Unedited
“Bibitayin si General Alen?” natatawang tanong ni Psyche sa isa sa mga tauhan niya nang marinig niya ang balita. Nakaupo siya sa isang malaking upuan na gawa sa ugat. “Yes Master… inakusahan si General Alen sa patong patong na kaso at sa pagiging pinuno ng mga rebelde” Hindi na napigilan ni Psyche ang tawa niya nang marinig niya ang balita. “Si General Alen ang pinuno ng mga rebelde? Bakit hindi ko alam ang tungkol doon” “Ikaw lang ang pinuno namin master, may sabi sabi na ini-frame up lang ng hari si general Alen dahil natatakot siya na maagaw nito ang trono” “That can’t be… as far as I know, ang royal family ang dahilan kung bakit laging pumapalpak ang pagtatangka natin sa mga Knoxx” panimula ni Psyche. “Bali balita din master ang usap usapan na magpapadala ng mga tauhan ang hari sa Knoxx manor para sairin ang buong angkan ng Knoxx family at kunin ang lahat ng ari arian nila” “Oh?” tanong ni Psyche, bakas sa muka niya ang pagkatuwa. “Then master, gusto niyo bang I cancel na namin ang planong pagsugod sa Knoxx manor sa sunod na linggo?” Hindi agad nagsalita si Psyche. Ibinaling niya ang tingin sa mga kamay niya at sinubukang maglabas ng kapangyarihan sa mga kamay niya pero walang lumabas. Napabuntong hininga siya bago sumandal sa kinauupuan niya. Hindi parin bumabalik ang kapangyarihan niyang nawala habang nakikipaglaban kay Zeus kahit na ilang taon na ang nakakalipas. “Kung pwede lang, gusto kong ako mismo ang sasaid sa Knoxx family” pagbubuntong hininga ni Psyche. Si Psyche yung tipo na gusto malinis ang trabaho. kung papatay siya, gusto niyang siguradong siguradong wala na talaga itong buhay dahil kung hindi, maari itong maging sakit sa ulo pagdating ng araw. “Go with the plan” “M-master?” “Ituloy niyo ang planong pagsugod sa Knoxx manor… pero siguraduhin niyong mas maaga kayo sa mga tauhan ng palasyo at isabay niyo narin ang pagsugod sa Plaza De Rinos para patayin si General Alen… gusto kong mga tauhan ko mismo ang gagawa ng trabaho ko.” *** Present time Napatulala ako sa malaking yelo sa harapan ko na siyang pinagkakakulungan ni Psyche, pinoproseso sa utak ko kung ano ang nangyari. Ibinaling ko ang tingin ko sa isang itim na bagay na nasa kamay ko ngayon. Hindi ko alam kung ano ito pero iniabot ito sa akin kanina ni Luke bago siya pumunta doon sa liwanag at ibinigay ang buhay niya kapalit ng sa akin. “It’s over now” napataas ang tingin ko nang biglang may magsalita sa may tabi ko. Nakita ko si mama na ngayon ay nakayuko sa akin. Inabot niya yung hawak hawak kong itim na bagay at kinuha mula sa akin bago niya ito itinaas at tinutok sa kalangitan. Kasabay ng pagtutok niya nito sa kalangitan ay lumabas ang puting liwanag mula dito at lumipad sa langit. At doon ko narealize na isang flare signal yung ibinigay sa akin ni Luke. Pero hindi lang ito basta flare signal. Ginagamit ang flare na ito bilang pagtatapos sa labanan. Kung ang pulang flare ay simbolo ng pagdating ng mga kaaway at pagsisimula ng labanan. Ang puting flare naman ay simbolo na natalo na ang pinaka pinuno ng kabilang panig at tapos na ang labanan. Napatitig ako sa puting flare na nagliliwanag sa kalangitan at kasabay ng pagliwanag nito ay ang unti unting pagsikat ng araw. Napalingon ang lahat sa flare signal at sabay sabay na tumigil sa pakikipaglaban. Ang iba ay natuwa at nagdiwang dahil tapos na ang gera ngunit ang iba ay ilang minutong yumuko at nanahimik dahil sa pagkatalo ng kanilang pinuno na si Psyche at Luke. “Alissa!” napalingon ako anng marinig ko ang pagtawag sa akin ni Treveas at nakahinga ako ng maluwag nang makitang ayos lang siya. Napangiti ako nang patakbo siyang lumapit