silang pigilang umuwi. Eksaktong pagdating nila sa may Plaza De Rinos na madadaanan nila sa paguwi papuntang Knoxx manor, may mga rebeldeng aatake sa karwaheng sinasakyan nila na siyang kikitil ng buhay nila pareho. Tandang tanda ko pa kung paanong nakipaglaban si general Alen sa mga rebelde hanggang kamatayan habang si Alissa nasa loob ng karwahe, pinapanood ang buong pangyayari. Apat na guwardiya lang ang kasama nila sa pag uwi at kahit na mga level 6 users ang mga ito, walang wala sila sa maraming bilang ng mga rebelde na umatake sa kanila. “Your highness?” nabalik ang atensyon ko sa kasalukuyan at nakitang kanina pa ako hinihintay nila Alissa at General Alen na magsalita. “Oh, right… kailangan ko ng kasama… kasama sa… pagbili ng bagong…” “underwear?” “yes- I mean no!” agad kong sagot na siya namang ikinatawa ni Alissa. “Alissa, that’s not the way you should act in front of the crown prince” suway sa kaniya ni General Alen kaya naman agad na nawala ang ngiti ni Alissa at yumuko. “Uh, I’m sorr-” “I mean yes” hindi ko alam kung bakit ko sinabi iyon basta lumabas nalang sa bibig ko. “Yes.. kailangan ko ng bagong…uh… underwear” Napaiwas ako ng tingin pero alam kong nakangiti na ulit si Alissa at pinipigilan ang sarili na tumawa. With that, sinama ko sa pagpunta sa shopping district sila Alissa at General Alen. Magkaibang daan ang kinaroroonan ng Shopping district at Plaza De Rinos kaya pagkatapos naming mamili sa shopping district ay ligtas na nakauwi sina Alissa at General Alen. “This better be important” bungad na sabi sa akin ni mama pagkapasok na pagkapasok niya sa kwarto ko dito sa palasyo.“Sinabi ko na sa iyo na hindi na ako makakapunta dito ng mas madalas tulad ng dati-” “Who’s Psyche?” napatigil siya sa pagsasalita dahil sa tanong ko. “You… you met her?” “No… I saw her in one of my dreams” Naalala ko sa panaginip ko na Psyche ang pangalan ng taong nagplano ng pagtangka sa buhay nila Alissa. Tumango si mama bago naglakad papunta sa may bintana. Tumama ang liwanag ng buwan sa buhok niyang unti unti nang nagiging puti. “Psyche is the one who killed your father…” “Bakit niya pinagtatangkaan ang buhay nila Alissa?” “Alissa? Alissa Knoxx?” “Yes” “... malamang ay kinukutuban na si Psyche kung si Diana si Anna kaya tinatarget niya ang mga Knoxx” “Target niya ang mga Knoxx?” “I’m not yet sure… basta ang alam ko, maari karin niyang targetin kung malaman niyang may kakayahan kang masulyapan ang mga nakatakdang mangyari tulad ko kaya mas makakabuting huwag ka munang mangealam” Iyon ang sabi niya sa akin pero salungat sa pinaguutos niya, ilang ulit akong nange alam. Ilang ulit kong pinigilan ang pagtatangka ni Psyche sa pamilyang Knoxx at dumating na sa punto na nakakahalata na si Psyche at pinagdududahan narin ang royal family. Sa loob ng maraming taon. Kinalaban ko ang tadhana. Pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay pabor sa akin ang mundo. Naka ingkwentro ni General alen si Psyche at nalagyan siya nito ng markings of windem. This time, I was too late. Wala na akong magagawa. “Target ni Psyche ang Knoxx family?” gulat na tanong ni General Alen nang sabihin ko sa kaniya ang totoo. “Yes, Ilang beses narin siyang nagpapadala ng gma tauhan para pagtangkaan kayo pero lagi silang pumapalpak.” sagot ni king Hermes. “Malamang alam na niya ang tungkol kay Diana” “No” sabay na napatingin sa akin sila general Alen at haring hermes. “Sa tingin ko, naghihinala lang si Psyche na si Madame Diana ang Goddess of flowers na si Anna dahil kung sigurado na talaga siya, hindi lang ikaw ang uunahin niyang patayin. Magpapadala siya ng mga tauahn sa knoxx manor mismo para patayin ang buong angkan ng Knoxx dahil ayaw niyang magkaroon ng iba pang ice user bukod kay Anna na siyang tanging makakatalo sa kaniya.” “Then… what should we do your highness? Anumang oras, pwede akong mamatay dahil sa markings of windem at kapag nangyari iyon, wala nang poprotekta sa knoxx family at wala nang dahilan si Psyche para mag alinlangan na sugurin ang knoxx manor” “I suggest na ipalabas natin kay Psyche na ang royal family ang nagtatago kay Anna para imbes na ang knoxx family, ang royal family ang targetin niya” sagot ko. “That is too much your highness, I wouldn’t dare ask you to do such thing-” “You didn’t ask me to do this, general. This