WARNING: This chapter contains violence and scenes that might trigger and upset some of the readers.
“Duke…” nawala lang ang ngiti ni Asher nang marinig niya ang pamilyar na boses ni Butler Hans. Naglalakad ito papalapit sa kaniya at base sa ekspresyon nito, meron itong importanteng balita. “What?" "Dumating na yung mga tauhang pinadala natin sa casino sa kapital" "...Si manager Ken?" "Dinala na nila sa basement, pwede niyo na siyang puntahan ngayon" Tumango si Asher. Dahan dahan at nag aalangan siyang bumitaw sa hawakan ng pinto ng waiting room kung saan naguusap padin ang Duchess at ang prinsipe bago siya nagsimulang maglakad papunta sa basement. Mag i-isang buwan na mula noong pinagutos niyang hulihin ang manager ng casino pero dahil nasa pinaka hilagang parte ng kontinente ang teritoryo ng Caddel, aabutin ng isa hanggang dalawang buwan ang biyahe sa karwahe kung hindi gagamit ng mga teleportation scroll. Sa pinaka liblib at ibabang bahagi ng kastilyo sa teritoryo ng Caddel, makikita ang isang madilim na silid. Dahil nasa ilalim ng lupa, wala itong anumang bintana at tanging ang mga lamparang nakasabit sa pader lang ang nagbibigay liwanag. Sa gitna ng silid, matatagpuan si Asher na nakasandal sa lamesa habang sa harapan niya ay may nakaluhod na isang lalaki. May limang guwardiya ang nakapalibot sa kanila pero nakatayo ito, ilang metro ang layo mula sa kanila. Nasa edad 30 palang si Manager Ken pero dahil sa naranasan niya nitong nagdaang isang buwan sa kamay ng mga tauhan ni Asher, muka na siyang matanda. Magulo at malagkit ang buhok niya habang madumi at maputik naman ang damit niya. Sa unang tingin ay hindi mo aakalain na si manager Ken at ang lalaking ito ay iisa. "Sinong nagpadala sayo?" Seryosong tanong ni Asher, walang emosyon ang asul niyang mga mata na para bang nagliliwanag sa gitna ng madilim na silid. Hindi umimik si manager Ken pero bakas sa muka niya ang takot at kanina pa nanginginig ang mga kamay niya. Alam niya na dadating ang araw na matutuklasan din ng Duke ang mga pinaggagawa niya pero masyado siyang naging kampante nitong mga nakaraang araw dahil dalawang makapangyarihang pamilya ang nasa likod niya. Akala niya ay poprotektahan siya ng mga ito dahil kapag nahuli siya, maari niyang ikanta kung sino ang nagutos sa kaniya na gawin ang mga ilegal na bagay na ginawa niya pero sinong mag aakala na hahayaan lang siya ng mga ito. Lingid sa kaalaman ni manager Ken, sinubukan naman siyang protektahan ng pamilyang Delsaro pero higit na mas malakas ang pwersa ng mga tauhan ni Asher kaya madali iyang nahuli. Wala din siyang kaalam alam na intensyon talaga ng mga Dawson na mahuli siya kaya hindi na sila nag abalang protekahan siya. "Kenneth Griego" matiim na tawag ng Duke sa pangalan niya kaya naman lalong nakaramdam ng takot si manager Ken. "Ayaw na ayaw kong inuulit ang sinasabi ko" "H-hindi ko alam kung anong ibig niyong sabihin, my lord." pag mamaang maangan niya. Hindi niya pwedeng sabihin ang totoo dahil alam niyang pag ginawa niya iyon, kung hindi si Duke Asher ang papatay sa kaniya, ang Delsaro at ang Dawson ang tatapos sa buhay niya. Hanggang ngayon ay umaasa parin siyang ililigtas siya ng mga nag-utos sa kaniya. "Is that so?" Walang emosyon sa muka ng Duke kaya hindi alam ni manager Ken kung naniniwala ba talaga ito sa kaniya pero nasagot ang katanungan niya nang marinig niya ang sunod na sinabi ng nakakatakot na Duke. "Cut off his hands" Pagkasabing