Tama nga ang hinala ko, Antoine was the dressmaker on this boutique. Ang hindi ko lang inexpect ay sikat na sikat siya sa buong kaharian ng Beifang dahil sa ganda ng mga gawa niya at minsan pa nga daw ay dinadayo siya ng mga taga Bauxacel para magpatahi ng damit. Kaya naman hindi na ako nagtaka nang makita ko ang napakagandang sketch ng damit na dinesign ni Antoine para talaga sa amin. Napahawak ako sa bibig ko at manghang-mangha na napatingin sa sketch ng damit sa isang mahiwagang papel sa harapan ko na dinesign ni Antoine para sa akin at napansin kong ganon din ang reaksyon ni Lina nang makita ang sa kaniya. Pati si Trevas at lieutenant Jared ay nakita kong napataas ang kilay bago napatitig sa papel na nakalutang sa harapan nila kaya naman na-curious ako at sinilip ang kanila. Una kong tinignan ang kay Lina. Isa itong kulay pula na dress at may mataas na slit at mababa ang neckline nito. May mahaba itong sleeves at mahabang trail sa likod habang may mga disenyo namang ginto sa may dibdib at leeg para medyo less revealing ang damit. Habang sinisilip ko ang damit na para kay Lina ay napalingon din ako sa sketch ng damit para kay lieutenant Jared dahil magkatabi sila at nag-uusap. Katulad ng kay Lina ay kulay pula rin ang damit na para kay Lieutenant Jared at meron din itong kulay ginto na armor sa may dibdib. Hindi ko alam kung bakit kailangan niya pa ng armor eh party naman ang pupuntahan namin pero nagkibit-balikat nalang ako at napasilip sa sketch ng damit ni Trevas pero biglang nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang sa kanya. Hinatak ko palapit sa akin yung nakalutang na mahiwagang papel at pinagtabi yung sketch ng damit niya at nung akin na magkaternong-magkaterno tulad ng pagkakaterno ng damit nila Lina at lieutenant Jared. "Bakit magkaterno ang samin?" Tanong ko kay Antoine na chill na nakaupo sa sandalan ng sofa sa harapan namin. Nilipat niya ang tingin niya mula sa kuko niyang parang bagong manicured papunta sa akin at tinaasan ako ng kilay. "Hindi ba kayo magkapartner sa grand ball?" "We're not" "We are" napalingon ako kay Trevas dahil sa sagot niya. "We are?" "Bakit? Ayaw mo?" Tanong ni Trevas bago nagpangalumbaba at pinatong ang siko sa may ibabaw ng tuhod niya at tinignan ako. "Syempre gusto ko" bigla siyang napangisi sa sagot ko at doon ko lang narealize kung gaano ka pangit pakinggan ng sinabi ko. Syempre gusto ko? "I mean, hindi ko gusto pero hindi ko ayaw" Pagpapatuloy ko dahilan para mabalik ang tingin niya sa akin at napataas ang kilay. Napahawak ako sa sintido ko. Dapat pala hindi nalang ako nagsalita. "Ano ba talagang gusto mo?" Natatawang tanong ni Trevas. "Ikaw daw kasi yung gusto niya" bigla akong napalingon kay Lina at tinignan siya ng masama pero tinawanan niya lang ako bago humarap kay Lieutenant Jared. "Ikaw, ikaw yung gusto ko" Nakita kong napailing-iling si lieutenant Jared pero napakagat siya sa labi na para bang kinikilig at pinipigilang mapangiti. "Kailan namin makukuha ang mga damit?" Tanong ni Trevas kay Antoine. "Mawalang galang na your highness, pero kailangan mong magbayad muna" nakapameywang na saad ni Antoine pero imbes na magalit tulad ng karaniwang reaksyon ng isang royal ay natawa lang si Trevas bago napasandal sa sofa. "Ipadala mo sa courtyard ko bago mag Saturday night, yung head ng funds manager na ang bahalang magbayad ng lahat ng bayarin" sabi ni Trevas. "It's settled then?" Tanong ni Antoine bago nakipagkamay kay Trevas at hinampas pa ito sa braso na para bang close na close sila pero lalo lang napakunot ang nuo ko nang hindi umangal si Trevas at tumawa pa sa binulong ni Antoine sa kaniya. Pagkatapos namin sa boutique ay akala ko babalik ba kami sa palasyo pero imbes na sa palasyo ay pumunta kami sa may tapat ng isang lawa na