-
"Where is he?" Bungad na tanong ni Vivian pagkapasok na pagkapasok niya sa waiting room ng courtyard ni Alastor kung saan kami kasalukuyang naghihintay para sa balita tungkol sa kalagayan ni Alastor na kasalukuyang chine-check up ng isang royal alchemist. Mas malaki at mas maganda ang courtyard na ito kumpara sa courtyard ni Trevas kaya naman pakunot ng pakunot ang nuo ko habang pinagmamasdan yung loob ng courtyard na puno mga mamahaling gamit. Meron pa ngang isang malaking painting na nakasabit sa itaas noong fireplace na ipininta pa ni Mauline na isang kilalang-kilalang artist. Tinuro ni Trevas yung pinto sa may tabi niya. Nakasandal kasi siya sa pader dahil hindi na siya kasya sa upuang inuupuan namin ni Lina habang si lieutenant Jared naman ay nakaupo sa armrest sa side ni Lina. May mga katulong din na pabalik-balik sa kwarto para magdala ng pagkain para sa amin pero mas pinili namin na huwag yun kainin dahil wala kaming tiwala sa mga katulong ni Alastor. Dire-diretsong naglakad si Vivian papunta roon sa pinto na tinuro ni Trevas pero bago pa siya makalapit doon ay bumukas na yung pinto at lumabas ang hari kasunod noong royal alchemist. "Anong ginagawa mo rito? Hindi ba't napagkasunduan na nating hindi ka na magpapakita rito?" Tanong nung hari kay Vivian. "I'm not here for you" sabi ni Vivian bago dire-diretsong naglakad papasok sa kwarto kung saan kasalukuyang nakahiga si Alastor sa kama. Umupo sa tabi ng kama si Vivian bago hinawakan ang kamay ni Alastor pero imbes na maawa at lumambot ang puso ko ay lalo lang akong nainis. Kaya niya naman palang mag ugaling tao pero bakit napakademonyo niya kay Trevas? Sabihin na nating hindi niya anak si Trevas, pero Trevas deserves to be treated just like how she treated Alastor. Naagaw ang atensyon ko ng magsimulang magsalita yung alchemist tungkol sa kundisyon ni Alastor pero hindi ko masyadong maintindihan ang sinasabi niya basta ang naintindihan ko lang ay hindi agad-agad magigising si Alastor dahil dumaloy yung dugo niya paakyat sa utak niya dahil sa pagkakabitin patiwarik. "Hindi pa ba siya mamamatay?" Tanong ni Lina kaya naman bigla ko siyang hinampas sa hita at tinignan naman niya ako ng masama at binalak pang gumanti pero bago pa mangyari yon ay biglang lumabas ng kwarto si Vivian at napatingin kay Lina. "No, hindi pa siya mamamatay dahil mauuna ka" sabi nito. "Excuse me?" Tanong ni Lina at kitang-kita ko na napakuyom ang kamao niya dahil malamang ay pinipigilan ang sarili na sugurin si Vivian dahil alam niya na once na saktan niya si Vivian ay gulo ang kapalit dahil bukod sa isang prinsesa ng Firlame si Vivian ay mababa lamang ang ranggo ni Lina na dating personal maid ko lang. "Sisiguraduhin ko na lahat kayo" tinuro pa niya kami isa-isa. "Mauuna kayong mawala sa mundo kesa kay Alastor" "Vivian, nakakalimutan mo atang nasa teritoryo kita" sabi noong hari dahilan para mapabaling sa kaniya ang tingin ni Vivian. "Oh yeah? Try me Henrick, try me" banta ni Vivian bago siya naglakad palabas ng courtyard. Bigla akong kinabahan. Hindi naman siguro gagawa ng gulo si Vivian? Lumipas ang ilang araw at mabuti naman ay hindi gumawa ng gulo si Vivian. Ine-expect ko pa naman na gagawa ng skandalo si Vivian pero tahimik naman kaming nakapanirahan sa nakalipas na araw. Madalas kaming chill lang ni Lina sa courtyard ni Trevas habang si Trevas at Lieutenant Jared ay busy sa pagt-train sa mga tauhan nila sa training camp na matatagpuan sa tabi ng palasyo. Minsan sumasama kami ni Lina sa kanila at pinapanood yung mga mandirigma / wizards na may magagandang katawan na paikot-ikot na nag j-jogging paikot sa field. Tawa kami ng tawa ni Lina habang nag-aasaran at nagtatalo kung sino yung may pinaka magandang katawan doon sa halos sampung lalaki na walang damit pang itaas at paikot-ikot na nag j-jogging pero napatili si Lina nang sumama rin si lieutenant Jared sa pag j-jogging nang naka-topless. "Baby ko yan!" Sigaw ni Lina habang nakatayo dahilan para mapalingon sa amin sila lieutenant Jared na medyo pinagpapawisan na sa kakatakbo. Inalog-alog ako ni Lina nang nginitian siya ni lieutenant Jared pero hinila ko nalang siya paupo dahil pinagtitinginan na kami ng mga tao. "Kailangang ipagsigawan?" Tanong ko bago dumukot