WARNING: This story contains violence and scene that might trigger and upset some of the reader.
Si Asher Veniz ang kontrabida sa pinakabagong paboritong libro ni Epione. Kilala siya sa pagiging masama at walang awang karakter sa storya pero hindi napigilan ni Epione ang emosyon niya nang mabasa na niya ang backstory ng karakter. Pagkatapos noong pagkasunog ng bahay na tinitirhan ni Asher, naging palaboy laboy siya dahil namatay sa sunog ang nanay at tatay niya. Namuhay siya sa lansangan sa loob ng dalawang taon at binenta ang lahat ng meron siya at nagtrabaho sa murang edad para lang may makain kahit isang beses sa isang araw. Sa loob ng dalawang taon, puno ng sakit ang dinanas niya sa mundong puno ng panganib at puno ng masasamang tao. Natapos lang ang paghihirap niya nang ampunin siya ni Duchess Caddel nang minsan siya nitong makita sa lansangan. "My, my, what a pretty face you have…" may mga ngiti sa labi nito habang pinagmamasdan ang pitong taon na si Asher. Ang byudang duchess na walang ibang ginawa sa buhay kundi gastusin ang ipinamanang ari arian sa kaniya ng yumaon niyang asawa. Inampon ni Duchess Caddel si Asher. Binihisan, pinakain at pinag aral kaya naman marami ang pumuri sa kaniya dahil sa kabutihang ginawa niya. Pero hindi alam ng lahat ang dinadanas ni Asher sa kamay ng byuda. Kapaliit ng lahat ng binibigay ni duchess Caddel para sa kaniya ay ang natitira niyang dangal. Kapalit ng bawat pagkain na kinakain niya, bawat damit na nasusuot niya at tirahan na tinutuluyan niya. Kailangan niyang sundin ang bawat utos ng byuda kahit na labag ito sa loob niya. At isa sa mga utos ng duchess sa kaniya ay ang ihain ang sarili sa mga kaibigan nitong mayayaman ngunit madudumi ang budhi. “Argh!” napadaing si Asher nang maramdaman niya ang matinding hapdi ng paghampas ng latigo sa likuran niya. Puno na ng peklat ang katawan niya dahil sa mga sugat na naipon sa pananatili niya sa puder ni Duchess Caddel sa loob ng ilang taon. “Ang kapal ng muka mong tanggihan ang gusto ni Marquis Normina! Alam mo bang pinahiya mo ako dahil sa ginawa mo” inis na sigaw ng duchess bago muling hinampas ang latigo sa namumulang likuran ng ngayon ay labing pitong taong si Asher. “Rgh!” “Gusto mo bang habang buhay nalang kitang ikulong dito? Gusto mo bang ibalik kita sa basurahan kung saan kita pinulot?” sigaw ng duchess bago mariin na hinawakan sa baba si Asher. Umiling iling si Asher. Malaking pagdurusa at hirap ang dinanas niya sa puder ng duchess pero para sa kaniya, mas mabuti na ang kalagayan niya kumpara sa kalsada kung saan wala siyang makain at natutulog lang siya sa malamig na kalsada at isa pa, hindi parin nawawala ang pag asa niya na kahit kaunti, kahit katiting na pagmamahal ng isang ina, mararamdaman niya iyon sa duchess na siyang nagampon sa kaniya. “Good, kung ayaw mong ibalik kita sa basurahan, patunayan mong may pakinabang ka sakin” bulong ng duchess kay Asher bago nito inalis ang kadenang nakapulupot sa kamay at mga paa niya. “Hans!” Pagkasigaw na pagkasigaw ni Duchess Caddel sa pangalang iyon ay pumasok sa madilim na silid ang isang lalaking nakasuot ng pormal na damit at bilog at malaking salamin. “Yes, mistress?” Si Hans ang butler sa mansion at dahil ilang beses nang nangyari ang eksena sa harapan niya, hindi na siya nagulat nang makita ang kalagayan ni Asher sa sahig. “Take care of him then send him to my office” Tumango