"-ugh! Sige na, sasabihin ko na kung sino ang nagpadala sakin" pagsusuko ni manager Ken nang hindi na niya makaya yung sakit na nararamdaman niya sa buong katawan niya. Balak niya talaga ay isama nalang sa hukay ang nalalaman niya para sana kahit papaano ay magantihan niya sina Duke Asher at Prince Alvin pero hindi na niya kaya yung sakit na pinaparamdam sa kaniya ng mahika ng prinsipe.
"Finally!" Pagbuntong hininga ni prinsipe Alvin. Madami daming mana din ang ginamit niya bago napaamin ang mokong sa harapan niya. "Ang Delsaro… ang nagpadala sakin…" sagot ni manager ken. Sobrang sakit na ng buong katawan niya at hindi na niya maigalaw maging ang mga daliri niya. "Ang Delsaro lang?" Tanong ni Alvin, inaalala ang sinabi ng Duchess sa kaniya. Napatigil si manager Ken. Mukang may ideya na sila na hindi lang ang Delsaro ang may pakana ng lahat. "Kasabwat din ang pamilyang- urgh!" Napaupo ng dugo si manager Ken bago bumula ang bibig niya at napasigaw siya dahil sa mas matinding sakit na naramdaman niya. Napakunot ang nuo ni prinsipe Alvin dahil doon. Wala siyang ginagawa pero mukang may mahika ng ibang tao ang dumadaloy sa katawan ni manager ken na para bang pinipigilan siyang sabihin ang totoo. Napalingon lingon sa paligid si prinsipe Alvin, hinahanap kung meron silang kasamang marunong gumamit ng mahika pero kahit anong lingon niya sa paligid, tanging ang mga tauhan lang ni Asher ang kasama nila at sigurado siyang wala ni isa sa kanila ang may sapat na mana sa katawan para gumamit ng mahika. Isa lang ang ibig sabihin noon, matagal nang nasa katawan ni manager Ken ang mahikang iyon. Sa madalig salita, merong sumpa na nakakapit sa kaniya at lumabas lang iyon nang sabihin niya kung sino ang nagutos sa kaniya. Unti unting humina ang sigaw na nagmumula sa namimilipit sa sakit na si manager Ken at kasabay noon ay ang pagtigil ng kaniyang paghinga. Napakuyom ang kamao ni prinsipe Alvin bago inis na napatingin sa bangkay sa harapan niya. Unti unting sumulpot sa pisngi ni manager Ken ang mga letrang hindi maintindihan at dahil doon, sigurado na si prinsipe Alvin na isang sumpa ang tumapos sa buhay ni manager Ken at sigurado na din siyang gusto siyang patahimikin ng kung sino mang naglagay ng sumpang iyon sa kaniya. *** "Kailangan nating bumalik sa kapital" Napatigil ang mga kamay ni Epione nang marinig ang sinabi ni prinsipe Alvin. Nandito sila ngayon sa dining room at kasalukuyang kumakain ng agahan kasama si Asher pero agad na nawalan ng gana si Epione nang marinig ang sinabi ng prinsipe. "Akala ko ba hindi niyo na kailangang bumalik sa kapital kapag napaamin niyo ang manager ng casino sa mga ginawa niya?" “May sumpang nakakabit kay manager Ken at lumabas lang iyon nang sinubukan niyang aminin kung sino pa ang nagpadala sa kaniya bukod sa mga Delsaro” Napakunot ang nuo ni Epione. Hindi nabanggit ang tungkol doon sa libro. “Dahil namatay si manager Ken at hindi na siya makakapunta sa korte sa kapital, kailangang pumunta ni Asher ng personal para maayos ang gulong ito” “Hinayaan mong mamatay si Manager Ken sa harapan mo? Kung alam ko lang, hindi ko na iniwan sayo ang trabahong iyon” naiiritang tanong ni Asher. Maganda ang gising niya kaninang