sa akin at napaiyak sa tuwa nang yakapin niya ako ng mahigpit. Isinubsob ko ang muka ko sa dibdib niya at mas hinigpitan pa ang kapit sa kaniya nang haplusin niya ang buhok ko. “Are you ok?” bulong niya. Tumango lang ako, nakasubsob parin ang muka ko sa dibdib niya dahil ayokong makita niya ang mga luha ko pero mukang wala ding kwenta ang ginawa ko dahil basa na ang suot niyang damit at sigurado akong ramdam na niya iyon. Gayunpaman, hindi siya umimik at patuloy lang sa paghaplos ng buhok ko. Ok lang ako. Pero iyon mismo ang dahilan kung bakit hindi ko mapigilan ang mga luha ko. Ok lang ako habang napakaraming tao ang nawala sa araw na ito. Si Lina na halos buong buhay kong nakasama. Si Luke na hindi ko parin maintindihan at ang mga taong namatay alang alang sa kapakanan ng mundo. “Let’s go home” bulong niya sa akin kaya naman napatingala ako sa kaniya. “We can?” Tanong ko dahil alam ko base sa experience ko na maraming dapat asikasuhin si Trevas sa tuwing pagkatapos ng digmaan. Kada natatapos ang labanan ay nagpapadala ng compensation para sa mga pamilya ng mga namatay sa labanan. Nginitian ako ni Trevas bago pinunasan yung basa kong pisngi. Tumango siya bago inilipat ang tingin sa may likuran ko. “Lieutenant Min” Nakarinig ako ng mga yabag ng paa mula sa likuran ko. Hindi ko nakita kung sino iyon dahil isinubsob ulit ni Trevas ang muka ko sa may dibdib niya pero base sa sinabi ni Trevas, si Liutenant Min iyon. “General?” tanong ni Lieutenant Min. “Kayo na ni Jared ang bahala dito” sabi ni Trevas, ramdam ko ang pag vibrate ng dibdib niya habang nagsasalita. Napatigil ako nang marinig ko ang pangalan ni Captain Jared at naalala ko si Lina napalingon lingon ako at hinanap kung nasaan siya pero agad din akong napatigil nang makita si Captain Jared na buhat buhat si Lina, naglalakad papunta kung saan. “Kaya ko nang mag isa General, mukang hindi makakapagtrabaho si Jared ng maayos” Tinig kong kumento ni Lieutenant Min. “Then, I’ll leave things in your hands. You may go” sabi ni Trevas. Sumaludo si Lieutenant Min at maglalakad na sana paalis nang biglang magsalita si mama. “I’ll stay here too, I’ll make sure na walang gagalaw sa magical ice na pinagkakakulungan ni Psyche” sabi niya sabay turo doon sa yelong pinagkakakulungan ni Psyche. “Then, we would hav to trouble you madam Diana” Ngumiti si mama bago umiling. “It’s fine. You two should go back lalo kana Alissa, I know you used too much power doing that Dark Frozen Light spell” “Then, mauna na kami ma” sabi ko. Ngumiti lang siya at tumango kaya hinawakan na ako ni Trevas sa kamay at nagsimulang maglakad pabalik sa kampo para kunin ang mga gamit namin at makapag telepor na kami pabalik sa Beifang pero nakakailang hakbang palang kami ni Trevas ay biglang humarang sa dinadaanan namin ang isang hindi pamilyar na babae.. Itim na itim ang buhok at mga mata niya. Matangos ang ilong at maputla ang kulay ng balat. Muka siyang nasa edad na 40 pataas. Sigurado ako na ito ang unang beses na makikita ko ang babaeng ito pero napansin ko an biglang napatigil si Trevas at napahigpit ang kapit sa kamay ko kaya malamang ay kilala niya kung sino ang babaeng ito. “Trevas…” nakangiting bati noong babae pero ang ikinagulat ko ay ang boses niya. Malumanay ang boses niya at katunog na katunog ito ng boses ni Lady Mara. Doon ko lang din biglang naalala ang sinabi ni Psyche na si Lady Mara si Freya at iniba niya lang ang anyo nito. Pinalabas niya na si Freya ang nagiisang anak na babae ni Minister Laxxon na matagal nang nawawala. Ngayon na wala na si Psyche, malamang ay mawawalan na din ng bisa ang mga spell na ginawa niya at tama lang na