UNEDITED
Isang linggo ang lumipas mula noong natapos ang labanan at natalo na namin si Psyche. Nakabalik na sila Sergeant Min mula sa bundok ng Jeufeng na pinangyarihan ng lahat kasama ang libo libong mga tauhang pinapangunahan nila ni Trevas at captain Jared. Hindi na ako nagulat nang mabalitaan ko na hindi sumama sa pagbalik si Captain Jared. Walang nakakalam kung saan siya pumunta at kung babalik pa ba siya basta ang nalaman ko lang ay inilibing niya si Lina sa isang bahagi ng bundok ng Jeufeng na pinagtutubuan ng daan daang cherry blossom tree. Hindi na namin ulit nakita pa si Captain Jared mula noon. At kahit noong bumisita kami sa lugar na pinaglibingan ni Lina, tanging mga bulaklak na iniwan ni Captain Jared nalang ang naaubutan namin doon. Sa kabilang banda naman, magkakaroon ng pagdiriwang sa palasyo para sa pagkakapanalo namin laban kay Psyche. Hindi alam ng mga tao kung sino ang kinalaban namin at kung anong klaseng panganib ang kinaharap ng mundo kung sakali mang matalo kami pero napagdisisyunan namin nila Trevas na sikretuhin nalang ang lahat ng nalalaman namin at I enjoy ang kapayapaang natamo namin. “Ang kapal ng muka mong bumalik dito matapos mong umalis ng walang paalam” saad ni Haring Henrick nang makaharap niya si alastor na kasama ni Lieutenant Min sa pagbabalik dito sa Beifang. Nandito kami ngayon sa palace hall para sana tanggapin ang report ni Lieutenant Min tungkol sa mga naganap pagkatapos ng gera. Hindi sumagot si Alastor sa sinabi ng hari at umirap lang ng patago na siya namang ikinatawa ko. “Your majesty, kasama po namin si prince Alastor ng Firlame at ng iba pa niyang mga tauhan sa pakikipaglaban at nandito sila ngayon para sumama sa pagdiriwang para sa pagkakapanalo” sagot ni Lieutenant Min na nakatayo sa may tabi ni Alastor. “Prince Alastor ng Firlame?” “That’s right old man, sa Firlame na ako nakatira at tinatalikuran ko na ang pagiging Beifang ko kaya huwag kang mag alala dahil saglit lang kami dit-” “That’s bullshit. Sa tingin mo pwede mong basta basta nalang talikuran ang pagiging anak ko?” “Isn’t that what you wanted? Hindi ba’t dati kapa kating kati na mawala na kami ni mama?” “Nanay mo lang ang gusto kong mawala- ouch!” naputol ang sinasabi ni haring henrick nang bigla siyang hampasin ni Freya na kanina pa nakatayo sa may tabi niya. Hindi na ako nagulat nang makita ko iyon pero dahil ilang beses ko na silang nakitang ganito nitong mga nakalipas na araw pero iba ang kaso para kila Lieutenant Min at Alastor na wala pang alam tungkol kay Freya. Nanlaki ang mga mata nilang dalawa dahil basta basta lang hinampas ni Freya ang hari pero hindi sila pinansin ni haring henrick at nagpatuloy lang sa pakikipagtalo kay Freya. “That’s not the thing you are supposed to say to your son” inis na bulong ni Freya gayunpaman, rinig na rinig namin iyong lahat. “But that’s the truth” “Kahit na, kakabalik palang ng anak mo tapos iyan agad ang sasabihin mo?” “Then what-” “Who… is she?” tanong ni alastor kaya naman naputol ang pagtatalo nila haring henrick at Freya. Natahimik ang buong silid na para bang walang may balak na sumagot sa ‘awkward’ na tanong ni Alastor. Sa huli, wala ding nagawa ang hari kundi I explain kay Alastor ang lahat pero hindi tulad ng inaasahan namin ay madaling natanggap ni Alastor ang lahat at nanatili lang na kalmado hanggang sa ma explain na sa kaniya ng hari ang lahat ng tungkol kay Freya. *** Lumipas pa ang ilang araw at sa wakas ay dumating na ang araw ng selebrasyon. Kasabay noon, natapos naring gawin ang ‘Wall of remembrance’ na pinagawa namin sa pinaka harapan ng palasyo. Sa ‘wall of remembrance’ na ito ay nakasulat ang daan daang pangalan ng mga namatay sa pakikipaglaban para matalo si Psyche pero ang pangalan ni Lina at Luke ang nasa pinaka tuktok. Naisipan din naming isama ang pangalan ni haring hermes na namatay din sa kamay ni Psyche pero tinutulan iyon ni haring henrick dahil marami daw ang mag k-kwestyon sa bagay na iyon. Isang malaking bagay na ang paglagay namin sa pangalan ni Luke sa ‘wall of remembrance’ na siyang prinsipe ng ibang kaharian at sigurado kaming marami ang magtataka kung bakit napasama siya sa