si Butler Hans nang magsimulang maglakad palabas ng silid si duchess Caddel. Nang tuluyan nang makaalis ang byuda ay agad siyang napabuntong hininga at napa iling iling habang naglalakad papalapit kay Asher. “Bakit napaka hina mo?” Hindi gumalaw si Asher at hinayaan lang ang butler na gamutin ang mga sugat niya. “Bakit hindi mo subukang lumaban? Bakit hindi mo subuka na agawin ang lahat ng bagay na pinagkait sayo ng lahat?” biglang napamulat si Asher nang marinig niya ang sinabi ng butler. Dahan dahan niyang itinuon ang atensyon sa butler pero hindi siya sumagot kaya nagpatuloy lang sa pagsasalita si butler hans. “You know, halos lahat ng nagtatrabaho sa mansyong ito, gusto nang mamatay yang si Duchess Caddel” Nanlaki ang mga mata ni Asher nang marinig niya ang sinabi ng butler. “Pero sa aming lahat, ikaw ang may pinaka malaking pakinabang once na mamatay si duchess Caddel… isipin mo, mamamana mo ang lahat ng pagmamay ari ng pamilyang Caddel at wala nang mananakit at kokontrol sa buhay mo” nakangiting sabi ni butler hans na para bang isang normal na bagay lang yung sinabi niya. Hindi nakasagot si Asher dahil bukod sa wala siyang lakas, hindi niya alam kung anong isasagot niya. Nanatili siyang tahimik hanggang sa matapos si Butler hans sa paggagamot ng sugat niya at binihisan siya ng maayos na damit. “Think about it” bulong nito bago naglakad palabas ng silid kaya naiwan si Asher na tulala at walang nakakalam kung ano ang iniisip. “Bakit ang tagal mo? Hindi ba’t sinabi ko kay Hans na ipadala ka agad dito?” salubong na sigaw ni duchess Caddel pagkapasok na pagkapasok ni Asher sa opisina nito. “Mukang kailangan ko nang magpalit ng butler, hindi na ako natutuwa sa pamamalakad ng matandang iy-” Naputol ang sinasabi ni Duchess Caddel nang bigla siyang sakalin ni Asher. Nanlaki ang mga mata niya at nakaramdam ng matinding takot lalo na nang napatitig siya sa mga mata ni Asher na walang emosyong nakatitig pabalik sa kaniya. “W-what-” “Shh” pagsuway ni Asher sa kaniya bago mas hinigpitan ang kapit sa leeg niya. “Huwag kang mag-alala ma. Sisiguraduhin kong mapapatakbo ko ng maayos ang mga ari aring na ipapamana mo sa’kin” “Kr-! argh-” Mas hinigpitan pa ni Asher ang higpit sa leegnig byuda nang magpumiglas siya pero hindi rin nagtagal ay nawalan na ito ng hininga at tuluyang binawian ng buhay. Napatingin si Asher sa mga kamay niya, walang emosyon sa mga mata niya na para bang hindi tao ang pinatay niya at isa lamang insekto. Ibinalik niya ang tingin sa walang buhay na duchess at kasabay noon, isang ngiti ang namuo sa mga labi niya. Ng gabing iyon, narealize niya na dito sa mundo, ang masasama ang nasa itaas habang ang mahihina ang inaapak-apakan. Iyon ang unang beses na nakapatay siya ng tao, pero alam niyang hindi iyon ang huli *** Simula noong nabasa ni Epione ang backstory ng kontra bida sa paborito niyang libro, hindi na niya kinaya pang ipagpatuloy ang pagbabasa. Masyado siyang nadala ng sakit na naramdaman niya para sa isang fictional character na maging sa panaginip niya ay ito ang nilalaman. Gabi gabi, sa pagtulog niya, matatagpuan niya ang sarili sa isang lugar na ibang iba sa mundong kinalakihan niya at mapapanood ang mga eksena sa librong nabasa niya na para bang nasa loob siya noong libro. Ngayon nakatayo siya sa gitna ng isang napaka gandang hallway. Mataas ang kisameng pinaglalambitinan ng magagandang chandelier habang