is my suggestion not yours” matiim kong sabi sa kaniya bago humarap kay king hermes. “what do you say? Father?” Hindi agad nagsalita si king hermes at nagisip ng malalim habang hinihimas ang humahaba na niyang balbas. “mapanganib ang plano mo dahil tayo naman ang malalagay sa alanganin pero kung mapipigilan noon ang pagkamatay ni Anna at Alissa na siyang tanging makakatalo kay Psyche, then it’s gonna be worth it.” “kung ganon, magpapakalat ako ng usap usapan na may ice user na nanatili dito sa palasyo at kapag nabalitaan iyon ni Psyche, malaki ang posibilidad na ituon muna niya ang atensyo sa royal family imbes na sa knoxx.” sabi ko at agad naman siyang tumango. “But your majesty, your highness, kahit na mabalitaan pa ni Psyche na may ice user na nakatira dito sa palasyo, hindi tayo makakasigurado na hindi na hahayaan na niya ang knoxx-” naputol ang sinasabi ni General alen nang bigla siyang mapaluhod at umubo ng dugo habang hawak hawak ang braso niya na siyang kinalalagyan ng markings of windem. Umilaw ang markings na iyon at hakatang halata sa sitwasyon ni General Alen na hindi biro ang sakit na nararamdaman niya. Napabuntong hininga ako bago iniwas ang tingin. Ilang beses na akong nakakita ng dugo at maraming beses nang nabahiran ng dugo ang mga kamay ko pero sa hindi mapaliwanag na dahilan ay hindi ko masikmura na panuorin si general alen. “Puputulin namin ang ugnayan sa pagitan ng royal family at mga knoxx” sabi ko kaaya naman nabalik ulit ang tingin nila sa akin. Dahan dahang umayos ng tayo si general alen at pinunasan ang bibig. “What do you mean, your highness?” “Once na marinig ni Psyche na may ice user na tinatago ang royal family at natuon na sa amin ang atensyon niya, malaki ang posibilidad na idamay niya din ang mga ka alyansa ng royal family kaya mas maganda kung pansamantala nating puputulin ang ugnayan ng lnpxx at royal family para makasigurado” “Then your highness… gusto mong putulin ang enggagement niyo ni Alissa?” mahinahong tanong pabalik ni General Alen. Hindi agad ako nakapagsalita pero dahandahan din akong tumango. Sumulpot sa isipan ko ang mga imahe na nilikha lamang ng isip ko. Mga imahe ng mga pangyayaring hindi na pwedeng maganap dahil dito na nagtatapos ang ugnayan namin ni Alissa. Mga pangyayaring hanggang panaginip nalang. “pero… hindi iyon magiging sapat na dahilan para makumbinsi si Psyche na tigilan ang pamilya ko…” “That’s true” singit ni King hermes. “maaring maniwala nga si Psyche na nandito sa palasyo si Anna na matagal na niyang hinahanap at wala na tayong ugnayan sa Knoxx pero maari rin na ipagpatuloy niya parin ang pagubos sa mga knoxx para makasigurado” “hindi mangyayari iyon kung aakalain ni Psyche na patay na ang knoxx family” sabi ko kaya natuon ulit ang tingin nila sa akin. Sinalubong ko ang mga tingin ni general Alen at ilang segundo din kaming nagtitigan. Walang umimik sa aming dalawa pero kita ko sa mga mata niya na alam na niya kung ano ang plano ko. “your highness… gusto niyong ipalabas na nagtaksil ang knoxx family sa kaharian?” pagbuntong hininga ni general Alen. “Hindi ko gustong umabot sa ganito ang lahat… ilang taong pinangalagaan ng mga knoxx ang magandang reputasyon na pagiging tapat sa kaharian pero mas mahalaga ba ang reputasyon kesa sa buhay nila Alissa?” Napabuntong hininga ulit si General Alen bago napahawak sa braso niya kung saan umiilaw parin yung markings of windem. “then… do as you wish your highness” Matapos ng ilang oras na paguusap namin nila haring hermes at general Alen, napagdisisyunan namin na ipalabas sa lahat na nagtaksil si General Alen at bibitayin siya makalipas ng limang araw. Nagpakalat kami ng mga usap usapan na finiframe up lang ng royal family ang mga knoxx dahil natatakot ang hari sa palaki nang palaking kapangyarihan ni General Alen bago namin pinakalat ang usap usapan na may namataang ice user sa palasyo. Para naman sa kaligtasan nila Madame Diana at Alissa, ipapalabas namin sa araw ng pagbitay kay General Alen na nagpadala ng mga tauhan ang hari sa knoxx manor para patayin ang lahat ng makikita at bawiin ang lahat ng ari arian pero ang totoo, itatakas namin sila papunta sa ibang kaharian, malayo sa panganib na dala ni Psyche. Tinigasan ko na ang puso ko at pinilit na huwag magpakita ng emosyon sa muka ko pero halos