Napayakap si Epione sa sarili niya nang umihip ang malakas na hangin mula sa pintuan ng balkonahe sa kwarto niya. Walang taglamig sa orihinal na bansang pinanggalingan niya kaya naman hanggang ngayon ay hindi parin siya sanay sa malamig na klima sa lugar na ito.
“Manang, pwedeng paki sara nung pinto sa balcony?” tanong ni Epione at agad naman siyang sinunod ng matanda. Nginitian ni Epione si manang Jema at nagpasalamat bago ibinalik ang atensyon sa scented candles na ginagawa niya. Gawa doon sa mahiwagang bulaklak na ginagamit sa tsaa ni Asher yung scented candles pero hindi sigurado si Epione kung mas epektibo ba ito kumpara sa tsaa o kung gagana ba talaga ito. Sa tuwing dumadating ang taglamig at bumubuhos na ang mapuputing niyebe mula sa kalangitan, natatabunan na ang mga halaman kaya mahirap nang mangolekta noong mahiwagang bulaklak para sa tsaa ni Asher. Marami na namang nakolekta si Epione na bulaklak pero sigurado siyang hindi iyon sapat para tumagal ng dalawang buwan dahil araw araw na kailangang uminom ni Asher ng tsaa para tuluyang gumaling ang insomia niya at makatulog na siya ng hindi ginagambala ng mga bangungot. Iyon ang dahilan kung bakit naisipan ni Epione na gumawa ng scented candles na mas kaunting bulaklak lang ang kailangan para magawa kumpara sa tsaa. Noong nakaraang araw pa naisipan ni Epione na gawin ito pero dahil hindi siya marunong at hindi rin alam ng mga tao dito kung ano ang scented candle, makailang ulit siyang sumubok bago ito nagawa ng tama. “Aw…” daing ni Epione nang mapaso siya sa ika sampung pagkakataon habang sinasalin ang mainit na wax sa hulmahan ng kandila. “Duchess, ipagawa niyo nalang iyan sa isa sa mga katulong para hindi na kayo mahirapan” suwestiyon ni manang Jema sa ikasampu ring pagkakataon pero tulad ng sagot ni Epione sa mga nauna niyang tanong, hindi siya pumayag. “Hindi na manang, gusto kong makita ng Duke kung paano ko to pinaghirapang gawin para wala siyang ibang magagawa kundi tanggapin to" natatawang sagot ni Epione kaya naman wala nang nasabi pa si manang Jema na pangontra. "Hindi pa ba dadating si Duke Asher?" Tanong ni Epione nang mapansing hindi pa ito dumadating pero bago pa makasagot si manang Jema sa tanong niya ay nakarinig sila ng katok mula sa pinto. "Duchess, nandito na-" agad na tumayo si Epione at binuksan ang pinto bago niya pa tuluyang matapos ang sinasabi ng kumatok kaa aman nagulat hindi lang si manang Jema, kundi pati si Asher na nakatayo na sa labas ng pinto. Wala namang batas na nagbabawal kay Epione na buksan ang pinto para sa bisita pero ang normal na reaksyon ng isang maharlikang tulad niya ay hintayin na pumasok ang bisita. "Magandang gabi, Duke Asher" bati ni Epione. "Magandang gabi… pwede ko bang malaman kung bakit mo ako inimbitahan sa… kwarto mo, Duchess?" Nagaalangang tanong ni Asher. "Oh, hindi sinabi sayo ni manang Jema, my lord?" Nagtatakang tanong ni Epione. Ang alam niya ay pinasabi niya kay manang Jema na imbitahin ang Duke papunta sa kwarto niya para masubukan yung isa sa mga scented candles na ginawa niya. Inilipat ni Asher ang tingin papunta kay manang Jema at hindi niya mapigilang mapangiwi nang makitang nakangiti ito sa kaniya na para bang wala siyang alam. "Kung