A.N. Bago niyo basahin ang chapter na ito, make sure na nabasa niyo na ang UPDATED na version ng chapter 26. Paki check kung nabasa niyo na yung last part na idinagdag ko, that's all. Enjoy reading. ~~~~~ Tahimik kong pinagmasdan ang likod ni Trevas habang naglalakad kami pabalik sa main building ng courtyard. For some reason, nakakalungkot tignan ang likuran ni Trevas habang naglalakad siya mag-isa. Tahimik lang siya pero alam kong malaki ang epekto sa kaniya ng lahat ng nalaman niya tungkol sa totoo niyang nanay. "Trevas" halos pabulong kong tawag sa kaniya pero tumigil siya sa paglakad at lumingon sa akin. Nginitian niya pa ako pero bakas sa mga mata niya ang halu-halong emosyon na sa malamang ay gumugulo sa isipan niya. "I'm here for you okay? Kahit ano ka pa at kahit sino pa ang mga magulang mo... I'm here" napansin kong biglang sumeryoso ang mukha ni Trevas at tinitigan ako bago naglakad papalapit sa akin. "You do know how to melt a heart, don't you?" Sabi niya at magsasalita pa sana nang bigla niya akong hatakin palapit sa kaniya at yakapin ng mahigpit. Sinubsob niya ang mukha niya sa may leeg ko kaya naman nagsitindigan ang balahibo ko sa katawan nang maramdaman ko ang hininga niya na dumadampi sa balat ko. "Are you okay?" Tanong ko sa kaniya pero hindi na siya sumagot. Iniunat ko nalang ang kamay ko at sinuklay sa buhok niya habang siya ay mas hinigpitan ang kamay na nakapulupot sa bewang ko. "You're the first" bulong niya pero dahil magkalapit kami ay rinig na rinig ko ang nanginginig niyang boses. It's probably too much for him na malaman na ang tinuring niyang nanay mula pagkabata ay hindi pala niya kaano-ano at walang nakakaalam kung buhay pa ba ang totoo niyang nanay o hindi. "I'm the first?" Tanong ko, hindi maintindihan ang sinasabi niya. "Ikaw ang unang nagsabi sa akin buong buhay ko na nandyan ka kahit ano at sino pa ako" this time ako naman ang napahigpit ang kapit sa kaniya. Hindi ko alam pero ako ang nasasaktan sa tuwing iniisip ko ang lahat ng pinagdaanan ni Trevas. Ang tatay niya ay busy sa pagpapatakbo ng kaharian habang ang step mom at kapatid niya ay nilalason siya mula pagkabata at sinusubukang dispatiyahin and I doubt na meron siyang mga kaibigan na tanggap ang pagiging dark user niya. Actually, I was just like him bago ko nakilala si Anna. Kung paanong dinidiscriminate ang mga dark user dahil sa pagkakaroon ng dugong demonyo ay ganon din dinidiscriminate ang mga water user na kagaya ko dahil sa pagiging mahina. Kaya naranasan ko ring maliitin at layuan noong nasa Bauxacel pa ako. "Luke is so lucky to have someone like you to like him" bigla akong naestatwa sa sinabi niya. He might be lucky, pero sinayang niya ang nararamdaman ko para sa kaniya. "But he's so stupid to hurt you like that" bigla akong napangiti pero namula at nanubig ang mga mata ko. It felt so good na may taong nakaka-appreciate sayo. Hindi ko alam kung gaano katagal kami nanatili sa pwesto namin ni Trevas pero naglakad lang kami pabalik sa main building nang mag-aya si Trevas dahil baka daw magkasakit ako dahil sa malamig na simoy na hangin at kahit na isa akong ice user at hindi tinatablan ng lamig ay hindi na ako umangal at sumunod sa kaniya papasok sa main building. Wala na si Lina sa living room pagkapasok namin. Malamang tulog na dahil napatagal ata ang pag-uusap namin ni Trevas. "We should sleep too, maaga pa ang pagpupulong bukas" aya ni Trevas kaya naman sabay na kaming umakyat sa second floor kung saan nandoon ang tatlong kwarto na tinutuluyan namin. Meron pang isang kwarto sa first floor which is the master bedroom pero ayaw iyon gamitin ni Trevas dahil masyado raw malaki para sa kaniya. Naglakad si Trevas papunta sa may pinto ng kwarto niya at ako naman ay doon sa katapat na pinto noong sa kaniya. "Alissa" napalingon ako sa kaniya at nakitang pareho kaming nakahawak sa door knob ng pinto ng mga kwarto namin. "Hmm?" "Kapag okay na ang lahat dito sa Beifang, ako mismo ang sasama sayo pabalik sa Bauxacel" sabi niya pero hindi na ako nagulat na alam niya ang tungkol sa mga balak ko at hindi na ako magtataka kung alam na niya na ako yung 'Alissa Knoxx' na inaakala ng karamihan na patay na. Malamang ay pina imbestigahan na niya kami ni Lina pero I don't really mind dahil karapatan naman niyang malaman ang lahat. "You don't have to, kailangan ko lang siguro ng pangalan at mga tauhan mo para—" "No, Ako mismo ang sasama sa iyo. Gusto kong bumawi sa lahat ng ginawa mo para sa akin" napakunot ang nuo ko, wala pa naman ata akong natutulong sa kaniya bukod sa pagsama sa kaniya sa gera laban sa mga barbarians. "I haven't really done much" sabi ko na siyang ikinailing niya. "You've done a lot Alissa, hindi mo alam kung anong tulong ang nagagawa mo just by staying at my side" sabi ni Trevas bago lumapit sa akin at hinawakan ako sa ulo at ginulo ng kaunti ang buhok ko. "Good night" sabi niya bago naglakad papasok sa kuwarto niya. "Good night" Sabi ko kahit alam kong hindi na niya maririnig iyon bago ako pumasok sa sarili kong kwarto.
1 Comment
Joanna
6/27/2020 09:52:09 pm
Next
Reply
Leave a Reply. |
AuthorBaubbleGum Archives
December 2020
Categories
All
|