umaga dahil ang muka ng Duchess agad ang nakita niya pero nasira na ang araw niya nang mabalitaang pumalpak ang prinsipe sa trabahong dapat ay siya ang gumawa. “Hey, huwag ka sakin magalit. Kung hindi ako nangealam baka ikaw ang pumatay sa kaniya imbes na yung sumpa at kung nangyari iyon, hindi natin malalaman na meron pang kasangkot bukod sa pamilyang Delsaro” “Anong hindi malalaman? Base sa pagkaka alala ko, sinabi na ni Duchess Elis ang tungkol sa bagay na iyon bago pa dumating dito si manager Ken” “Pero hindi tayo makakasiguro na totoo ang sinabi ng duchess kung hinayaan lang kita kagabi” “Sino bang nagsabi sayo, your highness, na kailangan nating siguraduhin? Simula palang alam ko nang totoo ang sinasabi ng duchess. Kung hindi mo ako pinigilan kagabi edi sana ako mismo ang nakatapos ng buhay niya imbes na yung sumpang sinasabi mo na hindi mo manlang napigilan” “Ang sabihin mo Duke, gusto mong ikaw mismo ang tumapos kay manager Ken dahil naiinis ka parin sa sinabi niya tungkol sayo at sa duchess” Hinampas ni Asher ang lamesa bago ibinato sa direksyon ni prinsipe Alvin yung kutsilyo na kanina’y ginagamit niya lang panghiwa ng agahang kinakain niya. “Seriously?” naiinis na tanong ni prinsipe Alvin nang muntik nang tamaan ng kutsilyong iyon ang kamay niya. Napahawak sa nuo si Epione habang pinapakinggan ang pagtatalo ng dalawa. Hindi parin niya matanggap ang katotohanang nabigo siyang pigilang mangyari ang pagpunta ni Asher sa kapital at sumasakit ang ulo niya kakaisip noon pero mas lalo pa siyang nahihilo dahil sa ingay ng dalawa. Inilapag ni Epione yung kutsilyo at tinidor na ginagamit niya sa pagkain. Umalingawngaw sa buong silid ang tunod ng pagtama nito sa plato kaya naman napatigil sa pagtatalo sina Asher at prinsipe Alvin bago napatingin sa kaniya. Masyado silang nadala ng pagtatalo nila kaya nakalimutan na nilang hindi lang sila ang nasa silid na ito. “Wala na bang ibang paraan bukod sa pagpunta ni duke Asher sa Kapital?” seryosong tanong ni Epione kahit na may palutang lutang na kutsilyo sa ibabaw ng lamesa. Agad na ibinaba ni prinsipe Alvin yung kutsilyong ipapalipad sana niya sa direksyon ni Asher. “Pwede namang hindi pumunta si Asher sa kapital, kung gusto niyang kilalaning traydor at ipabitay ng hari” Napabuntong hininga si Epione at unti unting nakaramdam ng kaba. Nabigo siyang pigilan ang simpleng pagpunta ni Asher sa Kapital, paano pa kaya ang pagkikita nila ni Ianna at ang nakatakdang trahedya sa buhay niya? Unti unting nawala ang kumpiyansa ni Epione na mapipigilan niya ang nakatakda. Hindi na siya sigurado kung tama pa ba ang mga desisyon niya. Kung sakali mang hindi niya mapigilan ang pagkikita nila Asher at Ianna at kung sakali mang mahulog parin ang loob ni Asher sa kaniya sa kabila ng pangengealam ni Epione, ano nalang ang mangyayari sa kaniya bilang Duchess Caddel at asawa ni Asher? Paano kung dispatyahin siya ni Asher dahil magiging sagabal lang siya sa pagitan nila ni Ianna? “Duchess?” Nanigas sa pwesto si Epione nang marinig ang pamilyar na malalim na boses ni Asher. Napalingon siya sa direksyon nito at napatitig siya sa asul nitong mga mata. Tama… Ang Asher sa librong nabasa ni Epione ay kayang