ng isang chiffon cake sa basket na naglalaman ng kung anu-anong pagkain. Dinala talaga namin ito para kay Trevas at Lieutenant Jared pero dahil busy pa sila at mamaya pa matatapos ay kami muna ni Lina ang kumain tutal marami naman yun. "Syempre kanina pa siya tinitignan nung mga mages eh, kailangan ipagsigawan kong akin na yun, walang aagaw" sabi ni Lina bago dumukot din ng isang chiffon cake sa basket. Napatingin ako sa paligid at nakitang ang iba ngang mga mages, o babaeng mandirigma ay napapasulyap sa direksyon nila Lieutenant Jared. "Iyon oh Alissa! Ang sarap" bulong ni Lina bago may itinuro. Napatawa ako sa term na ginamit niya pero sinundan ko rin ng tingin yung tinuturo niya. "Saan?" "Yung may itim na belt" sabi ni Lina kaya naman agad kong nakita yung tinuturo niyang lalaki. Kulay itim ang medyo magulo nitong buhok, malaki at matipuno ang katawan na kasalukuyang pawis na pawis. Matangos ang ilong niya at singkit ang mga mata at unang tingin ko palang sa kaniya ay alam kong may pagkamasungit na ang lalaking ito. Tsk, tsk mahilig talaga sa masungit tong si Lina eh. Pero hindi ko naman maitatanggi na gwapo yung lalaking tinuro niya. "Gwapo" matipid kong sabi. "Sino?" Bigla akong napahawak sa dibdib ko sa gulat nang biglang sumulpot sa likod namin si Trevas bago kumuha ng isang sandwich doon sa dala naming basket. "Gwapo daw yun oh Trevas" nakangising sagot ni Lina bago tinuro yung lalaking tinutukoy kong gwapo pero bakit pakiramdam ko ay may ibang ibig-sabihin yung ngiti ni Lina? Napalingon si Trevas sa tinuturo ni Lina bago ito walang imik na naglakad papalapit sa kanila. Sandaling napatigil sa pag j-jogging yung mga lalaki at napasaludo kay Trevas. Nag-usap sandali si Trevas at yung lalaking sinabi ko kaninang gwapo pero dahil malayo kami ni Lina ay hindi namin alam ang pinag-uusapan nila basta nakita nalang namin na tumango yung lalaki bago naglakad paalis ng field. "Ayan, lagot ka Alissa ginalit mo si Trevas" sabi ni Lina habang ginagalaw-galaw yung hintuturo niya sa harapan ko. Magtatanong pa sana ako kung ano na namang ginawa ko pero bigla akong napatigil nang hawakan na naman ako ni Lina sa braso at inalog-alog ako. "Look!" Sigaw sakin ni Lina kahit na magkalapit lang kami habang ang kamay ay nakaturo roon sa field at halos mabuga ko yung kinakain ko nang makita si Trevas na ngayon ay kasama na nila lieutenant Jared na nagj-jogging paikot sa field habang naka-topless. Napatulala ako kay Trevas na ngayon ay nakangiti sa direksyon namin at hindi ko maiwasang pagmasdan yung katawan niya. Alam ko medyo bastos pero hindi mo naman mapipigilan ang sarili mo na mag-admire ng magagandang bagay diba? "Baka matunaw" bulong sakin ni Lina dahilan para mabalik ako sa katinuan. Napatawa siya nang makita ang reaksyon ko bago tinapat ang dalawang kamay sa may bibig at huminga ng malalim bago sumigaw. "Trevas!" Napalingon siya sa amin at bigla akong kinabahan sa kung ano mang sasabihin ni Lina sa kaniya. "Kay Alissa ka lang daw!" Bigla kong hinampas sa braso si Lina pero tawang-tawa lang siya habang nakita kong napangisi si Trevas habang tinatawanan siya ni lieutenant Jared at ng iba sa mga kasama niya sa pag j-jogging pero hindi na ako nagtaka, sa lakas ba naman ng boses ni Lina hindi na imposible kung rinig siya sa buong kampo. Sa mga nakalipas na araw ay paulit-ulit pa si Lina sa pang-aasar sa amin ni Trevas at minsan pa nga ay nakikisama pa si lieutenant Jared at ang ibang mga tauhan ni Trevas sa kampo. Hindi ko naman itatanggi na interesado ako kay Trevas dahil bukod sa sabihin na nating 'gwapo' siya ay naging mabuti siya sa amin ni Lina at alam ko na swerte ang babaeng makakatuluyan niya pero hanggang interes lang ang nararamdaman ko sa kaniya dahil bukod sa takot pa akong magkagusto ay alam ko deep inside na may nararamdaman pa ako kay Luke. At isa pa, hindi ko alam kung may interes din ba sa akin si Trevas o talagang hindi lang siya tumatanggi o nagagalit kapag inaasar kaming dalawa. Mabilis na lumipas ang mga araw at sa wakas ay dumating na ang araw ng sabado, ang coronation day ni Trevas. Pasikat pa lang ang araw ay nagready na kami ni Lina dahil madami pa kaming ritwal na ginagawa hindi tulad ng mga lalaki na ligo at bihis lang ang