babalik na si Freya sa dati niyang anyo at babalik na din ang memorya at kapangyarihan niya sa kaniya. Nabigla ako sa narealize ko at hindi ko alam kung ano ang gagawin. Gusto ko sanang umalis muna at hayaan silang magusap pero hinigpitan ni Trevas ang hawak sa kamay ko nang magsimula ako gumalaw kaya wala akong ibang nagawa kundi manatili. “Are you… really her?” nagaalangang tanong ni Trevas, malamang ay hindi rin makapaniwala na ang nanay niyang matagal na niyang inakalang patay ay kasalukuyang nakatayo sa harapan niya. “Yes” Nakangiting sagot ni Freya, namumuo ang mga luha sa gilid ng mata habang taas babang pinagmamasdan si Trevas. “You grew up well” Napakamot sa ulo si Trevas. “Well, Father raise me well” “He’s still alive?” nagulat ako sa tanong ni Freya at sigurado akong ganon din si Trevas. “Oh, I mean, hindi ko alam na magtatagal yung lalaking iyon. after all, napakatamad ng lalaking iyon at kain lang ng kain buong araw. Alam mo bang dahil lumaki siya sa palasyo, nasanay siyang laging may utusan kaya noong tumakas kami sa palasyo, ni hindi manlang siya marunong magluto, maglaba o mag alaga ng sanggol matapos niya ako anakan…” Nagpatuloy pa sa pagrereklamo si Freya tungkol kay haring henrick at kung ano anong insulto pa ang sinabi. Muang hindi niya alam na isang malaking kasalanan ang pangiinsulto sa isang miyembro ng royal family pero ang pinaka kinagulat ko ay ang pagiging madaldal ni Freya na hindi ko inakalang isa sa mga katangian niya. “Oh right, where is he anyway? Kasama ba siyang nakipaglaban dito? Did he became a soldier like you?” tanong ni Freya bago napalingon lingon at doon ko lang narealize na hindi niya alam na naging hari si haring henrick. Hindi sa hindi niya alam na isang malaking krimen ang pangiinsulto sa hari kundi ay hindi niya alam na si king henrick ay isang hari. Nagkatinginan kami ni Trevas at hindi namin napigilan na matawa nang magtama ang paningin naming dalawa. Napagdesisyonan namin ni Trevas na isama si Freya pabalik sa Beifang pero hindi parin namin sinabi ang tungkol sa pagiging hari ni king henrick. Basta ang sinabi lang namin ay papunta na kami sa kinaroroonan ni king henrick at pwede siyang sumabay sa amin para magkita na sila matapos ng ilang dekada na pagkakahiwalay. “Don’t tell me he become the king?” biglang tanong ni Freya nang makapag teleport na kami pabalik sa palasyo ng Beifang. Nakatayo na kami ngayon sa harapan ng courtyard na tinutuluyan ng hari. Maaga pa kaya malamang ay kakagising lang ng hati at kasalukuyang nagaalmusal kaya imbes na sa palace hall ay dito kami pumunta. “He did” Napatawa si Freya pero rinig ko sa boses niya ang pinaghalong pagkalungkot at pagkadismaya. “Sa huli pinakasalan niya parin si Vivian” “Vivian is dead” saad ni Trevas, malamig ang boses na para bang wala siyang pakealam kay Vivian. Hindi ko naman siya masisisi, sariwa parin sa akin ang mga kawalang hiyaan na ginawa ni Vivian kaya maging ako ay nakakaramdam parin ng galit sa tuwing naririnig ang pangalan niya. “Pinatay siya ni Psyche a year ago” Napatango tango si Freya. “That’s sad… I really hoped na ako mismo ang makakapatay sa kaniya” sabi niya na siyang ikinangisi namin pareho ni Trevas. Naglakad kami papasok ng courtyard, bawat tao na gustong bumisita sa courtyard na tinitirhan ng hari ay kailangang dumaan sa maraming pagsusuri bilang seguridad pero dahil kasama namin si Trevas ay hindi na kami dumaan doon at dire diretso nalang pumasok sa loob. Kumatok si Trevas sa pintuan at ilang segundo din kaming naghintay bago namin narinig ang boses ni haring henrick. “Come in” Binuksan ni Trevas ang pinto at dirediretsong pumasok sa