pagkasabi non ni Asher ay sumulpot sa tabi ni manager Ken ang isa sa mga gwardiya at bago pa siya makapagsalita ay napasigaw na siya sa sakit ng pagkaputol ng kamay niya. Umagos ang dugo mula doon at nagkulay pula ang sahig na kinaluluhuran niya pero hindi na niya iyon napansin dahil sa tindi ng sakit na nararamdaman niya. "Hindi mo pa din ba alam ang ibig kong sabihin?" Kalmadong tanong ni Asher sa kabila ng madugong eksena sa harapan niya. Nakaramdam ng kakaibang kilabot si manager Ken dahil sa pinakitang reaksyon ng Duke na para bang sanay na sanay na ito at maraming beses nang nalagay sa ganitong sitwasyon. Sa puntong ito, kumbinsido na si manager Ken na totoo ang sabi sabi tungkol kay Duke Asher at kumbinsido na din siyang hindi na siya makakalabas pa ng buhay sa lugar na ito. Alam niya sa sarili niya na kahit na sabihin niya pa kung sino ang nagutos sa kaniya, papatayin at papatayin siya ng demonyo sa harapan niya. Nang marealize niya 'yon, unti unting nawala ang takot na nararamdaman niya at nagkaroon siya ng lakas ng loob na tignan sa mata ang Duke. "Duke, may nakapagsabi na ba sayong napakasama mong tao at daig mo pa ang demonyo?" Natatawang tanong ni manager ken, yakap yakap ang mga kamay niyang patuloy parin sa pagdugo. Hindi umimik si Asher. Wala pang nagsasabi sa kaniya noon ng harapan pero hindi naman siya ignorante sa opinyon ng mga tao sa kaniya. Napangisi si manager Ken nang hindi sumagot ang huli. Tutal mamamatay na din naman siya, napagdesisyunan niyang sabihin ang anumang gusto niyang sabihin. "Duke… Balita ko kinasal ka daw pero nagtangkang magpakalunod ang babaeng iyon?" Kumunot ang nuo ni Asher sa sinabi ng lalaki. Halata sa muka niya ang inis pero lalo lang inudyok ng reaksyon niya si manager Ken na magpatuloy sa pagsasalita. "Kung sabagay, kung ako ang Duchess, mas pipiliin kong mamatay kesa habang buhay na makasama ang demonyong katuladad mo- urgh!" Hindi na natuloy ni manager ken ang sinasabi niya nang lumapit sa kaniya si Duke Asher at saksakin siya nito sa tagiliran. Nakaramdam siya ng matinding sakit pero mas lalo lang itong tumindi nang mas ibaon pa ni Asher ang kutsilyo niya at dahan dahan itong pinilipit. Bumagsak siya sa sahig at napaubo ng dugo pero may ngiti sa mga labi niya nang makita ang galit sa muka ng kanina'y walang emosyong Duke. Inagaw ni Asher yung espada ng isa sa mga gwardiya at tutuluyan na sana si manager ken nang biglang may humawak sa braso niya at pinigilan siya sa balak niya. Nanlilisik ang mga mata ni Asher nang lingunin niya si prinsipe Alvin na siyang biglang sumulpot sa tabi niya at siya ring pumigil sa kaniya. "Bitawan mo ko" nakakatakot ang boses ni Asher at maging si prinsipe Alvin ay nakaramdam ng lamig lalo na nang magtama ang paningin nila ng kaibigan niya. "Duke, hindi na natin malalaman kung tama ba ang sinabi ng Duchess kung papatatayin mo na siya ngayon" Binawi ni Asher ang braso niyang hawak hawak ng prinsipe bago inis na hinagis sa sahig yung espadang hawak hawak niya. Bumuntong hininga siya at naglakad pabalik sa pwesto niya kanina pero hindi parin nawawala ang nakakatakot niyang tingin. "Mas mabuti ata kung magpapalamig ka muna Duke, ako na ang bahala dito" suwestiyon ni prinsipe Alvin pero tinignan lang siya ni Asher. Halata sa muka nito na hindi niya gusto ang sinabi niya. "Huwag kang mag alala, sisiguraduhin kong ikaw ang tatapos sa buhay niya pagkatapos ko siyang paaminin" "Inuutusan mo ba ako, your