mga namatay sa labanan sa pagitan ng Beifang at ng di kilalang mga kalaban. Gayunpaman, tinuloy namin ang pagpapagawa noon at kakatapos lang noon ngayong araw. Sa palasyo isasagawa ang selebrasyon at lahat ng gustong pumunta ay pwedeng dumalo kaya naman marami ang napapadaan sa may ‘wall of remembrance’ at nagiiwan ng bulaklak sa harapan nito bilang pag respeto sa mga nagbuwis ng buhay alang alang sa kaligtasan ng buong kaharian. “Alissa, hindi ka pa ba papasok?” naagaw ang atneyon ko mula sa ‘wall of remembrance’ na ngayon ay pinalilibutan ng mga tao nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni mama. Napalingon ako sa kaniya at hindi ko mapigilang mapangiti nang makita siyang naka suot ng isang mamahaling bistida na bagay na bagay sa kaniya. Kulay asul ang evening dress na suot niya at balot ng mahaba nitong sleeves ang buong braso at mga kamay niya. Malimit ko nalang nakikita si mama nitong mga nakaraang araw dahil siya ang nagvolinteer na magbantay kay Psyche at siguraduhing walang mangyayari sa mahiwagang yelo na pinagkakakulungan niya. “Magsisimula na ba ma?” tanong ko habang naglalakad palapit sa kaniya. Itinaas ko ng bahagya ang suot suot kong violet na mermaid dress na siyang yumayakap sa hugis ng katawan ko habang naglalakad. Nababalot ng makikinam at mamahaling bato ang suot suot kong damit pero ayoko nang alamin kung magkano ang lahat ng mga ito. Si Trevas mismo ang pumili ng susuotin ko at dahil kahapon niya lang pinakita sa akin ang damit na ito, wala akong ibang nagawa kundi suotin ito ngayon. “Hindi pa naman magsisimula pero hinahanap ka ni Trevas” sabi ni mama bago ako hinawakan sa braso at dinala ako pabalik sa palace garden kung saan ginaganap ang selebrasyon. Nababalot ng mga fairy lights ang mga puno sa paligid namin na siyang tanging nagbibigay ilaw bukod sa maliwanag na buwan sa kalangitan. Puno ng ingay at tawanan ang paligid at halatang nag e-enjoy ang lahat lalo na ang mga tauhan ni Trevas na nangingibabaw ang boses habang nagkekwentuhan. “Where is he?” tanong ko kay mama nang hindi ko matanaw ang kinaroroonan ni Trevas. “Yun oh” natatawang bulong ni mama sa akin sabay nguso sa isang direksyon. Napalingon ako sa tinuturo niya at doon nakita ko si Trevas na naglalakad papalapit sa amin. Nakasuot siya ng isang tuxedo na kakulay ng suot ko at hindi ko mapigilang mapangisi dahil doon. “I’ll leave you two alone” Bulong pa sa akin ni mama, halatang kinikilig sa aming dalawa ni Trevas bago naglakad papunta sa kinaroroonan ng hari at ni Freya. Nitong mga nakaraang araw ay walang ibang ginawa si mama kundi asikasuhin ang tungkol sa pagbabantay kay Psyche at ang pakikipag kwentuhan kay Freya na mukang kasundong kasundo niya. Noong una ay awkward para sa kanilang dalawa ang magusap dahil nga kamuka ni mama si Psyche na ilang taon ding nagpahirap sa buhay naming lahat pero agad din silang nagkasundo ni Freya at halos hindi na mapaghiwalay ngayon. Napailing iling nalang ako habang pinapanood si mama na naglalakad papalayo bago ko itinuon ang atensyon ko kay Trevas na naglalakad palapit sa akin. Napataas ang kilay ko nang may lumapit sa kaniyang mga anak na babae ng mga nobles na madalas kong nakikitang nakatingin kay Trevas sa tuwing may mga party dito sa palasyo pero laking gulat ko nang hindi sila pinansin ni Trevas at dirediretso lang na naglakad palapit sa akin. “Bakit hindi mo sila pinans-” “I wanna show you something” pagpuputol niya sa sinasabi ko bago ako hinawakan sa pulsuhan at hinila papunta sa kung saan. Natawa nalang ako at hinayaan siyang dalhin ako sa kung saan. Papunta kami ngayon sa isang bahagi ng palace garden na hindi masyadong matao. Hindi ko alam kung saand ako dadalhin ni Trevas at kung ano ba iyong bagay na gusto niyang ipakita sa akin pero bigla siyang tumigil sa paglalakad nang nasa gitna na kami ng mga puno ng cherry blossom. Sa gitna ng mga puno ay may isang fountain na siyang parang umiilaw dahil sa liwanag na nagmumula sa buwan at sa sahig na inaapakan namin ay nakakalat ang mga daan daang bulaklak na nagmumula sa mga cherry blossom tree. Hindi ito ang unang beses na nakita ko ang bahaging ito ng palace garden pero