matatagpuan sa gitna ng kaharian. Mataas ang bakod na nakapalibot sa lawa para maiwasang may mahulog pero merong hagdan pababa sa isang deck kung saan may mga bangka. "Bakit tayo nandito?" Tanong ko habang sinusundan si Trevas pababa roon sa deck. "Kakain tayo ng lunch" "Lunch? Dito sa lawa?" Tanong ko. "Try mo Alissa, kainin mo yung mga isda dyan sa lawa" natatawang sabi ni Lina na nasa likuran ko at sa tabi naman niya ay si Lieutenant Jared na kanina pa tahimik pero hindi na ako nagtaka. Alam kong si lieutenant Jared yung tipo ng lalaki na hindi madaldal. "Nagtatanong ako ng maayos diba?" Saad ko kay Lina pero tinawanan niya lang ako at nang-asar pa. "Sasakay tayo ng bangka papunta roon sa boathouse restaurant" sabi ni Trevas bago may inabot na kung ano doon sa lalaking nakatayo sa tabi noong bangka. Napatingin ako sa may Lawa at doon ko lang natanaw ang isang gusali sa gitna noong lawa. Isang palapag lang ito pero ang pader ay gawa sa salamin kaya kitang-kita mula dito ang mga customers na nakatanaw sa asul na asul na lawa. Sumakay kami sa bangka pero nagulat ako nang imbes na magsagwan yung lalaking kinausap ni Trevas kanina ay umupo lang siya sa may likuran namin at kusa namang umandar ang bangkang sinasakyan namin. Napalingon ako sa may tubig at sinilip kung ano ang nagpapaandar sa bangka at doon nakita ko ang dalawang malaking seahorse. Nang tumigil ang bangka sa isang deck ay agad akong bumaba at tumingala sa boathouse restaurant na nasa harapan ko. 'Hailey boathouse restaurant' iyan ang nakalagay sa itaas ng pinto. Pumasok kami sa loob at pumwesto sa lamesa sa tapat ng bintana kaya kitang-kita ko mula dito ang ganda ng lawa. Lumapit ang isang babae sa table namin at kinuha ang order namin. Kulay brown ang buhok niya at medyo may pagkakulot iyon habang ang kaniyang mga mata ay itim na itim. Napatingin ako sa nametag sa may dibdib niya at nakitang 'Kaylie' ang pangalan niya. (A.N. kaway kaway sa mga nakakakilala kay Kaylie ng story kong I'm inlove with your Soul) Binasa ni Kaylie yung mga inorder namin bago siya tumango at naglakad papunta roon sa kitchen kaya naiwan kaming apat sa table. Hindi naman ganon katagal ang hinintay namin bago dumating yung pagkain pero napakadami naming napag-usapan. Hindi ko narealize na sa maikling panahon na nagkasama kaming apat ay ang dami na pala naming napagdaanan. Pagkatapos naming kumain ay nag-aya nang bumalik si lieutenant Jared dahil kailangan na nyang pumunta sa training camp kaya namang napagdesisyonan naming bumalik na ng palasyo kahit na nagpupumilit si Lina na puntahan yung isang sikat na sikat na Maxica Academy dahil sa mala palasyo nitong campus. "Hanggang ngayon naiinis pa rin ako kay Alastor" biglang sabi ni Lina sa kalagitnaan ng pagkekwentuhan namin habang nasa loob kami ng karwahe pabalik sa palasyo. Napatigil si Trevas at napalingon kay lina bago ito tinaasan ng kilay na para bang sinasabihan ito na magpatuloy sa pagsasalita. "Lahat naman ata kinaiinisan mo" sabi ni lieutenant Jared na kanina pa tahimik. Basta talaga tunkol kay Lina bigla siyang dumadaldal. Hinampas ni Lina yung hita ni lieutenant Jared dahil magkatabi sila habang kami naman ni Trevas ang magkatabi sa harapan nila tulad ng lagi naming pwesto. Napasinghal si Lieutenant Jared dahil sa paghampas sa kaniya ni Lina pero hindi siya umimik nang tinaasan siya ni Lina ng kilay at hinimas-himas nalang niya ang hita niya. "Sinong hindi maiinis don? Napakahambog, manang-mana sa nanay niyang demonyita" sabi ni Lina bago ipinagkrus ang braso sa may dibdib at sumandal sa may balikat ni Lieutenant Jared. "No offense Trevas" pahabol niya pa bago nag peace sign pero hindi nagsalita si Trevas at nginitian lang siya kaya napakunot ang nuo ko. "Seryoso, ni hindi ka man lang ba magagalit