Chapter 1 (UNEDITED)
WARNING: This story contains violence and scene that might trigger and upset some of the readers. Asher ang pangalan niya. Asher Veniz. Kaisa isang anak ng baron at baroness Veniz. Isa sa mga mayayamang pamilya sa kaharian. Fortunate… Blessed… Happy one… Iyon ang ibig sabihin ng pangalan niya… Pero kabaligtaran ng lahat ng iyon ang ibig sabihin ng buhay niya. Limang taon si Asher noong una niyang naranasa ang lupit ng mundo. Limang taon siya noong binenta ng tatay niya ang sarili nitong asawa kapalit ng pera. “papa? Nasan si mama?” tanong ng walang kamuwang muwang na si Asher noong ika tatlong araw na hindi umuuwi ang nanay niya. Ngayon lang siya nagkaroon ng lakas ng loob na tanungin ang tatay niya dahil lagi itong umuuwing lasing pagkagaling sa pagtatrabaho sa lupaing pagmamay ari nila. Nanigas sa pagkakaupo yung tatay niya bago dahan dahang lumingon sa direksyon ni Asher. Madilim ang gabi at nakapatay ang ilaw sa buong bahay at tanging ang liwanag ng buwan lang mula sa bintana ang nagsisilbing ilaw sa magulong silid. Amoy na amoy ang singaw ng alak mula sa tatay niya at sa ilang dosenang bote ng alak na naka kalat sa sahig. Maging si Asher ay hindi makapaniwala na ito yung kwarto ng mga magulang niya dahil halos hindi na niya ito mamukaan. “Yung mama mo? Nandoon na sa bahay ni Count Merino. Malamang nagpapakalunod sa pera” sagot ng tatay ni Asher bago nito hinampas sa coffee table ang hawak hawak na bote ng alak. Napahigpit ang hawak ni Asher sa suot suot niyang pajama lalo na nang biglang sumama ang tingin sa kaniya ng tatay niya. “What? Anong tinitingin tingin mo? Hindi ba’t sinabi ko na sayong huwag mong titignan gamit yang mga mata mong namana mo sa haliparot mong nanay?” Lalong nakaramdam ng takot si Asher nang biglang tumayo mula sa pagkakaupo ang tatay niya at malaki ang hakbang na naglakad papalapit sa kaniya. Sinubukan niya pang umatras at tumakas papalayo sa lasing niyang ama pero wala na siyang nagawa nang bigla siya nitong hablutin sa buhok at ihagis sa sahig. Ang gabing iyon ang unang beses na naranasan ni Asher ang pisikal na pangaabuso. Iyon ang unang beses… pero hindi iyon ang huli. Unti unting nauubos ang kayamanan ng pamilya nila at unti unti ding nalulunong sa alak at droga ang tatay ni Asher na siyang humahantong naman sa pagbubuntong sa kaniya ng galit nito. Habang pamiserable ng pamiserable ang kalagayan ng kayamanan ng pamilyang Veniz, palala nang palala din ang kalagayan ni Asher sa puder ng sarili niyang ama. “Asher!” biglang napabangon si Asher sa sahig na kinahihigaan niya nang biglang bumukas ang pinto ng maliit na tirahan na kasalukuyang tinutuluyan niya at ng tatay niya. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari at kung bakit kailangan nilang umalis sa malaking mansyon na kinalakihan niya pero hindi naman niya matanong ang tatay niya dahil mauuwi lang sa pananakit ang lahat. “Asher!” tuluyang nagising ang diwa ni Asher nang muli niyang marinig ang pamimlyar na boses ng nanay niya. “Ma?” hindi makapaniwalang tanong ni Asher bago dahang dahang hinaplos ang muka ng anany niyang halos isang taon din niyang hindi nakita. Masyado siyang nagulat sa pangyayari kaya hindi niya napansin na umaagos na ang mga luha niya. “I’m sorry Asher… nandito na si mama, hindi nako ulit aalis” lalo lang napaluha ang limang taon na si Asher nang mahigpit siyang yakapin ng nanay niya. Sariwa parin ang mga pasa at sugat niya sa katawan dahil umuwi na namang lasing ang tatay niya kagabi pero hindi niya iyon ininda at mahigpit paring niyakap ang nanay niya na para bang takot siyang mawala ito. Para bang takot siya na panaginip lang ito. “Melissa?” napahiwalay sa pagkakayakap si Melissa, ang nanay ni Asher nang makarinig sila ng boses mula sa pinto ng maliit na tirahan. “Chris” maluha luhang tawag ni Melissa sa asawa niya. Nanlalabo parin ang paningin ni Asher dahil sa luhang walang tigil sa pag agos mula sa mga mata niya pero bago pa niya maintindihan ang nangyayari ay tumakbo papunta sa kanila ang tatay niya at niyakap sila ng mahigpit. Ang araw na iyon ang isa sa pinaka masayang araw sa childhood ni Asher. Akala niya ay magbabago na ang takbo ng buhay niya mula ng araw na iyon at babalik na dati ang masaya nilang pamilya dahil sa pagbabalik ng nanay niya pero nagkamali siya. Nabaon na sa utang ang pamilya nila at masyado nang nalunod sa bisyo ang tatay niya. At dumagdag pa ang problemang buntis ang nanay niya at pinagdududahan ng lahat kung sino ang ama. “Ilang beses ko bang dapat sabihin sa ‘yo na walang nangyari sa amin ni Count Merino noong binenta mo ako sa kaniya kapalit ng pera!” “Sa tingin mo maniniwala ako sa pinagsasabi mo? Sigurado ako na kating kati ka nang bumalik sa mansyon ng hayop na iyon at pinagsisisihan mo na bumalik ka pa!” “Cris!