loob. Susunod na sana ako nang bigla akong hinawakan ni Freya sa braso. Napalingon ako sa kaniya at nakitang wala sa pokus ang tingin niya at malalim ang iniisip. “How do I look?” tanong niya sa akin na siyang ikipinagtaka ko. Napansin niya ata ang ekspresyon ng muka ko kaya nagsalita ulit siya. “You’re a woman too kaya alam ko na gusto mo ring magmukang presentable sa taong gusto mo. Wait, have you ever been in love?” Hindi agad ako nakasagot sa tanong niya. Bukod sa nagulat sa tanong niya kung ayos lang ba ang itsura niya dahil gusto niyang magmuang presentable sa harap ni king henrick na ilang taon niya ding hindi nakasama, mas nagulat ako sa tanong niya kung nainlove na ba ako. “Yes….” Gusto ko sanang sabihin sa kaniya na ang anak niya mismo ang lalaking gusto ko pero napagdesisyonan kong huwag na muna. Mas maganda kung ituon muna niya ang atensyon sa pagkikita nila ni haring hermes. “What brings you here? Isn’t it too early para bisitahin ako?” natuon ang atensyon naming dalawa nang marinig namin ang boses ni haring henrick. “Let’s go” bulong ko kay freya bago ko hinawakan ang kamay niyang nasa braso ko at inaya siya papasok ng kwarto ng hari. Malawak ang kwarto at puno ng naggagandahan at nagmamahaling gamit. Mataas ang kisame na siyang kinabibitinan ng isang chandelier. Mataas din ang mga bintana at dahil nakabukas ang mga kurtina ay pumapasok sa kwarto ang sikat ng araw. Nakaupo si Haring henrick sa isang mahabang sofa sa loob ng kwarto, sa harapan niya ay merong isang tray na anglalaman ng samut saring pagkain na siyang napaka imposibleng maubos ng isang tao lamang. Nakatuon ang atensyon niya sa pagsasalin ng tsaa sa isang tasa kaya hindi niya napansin ang pagpasok namin ni Freya. “Alam ko na kakagaling niyo lang sa isang labanan pero hindi mo namang kailangang dumiretso dito sa kwarto ko pagkauwing pagkauwi niyo, ganon mo ba ko kamahal para-” bigla naputol ang sinasabi ng hari nang magawi sa direksyon ni Freya ang tingin niya, kasabay noon ay nabitawan niya yung hawak hawak niyang tasa at natapon sa hita niya yung mainit na tsaa. “Shit, that’s hot” gulat na sabi niya bago biglang tumayo at pinunasan yung hita niya gamit ang isang puting panyo. “Unang pagkikita niyo makalipas ng mahabang taon pinahiya mo na agad ang sarili mo, your majesty” natatawang saad ni Trevas kaya naman napatigil si haring henrick sa ginagawa niya at ibinalik ang tingin kay Freya. “So I’m not hallucinating, am I?” tanong niya. “It’s real. She’s back” Hindi nagsalita si haring henrick at tinitigan lang si Freya. “Tititgan mo lang talaga ako?” “I… I mean… I don’t know what to say” sagot ni haring henrick hindi parin inaalis ang tingin kay Freya at kahit noong magsimulang maglakad papalapit sa kaniya si Freya ay wala siyang ginawa, malamang ay hindi parin makapaniwala sa nakikita niya. Mas lumapit pa si Freya sa kaniya bago siya nito niyakap. Doon lang unti unting nakapagreact si haring hermes at ipinulupot din ang gma braso kay Freya bago isinubsob ang muka sa may leeg nito. “Let’s go” bulong sa akin ni Trevas, malamang ay gusto niyang bigyan ng privacy ang mga magulang niya. Tumango naman ako at sumunod sa kaniya palabas ng kwarto. Dumiretso kami ni Trevas pabalik ng courtyard na tinutuluyan namin dati nila Lina pero somehow, it feels different ngayong wala na si Lina. Naramdaman ko ang lungkot na matagal ko ding pinigilang lumabas dahil wala sa lugar ang at oras ang pagluluksa pero ngayong tapos na ang lahat, hindi ko inakala na ganito pala katindi ang epekto sa akin gn pagkawala ni Lina. Hindi ko parin alam kung paano nalaman ni Lina ang mga nakatakdang mangyari ng araw na iyon at