hindi ko parin mapigilang mamangha sa tuwing nakikita ko ito dahil sa taglay nitong ganda. “Ito ba yung gusto mong ipakita sa kin?” tanong ko habang pinagmamasdan yung paligid. Tulad ng sinabi ko, hindi ito ang unang beses na nakita ko ang parteng ito ng palace garden at sigurado akong alam ni Trevas ang tungkol doon kaya naman hindi ako sigurado kung ito yung bagay na gustong ipakita sa akin ni Trevas. Hindi umimik si Trevas kaya naman napabaling ulit ang tingin ko sa kaniya at nakitang nakangiti siya sa akin bago umiling iling. Hindi ko alam kung bakit pero parang may kakaiba sa mga ngiti at titig niya. Kumunot ang nuo ko dahil doon pero napalitan ng gulat ang ekspresyon ko nang bigla niyang kunin ang kaliwang kamay ko at sinuotan iyon ng isang makinam na singsing. Napahawak ako sa bibig ko gamit ang kanang kamay ko at palipat lipat ang tingin mula doon sa singsing at sa mga mata niya na parehong nagliliwanag dahil sa repleksyon ng liwanag na angmumula sa buwan. “Gusto nang ipasa ng hari ang trono sa akin” panimula ni Trevas, marahang hinahaplos yung kaliwang kamay ko. “ngayong gabi, I-a-anunsyo na niya sa buong kaharian na oras na para ipasa sa akin ang pagiging hari pero bago iyon….” Itinaas niya ang tingin mula sa mga kamay ko at tinitigan ako sa mga mata. “Alissa, Let’s get married” Agad akong napatango tango at hindi ko na napigilan ang mga ngiti ko. hinawakan niya ako sa pisngi bago ipinagdampi ang mga labi namin. Ipinulupot niya ang kabilang braso niya sa bewang ko at hinila papalapit sa kaniya na para bang takot siyang bigla akong mawala. Na para bang takot siyang bigla akong amglaho at marealize na panaginip lang pala ang lahat. Isinakbit ko sa magkabilang balikat niya ang mga kamay ko at isinuklay sa buhok niya ang mga daliri ko lalo na nang mas palalimin niya pa ang paghalik. Ramdam na ramdam ko ang init na nagmumula sa kaniya at hindi ko mapigilang magluha ang mga mata ko dahil sa tindi ng nararamdaman ko. Hindi ko alam kung gaano kami katagal na nanatili sa posisyong iyo at dinama ang emosyong nararamdaman namin para sa isa’t isa basta ang alam ko lang ay muntik pa kaming mahuli sa selebrasyon dahil hindi namin namalayan ang oras. Nang gabing iyon, Inanunsyo ng hari sa lahat na oras na para ilipat ang pamumuno kay Trevas at kasabay noon ay inanunsyo din ng hari ang tungkol sa enggagement naming dalawa ni Trevas at sinabing huwag nang magtangka pa ang iba na ipadala yung mga anak nilang babae kay Trevas dahil hindi rin niya sila papansinin. Ang gabing iyon, ang isa sa pinakamasasayang araw ng buhay ko. Naging mapayapa ang buhay namin matapos ng lahat. Kinoronahan si Trevas na hari ng Beifang at isang buwan matapos noon ay ang kasal naming dalawa. Ginugol ni mama ang natitira niyang lakas sa pagbabantay kay Psyche at sinigurado na hindi na siya ulit makakagulo pa habang sila haring henrick at freya naman ay nagdisisyong lumayo at manirahan sa isaang maliit na manor sa gitna ng gubat tulad ng plano nila noong una pa lang kung hindi lang nangyari ang lahat ng trahedya sa buhay nila. Mas naging tahimik ang palasyo dahil sa pagalis nila freya at lalo na noong pumanaw na din si mama pero napuno ng tawanan ng mga maliliit na bata ang bawat pasilyo nang palasyo isang taon matapos naming makasal ni Trevas. Nagkaroon kami ng tatlong anak na siyang pumalit sa puwang na iniwan ng mga taong nawala sa amin. Lalaki ang panganay at ang pangalawa habang ang bunso naman ay ang aming munting prinsesa na pinangalanan naming Luke, Hermes at Lina. Sa kanilang tatlo namin pinasa ang kwento ng kabayanihan ng mga taong pinagmulan ng kanilang pangalan at siniguradong mananatitling buhay ang kanilang ala-ala sa loob ng mahabang panahon. Lumipas ang mga taon at nabuhay ako sa loob ng mahabang panahon at sinulit ang bawat sandali ng buhay ko alang alang sa mga nagbuwis ng buhay para sa kapakanan ng mundo. At sa huling sandali ng buhay ko, kasama ang mga natitira kong mahal sa buhay. Masasabi kong kaya ko nang harapin ang kabilang buhay at ang panibagong simula na inilaan sa akin ng tadhana. -End-
0 Comments
Leave a Reply. |
AuthorBaubbleGum Archives
December 2020
Categories
All
|