UNEDITED:
Napabangon bigla ang isang lalaki at pawis na pawis habang hinihingal dahil sa isang panaginip. Napahawak siya sa sintido niya at pilit na pinakalma ang sarili. Sa loob ng maraming taon, lagi niyang napapanaginipan ang isang babaeng hindi niya kilala. Sa panaginip na iyo ay tumatakbo siya papunta doon sa babaeng iyon at tinatawag ang pangalan nito na hindi niya matandaan. Napabuntong hininga ang lalaki at napatingin sa orasan sa may bedside table niya. ‘4:45 am’ Maaga pa para bumangon at magsimulang maggayak para sa pagpasok niya sa trabaho pero alam niyang hindi na siya makakatulog kaya wala siyang ibang nagawa kundi bumangon at maagang pumasok sa opisina para hindi masayang ang oras niya. Halos buong buhay ng lalaki ay napapanaginipan niya ang babaeng iyon na para bang pinipilit siya ng katawan niya mismo na hanapin ang kinaroroonan ng babaeng iyon. Na para bang sinasabi ng katawan niya sa kaniya na pagsisisihan niya kung hahayaan niyang makawala pa yung babaeng iyon sa kaniya. Pero anong magagawa niya? Ni hindi niya nga maalala kung ano ang pangalan ng babaeng iyon na nasa panaginip niya at hindi niya din maaninag ang muka nito kaya paano niya ito mahahanap? Napaka imposible naman ata na mahanap niya yung babaeng iyon nang hindi manlang niya nalalaman kung sino ito at kung ano ang itsura nito pero sinong mag aakala, na mali ang inaakala niya? Nabalik sa kasalukyan ang atensyon ng lalaki nang may kumatok sa may pintuan ng opisina niya. “Come in” sabi niya at kasabay noon ay bumukas ang pinto at pumasok ang isang pamilyar na lalaki na ilang taon din niyang nakasama bilang sekretarya niya. “Sir Jared, nandito na po yung bago niyong secretary na papalit sa akin” sabi ng dati niyang sekretarya. “Let him in” matipid na sagot ni Jared. “Uh sir.. It’s a HER” sagot ng sekretarya bago sinenyasan yung kasama niya na pumasok sa loob. Itinaas ni Jared ang tingin mula sa mga papeles na nasa table niya at agad siyang naestatwa nang makita yung magiging bago niyang sekretarya. Napansin niyang naestatwa din yung babae at gulat na napatitig sa kaniya na para bang naramdaman din niya yung kakaibang pakiramdam na dumaloy sa katawan niya pagkatama na pagkatama ng paningin nila. Naglakad papalapit kay Jared yung dati niyang sekretarya at inilapag sa lamesa niya ang isang brown na folder na siyang naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa magiging bago niyang sekretarya. “Her name is Lina Phoenix. Maganda ang background niya at may experience na siya sa pagiging sekretarya…” hindi na naintindihan pa ni Jared ang sinasabi ng dati niyang sekretarya nang marinig niya kung ano ang pangalan ng babaeng nasa harapan niya na gulat parin na nakatingin sa kaniya. “Lina….” sa hindi mapaliwanag na dahilan, parang pamilyar na pamilyar siya sa pangalan na iyon kahit na ngayon niya palang ito narinig at malakas ang kutob niya na ganon din ang nararamdaman ng babaeng nasa harapan niya noong narinig niya ang pangalang ‘Jared’ Hindi napigilan ni Jared na mapangisi at maging siya ay hindi niya maintindihan kung bakit, basta ang alam niya excited na siyang makatrabaho ang misteryosong babaeng nasa harapan niya na nagngangalang Lina. IMPORTANT NOTES.
|
AuthorBaubbleGum Archives
December 2020
Categories
All
|