Idagdag mo pa ang ginawa ni Luke na pagsakripisyo ng buhay niya kapalit ng sa akin na hindi ko parin maintindihan. Pinilit ko na huwag munang isipin ang tungkol doon at kalimutan muna na malungkot ako pero habang patagal nang patagal ay mas lalong bumibigat ang pakiramdam ko. Ang bigat ng dibdib ko at pakiramdam ko ay may dapat akong malaman pero ni hindi ko nga alam kung ano ang dapat kong malaman. “You should rest for today, babalik ako saglit sa kampo para pirmahan ang dapat kong pirmahan at ayusin ang pinsalang dinulot noong gera” napatingala ako kay Trevas nang amgsimula siyang magsalita. Gusto ko sanang sabihin sa kaniya na kung pwede lang ay huwag na siyang umalis at samahan nalang ako dito dahil ayokong mapag isa pero alam ko na kailangan siya ngayon sa kampo at hinatid lang ako dito para makapagpahinga. Isang malaking bagay na ang ginawa niyang paghatid sa akin ngayon at ayoko namang maging gahaman pa sa atensyon niya at pilitin siyang manatili. “Ok…” sagot ko. Napabuntong hininga si Trevas, malamang napansin niya sa muka ko ang pag aalangan ko na hayaan siyang umalis. “I’ll be quick” sabi niya bago lumapit sa akin at mabilis na pinagdikit ang mga labi namin. “Just rest, babalik din ako agad” Tumango ako na siyang ikinangiti niya. Pagkatapos noon ay nagpaalam na siya at umalis kaya naman naiwan ako sa courtyard, ang kasama lang ay ang pangilan ngilan na mga katulong. Naglakad ako paakyat sa kwarto ko at humiga sa kama. Pagkalapat na pagkalapat ng katawan ko sa malambot na kama ay naramdaman ko ang pinaghalong antok at pagod kaya naman mabilis akong nakatulog. *** Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at napagtanto na nasa isang lugar ako na puro itim lang ang makikita. Walang kahit anumang ilaw pero nakikita ko ang sarili ko. Walang anumang tunog na naririnig sa paligid pero rinig na rinig ko ang bawat paghakbang ko at ang aking paghinga. “We met again” naagaw ang atensyon ko nang makarinig ako ng isang pamilyar na boses. Nag e-echo ang boses niya sa loob ng utak ko na para bang sa loob ko mismo nanggagaling ang boses niya pero bago pa ako makapagsalita ay biglang may sumulpot na puting liwanag sa harapan ko at doon, unti unting lumabas si Laramie. “Where are we? Why are you here?” sunod sunod kong tanong. May ideya na ako na nandito kami ngayon sa panaginip ko dahil natatandaan kong nakatulog ako kani kaninalang pero sigurado ako na hindi ito isang panaginip. “We’re inside your consciousness” sagot niya pero lalo lang akong naguluhan kaya hindi na ako umimik. “Alam mo na isa sa mga kapangyarihan ko ang magbigay ng isang hiling sa isang tao kapalit ng isang luha, hindi ba?” Tumango ako. “Well I am here to fulfill Luke’s wish. After all, he shed so many tears for you” sabi niya kaya naman biglang bumilis ang kabog ng dibdib ko. “What… is his wish?” “He wants me to show you everything you deserve to know. Alam niya na hindi ka matatahimik buong buhay mo hangga’t hindi mo nalalaman ang totoo kaya hiniling niya sa akin na sabihin at ipakita sayo ang lahat ng bumabagabag sayo” Tumango tango ako bago matiim na nagsalita. “then tell me…” “Yes… but remember… knowing too much can be too painful” komento pa ni Laramie na para bang binibigyan ako ng pagkakataon na huwag nalang alamin ang totoo pero nanatili akong determinado sa disisyon ko. Napabuntong hininga si Laramie nang makita niya ang determinasyon ko bago niya itinaas ang kanang kamay niya at kasabay noon ay binalot ng liwanag ang paningin ko. At doon ko napagtanto, na minsan, mas mabuti nang wala kang nalalaman.
0 Comments
Leave a Reply. |
AuthorBaubbleGum Archives
December 2020
Categories
All
|