ganon, ako nalang ang magpapaliwanag sa iyo duke" sabi ni Epione bago inaya si Asher papasok ng kwarto niya. Sa totoo lang ay kwarto dapat ito ng mag asawang Caddel pero dahil sa opisina natutulog si Asher, si Epione lang ang natutulog dito. "Pwede ka nang umalis manang, ako na ang bahala dito" utos ni Epione bago umupo sa sofa at sinenyasan si Asher na umupo sa tabi niya. "Kung ganon, maging maganda sana ang gabi niyo, Duke, Duchess" saad ni manang Jema, hindi parin nawawala ang kakaibang ngisi sa mga labi niya kahit na kanina pa nakatuon sa kaniya ang matalim na tingin. Isa si manang Jema sa mga taong nakasama ni Asher noong buhay pa ang yumaong Duchess Caddel na nag ampon at nagmaltrato sa kaniya. Si manang Jema at butler hans ang isa sa mga taong nakasama niya habang nararanasan niya ang kaliwa't kanang panganib at pagbabanta kaya naman isa din sila sa iilang tao na kayang inisin si Asher nang hindi nilalagay sa alanganin ang buhay nila. Iyon din ang dahilan kung bakit walang ibang nagawa si Asher kundi panuorin si manang Jema na maglakad palabas ng silid. “May problema ba duke?” tanong ni Epione nang makitang sa pinto nakatuon ang tingin ni Asher. Umiling si Asher.”Nagtataka lang ako kung bakit walang normal na tao sa paligid ko” “Hindi ba ako normal?” “No, sinong normal ang magiimbita ng lalaki sa kwarto niya sa kalagitnaan ng gabi?” Napatahimik si Epione. Doon niya lang narealize na madaling ma misunderstood ang intensyon niya sa pagiimbita kay Asher. “Kung ganon, normal din bang tanggapin mo ang imbitasyon ng isang babae sa kalagitnaan ng gabi?” “...” Lumawak ang ngiti ni Epione nang hindi agad nakasagot si Asher. “Normal lang na puntahan kita dahil kasal na naman tayo” “Kung ganon normal lang din na imbitahan kita dito, Duke” "Depende kung ano ang dahilan ng pagiimbita mo” “Ah! right. May ibibigay ako sa’yo, Duke” saad ni Epione nang maalala niya ang dahilan kung bakit niya pinapunta dito si Asher. Inabot niya yung isa sa mga tapos nang scented candles sa lamesa bago pinakita kay Asher. Doon lang napansin ni Asher na puno ng mga kakaibang bagay na ngayon niya lang nakita. “Scented candles ang tawag dito, gawa ito sa Oxelus kaya malaki ang posibilidad na pareho din ito ng epekto” Oxelus ang pangalan noong bulaklak na ginagamit ni Epione para sa tsaa. “Scented candles?” tanong ni Asher bago pinagmasdan yung bagay na inabot sa kaniya ng duchess. Pabilog ang hugis nito at medyo madulas kung hahawakan. Kulay puti ang kulay nito habang sa gitna ay may nakausling manipis na pinagkumpol na bulak at kasing bango ito ng tsaa na tinitimpla mismo ng Duchess para sa kaniya. “Para saan ito?” Mahiwagang bato ang kadalasang ginagamit para magsilbing liwanag sa mundong ito. Bagama’t ginagamit parin paminsan minsan ang apoy, ginagamit lang ito ng mga walang pambili ng mahiwagang bato kaya matagal nang limot ang paggamit ng kandila. Ni hindi nga sigurado si Epione kung naimbento ba ang kandila sa mundong ito dahil walang ibang nakaka alam tungkol dito bukod sa kaniya. Iyon din ang dahilan kung bakit hindi na siya nagulat na hindi alam ng duke kung para saan ang kandila. “Una kailangan mong iyang sindihan” panimula ni Epione bago sinindihan yung kandila gamit yung ‘Igniter’ o ‘Lighter’ kung tawagin sa orihinal niyang mundo. Halos magkapareho lang yung ‘igniter’ at lighter sa itsura, ang pinagkaiba lang ay may mahiwagang bato sa loob ng igniter na siyang naglalabas ng apoy pang sindi. Pagkasinding pagkasindi ni Epione nung kandila ay nagsimulang matunaw yung wax at kasabay noon, humalimuyak sa silid ang mabangong amoy ng Oxelus. "Pwede mo 'yang sindihan bago matulog. Hindi ako sigurado kung kasing bisa iyan nung tsaa pero sigurado akong makakatulong iyan para mas madali kang makatulod, your grace" Napatitig si Asher sa hawak hawak niyang kandila. Tulad ng nararamdaman niya tuwing iniinom yung tsaa na ginawa ni Epione, nakaramdam siya ng malamig na pakiramdam na dumaloy sa katawan niya at unti unti ding kumalma ang mabilis na pagkabog ng dibdib niya. "Paano mo nalamang hirap akong makatulog?" Napatigil si Epione sa tanong niya. Naalala niyang hindi nga pala alam ni Asher na alam niya ang tungkol sa matinding insomia na meron siya. "Uh… nabanggit ata sakin ni butler Hans noong nakaraang araw?" Pagpapalusot ni Epione sabay kamot sa batok. Hindi umimik si Asher. Alam niyang nagsisinungaling lang ito sa kaniya pero imbes na magsuspetya tulad ng normal na reaksyonniya, nakaramdam siya ng kakaibang kiliti at tuwa sa dibdib niya dahil kahit papano'y iniisip siya nito. Hindi alam ni Asher kung kelan ito nagsimula pero ramdam niyang unti unti na siyang naa-adik sa emosyong pinaparamdam sa kaniya ng babae sa tabi niya. Kaya niyang iparamdam kay Asher ang mga emosyong kahit kelan ay hindi niya pa naramdaman kahit kanino pero ang nakakatwa ay wala manlang siyang kaalam alam. "Ikaw mismo ang gumawa nito?" Tanong ni Asher nang mapatingin sa kamay ni Epione na bakas parin ang mga paso. Agad na tumango si Epione at ipinagmalaki pa ang kalagayan ng kamay niya. "Yes, hindi bat napaka bait kong asawa, Duke? Bakit hindi mo ako bisitahin dito ng madalas bilang pasasalamat sakin?" May ngiti sa mga labi ni Epione habang pinapakita kay Asher ang mga sugat sa kamay niya na para bang isa itong kamangha manghang bagay. Wala manlang siyang kaide-ideya kung gaano naapektohan si Asher dahil sa mga salitang sinabi niya. Wala siyang kaalam alam kung gaano kadelikado sabihin ang mga salitang iyon sa isang lalaking tulad niya. "Sure…" sagot ni Asher bago marahang ngumiti, pilit na kinokontrol ang emosyon niya. Hinawakan niya ang kamay ni Asher at tinitigan ang mga paso sa malambot nitong mga kamay. "Then, pwede bang dito ka matulog ngayon Duke? Para malaman ko kung epektibo ba iyang scented candle na ginawa ko" Napatigil si Asher sa paghaplos sa mga paso sa kamay ni Epione. Nilipat niya ang tingin sa mga mata nito bago unti unting lumapit. "Hindi kaba natatakot sa kung anong pwede kong gawin sayo?" Seryosong tanong ni Asher bago marahang hinaplos ang malagintong buhok ni Epione at pinaikot ikot sa daliri ang mga hibla nito. Mabilis na ang pagtibok ng puso ni Epione nang hawakan ni Asher ang kamay niya pero lalo pa itong bumilis nang nilapit nito ang muka sa kaniya at binigkas ang mga salitang iyon sa seryoso at malalim na boses. Ramdam na ramdam niya ang bawat paghinga ni Asher na dumadampi sa pisngi niya at hindi niya mapigilang mamula. Hindi maintindihan ni Epione kung ano ang intensyon ni Asher kung bakit niya ginagawa iyon. 