sa lahat ng ginawa sayo ni Alastor at ng nanay mo?" Napalingon sa akin si Trevas at nagtama ang mga paningin namin bago niya nilipat ang tingin sa kamay niya na nasa may hita niya na para bang iyon ay isang napakainteresanteng bagay. "Syempre kinamuhian ko sila" matipid na sabi ni Trevas pero hindi pa rin ako nakukumbinsi. Kita ko kung paano niya pinapagpasensyahan yung magnanay na iyon kahit na sobra na sa sama at kung ako lang sa kaniya ay matagal ko nang binaon sa lupa ang dalawang iyon. "Then bakit hindi ka lumaban pabalik?" Tanong ni Lina kaya napalingon ako sa kaniya at nakitang maging si lieutenant Jared na nas a tabi niya ay nakatingin na rin kay Trevas na parang gusto ring malaman kung bakit nga ba ganon nalang kung magpasensya si Trevas sa mga taong nananakit sa kaniya. Never kong nakita si Trevas na gumanti sa mga taong may atraso sa kaniya. Kahit sa mga mamamayan ng Beifang na kinamumuhian siya dahil sa pagiging dark user ay wala siyang ginagawa Napabuntong hininga si Trevas bago napasandal. "Syempre sinubukan kong lumaban, pero muntik nang may mamatay na inosente dahil doon" Napatahimik kaming lahat dahil sa sinabi niya at hinintay siyang magsalita ulit. "I was 3 years old ata ng mga panahong iyon... Wala pang nakakaalam na isa akong dark user pero aksidente akong nag ibang anyo nang sinubukan akong ikandado ni queen— mother sa loob ng kulungan ng mga manticore sa likod ng palasyo" "She did what?" Kunot nuo kong tanong at hindi ko napigilang mapalakas ang boses ko. Kinulong niya si Trevas sa kulungan ng mga manticore? Kinulong niya ang 3 YEARS OLD na si Trevas sa kulungan ng mga manticore? "Nag ibang anyo ako bago pa man ako malapitan noong mga manticore pero hindi ko nakokontrol ang sarili ko dahil sa galit na nararamdaman ko kaya may muntik na akong makapatay ng isang batang babae." Bigla kong naalala yung nangyari kay Freya dahil sa galit na naramdaman niya sa pagkamatay ng mga magulang niya. "Buti nalang at nabalik ako sa katinuan nang makita ko yung batang babaeng iyon, siguro dahil kaibigan ko siya o ano, hindi ko na maalala masyado basta ang natatandaan ko, simula nang nangyari ang insidenteng iyon ay iniwasan ko nang magalit at magtransform kung hindi naman kailangan" sabi ni Trevas bago napatingin sa may bintana. Somehow, gusto kong magpasalamat doon sa batang babae dahil kung hindi dahil sa kaniya ay baka natulad si Trevas sa nanay niya na nilamon ng galit kaya madaming napatay na inosente. "Anong nangyari doon sa batang babae?" Tanong ko. "Hindi ko na matandaan masyado pero umalis din sila kalaunan kasama ng nanay niya na bisita lang ni king father" Magsasalita pa sana ako at magtatanong pa ng kung anu-ano nang biglang maagaw ang atensyon ko nang may umilaw sa may bulsa ni lieutenant Jared. Napalingon din si Trevas at si Lina sa may bulsa niya. Isinuot ni lieutenant Jared ang kamay sa may bulsa niya at inilabas yung nagliliwanag na bagay pero agad ding nawala ang liwanag kaya mas nakita ko kung ano yung bagay na nanggaling sa bulsa niya. Isa itong papel at nang binuksan niya ito ay doon ko lang napagtanto na isa itong 'messenger' at mukang may nagpadala ng mensahe sa kaniya. Binasa ni Lieutenant Jared yung nakasulat doon sa messenger at nakita kong sumilip din si Lina pero hindi naman siya pinigilan ni Lieutenant Jared at hinayaan lang siya. Napansin kong biglang sumeryoso ang mukha ni lieutenant Jared bago ibinaba yung hawak niyang messenger at seryosong tumingin kay Trevas. "What is it?" Tanong ni Trevas nang mapansin niya ang pagkaseryoso ni lieutenant Jared. "Alastor... He's back" Author's note:
1. Picture ng damit nila (imaginine nyo hindi masyadong revealing yung mga damit hahaha)
0 Comments
Leave a Reply. |
AuthorBaubbleGum Archives
December 2020
Categories
All
|