gawin ang lahat para kay Ianna. Handa si Asher na pumatay at gumawa ng mga masasamang bagay para kay Ianna at sigurado si Epione na kayang kaya siyang patayin ng Asher sa orihinal na librong nabasa niya. Mukang nakalimutan na niya na isang Villain si Asher dahil naging maganda ang pakikitungo nito sa kaniya nitong nakalipas na buwan. “Elis” pagtawag ulit ni Asher nang hindi umimik si Epione. “Don’t call me Elis” Hindi napigilan ni Epione ang paglabas ng mga salitang iyon sa bibig niya pero hindi rin naman siya pwedeng sisihin dahil hindi naman siya si Elis. Sinong tao ang gustong tawagin sa pangalang hindi naman sa kaniya. Sa mundong ito, hindi tinatawag sa pangalan ang mga maharlika. Dapat silang tawagin sa titulong taglay nila tulad ng ‘Duke’, ’Duchess’, ‘Marquis’, ‘Count’ at marami pang iba. Tinatawag lang sila sa pangalan ng mga taong malapit sa kanila at mga importanteng tao sa buhay nila. Akala ni Asher ay ayaw ni Epione na tawagin niya itong ‘Elis’ dahil ayaw niyang ituring si Asher na isa sa importanteng tao sa buhay niya kaya naman agad na napakunot ang nuo niya nang marinig ang sinabi ni Epione. “May problema ba?... Duchess…” tanong ni Asher dahil kanina niya pa napapansing malalim ang iniisip ni Epione. Pinilit ngumiti ni Epione bago umiling. “Hindi lang maganda ang pakiramdam ko, Duke” Hindi kumbinsido si Asher sa sinabi niya pero tumango nalang siya. “Kung ganon, mas mabuti sigurong magpahinga ka muna… duchess” Tumango si Epione. Mukang mas mabuti ngang mapagisa muna siya para makapagisip ng mabuti tungkol sa kung ano na ang gagawin niya. “Magsimula ka naring maghanda para sa pagpunta natin sa kapital pagkatapos ng tatlong araw” “Tatlong araw? Hindi ba iyon masyadong mabilis, my lord?” tanong ni Epione. Gusto niya pa sana ng oras para makapagplano sa kung paano haharapin ang mga nakatakdang mangyari sa kapital. “Isa hanggang dalawang buwan ang aabutin ng biyaheng karwahe papuntang Kapital at kalahating buwan naman ang aabutin kung gagamit tayo ng teleportation scroll kaya mas maganda kung maaga tayong aalis” sagot ni Prinsipe Alvin. Wala nang nagawa si Epione kundi tumango. “Kung ganon, mauuna na ako. Your highness, my lord” “May nangyari ba kay Duchess Elis?” agad na tanong ni prinsipe Alvin nang tuluyang makalabas ng dining room si Epione. “Hindi ko… alam” sagot ni Asher, nakatitig parin sa may pinto kung saan lumabas si Epione. Napatawa si prinsipe Alvin nang makita ang komplikadong emosyon sa mga mata ni Asher habang nakatitig sa pinto. “Malamang narealize na niyang isa kang maduming nilalang at mapapahamak lang siya kung lalapit siya sayo” Lalong sumama ang muka ni Asher nang marinig niya ang sinabi ng kaibigan niya pero hindi na siya nakapagsalita pa dahil sa totoo lang, totoo ang sinabi nito. Gayunpaman, alam ni Asher sa sarili niya na makasarili siya at hinding hindi niya hahayaan pang mawala ang kaisa isang babaeng nagpangiti sa kaniya. Kahit na hindi ito masayang kasama siya at kahit na kamuhian pa siya nito at mas piliing mamatay kesa makasama siya. Alam niyang mali pero ang Duchess lang ang nangyaring tama sa buhay niya.
0 Comments
Leave a Reply. |
AuthorBaubbleGum Archives
December 2020
Categories
All
|