kailangan. Pagkagising na pagkagising ko ay naabutan ko si Lina sa may dining room at kumakain na ng breakfast na niluto ng mga kitchen staff na naka assign dito sa courtyard. Pagkatapos naming kumain ni Lina ay bumalik kami sa kanya-kanyang kwarto para maligo. Naglublob ako sa bathtub habang napaliligiran ng scented candles na kasing bango ng mahahalimuyak na bulaklak. Hindi ko alam kung gaano katagal ako nag lublob at nag relax sa bathtub basta matagal iyon at sa sobrang tagal ay dumikit na sa balat ko ang mabangong amoy ng mga kandila at nangulubot na rin ang balat ko sa daliri. Nagsuot muna ako ng bathrobe at pinatuyo ang buhok ko bago kinuha yung damit na pinatahi namin kay Antoine na kahapon pa dumating pero hanggang ngayon ay manghang-mangha pa rin ako sa ganda ng damit na nilikha ni Antoine at hindi na ako nagtataka kung bakit sikat na sikat ang mga damit na ginagawa niya. Kung maganda na ang damit sa sketch palang ay sobrang ganda na nito kung makikita mo sa personal at hindi mawala ang ningning sa mga mata ko habang pinagmamasdan yung damit. Malambot ang tela na ginamit dito kaya hindi nakakairita sa balat. Gawa din sa balahibo ng isang mythical rabbit ang ginamit sa scarf na nakasabit sa may leeg ko kaya naman napakalambot nito at napakasarap hawak-hawakan. Napatitig ako sa sarili kong repleksyon at hindi mawala ang ngiti sa mga labi ko habang nagpaikot-ikot sa salamin. Inilagay ko na sa may tenga ko yung ear cuff at sinabit naman sa leeg ko yung mamahaling kwintas na kasama sa pinadala ni Antoine. Hapon na noong natapos kami ni Lina sa pag reready kaya pumunta na kami sa throne room kung saan gaganapin yung coronation. Hindi na namin nakita pa si Trevas dahil nakababad pa ako sa bathtub noong umalis siya dahil kailangang maaga siya sa coronation pero okay lang dahil magkikita rin naman kami sa mismong pagdiriwang. Marami na ang tao noong makarating kami ni Lina at natanaw naman namin si Lieutenant Jared sa may pinto noong throne room, malamang ay hinihintay kami. No— malamang hinihintay si Lina. Sana all. Pagkapasok namin sa loob ay sa hulihang upuan na kami nakaupo at sakto naman na pagkaupo namin ay tumayo yung hari na nakaupo sa trono sa harapan at sinenyasan ang lahat na tumayo. Tumugtog ang musikang hindi ko alam kung saan nanggagaling pero hindi ko na iyon pinansin nang bumukas ang pinto at naglakad mula roon si Trevas na kasalukuyang nakasuot ng uniporme niya bilang isang heneral. Naglakad siya papunta sa harapan ng hari at nagpalakpakan naman ang mga tao pero hindi iyon kasing lakas ng palakpak namin ni Lina na parang nanay ni Trevas na proud na proud sa kaniya. Ipinalo nung hari yung hawak niyang gintong staff at lumikha iyon ng ingay na umalingawngaw sa buong malaking silid at kasabay noon ay ang pagtahimik ng lahat. Sinenyasan ng hari ang mga tao na umupo kaya naman sabay-sabay kaming umupo at lumuhod naman si Trevas sa isang maliit na foam sa sahig na nakahanda na talaga para sa seremonyang Ito. Lumapit yung royal advisor nung hari habang sa kamay niya ay may bitbit na unan kung saan nakapatong ang isang scepter at korona. Ipinatong ng hari yung korona na mas maliit ng kaunti sa suot-suot niya at inabot kay Trevas yung scepter. Umalis sandali yung royal advisor at bago bumalik ay may bitbit nang kapa bago ito iniabot sa hari. Kinuha nung hari yung kapa bago ito isinuot kay Trevas at pinatayo ito mula sa pagkakaluhod. Humarap si Trevas sa mga tao at kasabay noon ay ang pagtayo rin namin. "I, Henrick Beifang... King of the kingdom of Beifang is proclaming Trevas Beifang as the crown prince and the heir of the throne" Pumalakpak kami ni Lina hanggang sa mamula na ang mga palad namin pero napansin ko na halos kami lang din ang pumapalakpalk dahil tahimik na nagbubulungan yung mga taong nasa paligid namin. Nasa pinaka likuran kami ng upuan kaya kitang-kita ko na nagbubulungan yung mga tao pero masyado kaming malayo para marinig ang pinag-uusapan nila. Napatingin si Trevas sa mga tao at alam ko na napansin din niya ang kakaibang reaksyon ng mga ito pero hindi niya iyon pinansin kaya hindi nalang din ako nagsalita.
1 Comment
Joanna
6/29/2020 10:24:02 pm
Next
Reply
Leave a Reply. |
AuthorBaubbleGum Archives
December 2020
Categories
All
|