-” Lalong humigpit ang yakap ni Asher sa sarili nang marinig niya ang pagkabasag ng isa sa mga bote ng alak na ilang linggo nang naiipon sa bahay nila. Itinaas ni Asher ang muka mula sa pagkakasubsob sa mga tuhod niya at nanlaki ang mga mata niya nang makita niya ang dugong umaagos mula sa nuo ng nanay niya. “Ma-” hindi na natuloy pa ang sinasabi ni Asher nang hablutin ng tatay niya sa buhok ang nanay niya at hinila papasok sa isang silid. “Ma!” sigaw pa ni Asher bago hinabol ang mga magulang niya pero pinagsarhan siya nito ng pinto at kahit anong tulak niya dito gamit ang maliliit niyang mga kamay ay hindi ito nabubuksan. Lalo lang lumakas ang pagiyak ni Asher nang makarinig siya ng ingay sa loob ng silid. Mga sigaw, mga pagkabasag ng gamit at pagtama ng kung anong bagay sa sahig. Nang araw na iyon, walang ibang nagawa si Asher kundi umiyak at sumigaw hanggang sa mapaos at maubos na ang mga luha niya. “Asher…” paos ang boses ng nanay niya, puno ng pasa at sugat ang katawan niya at bakas sa muka nito ang panghihina. Nakahiga ito sa lumang kutson habang si Asher naman ay nakaluhod sa may tabi niya. Gustong yakapin ni Asher ang nanay niya pero natatakot siyang masaktan ito kaya wala siyang ibang nagawa kundi titigan ang nanghihina niyang ina at makuntenta sa paghawak sa maputla nitong kamay. Napahigpit bigla ang kapit ni Asher sa kamay ng nanay niya nang magsimula na naman itong umubo ng dugo pero hindi tulad ng mga nakaraang ara, itim na ang dugong lumabas mula sa maputla nitong mga labi. Napakagat ng labi si Asher. Tuyong tuyo na ang mga luha niya dahil sa walang tigil na pagiyak nitong nakalipas na buwan pero dahil wala pang alam sa mundo ay hindi niya alam kung ano ang dapat niyang gawin. “Ma, dito ka lang. Maghahanap ako ng doktor para gumaling ka” paalm ni Asher sa nanay niya bago siya nagmamadaling lumabas ng bahay at pumunta sa bayan para maghanap ng doktor na magpapagaling sa nanay niya. Masyadong natuon ang atensyon niya sa kagustuhang makahanap ng doktor sa pinaka madaling panahon kaya hindi na siya nakasuot pa ng makapal na damit para malabanan ang malamig na simoy na hangin at hindi narin siya nakapagsuot pa ng tsinelas para protektahan ang paa sa mabatong daan papuntang bayan. Nanlalamig na siya at puro sugat na ang tuhod at mga paa dahil sa makailang ulit na pagkadapa pero nagpatuloy parin siya sa pagtakbo. Wala siyang dalang anumang gamit o anumang pera kaya kahit na ilang oras na siyang nagpaikot ikot sa bayan, walang doktor ang sumama sa kaniya. Muka na siyang gusgusing paslit at wala siyang maipakitang pera pangbayad sa mga mabibisang doktor sa bayan kaya walang may gustong tumulong sa kaniya. Nakaramdam ng pagkataranta si Asher dahil ilang oras na ang nakakalipas mula nang iniwan niyang mag-isa ang nanay niya. Gabi pa uuwi ang tatay niya at kung sakali mang maaga itong umuwi, lasing na naman ito at hindi manlang papansinin ang may sakit niyang ina. Hindi na alam ni Asher ang gagawin niya at paikot ikot nalang sa bayan, nakakita siya ng isang tindahan na nagtitinda ng mga halamang gamot. Hindi alam ni Asher kung ano ang sakit ng nanay niya at kung anong gamot ang kailangan nito kaya basta nalang na dumampot si Asher sa mga halamang gamot na naka display sa harapan ng tindahan. “Magnanakaw! Magnanakaw iyang batang iyan!” Sinubukang tumakbo ni Asher sa abot ng kaniyang makakaya para makaiwas sa tinderong galit na galit na humahabol sa kaniya. Sa huli, umuwi si Asher na puno ng pasa at sakit sa katawan. Nanginginig na ang mga tuhod niya habang tumatakbo pabalik sa bahay nila pero puno ng pag-asa ang dibdib niya dahil nakapuslit siya ng kapiranggot na halamang gamot para sana sa nanay niya pero gumuho ang mundo niya nang maabutan niyang nasusunog ang tirahan niya. Napaluhod sa lupa ang anim na taon na si Asher at sa hindi na niya mabilang na beses, umiyak siya ng umiyak habang pinapanood ang unti unting pagkasunog ng tirahan niya na siyang pinagiwanan niya sa nanay niya. *sniff… *sniff Hindi napigilan ni Epione ang pagpatak ng mga luha niya habang binabasa ang isa sa paborito niyang libro. Kanina pa siya humahagulgol ng iyak habang nagbabasa dahil sa sinapit ng isa sa mga karakter ng libro. “Libro lang ‘to, Epi, Libro lang hindi iyan totoong nangyari” bulong ni Epione sa sarili pero ilang sandali din ay sinara niya bigla ang librong hawak niya at sinubsub ang muka sa mga braso bago humagulgol ng iyak.
0 Comments
Leave a Reply. |
AuthorBaubbleGum Archives
December 2020
Categories
All
|