'Do you like me too?' Tanong ni Epione sa loob loob niya habang nakatitig sa malalim na mga mata ni Asher na nakatitig parin sa kaniya. Hindi niya mabasa ang emosyon sa likod ng mba matang iyo kaya hindi niya alam kung ano ang nararamdaman nito para sa kaniya. "May balak kabang gumawa ng isang bagay na dapat kong katakutan, Duke?" Tanong pabalik ni Epione, hindi inaalis ang titig sa kaniya. Napatigil si Asher sa pagi-ikot ng daliri niya sa hibla ng buhok ni Epione at napataas ang kilay. Bahagya siyang napatawa, hindi niya alam kung inosente ba ang Duchess o talagang wala itong kinakatakutan. Gayunpaman, alam niyang isa iyon sa mga dahilan kung bakit ganon nalang ang interes niya para dito. "Alright" sagot ni Asher bago tumayo at naglakad papunta sa malaking kama sa silid. Agad naman siyang sinundan ni Epione pero hindi tulad ni Asher, hindi siya humiga sa kama at umupo lang sa upuan sa tabi nito. "Anong ginagawa mo?" Tanong ni Asher nang makitang walang planong humiga sa kama si Epione. "Papanuorin kitang matulog, duke" Napakunot ang nuo ni Asher. "Tulad ng sinabi ko kanina, gusto kong malaman kung epektibo ba yung scented candle na ginawa ko kaya kailangan kong alamin kung makakatulog ka ng maayos o hindi" nakangiting sagot ni Epione. "Mas lalo akong hindi makakatulog kung tititigan mo lang ako magdamag" "Aalis din ako pagnakatulog ka na, my lord" sagot ni bago sinindihan yung isa pang kandila na ginawa niya at inilapag ito sa bedside table. Napabuntong hininga si Asher bago bumangon sa kama at hinila si Epione palapit sa kaniya. "Wai-wait…!" Hindi na nakapalag pa si Epione nang ipulupot ni Asher ang braso sa bewang niya at hinila siya papalapit sa kaniya. Nasa likuran niya si Asher kaya ramdam na ramdam niya ang bawat paghi ga nito sa may batok niya kaya naman agad na namula ang buong mula niya. Sinubukan pa ni Epione na kumawala sa yakap ni Asher pero mas lalo lang humigpit ang kapit nito at ngayon ay dalawang kamay na ang nakapulupot sa bewang niya. "I won't do anything…" napatigil lang sa pagpupumiglas si Epione nang marinig niya ang bulong ni Asher. "We're just going to sleep…" Napakagat ng labi si Epione. Hindi niya matatanggi na gusto niya si Asher at mukang unti unti, nahuhulog nadin ang loob nito sa kaniya pero imbes na matuwa ay nakaramdam ng pagkabahala si Epione. Gugustuhin pa kaya siya ni Asher kapag nagkita na sila ulit ni Ianna? Paano kung hindi niya mapigilan ang pangyayaring iyon? At kung sakali mang mapigilan niya silang magkita sa araw na iyon, habang buhay nalang bang mabubuhay sa takot si Epione na baka magkita ang dalawa at kalimutan siya ni Asher? Napabuntong hininga nalang si Epione bago marahang hinaplos yung brasong nakapulupot sa bewang niya at ipinikit ang mga mata. Isinubsob ni Asher ang muka sa malambot na buhok ni Epione. Ito ang unang beses na matutulog siyang may kayakap mula noong mamatay ang nanay niya. Ramdam na ramdam niya ang init na nagmumula sa katawan ng babaeng yakap niya at ang gabing iyon… ang pinaka payapang gabing naranasan niya sa loob ng maraming taon.
0 Comments
Leave a Reply. |
AuthorBaubbleGum Archives
December 2020
Categories
All
|