bumigay na ako nang mabalitaan ko na dalawang araw na lumuhod sa harap ng palasyo si Alissa. Dali dali akong nagteleport papunta sa harapan ng palasyo pero anantili lang akong nakatayo doon dahil bukod sa hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, hindi parin pumapasok sa utak ko ang nakikita ko. “L-luke” tawag niya sa akin sa garalgal niyang boses na siyang nagpapatunay na ilang araw na siyang nandito. Nakaluhod siya sa sa sahig at basang basa na dahil sa malakas na ulan. “...Stop it already… wala ka nang magagawa” “Please, save my father” I’m sorry, I can’t. Hindi ko alam kung anong isasagot ko kaya ilang segundo din akong natulala tinititigan ang mga mata niyang namumula. Namumutla na ang muka niya at nag iiba na ang kulay ng mga labi niya. “Umalis kana” huwag mo nang pahirapan ang sarili mo. “Please?” pagmamakaawa niya kaya naman napaiwas ako ng tingin. “As your fiance-” “You’re not my fiance anymore Alissa” Napatigil siya sa pwesto niya at tinitigan lang ako. Malakas ang ulan at basang basa na siya pero alam ko na may mga luhang pumapatak mula sa mga mata niya. Napakuyom ang mga kamao ko pero pinilit kong huwag iyon ipakita sa muka ko. “Is this the end of us?” tanong niya, nanginginig na ang boses. “There’s no ‘us’ Alissa” There’s just you… and someone else. Biglang pumasok sa isipan ko ang mga pangyayari na nakatakdang mangyari sa hinaharap. Mga imahe ni alissa kasama ang isang lalaki. puno ng ngiti ang mga labi nilang dalawa at bagay na bagay silang dalawa. Hindi ako sigurado kung saan at kailan magaganap ang mga imaheng iyon basta ang alam ko, hindi ako ang lalaking iyon. “Go back, sinasayang mo lang ang lakas mo kakaluhod diyan” seryosong sabi ko sa kaniya pero hindi siya umimik at tinitigan lang ako. Hindi siya gumalaw sa pwesto niya at nanatiling nakaluhod na para bang wala siyang balak na sumuko. Napabuntong hininga ako bago nagteleport pabalik sa loob ng palasyo. Kumuha ako ng panangga sa ulan at damit pamalit para sana ibigay kay Alissa pero pagbalik ko ay wala na akong nadatnan. Napalingon lingon ako sa paligid at natanaw ko mula sa malayo si Lina, buhat buhat ang walang malay na si Alissa. Napabuntong hininga nalang ako habang pinapanood ko sila na palayo nang palayo. Napasuklay ako sa buhok ko bago napatingala at hinayaang pumatak sa akin ang malamig na tubig ulan. *** Gabi na at madilim na ang paligid pero mas lalo pa itong pinadilim ng malakas na ulan. Ang tanging nagbibigay liwanag lang ay ang mga kidlat na halos sunod sunod kung tumama sa lupa. Tumama ang isang kidlat sa may Knoxx manor na siyang sinundan ng malakas na kulog pero walang nakapansin sa bigla kong pagsulpot sa isa sa mga balkonahe sa malaking mansyon. Nandito ako ngayon sa balkonahe ng kwarto ni Alissa. Nakapatay ang ilaw sa loob pero madali lang akong nakapasok dahil walang lock ang pintuan papasok. Nagtutulo pa ang damit at buhok ko dahil nabasa ako ng ulan pero hinayaan ko lang iyon at naglakad sa may kama kung saan nandoon si Alissa. Payapa siyang nakahiga doon at malalim ang bawat paghinga. Lumapit ako sa may tabi niya bago dahan dahang inabot ang mga kamay niya pero agad din akong bumitaw nang sumulpot na naman sa isipan ko ang mga imaheng hindi ko na gustong makita pa. ‘Nakasuot siya ng puting bistida at dahan dahang naglalakad sa isang pulang karpet na nababalot ng mga talutot ng bulaklak.’ Napabuntong hininga ako at pilit na pinakalma ang sarili kahit na patuloy sa pagsulpot sa isipan ko ang mga imaheng nagdudulot lang ng kirot sa dibdib ko. Ibinaling ko ang tingin ko kay Alissa na payapang natutulog sa harapan ko. “I’m sorry” bulong ko kahit na alam kong hindi niya ako maririnig. Inabot ko ang pisngi niya bago idinampi ang aking mga labi sa nuo niya pero kasabay nuon ay sumulpot sa isipan ko ang panibagong imahe na siyang nagpadurog ng puso ko. Nakatayo si Alissa sa harapan ng isang lalaki. Pareho silang nakaputi at nakangiti sa isa’t isa. Pareho silang mukang masaya at pareho silang nagsabi ng mga katagang “I do” pero ang masakit ay hindi ako ang lalaking iyon. Dahan dahan akong lumayo mula kay Alissa bago dali daling naglakad palabas ng balkonahe at naglaho kasama ng isang kidlat.
2 Comments
audrey
9/27/2020 06:48:02 pm
Next
Reply
Leave a Reply. |
AuthorBaubbleGum Archives
December 2020
Categories
All
|