ang sahig ay balot ng tiles na nagrereflect na para bang salamin sa sobrang kinam. “Ianna…” Sa harapan ni Epione, nakatayo ang tatlong karakter na pamilyar na pamilyar siya. Sila ang mga karakter sa paborito niyang libro na ilang araw nang bumabagabag sa kaniya. Walang picture na nakalagay sa libro sa kung ano ang itsura ng mga karakter pero sa hindi maipaliwanag na dahilan, malinaw na malinaw sa panaginip niya ang muka ng mga karakter na para bang buhay at totoo itong mga tao. “Asher… I’m sorry” Pamilyar na pamilyar si Epione sa eksenang nangyayari sa harapan niya, ito yung eksena na pinili ng bidang si Ianna si Marquis Delsaro imbes na si Asher na matagal nang may gusto sa kaniya. Si Ianna ang una at kaisa isang babae na nagustuhan ni Asher pero sa kasamaang palad, hindi siya ang male lead ng libro at nakatakda na sa kaniya ang role na pagiging kontra bida. Nangyari ang eksenang ito, hindi pa nababasa ni Epione ang backstory ni Asher. Hindi pa niya alam ang lahat ng naranasan ni Asher bago siya naging Duke Asher Caddel kaya naman hindi nakaramdam ng awa si Epione noong hindi si Asher ang pinili ng bida pero ngayon, hindi niya mapigilan ang mga luha niya habang pinapanood ang lahat. “Ianna… choose me… please” halos pabulong na sabi ni Asher. Walang emosyon ang muka niya pero tangin si Epione, na hindi kita ng mga tao sa paligid niya, ang nakakita ng panginginig ng mga kamay ni Asher. Hindi nakasagot si Ianna, malamang ay naguguilty para kay Asher pero bago pa siya makapagsalita ay hinawakan siya ng Marquis Delsaro sa bewang bago sila sabay na naglakad papalayo. Sa puntong ito, na-cut na ang eksena sa libro kaya hindi alam ng mga nagbabasa kung ano ang nangyari pagkatapos. Napahawak si Asher sa may dibdib niya bago dahan dahang umagos ang luha sa mga mata niya kasabay ng paghakbang niya papalayo. Iyon ang huling nakita ni Epione bago siya nagising na basang basa ng pawis at umaagos ang mga luha. Ilang araw pa ang lumipas at pinilit ni Epione na kalimutan ang lahat pero kahit anong gawin niya, nagpatuloy parin ang mga panaginip niya at para bang palala pa ito ng palala habang patagal ng patagal hanggang sa hindi na kinaya ni Epione ang lahat. Hindi niya alam kung bakit hindi mawala wala sa isip niya ang librong iyon at ang karakter na sobrang nagpaiyak sa kaniya pero sa tingin niya, ito ay dahil hindi niya tinapos ang libro. Napagdisisyunan niya na ipagpatuloy ang pagbabasa ng libro alang alang sa ikakatahimik ng buhay niya. Ilang segundong napatitig si Epione sa libro bago siya bumuntong hininga at binuksan ito sa pahinang huli niyang nabasa. Sa pahina kung saan siya tumigil dahil hindi na niya kaya. Nang gabing iyon, hindi lubos akalain ni Epione na may luha pa siyang maiiluha dahil sa walang tigil niyang pag iyak nitong mga nakaraang araw. Masaya ang kinahantungan ng libro. Nagkatuluyan ang dalawang bida pero kapalit ng kasayahan nila ay ang kamatayan ng kontra bida. Namatay si Asher, sa kamay ng nag-iisang babae na minahal niya Akala ni Epione ay matatahimik na siya once na matapos niyang basahin yung paborito niyang libro. Akala niya ay titigil na ang mga panaginip niya tungkol kay Asher at mawawala na yung kakaibang kirot sa dibdib na nararamdaman niya sa tuwing naalala ang karakter. pero ibang pagbabago pala ang mararanasan niya.
0 Comments
Leave a Reply. |
AuthorBaubbleGum Archives
December 2020
Categories
All
|