highness?" "Hinihintay ka ng Duchess sa waiting room, duke" Agad na natahimik si Asher sa narinig niya, unti unting nawala ang matalim niyang tingin bago siya nagpasiyang maglakad palabas ng madilim na silid. "Sundin niyo ang anumang ipagutos ng prinsipe" utos niya sa mga tauhan niya bago siya tuluyang lumabas. Naiwan naman sa silid ang nakangising prinsipe. Napailing iling siya bago lumuhod sa tabi ng nakahandusay at duguan na si manager ken at nakangiting nagtanong. "So, anong paraan mo gustong masaktan?" *** Malaki ang mga hakbang ni Asher habang naglalakad siya papunta sa waiting room pero bigla siyang napatigil nang malapit na siya. "Kung ako ang Duchess, mas pipiliin kong mamatay kesa habang buhay na makasama ang demonyong katuladad mo" nagpaulit ulit sa utak ni Asher ang mga salitang iyon. Hindi siya nagpapa apekto sa sinasabi ng iba tungkol sa kaniya pero sa hindi maipaliwanag na dahilan, ang laki ng epekto sa kaniya ng mga salitang iyon. Ibinaba niya ang tingin sa mga kamay niya at doon niya lang napansin na puno pa pala ng bahid ng dugo ang kamay niya. Mukang masyado siyang nagmamadali para makarating dito kaya hindi niya napansin ang itsura niya. Ano kayang magiging reaksyon ng Duchess kapag nakita siya nito sa ganitong kalagayan? Magagawa pa kaya nitong ngumiti sa tuwing nakikita siya? Magagawa niya pa kayang harapin si Asher tulad ng dati? "Ay jusko" nabalik lang ang atensyon ni Asher sa kasalukuyan nang makarinig siya ng gulat na boses sa may likuran niya. Napalingon siya at doon, nakita si manang Jema na may dala dalang tray ng mga biskwit at tsaa. "Anong tinatayo-tayo niyo diyan, my lord?" Magalang na tanong ng matanda pero bakas sa muka niya ang pagkabigla nang makita ang dugo sa damit at kamay ni Asher. Hindi agad umimik si Asher at tinignan ang dala dalang tray ni manang Jema. "Sa waiting room mo ba dadalhin ang mga iyan?" "Yes, my lord" "Paki sabi sa Duchess, matatagalan pa ako kaya mas mabuti kung mauna na siyang bumalik sa quarters niya" Kahit na gusto pa ni Asher na harapin ang Duchess, hindi niya iyon pwedeng gawin dahil sa itsura niya. Tumango si manang Jema at agad na sinunod ang utos ng Duke. Hindi na siya nagtanong pa dahil naiintindihan na niya kung bakit iyon pinapasabi ng Duke. Nanatiling nakatayo si Asher sa pwesto niya. Medyo malayo pa siya sa waiting room pero kita mula sa bintana sa tabi niya ang malaking bintana sa loob ng waiting room kaya kitang kita niya ang Duchess mula sa pwesto niya. Pinanood niya kung paanong pumasok sa silid si manang Jema at may sinabi sa Duchess. Hindi rinig ni Asher ang paguusap nila dahil masyado siyang malayo pero nakita niyang tumayo sa kinauupuan si Duchess Elis bago naglakad palabas ng pinto. Napabuntong hininga si Asher. Siya mismo ang nagutos na pabalikin na ito sa quarters niya pero hindi niya mapigilang makaramdam ng pagkadismaya. Maglalakad na sana siya pabalik sa opisina niya para pilitin ang sarili na matulog pero bago pa siya makalayo ay narinig niya ang boses ni manang Jema. "Duke!" Napatigil sa paglalakad si Asher at hinintay si manang Jema na patakbong lumapit sa kaniya. "Pinapasabi ng Duchess na puntahan niyo daw siya sa kwarto niya kung may oras pa kayo pagkatapos ng trabahong kailangan niyong tapusin" Naestatwa si Asher at hindi agad nakapagsalita. "Sa… kwarto niya?" Napangisi si manang Jema bago tumango tango.
0 Comments
Leave a Reply. |
AuthorBaubbleGum Archives
December 2020
Categories
All
|